You are on page 1of 35

FIL123 INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN WIKA

C. BATAYANG KONSEPTO SA PAGSASALIN

A. Pagbasag ng Mito sa Pagsasalin

B. Mga nagsasalungatang Paraan sa Pagsasalin

C. Mga simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

D. Mga Hakbang sa Pagsasalin

E. Kailan dapat manghiram?

A.PAGBASAG NG MGA MITO SA PAGSASALIN

Panimula:

Sinasabing sintanda na ng sibilisasyon ang pagsasalin, dahil na rin


sapagbabago ng panahon ay dumdami ang mga haka-haka patungkol
sapagsasalin.Dahil dito nagiging problema ito dahil na rin sa hindi nito
nakakamitang tungkulin na sana ay luminaw ang pagkakaintindi nila at
maramingmahikayat sa larang na ito, bagkus naging dahilan pa ito ng pagkalito,
atpagkadismaya.

Ano nga ba ang Pagsasalin?

- Ang Pagsasalin ay Paglilipat Diwa sa pinakanatural ng paraan ngpagwiwika ng


mga pinaglalaanang mambabasa,manonood at manlilikha.

- Proseso at Produkto

- May Kondisyong Kontekstwal at Kritikal

Mitolohiya/Mito

- Isang nakagawiang kuwento tungkol sa maaaring pinagmulan ng mgabagay-


bagay sa mundo, at kalimitang may kasangkot na mga pangyayari atnilalang na
may pambihirang kapangyarihan.

- Paniniwala o ideya na mali o hindi totoo subalit pinaniniwalaan ngmarami.

15 Karaniwang Mito sa Pagsasalin

1. Ang salitang "salin" ay Tagalog.- Hindi tagalog ang salitang "salin", galin ito sa
salitang Javanese naang ibig sabihin ay “to shift”, or to “change".
2. Madaling magsalin, mabilis lamang itong gawin.- Kailan may hindi madali ang
pagsasalin dahil kinapapalooban ito ngproseso at hakbang.

3. Basta nakapagsasalita ng wikang Filipino, mahusay magsalin sa Filipino.-


Hindi lamang ito ang kahingian sa pasasalin at kapag alam mo langang isang
wika at hindi ka bihasa doon ay hindi ka pwedeng magsalin ng mgateksto,
maliban nalang kung ang isasalin ay hindi gaanong mahaba parangmga
maiikling pangungusap lamang.

4. Sinumang marunong sa banyagang wika, pwedeng magsali.n- Ito ay mali


sapagkat kinakailagan na ang isang magsasalin ay bihasasa wika na kanyang
isasalin kapag alam niya lang ang wika eh hindi iyongarantisado na tama ang
kanyang pagsasalin kasi ang bawat wika ay maymalalalim na salita at
kahulugan.

5. Mas madaling magsalin kaysa magsulat ng orihinal na akda.- Parehong


mahirap gawin ang dalawang ito, ngunit mas mahirap angpagsasalin dahil sa
Pagsasalin kailangan mong isaalang-alang lahat unlike sapaglikha ng akda ay
malaya at may kontrol ka. Pagtagasalin ka kailanganmong bigyan ng malaking
konsiderasyon ang ipinahayag ng orihinal na mayakda sa isang teksto.

6. Ang pagsasalin ay isang segunda klaseng gawain.- Masakit itong pakinggan


at isipin. Hindi segunda klaseng gawain angpagsasalin dahil maraming dapat
isaalang-alang at proseso ang kailangangpagdaanan hindi ito ginagawa kapag
bored ka.

7. Kahit sinong tagasalin ay makakapag salin ng kahit anong materyal,


basta'talam nila ang wikang kasangkot.- Mali, dahil may limitasyon at hindi lahat
ng tagasalin ay bihasa salahat ng paksa lalo na sa pagsasaling teknikal.

8. Upang maging matapat sa pagsasalin, kailangang panatilihin angestruktura ng


lenggwahe ng simulaang teksto sa pagsasalin.- Bawat tagasalin ay may
pinanghahawakang estruktura at dito silakumukuha ng ideya sa kanilang
pagsasalin at kalimitan hindi nasusunod angsimulaang teksto kasi nga may
pagkakataong nagiging paulit–ulit ito,nakakalito at nagiging literal. Halimbawa,
pagsasalin sa Filipino mula sa Inglessa estruktura ng wikang Filipino, dalawa ang
sinusunod na estrukturasamantala sa wikang ingles naman ay isa lamang.

9. Kung ilan ang bilang ng salita sa simulaang teksto, iyon din dapat angbilang
ng itutumbas na salita sa tunguhang teksto.- Ayon kay Burton Raffel, "walang
perpektong pagsasalin." Lahat ngpagsasalin ay approximation o tinatansiya
lamang. Halimbawa ay angdubbing at subtitling.
10. Kailangan ng teorya sa pagsasalin upang makapagsalin.- Hindi
nangangailangan na dapat alam ang mga teorya sa pagsasalinupang
makapagsalin. Ngunit malaking tulong kapag alam ng isang nagsasalinang mga
mahalaga at gamiting mga teorya.

11. Ang adaptasyon ay hindi salin.- Ang adaptasyon ay isang anyo ng salin.
Ayon sa isang pahayag niRoman Jakobson, ang pagsasalin ay mayroong tatlong
lapit; intralingual,interlingual, and intersemiotic. Maraming klase ng adaptasyon
at dapat dinnatin itong tignan bilang natatanging anyo ng sining.

12. Iisa lamang ang paraan o anyo ng pagsasalin.- Hindi iisa lamang ang paraan
o anyo ng pagsasalin dahil iba-iba angmga nagsasalin, iba-iba rin ang bersyong
lalabas sa salin. Hindi natinmasasabi na mayroon lamang iisang paraan o kaya
ay iisang anyo ngproduktong salin sapagkat ang bawat pagsasalin ay
isinasagawa rin ng bawatindibidwal at bawat indibidwal ay mayroong kanya
kanyang lakas, kasanayan,antas ng kaalaman, kakayahan at atbp. kaya
napakahalagang bigyan natin ngkonsiderasyon ito.

13. Hindi dapat mabahiran ng ideyolohiya ang gawaing pagsasalin.- Bawat


indibidwal o tagasalin ay may kanya-kanyang reyalidad natinatayuan. Ang lahat
ay may sariling katangian at tayo bilang mga indibidwalay produkto ng ating mga
karanasan at ng ating pakikipag-ugnayan sa atingmundo. Importanteng ang ating
mga ideyolohiya ay hindi tataliwas saintensyon ng orihinal na akda. Ang mga
ideyolohiyang ito ay dapatmakatulong upang mas lalong mapalitaw kung ang
mga pinahihiwatig atipinapahayag na mga kaisipan ng isinasalin dahil kung hindi
ito'y pagtataksilsa tunay na intensiyon ng gawaing pagsasalin.

14. Ang mga eksperto sa wika at pagsasalin ang pinakamahusay magsalin


ngmga tekstong disiplinal.- Kahit mayroong expertise sa wika at isang expert
translator, hindi nilabasta-basta magagawa na magsalin ng tekstong disiplinal.
Ito'y dahil walasilang pedagogical training at pedagogical experience na maari
sana namakapagbigay ng buhay sa mga kaisipan na hindi madaling
maintindihan ngmga mambabasang nasa labas ng isang field o larang.

15. Mas matapat ang sa anyo ng orihinal ang salin, mas may kalidad ang salin.-
Hindi laging ganito, hindi kinakailangan na maging eksakto yung anyong iyong
bersyong salin. Maraming adjustment ang gagawin sa pagsasalin ngwika.
Kailangan iadjust mo ito sa lebel na maiintindihan ng iyong mambabasa.

B. MGA NAGSASALUNGATANG PARAAN SA PAGSASALIN


Walang isang prinsipyo o simulain sa pagsasalin ang tinatanggap
nangwalang pasubali, lalo na ng mismong natuturingang mga dalubhasa o
maymahaba nang karanasan sa larangang ito. Ang nagsasalungatang
paniniwalang mga dalubhasa ay nilagom ni Savory nang ganito:

*A translation must give the words of the original.

A translation must give the idea of the original.

*A translation should read like an original work.

A translation should read like a translation.

Nilinaw ni Savory, kung sabagay, na ang kaniyang


ginagawangpagpapangkat-pangkat ng nagsasalungatang mga sulating ay
maaaringbaguhin - bawasan, dagdagan, ayusin nang panibago ayon sa
obserbasyon opaniniwala ng iba . Maaari, halimbawa, na ang isang pares ay
ipangkat nalamang sa ibang pares, maaari ring ang isa sa isang pares ay ilipat o
isanib saisa sa ibang pares at iba pa. Ang mahalaga ay matalakay ang iba-ibang
simulain na karamihan nga ay nagsasalungatan.

Talakayin natin nang hiwalay ang bawat pares ng nagsasalungatangmga


simulain:

"SALITA" LABAN SA "DIWA"

Dapat bang piliting ang mga salita sa isinasaling teksto ay matumbasansa salin
ng singkahulugang mga salita o baka dapat na ang isalin o tumbasanay ang
diwa at hindi mga salita? Kung iisipin, ang salita at diwa ay iisasapagkat
ikinakarga lamang sa una ang huli. Ayon kay Savory, hindi naman ang ibig
sabihin sa literal na salin ay angliteral na literal o isa-isang pagtutumbas sa mga
salita sa orihinal na teksto.Kalimitan ay balangkas ng mga parirala o
pangungusap sa isinasaling tesktoang naililipat ng nagsasalin sa kanyang
pinagsasalinang wika. Kahit noongmga dakong una, ang tinatawag na literal
nasalin ay hindi naman angpagtatapat-tapat ng mga salita ng orihinal at ng salin.
May diwa ring nakukuhasa literal na salin. Kaya lang, hirap ang bumabasa
sapagkat hindi natural oidyomatiko ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan.
Ito ang tinututulan ngibang pangkat ng mga tagapagsalin

.“Dapat bang maging literal o idyomatiko ang salin?”


May mga tagapagsalin na matibay ang paniniwala sa literal na paraanng
pagsasalin sa paniniwalang ang gayon ay nangangahulugan ng
pagiging‘matapat’ sa orihinal.

May mga pagkakataon pa rin na ang isang kaisipan o ideya sa isangwika


ay hindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayongkultura
ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sapagsasalin. Isa pa,
ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo na kungang kasangkot na
dalawang wika ay hindi magkaangkan.

“HIMIG-ORIHINAL” LABAN SA “HIMIG-SALIN”

Ang isang salin ba ay dapat maging himig-orihinal o dapat maginghimig-


salin kapag binasa?

Kapag literal ang salin, humigit kumulang, ito’y himig-salin na rin. Atkapag
naman idyomatiko ang salin, humigit- kumulang, ito’y himig-orihinal.

Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salitaay


halatang-halatang katumabas ng mga nasa orihinal na teksto;
gayundin,sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng mga parirala
atpangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan.Kapag
naman idyomatiko ang salin, nagiging himig-orihinal na rin ito sapagkathindi na
halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay anupalang
sinulat sa ibang wika. Ayon sa kanila, kailangang mabasa ito nangmaluwag at
maayos ng mga mambabasa sa Filipino sapagkat kung hindigayon, hindi ito
babasahin. At kung hindi babasahin ay hindi na sana dapatpinaghirapan pang
isalin.

Sa kabilang dako, may mga tagapagsalin naman na naniniwalang


kungIngles ang orihinal, ang salin ay dapat magtaglay ng mga katangian ng
Mwikang Ingles at hindi ng M wikang pinagsalinan. Subalit ang ganitongkatwiran
ay hindi matatanggap ng mga naniniwala na ang salin ay dapatmaging himig-
orihinal. Ayon sa kanila, walang maitutulong na anuman samambabasa kung
panatilihin man sa salin ang mga kakanyahan ng wikangIngles. Karamihan daw
ng mambabasa, kaya bumabasa ng salin sapagkathindi sila gaanong marunong
ng wikang Ingles.

“ESTILO NG AWTOR” LABAN SA “ESTILO NG TAGAPAGSALIN”

Dapat bang manatili sa alin, ang estilo ng awtor? Ikalawa, dapat


banglumitaw sa salin ang estilo ng tagasalin?
Bawat awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan ay may sariling
estilo.Bagamat may mga manunulat na sa biglang tingin ay waring magkatulad
saestilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang mga ito kahit paano.

Kung ang awtor ng piyesang isinasalin ay mahilig sa “winding


sentence”,may karapatan ba ang tagapagsalin na nagkataong mahilig sa
“choppysentences” na baguhin ang estilo ng awtor at ipalit ang kanyang sariling
estilo?

Ang isang tagapagsalin, kahitbmagpilit na pumaloob sa katauhan


ngkanyang awtor, ay hindi namamalayang kumakawala siya sa
kanyang‘bilangguan’ at pinaiiral ang kanyang sariling estilo.Dapat bang manatili
sa salin ang istilo ng awtor? Dapat laging isaisip ngtagapagsalin na siya’y
nagsasalin lamang; na ang kanyang tungkulin ay ilipatlamang sa ibang wika ang
likhang-sining ng iba. Hindi niya dapat tangkaing‘pakialaman’ ang gawa ng may
gawa.

Dapat bang lumitaw sa salin ang estilo ng tagapagsalin?

Mangyari pa, walang karapatan ang tagapagsalin na pagitawin niya


angkanyang sariling estilo. Ang totoo ay hindi maisip ng awtor na ito kung
paanomagagawa ng tagapagsalin na panatilihin ang estilo ng awtor at pagitawin
angkanyang sariling estilo.

“PANAHON NG AWTOR” LABAN SA “PANAHON NG TAGAPAGSALIN”

Ang problema tungkol sa “panahon” ay lumilitaw lamang kapag


angisinasalin ay mga akdang klasiko. Kung napakahirap para sa
isangtagapagsalin na pilitin ang sariling ‘mapaloob’ sa katauhan ng kanyang
awtor,isa ring napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan
sanakaraan (panahon ng awtor) at sa kasalukuyan (panahon ng
tagapagsalin).Maibibigay na magandang halimbawa rito ang pagsasalin ng
Biblia.

Ginagamit na halimbawa ni Savory sa kanyang aklat ang “Don Quixote”na


nailathala noong 1605. Ang salin kaya ng akdang ito ay dapat manatili sa‘Old
English’ o dpat na muling isalin sa pangkasalukuyan o makabagongIngles?

Alin kaya ang higit na magugustuhang basahin ng mambabasa, angbsalin


sa makaluma o makabagong Ingles ng “Don Quixote”? Kung anglayunin ng
tagapagsalin ay upang lumikha ng orihinal na nobela sa isipan ngmga
mambabasa nito, ang sagot ay malinaw. Kailangang muling isalin
samakabagong Ingles. Isa pa, halos lahat ng mambabasa ay
intresadongmabasa ang isang akda sa pamamagitan ng uri ng wikang kanilang
sinasalita.

Ibinigay pa ring halimbawa ni Savory ang “Canterbury Tales” na sinulatni


Chaucer sa matandang Ingles. Alam natin na malaki na ang pagkakaiba ngIngles
ni Chaucer at ng Ingles ngbkasalukuyang henerasyon. Ang orihinal
na“Centerbury Tales” ay hindi na maunawaang mabuti ng maramingmambabasa
sa ngayon, kaya’t ayon sa kanya’y makabubuting isalin samakabagong Ingles.
Pati mga dasal, aniya, na sinulat ni Obispo Cranner sa“lovelist English in
existence” noong kanyang panahon ay unti-unti nangpinapasukan ng mga
pagbabago upang maiangkop sa kasalukuyang uri ngwikang ginagamit ng
bayan.

Anupat sa isyu tungkol sa “panahon” ang sagot marahil ay depende sauri


ng babasahin at kung anong “panahon” ang higit na maiibigan ngmambabasang
pinag-uukulan ng tagapagsalin ng kanyang salin.

“MAAARING BAGUHIN” LABAN SA “HINDI MAAARING BAGUHIN”

Maaari bang baguhin, bawasan o dagdagan ang isinasaling piyesa?Kung


ikaw ang awtor at may nakakaalam na tagapagsalin sa iyong akda, anoang iyong
gagawin?

Binanggit ni Savory si Lord Woodhouselee, isang kilalang pilosoper


atmanunulat, na nagsabi di umano na di dapat bawasan, dagdagan o palitan
ngtagapagsalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayonay
hindi magiging makatarungan sa awtor. Bakit babawasan, aniya, ng
isangtagapagsalin ang anumang sinabi ng awtor, maliban kung ito’y dahil
sakanyan katamaran o katangahan? At bakit daragdagan, aniya pa rin, ng
isangtagapagsalin ang isang akda? Bakit niya papalitan ang anumang sinabing
awtor? Bakit niya ilalagay sa bibig ng awtor ang isang ideya na hindi nitosinabi?

Ang totoong, hinihingi ng kagandahang-asal bago isalin ang isang


akda,kailangan humingi muna ng permiso sa awtor ang magsasalin. Kung
meronsiyang gustong ipasok na pagbabago, kailangan ihingi rin niya ng permiso
saawtor. At kung makumbinsi niya ang awtor na makatwiran ang
kanyangipapasok na pagbabago, saka pa lamang niya dapat isagawa ang
gayon.
Kung magkataong wala na ang awtor, maaaring yumao na hindi
namatunton kung nasaan, lalong dapat pakaingatan ng magsasalin na
hindimapasukan ng anumang pagbabago ang akda.

Kung malinaw na malinaw naman na ang gustong baguhin


ngtagapagsalin ay resulta lamang ng pagkakamali sa paglilimbag, ikakatuwaang
gayon ng sinumang awtor.

“TULA-SA TULA” LABAN SA “TULA SA PROSA”

Ang pagsasalin ba ng isang tula ay dapat maging patula rin? O bakamas


mabisang isalin ang isang tula sa paraang tuluyang o prosa?

C. MGA SIMULAIN SA PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

I. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin-Wika.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot saPagsasalin.-


Kailangan dito ang kahusayan sa gramatika, wastongpaggamit ng mga salita,
wastong pagbubuo, pagsusunod-sunod at iba pa.

2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.- Nakalalamang na ang


tagapagsalin na higit na maykaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na
nakasasapolsa paksa at nakakaunawa sa mga konseptong nakapaloobDito.
Halimbawa, Ang Isang gurong hindi nagtuturo ngbiology ay hindi magiging
kasinghusay na tagapagsalin ngakdang tungkol sa biology kaysa gurong
nagtuturo nito.

3. Sapat na kaalaman sa Kultura ng dalawang bansang kaugnay


sapagsasalin.Ang alin mang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taonglikas na
gumagamit nito. Ang Ingles ay wikangkasangkapan ng mga Amerikano sa
pagpapahayag ngkanilang kultura; ang Filipino ay gayundin din sapagpapahayag
ng ng kulturang Pilipino.

II. Dalawang Wikang Kasangkot sa bawat Pagsasalin

1. Simulaang Lenggwahe (SL, source language sa Ingles) na ginagamit


sateksto ng orihinal.

2. Tunguhang Lenggwahe (TL, target language sa Ingles) na ginagamit


ngtagasalin.

III. Mga Simulain sa Pagsasalin


A. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na
gumagamitnito.- Nakaugat ang lahat ng wika sa kultura kung kaya't karaniwan
ayhindi natin maisalin nang maayos ang ilan sa mga nasusulat saIngles sa ating
sariling wika buhat na ito ay nakaugat sa kulturangdayuhan.

Halimbawa:

Orihinal: Her heart is as white as snow.

Salin: Busilak sa kaputian ang kanyang puso.

B. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan.- Higit na


mayaman ang wikang Filipino sa paglalapi samantalangang Ingles naman ay sa
mga idyomatikong ekspresyon nanagbibigay sa kanila ng kanilang mga
kakanyahan. Sakaragdagan, magkaiba rin ang ayos ng pangungusap sa Filipino
at Ingles. Sa Filipino, mayroon tayong dalawang ayossamantalang sa Ingles ay
isang ayos lamang
Filipino = Karaniwang Ayos (Simuno + Panaguri).

Di-karaniwang Ayos (Panaguri + Simuno).

Ingles = Karaniwang Ayos (Simuno + Panaguri).

Halimbawa:

English: Jose watered the plants.The plants were watered by Jose.

Filipino: Diniligan ni Jose ang mga halaman.Ang mga halaman ay diniligan ni


Jose.

C. Ang isang salin upang maituring na mabuting Salin ay kailangangtanggapin


ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.

- Ito ay maituturing na mabuting salin kung ito ay tinatanggap ngmga


target na mambabasa sapagkat nailahad nito ang duwa ngisinaling literatura
gayun din ang pagiging angkop nito sa antasng pangkat ng tao.

D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyangsinasalita ng


bayan.

- Kailangan ang pagkakaroon ng pagbabago sa ating wika at


angpaghihiram ng mga salita sa wikang Ingles.

Halimbawa:

- Maynila Filipino
- UP Filipino

- NSBD Filipino

- Bulacano Filipino

- Ilocano o Bisaya Filipino

E. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula namasasabing


establisado o unibersal na ang gamit ay hindi nakailangang baguhin pa upang
umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.

- Sinusunod ng nakararami ang unibersal at establisadong akronimo


daglat upang hindi magdulot ng kalituhan at kaguluhan sa mgamambabasa.

Halimbawa:

UNO (United Nations Organization) - sa halip na Samahan ng mga


BansangNagkakaisa.

Cm. (Sentimetro) sa halip na sm. (Sentimetro).

F. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbassa


isang salita ng isinasaling teksto, gamiton ang alinman sa mga ito atpagkatapos
ay ilagay sa talababa (footnote) ang iban bilang kaguluhan.

- May mga pagkakataon na kung saan ay mayroong mgapanumbas sa


may mga sinonims at kung sakaling ito aymangyari, ilagay ito sa talababa.

Halimbawa:

Rooster - tandang / tatyaw

- Ngunit, may mga pagkakataon na kung saan ay kahit na


magkasingkaguluhan ang dalawang salita ay hindi maaaring pagpalitin ang isa't-
isa.

Halimbawa:

Lunti at Berde

G. Laging isaisip Ang pagtitipid ng mga salita.

- Dapat na maging malimit ang tagapagsalin sa paggamit ng salitasa


Pagsasalin ng wika.

Halimbawa:
Ingles: The guest arrived when the program was already over.

Di-tipid na salin: Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na angprograma.

Tipid na salin: Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.

H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag ito'ynagiging


bahagi ng pangungusap.

- Kinakailangan na tukuyin ang diwa ng salita sa loob ng


isangpangungusap upang higit na maunawaan at maging tiyak ang ibigsabihin
nito.

Halimbawa: Bata

● Umiyak ang bata – Child

● Bata pa sya – Young

● Bata ng senador ang kuya ko – Protégé

● Bata ng senador ang babaeng iyan – Mistress

● Nakita ko ang magbata sa luneta – Sweetheart

I. May pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles aykailangang


gamitan ng eupemismo sa Filipino upang maging magandasa pandinig.

- Umuusbong ang problema sa pagsasalin tuwing ginagawangtahasan


ang pagsasalin na nagdudulot ng kalaswaan sa pandinigat tuwing tahasang
sasabihin sa Filipino.

Kapag tayo ay nagsasalin sa Filipino mula sa Ingles ay nagkakaroon ng


mgasinusunod:

a. Indirection;

b. Code Switching;

c. Magkaugnay na salita; at

d. Kawalan ng likas na kakayahan.

J. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling wika ngunit hindi dapatmagpaalipin


dito.
- Kalimitan ay hindi natin matatagpuan ang kahulugan sa diksyunaryokung
kaya't kailangan nating gumamit ng "contextual meaning" at hindi"dictionary
meaning".

Mayroon tayong dalawang diksyunaryo:

1. Bidirectional na diksyunaryo - tumutukoy sa pagkakaroon ng Ingles -Filipino at


Filipino - Ingles na siyang isinulat ni Jose Villa Panganiban.

2. Unidirectional na diksyunaryo - tumutukoy sa Filipino - Ingles lamang.Sa


pagsasaling-wika, ang tagapagsalin ang siyang Diyos ng kanyangisinasaling at
hindi dapat siya magpaalipin sa anumang mga kasangkapan namakakatulong sa
pagsasalin. Nasa kanyang kamay at isip ang ikagaganda ngkanyang isinaling.

D. MGA HAKBANG SA PAGSASALINI.

Preliminaryong Gawain

A. PaghahandaAng tagasalin ay dapat na:

1. may sapat na pag-aaral sa linggwistika

2. handa at pamilyar sa tekstong isasalin ang tekstong isasalin ay


maaring:

• mga materyal teknikal o siyentipiko (agham,


teknolohiya,karunungan)

• di teknikal o malikhaing panitikan (tula, maikling


kwento,nobela)Habang binabasa ang teksto ay dapat na:

• markahan ang mga bahaging may kalabuan

• magsagawa ng pag-aaral sa background material namakukuha:

-may-akda;

-kalagayan habang isinusulat ang teksto;

-layunin sa pagkakasulat, kultura ng tekstong isasalin;

-kung para kanino ang teksto.

B. Pagsusuri (Analysis)

Habang binabasa ang teksto ay dapat:

1. maingat sa pag-aaral sa mga key word.


2. pag-ukulan ng pansin ang pagkilala sa simula at wakasng teksto
sapagkat dito mahuhulaan ang paksang-diwa.

3. tuklasin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ginamit nacohesive


devices pang-ugnay.

4. kilalanin ang pinakamahalagang bahagi.

5. bigyan ng angkop na katumbas sa wikang pagsasalinanna may diin sa


bahaging binibigyang- halaga ng may akda.

6. inaalam ang lahat ng pangyayari at kalahok.

7. pansinin ang iba pang kahulugan, mga matalinhagangkahulugan at


mga tungkuling pangretorika ng mga salita, parirala,sugnay o pangungusap.

II. Aktwal na Pagsasalin

A. Paglilipat (Initial Draft)

1. nagaganap sa isip ng tagapagsalin.

2. paglilipat ng kahulugan sa ikalawang wika.

3. mga pamamaraang pantalinhaga o panretorika ng simulaangwika.

4. mga anyong panggramatika ang gagamitin upang higit namasabi ang


tamang kahulugan.

B. Pagsulat ng Unang Burador

1.basahin muli ang ilan sa mga bahagi o tingnan muli sadiksyunaryo.


Mapapansin dito ang anyo ng tekstong isinasalin.

2.ang burador na kaniyang isusulat ay dapat lilitaw na natural omalinaw


nang hindi tinitignan ang simulaang lenggwahe.

3.iwasto ang mga nawalang impormasyon.

C. Pagsasaayos ng Unang Burador

1. Higit na mabuti kung hindi galawin ang burador ng isa ordalawang


linggo sapagkat sa ganitong paraan nagkakaroon ng bagongpagtingin.

2. Pagbabasa ng manuskrito nang malakas

1) Mga bahagi na masyadong may maraming salita


2) Mga maling anyong panggramatika o malabong kayarian

3) Maling kaayusan

4) Mali ang koneksyon

5) Collocational clashes

6) Malabo/Di maintindihan

7) Istilo

3. Tingnan ang kawastuhan ng kahulugan

1. May nawala

2. May nadagdag

3. Iba ang kahulugan

4. Walang kahulugan

4. Malinaw na lumulutang ang paksang-diwa o pangunahingkaisipan.III.


Ebalwasyon ng Pagsasalin

1. Paghahambing ng salin sa orihinal

Ang layunin nito ay upang tingnan kung pareho ang


nilalamangimpormasyon ng dalawa at matiyak na ang lahat ng impormasyon
aynailipat sa salin.Hindi dapat pareho ang salin sa forms (paimbabaw na
istrukturao ang mga salita parirala, sugnay, pangungusap na sinasalita
osinusulat) ng Simulaang Wika.Hindi dapat pareho ang salin sa forms
(paimbabaw na istrukturao ang mga salita parirala, sugnay, pangungusap na
sinasalita osinusulat) ng Simulaang Wika.

2. Balik-salin (Back-translation)

Isang taong bilinggwal sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin.Kailangan


hindi nabasa ang source text o tekstong isasalin.Bago ang back-translation
mayroon munang Literal rendering ngsalin. Isa-isang tumbasan upang maipakita
ang kayarian o structure ng salin.

What is your name?

salin: Ano ang iyong pangalan?

Literal rendering: What the your name?


Balik-salin: What is your name?

3. Pagsubok sa pag-unawaAng layunin nito ay upang malaman kung ang salin


aynaiintindihan nang wasto o hindi ng mga katutubong nagsasalita ng wikang
pinagsalinan.

Tester | Respondent

1. Higit na mabuti kung ang tester ay hindi ang taongnagsalin.

2. Alam ng respondent na hindi siya ang sinusubok kundiang salin.

3. Itinatala ng tester ang lahat ng mga sagot ng respondent.

4. Magsasagawa ng evalwasyon ang tester at ang tagasalin.

1. Overview. Ipinapasalaysay sa respondent angmateryal na


binasa. -upang matiyak ang pangunahingpangyayari/paksang-diwa ay
maliwanag.

2. Pagtatanong tungkol sa salin. Dapat ito’ynakahanda, napag-


isipan ng maayos. Upangmakapagbigay ng impormasyon tungkol sa istilo,
tema, odetalye ng akda.

4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin(Naturalness Test)

Ang layunin nito ay upang matiyak na ang anyo ng salin aynatural at


nababagay ang estilo. Madaling basahin at malinaw ang mensahe.

• Ginagawa ito ng review (manunulat/skilled writers,bilinggwal)

• Handang mag-ukol ng panahon para basahin ng mabuti

Paraan:

1. Babasahin ng reviewer ang buong salinupang tingnan ang daloy


at pangkalahatangkahulugan.

2. Mamarkahan ng reviewer ang mgabahaging mahirap


basahin/hindi malinaw.

3. Babalikan niya ang mga bahagingminarkahan niya.

4. Magbibigay siya ng mga mungkahi sanagsalin gaya ng


pagpili ng tamang salita, wastonggramatika.

5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test)


Ito’y isinasagawa ng mga nagsalin o tester sa pamamagitan ngpagbasa
ng isang tagabasa sa isang bahagi.Ang readability test ay maari rin
maapektuhan ng formattingmatters. (tipo, bantas, baybay, laki ng marjin, at
puwang sa pagitan nglinya)

6. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test)

• May kinalaman sa nilalaman ng salin

• May kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon opaggamit ng


pananalita.

Maaaring hindi na naging konsistent ang tagasalin sa paggamitng mga


leksikal na katumbas para sa ilang mga key terms.

PAGSASALING TEKNIKAL

-Ito ay may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man opanlipunan,


at sa mga disiplinang akademiko na nangangailangan ng angkopna
espesyalisadong wika.

-Ang unang hakbang na nasasangkot sa pagsasalin ay angpagpapasiya


muna kung karapat-dapat isalin ang isang teksto o hindi.

-Ang pangalawang hakbang na nasasangkot sa pagsasalin ay bakitdapat


maging sapat ang salin?

Rose Culture ni Tomas D. Cadatal.

“Roses, generically known as Rosa, belong to a large group of


shrubs,herbs and trees of the family Rosaceae. This family includes
strawberries,peach, almond, apple, apricot, and others. One feature that links
themtogether is the production of a flower bud with varying numbers of petals
fromfive to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit
iscalled hip. The rose hip is said to be a good source of Vitamin C next to
Citrusfruits.”

Isina-Filipino at ipinalimbag ito ng Technology and Livelihood


ResourceCenter (TLRC) sa polyetong pinamagatang “Pag-aalaga ng Rosas."
Ganitoang salin ng TLRC:

“Ang Rosas ay kilalang Rosa na kasama sa malaking grupo


ngpalumpong, damong-gamot at puno ng pamilya Rosaceae. Sa pamilyang
itokasama ang strawberries, peach, almond, mansanas, apricot at iba pa.
Angkatangiang nag-uugnay sa kanila ay pagsusupling ng buko ng bulaklak
namay iba’t ibang bilang ng talulot na nagmumula sa lima hanggang
animnapu.Lahat sila’y nagbubunga kahit na ang rosas. Ang di magulang na
bunga aytinatawag na hip sa Ingles. Ang hip ng rosas aysinasabing mainam
napagkunan ng Bitamina C, na pumapangalawa sa prutas na sitrus.”

1. Saling Seyintipiko
Isa pang salin ng TLRC
ang Mga -Halamang
Panangkap at Pampalasa
mula sa Herbs and Spices
ni Constancio C. de
Guzman. Anang orihinal sa
English:
SWEET BASIL
Scientific Name: Ocimum
basilicum, L.
Common Names:
Balanoy (Tagalog); Sweet
Basil (English); Bazilik
(Russian); Basilic
Commun
(French); Tulasi
(Indonesian); Lo-le
(Chinese): Basilien
(German); Meboki
(Japanese); Basilkort
(Swedish)
Basil contains about 1.5
percent volatile oil, the
substance responsible for
its
soothing, sweet aroma.
Among the major
components in this
essential oil are
ocime, pinene, anethol,
terpine hydrate, cineol,
eugenol, methyl chavicol
and
linalool. The most
abundant component,
however, is linalool, which
ranges
from 80.2 percent -87.3
percent. This oil is used to
keep away bugs and flies.
It also possesses antiseptic
properties against Bacillus
typhasum and inhibits
the activity of several
species of fungi.
Naglalaglay ang balanoy
ng 1.5 porsiyento ng
volatile na langis, ang
sustansiya na nagdudulot
ng matamis na aroma.
Kabilang sa mahahalagang
langis na ito ay ang ocime,
pinene, anethol, terpine
hycdrate, cineol, eugenol,
methyl chavicol at linalool.
Ang pirakamaranming
bahagi nito ay ang linalool
na ang dami ay nagmula sa
80.2 porsiyento hanggang
87.3 porsiyento. Ang
langis na ito ay ginagamit
pang-alis ng surot at
langaw. May taglay din
itong
panlabang gamot o
antiseptiko laban sa
mikrobyong Bacillus
typhosum at
nasusugpo ang maraming
uri ng amag.
1. Saling Seyintipiko

Isa pang salin ng TLRC ang Mga -Halamang Panangkap at


Pampalasamula sa Herbs and Spices ni Constancio C. de Guzman. Anang
orihinal sa English:

SWEET BASIL

Scientific Name: Ocimum basilicum, L.

Common Names:Balanoy (Tagalog); Sweet Basil (English); Bazilik (Russian);


Basilic Commun(French); Tulasi (Indonesian); Lo-le (Chinese): Basilien
(German); Meboki(Japanese); Basilkort (Swedish)

Basil contains about 1.5 percent volatile oil, the substance responsible for
itssoothing, sweet aroma. Among the major components in this essential oil
areocime, pinene, anethol, terpine hydrate, cineol, eugenol, methyl chavicol
andlinalool. The most abundant component, however, is linalool, which
rangesfrom 80.2 percent -87.3 percent. This oil is used to keep away bugs and
flies.It also possesses antiseptic properties against Bacillus typhasum and
inhibitsthe activity of several species of fungi.

Naglalaglay ang balanoy ng 1.5 porsiyento ng volatile na langis, angsustansiya


na nagdudulot ng matamis na aroma. Kabilang sa mahahalaganglangis na ito ay
ang ocime, pinene, anethol, terpine hycdrate, cineol, eugenol,methyl chavicol at
linalool. Ang pirakamaranming bahagi nito ay ang linaloolna ang dami ay
nagmula sa 80.2 porsiyento hanggang 87.3 porsiyento. Anglangis na ito ay
ginagamit pang-alis ng surot at langaw. May taglay din itongpanlabang gamot o
antiseptiko laban sa mikrobyong Bacillus typhosum atnasusugpo ang maraming
uri ng amag.

2. Salin ng Batas

Pagsalit-salitin na orihinal na nasusulat sa Ingles at ang salin ni Cesar C.


Peralejo. Natatangi si Peralejo sa mga hukom sa Pilipinas dahil sa
kanyangpagsusumikap na maisa-Filpino ang mga batas.

Local Government Code 1991 (Republic Act No. 7160)

Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 (Batas Republika Blg. 7160)

Book I, Title One, Chapter 1, Section 2

Unang Aklat, Unang Titulo, Kabanata 1, Seksiyon 2

Declaration Policy

Pagpapahayag ng Patakaran

(a) It is hereby declared the policy of the State

(a) Ipinahahayag na patakaran ng Estado

that the territorial and political subdivisions of the State

na ang mga subdibisyong teritoryal at political ng Estado

shall enjoy genuine and meaningful local autonomy

ay dapat magtamasa ng tagumpay at makabuluhang local na awtonomiya

to enable them to attain their fullest development as self-reliant communities

upang matamo nito ang lubos na kaunlaran bilang mga pamayanangnagtitiwala


sa sariling kakayahan
and make them more effective partners in the attainment of national goals

at maging mabisang kabalikat Sa pagkakamit ng pambansang adhikain

Toward this end, the State shall provide for a more responsive andaccountable
local government structure instituted through a system ofdecentralization
whereby local government units shall be given more powers,autority,
responsibilities, and resources.

Tungo sa layuning ito, Maglalaan ang Estado ng lalong makatutugon


atnananagutang balangkas ng pamahalaang local na itinatag sa paraan
ngdesentralisasyon na ang lokal na mga sangay ng Pamahalaan ay bibigyan
nghigit na mga kakayaha kapangyarihan, mga pananagutan at mga pagkukunan.

The process of decentralization shall proceed from the National Governmentto


the local government units.

Ang proseso ng desentralisasyon ay magmumula sa PambansangPamahalaan


patungo sa mga sangay ng pamahalaang local.

PAGSASALIN NG TULA

Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin:

Ayon kay savory, si posgate ang nagsabi sa kanyang aklat


translationsand translators na Ang isang prosa o tulugan ay dapat masalin sa
paraangtuluyan din at ang tula ay paraang patula rin.

Si Matthew Arnold man ay naniniwala na kung isasalin sa paraangtuluyan


ang isang tula, Ang salin ay kailangang magtaglay ng mga katangianng tula.

TEKNIK o PARAAN NG PAGSASALIN NG TULAHALIMBAWA:

A Home Song( Henry Van Dyke)

I read within a poet’s book

A word that starred the page:

“Stone walls do not a prison make,


Nor iron bars a cage.”

Yes, that is true, and something more,

You’ll found where’er you roam,

That marble floors and gilded walls

Can never make a home.

But every home where love abides

And is a guest is truly home,

And home sweet home!

For there the heart can rest.

UNANG HAKBANG:

Pagpapakahulugan

• Dalawa ang karaniwang estilo ng “paraphrasing” na sinusunod ng


mgatagapagsalita.

Estilo A

• Linya por linya ang pagpapakahulugan kung ang balak nga tagapagsalin ay
linya por linya rinn ang kanyang gagawing pagsasalin.

A Home Song (Henry Van Dyke)

1. a. Nabasa ko sa aklat ng isang makata

b. ang ganitong salita na namumukod sa isang pahina

c. “Ang pader na bato ay hindi bilangguan;

d. gayundin, ang rehas na bakal ay hidi hawla.”

2. a. Oo, totoo iyon, at totoo pa rin

b. Na Makikita mo kahit saan ka magpunta

c. na ang sahig na marmol at ginintuang pader,

d. kailan man ay hindi maituturing na tahanan.


3. a. Subalit ang tahanan na tinatahanan ng pagmamahalan

b. at ang pagkakaibagan ay panauhin

c. ay tunay na tahanang at napakatamis na tahanan

d. Sa pagkat doon ang puso ay makapagpapahinga.

Estilo B

Kung Hindi linya por linya ang balak na gagawing pagsasalin na angibig sabihin
ay maaaring magkapalit-palit ng pusisyon ang mga linya o angmga bahagi ng
mga linya, ang “paraphrasing “.

A Home Song (Henry Van Dyke)

1. Sa aklat ng isang makata ay namumukod sa isang pahina ang ganitong“salita


ang pader na bato ay hindi bilangguan at ang rehas na bakal ay hindirin hawla.”

2. Oo, totoo iyon, at totoo parin na makikita mo kahit saan ka magpunta naang
sahig na marmol at ginintuang pader, kailanman, ay hindi maituturing natahanan.

3. Subalit ang bawat tahanan na pinananahanan Ng pagmamahalan


atpakikipagkaibigan ay panauhin, iyon ang tunay na tahanan at tahanangkagiliw-
giliw sapagkat doon ang puso ay makapagpapahinga.

IKALAWANG HAKBANG: PAGBUO NG PANSAMANTALANG MGATALUDTOD

● Pagkatapos ng pagpapakahulugan, sisimulan nang bumuo ng


mgapansamantalang taludtod na may sukat at tugma ang tagapagsalin,batay sa
pagpapakahulugang isinagawa sa bawat linya kung linya porlinya ang gagawing
pagsasalin. Kung hindi naman linya por linya angparaang gagamitin, kukunin ng
tagapagsalin ang diwang saknong atsusubukin niyang bumuo ng mga taludtod
batay sa diwa ng saknong athindi sa diwa ng bawat taludtod.

● Ang mabubuong burador ang paulit-ulit na pakikinisin ng


tagapagsalinhnaggnag umabot sa bahaging siyay siyang, siya na sa kanyang
salin.

● Sa kabilang dako, may mga nagsasalin naman na tula – sa – tula nakaagad


ang ginagamit na teknik. Ito marahil ang pinaka popular opinaka karaniwang
teknik. Isasalin na muna ng isasalin ang buong tulaat pagkatapos ay saka isa-
isang babalikan ang mga salin na karaniwanay paisa- isa isang saknong
hanggang sa kuminis ng kuminis ang salin.

● Sa pagpapakinis ng salin maging ano mang teknik ang ginagamit,kaalin sabay


ng pagpili ng sa palagay ng tagapagsalin ay pinakaaangkop na mga salita. Ang
karaniwang pinag tutuonan- ng pansin ngtagapagsalin ay ang pagaayos ng mga
mga sesura, ang pagtutugma-tugma ng mga salita kung ang salin ay
kumbensyunal, ang paggamit ng mga tayuta, ritmo at kung paano higit na
magiging matulain ang mgapahayag.

E. Kailan dapat manghiram?

Panimula

Ang dating Dalubhasang Normal ng Pilipinas ay pumasok sa


isangkasunduan na isasalin sa Filipino ang mga materyales pang-agham
nainihahanda noon ng Science Education Center ng Unibersidad ng
Pilipinas.Bilang paghahanda, nagsagawa ang Language Study Center at
MaterialsDevelopment Unit ng PNU ng isang sarbey upang alamin ang uri ng
salin samga kagamitang pang-agham na higit na maiibigan ng mga gagamit.

Suliranin sa Pagsasalin

Ang isa sa malubhang suliranin na kinakaharap ng isang tagapagsalinsa


Filipino ng mga katawagang istandardisado na maitutumbas sa mgakatawagang
pang-agham ng Ingles. Malimit mangyari na hindi matiyak ngnagsasalin kung
alin sa mga salitang maaaring itumbas sa isang salitangteknikal ang higit na
tatanggapin ng gagamit ng salin.

Pinag-aralang mga Uri ng Salin

● Salitang Kastila na hindi binago ang ispeling(S- liquido)

● Salitang Ingles na hindi binago ang ispeling(E- liquid)

● Salitang Kastila na binaybay ayon sa Abakada(S-likido)

● Salitang Ingles na binaybay ayon sa Abakada(E2-likwid)

Ang isinalin na katawagang”likido” at “likwid” ay kapwa nauunawaan


ngisang nakapag-aral na Pilipino, ngunit lumalabas sa sarbey na higit na ibig
ngmga tagapagsagot ang ”likido” kaysa sa “likwid”. Ang isa sa mga dahilan
nitomarahil ay ang higit na mahabang panahong pagkakahantad ng mga Pilipino
sa wikang Kastila kaysa sa Ingles dahil sa kahabaan ng panahong aktwal
napananakop ng Espanya sa Pilipinas, higit na maraming salita sa
tayongnahiram sa Kastila kaysa sa ibang wika. Maidaragdag pa rin na mas
madalingmanghiram sa Kastila kaysa Ingles sapagkat parehong konsistent
angpalabaybayan ng mga ito.

Sa kabuuan ng sarbey,masasabing:

● Paghihiram ng salita na binaybay nang ayon sa sistemangsinusunod sa


Filipino, na kung ano ang bigkas ay siyangsulat.

● Panghihiram sa halip na paglikha

● Kung ang katawagang Ingles ay may katumbas sa Kastila,iyon ang hinihiram,


sa halip na hiramin ito ng tuwiran

● Higit na naiibigan ang mga salitang palasak na sa bibig ngbayan, maging


katutubo, likha, o kahit saang wika hiniram

● Limitadong panghihiram hangga’t maaari; lumikha lamangkung sadyang


kailangang- kailangan

● Patuloy na gagamitin sa mga karaniwang salita angdalawampung(20)titik ng


datingabakada(a,b,k,d,e,g,h,i,l,m,n,ng,o,p,r,s,t,u,w,y)

● Gagamitin ang c,f,j,q,v,x,z,ch,ll,rr,n,sa ma pangalangpantangi(ngalang tao,


lugar atb)at sa mga katawaganglubhang teknikal na hindi karaka-raka
maaasimila saFilipino dahil sa ispeling na di-konsistent

● Kung maaaring manghiram kapwa sa Kastila at Ingles,siyang gagamitin ang


salitang Kastila, maliban kungpalasak nang ginagamit ang salitang Ingles.

● Kung hindi maiiwasan ang paglikha ng salita, hangga’tmaaari ay kailangang


ang isa sa mga bahagi ng salita ay buong salitang-ugat na ang kahulugan ay
tumutugon sakahulugan ng katawagang tinutumbasan.

● Maaaring gamitin ang mga salitang galing sa ibang wika saPilipinas o sa ibang
wikang banyaga, bukod sa Ingles oKastila, kung ang naunang mga tuntunin ay
hindi magamitsa dahilang walang salitang makukuha o malilikha

Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles

Paraan I - Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitangIngles


at pagbaybay dito nang ayon sa palabaybayang Filipino. Kunghihiramin,
halimbawa, ang salitang”electricity,” kunin ang katumbas nito
saKastila-”electricidad”at pagkatapos ay baybayin ito nang”elektrisidad”
Paraan II - Paghiram sa katawagaang Ingles at pagbaybay dito nangayon
sa palabaybayang Filipino.

Ang paraang ito ay karaniwang isinasagawa:

A. kung hindi maaari ang Paraan I

B. kung walang katutubong salita na magagamit bilang salinng


katawagang Ingles.

Halimbawa:

Ingles- “Christmas Tree”

Filipino- “Krismas Tri”.

Pansinin na mayroon tayong ”Pasko” at “puno” ngunit hindi maaari ang


”Pamaskong Puno”.

Ingles- “Tricycle”

Filipino “Traysikel”.

Ang katumbasng ”bicycle” ay ”bisikleta”. Ang ginamit na paraan I.


Subalitang”tricycle”ay hindi na naging ”trisikleta”.

Paraan III - Paghiram sa katawagang Ingles nang walang pagbabagosa ispeling.


Ginagamit lamang ang paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo ang
bigkas sa ispeling. Ginagamit lamang ang paraang ito kapagang hinihiram na
salita ay malayo ang bigkas sa ispeling o kaya ay sapangngalang pantangi,
gayundin sa mga salitang hiram sa iba’t ibangkatutubong wika sa Pilipinas na
may unikong katangian. Dito rin sa paraangito magagamit ang mga letrang wala
sa 20 letra ng dating Abakada.

Ilang halimbawa:

• Lingua franca • Manila Zoo • Chess • Golf


• Juan dela Cruz • Coke • Visa • Quezon City

Kung gagamitin ang mga letrang c,f,j,n,q,v,x,z,ch,ll,rr sa mgakaraniwang


salita, ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkatmaraming mga salita
ang magkakaroon ng iba’t ibang ispeling. Angsalitang ”coche”, halimbawa, ay
tinutumbasan natin sa Filipino ng kotse.Subalit kung hindi magkakaroon ng
kontrol sa paggamit ng”c”at “ch”, maaariring tanggapin ang sumusunod na mga
baybay:coche-cotse-koche. Kapagganito ang nagyari, magiging napakagulo ng
sistema ng pagbaybay na ituturong paaralan.

Samakatwid, sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino,


hangga’tmaaari ay dapat manatili ang isa-sa-isang pagtutumbasan ng ponema
omakahulugang tunog at ng letra o titik. Ang mga letrang c,f,j,n,q,r,x,z ay
hindidapat mapasama sa pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat hindi
panagrereprisinta ang alinman sa mga ito ng makahulugang tunog (ponema)
saFilipino.

Ang ”Maugnaying Filipino”ng NSDB (National Science Development Board)


Dr.Rogelio Relova at Engr. Gonsalo del Rosario

● tinangka ng Lupon na bumuo ng mga katawagan oterminolohiyang


pang-agham sa Filipino na may”internal consistency”o pagiging
maugnayin.Lansakan ang ginawangpaglikha ng Lupon ng mga terminolohiyang
pang-agham, isangparaang maituturing na salungat sa normal na pagpapaunlad
ng wika.

Mga Kahinaan ng”Maugnayin”

1. Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa


ibangkatutubong wika sa Pilipinas ay walang sistema.

2. Lumikha pa ng mga katawagan gayong may mga salita para samga ito
na palasak na sa bibig ng bayan

3. Ang paghiram ng mga salita at panlapi sa ibang katutubong wikaat


pagkatapos ay pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan.

4. Maraming likhang salita ang lubhang mahaba,walang kahulugankahit


sa mga napakahusay sa Filipino at nakapipilipit ng dila.

5. Ang pagbuhay ng mga patay nang salita. Namamatay ang isangsalita


kung wala nang gumagamit nito; kung hindi na ito kailangansapagkat may kapalit
nang ibang salita na higit na mabisa, lalo nakung hiram sa wika ng dating
mananakop.

Kalakasan ng “Maugnayin”

● May mga likhang salita ang “Maugnayin” na tumatama sapangangailangan ng


inilunsad ng pamahalaan na pagpaplano ngpamilya.
● Ang”Maugnayin”ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibangwika, lalo na
sa Ingles na labis na nakakaimpluwensya sa wikangFilipino sa ngayon.

● Ang panghihiram ng”Maugnayin”sa iba’t ibang wikang katutuboay ikinatutuwa


ng mga di-tagalog,lalo na ng mga nagsasabingang wikang binabansagan nating
Filipino,ay wikang tagalog lamang.

Ang Alpabetong Filipino at Pagsasaling-Wika

● Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling- wika sa aklatna ito ay ang


pasulat, nararapat lamang na magkaroon angmagsasagawa ng pagsasaling-
wika ng mga batayang kaalamansa anyong pasulat ng Filipino, ayon sa
kasalukuyang AlpabetongFilipino. Gaya ng nabanggit na, walang problema kung
angpanghihiram ay pasalita, subalit sa sandaling tangkaing isulat angmga
salitang hinihiram, doon na lilitaw ang problema sa ispeling.

Bilang ng mga letra

● Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra sa ayos ng sumusunod:A, B, C,


D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W,X, Y, Z. Sa 28
letrang ito ng alpabeto, ang 20 letra lamang ng datingAbakada ang gagamitin sa
mga karaniwang salita. Samakatwid,mananatili ang tuntuning”kung ano ang
bigkas ay siyang sulat, at kungano ang sulat ay siyang basa.”

● Gamit ng 8 dagdag na mga letra. Ang walong dagdag na mga letra (C,F, J, N,
Q, V, X, Z) ay gagamitin lamang sa mga:

1. Pantanging ngalan ng tao, lugar, produkto, pangyayari,gusali

2. Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang maaasimiladahil kapag


binaybay nang ayon sa ating sinusunod nasistema ng pagbaybay ay malalayo na
ang orihinal na anyosa Ingles, kayat nagkakaroon ng tinatawag na
visualrepulsion sa mambabasa

3. Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’tibang


katutubong wika.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM

1. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay angleksikon


ng kasalukuyang Filipino, kung mayroon.

Halimbawa:

Hiram na salita Filipino


Rule tuntunin

Ability kakayahan

Skill kasanayan

East silangan

2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila,unang


preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitangKastila ang
pagbaybay sa Filipino. Halimbawa

Ingles Kastila Filipino


Check cheque tseke

Liter litro litro

Liquid liquid likido

Education educacion edukasyon

3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaringhindi


mauunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang
katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa mgasumusunod na paraan: Kung
konsistent ang ispeling ng salita, hiraminito nang walang pagbabago.

Halimbawa:

Ingles Filipino

Reporter reporter

Editor editor

Soprano soprano

Alto alto

Memorandum memorandum

4. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayinnang


konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada.

Halimbawa:

Ingles Filipino

Control control
Meeting miting

Leader lider

Teacher titser

5. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaring baybayin sadalawang


kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.Halimbawa:

Barangay barangay

Kongreso konggreso

Tango tanggo(sayaw)

Kongresista konggresista

Bingo bingo

MGA SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio, et.al. Patnubay sa Pagsasalin. Anvil Publishing,Inc. Pasig City.


1996, 2003.

Dequena, Judie M. (n.d). FIL111 MGA NAGSASALUNGATANGPARAAN SA


PAGSASALING WIKA. scribd.com. RetrievedOctober 2, 2022
fromhttps://www.scribd.com/document/532162074/FIL-111-MGA-
NAGSASALUNGATANG-PARAAN- SA-PAGSASALING-WIKA-HANDOUTS

Jarabejo, W. (n.d.) Kabanata 4 - Mga Simulain Sa Pagsasaling-Wika. Retrieved


fromhttps://www.scribd.com/document/491677751/KABANATA-4-MGA-
SIMULAIN-SA-PAGSASALING-WIKA

Mabasa, D. (2018, October 11). Akdang Pampanitikan.SlideShare. Retrieved


October 3, 2022, fromhttps://www.slideshare.net/dorotheemabasa/akdang-
pampanitikan-119125078

Manuyag, E. L. (2022, January 21). Pagsasalin ng Tula.SlideShare. Retrieved


October 3, 2022,
fromhttps://www.slideshare.net/EldrianLouieManuyag/pagsasalin-ng-tula

Prelims - Lecture notes 1-3 - Filipino preliminary period Aralin 1:Kahulugan,


Layunin at Kaligirang. StuDocu. (2020).Retrieved October 3, 2022,
fromhttps://www.studocu.com/ph/document/pontifical-and-royal-university-of-
santo-tomas-the-catholic-university-of-the-philippines/komunikasyon-sa-
akademikong-filipino/prelims-lecture-notes-1-3/13725200
PROF. LEl. (2021, January 16). Mga Batayang simulain SApagsasaling-wika.
YouTube. Retrieved October 3, 2022,from https://www.youtube.com/watch?
v=q7xu_b_Xj-E

Radaza , I. N. (2016, November 23). Hakbang-Hakbang na Yugtong Pagsasalin.


SlideShare. Retrieved October 3,
2022,fromhttps://www.slideshare.net/IrahNicoleRadaza/hakbanghakbang-na-
yugto-ng-pagsasalin

Red, G. (2015, March 7). Panghihiram ng mga katawagang pang-


agham:pagsasaling-wika.
Www.Slideshare.Net.https://www.slideshare.net/GinalynRed/pagsasaling-
wikareportmaed?
fbclid=IwAR1abIR09ocRVJYAgX1f2VlgahIJ72aUhE1AszMF2cDdkPSCk-
f8ZJzzke8

Santiago, A. O. (2003). Sining ng Pagsasaling-Wika sa Filipinomula sa Ingles.


Ikatlong Edisyon. Quezon City:RexBookstore.

Sison-Buban, R. E. (2020, August 22). Facebook - Meld je aan ofregistreer je


[Video]. Facebook. Retrieved October 2, 2022,fromhttps://-www.facebook.com/-
PSLLF/videos/-325650528633984/-?mibextid=xMPGFH8J1QP-1ilY8

Kalakasan ng
“Maugnayin”
● May mga likhang salita
ang “Maugnayin” na
tumatama sa
pangangailangan ng
inilunsad ng pamahalaan
na pagpaplano ng
pamilya.
● Ang”Maugnayin”ay
nakapipigil sa labis na
panghihiram sa ibang
wika, lalo na sa Ingles na
labis na
nakakaimpluwensya sa
wikang
Filipino sa ngayon.
● Ang panghihiram
ng”Maugnayin”sa iba’t
ibang wikang katutubo
ay ikinatutuwa ng mga di-
tagalog,lalo na ng mga
nagsasabing
ang wikang binabansagan
nating Filipino,ay wikang
tagalog
lamang.

You might also like