You are on page 1of 70

KASAYSAYAN NG

PAGSASALING-WIKA
SA DAIGDIG
ANDRONICUS

• Kinikilalang unang tagasalig-wika mula sa Europa


• Isinalin niya sa paraang patula ang Odyssey ni Homer
noong 240 B.C.
• Naevius
• Ennius
• Cicero
• Catulus
ARABIA

• Noong ikalawa hanggang ikasiyam na siglo mula sa


kamangmangan ay gulot ng mga pagsasaling-wika na
isinagawa mula sa wikang Griyego na noon ay siyang
prinsipal na daluyan ng iba’t ibang karunungan sapagkat
ang bansang Gresya noon ang kinikilalang sentro ng
sibilisasyon
SYRIA

• Isang pangkat mula rito ang laging nababanggit kung pagsasaling-wika


ang pag-uusapan
• Sila ang nagsalin sa Arabic mula sa Baghdad ng mga isinulat nina
Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang kilalang pantas at
manunulat.
• Naging kilalang lugar para sa mga paaralang may pagsasaling-wika
TOLEDO

• Napalitan naman ng Toledo ang Baghdad bilang


lugar ng mga tagapagsalin dahil sa marami sa
kanila ay natuon ang pansin sa pagsusulat ng mga
artikulong pampilosopiya.
• Isinalin sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabic
TOLEDO

• Nasa humigit-kumulang isandaang taon ang pagiging sentro


ng lugar para sa pagsasalin.
• Sina Adelard at Retines ang dalawang kilalang tagapagsalin
na mula rito.
TOLEDO

• Sinalin ni Adelard sa Latin ang mga sinulat ni Euclid na


unang nakasalin sa Arabic.
• Si Retines ang nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.
• Noong 1200 A.D. ay nakarating sa Toledo ang mga
orihinal na teksto ng mga sulating literatura na may
wikang Griyego.
- Mga imahe mula kay pareng Google

GESTORUM BARLAAM ET JOSAPHAT

• Ang orihinal na teksto ay nasusulat sa Griyego.


• Naisalin na sa iba’t ibang wika sa Europa ang Gestorum Barlaam et
Josaphat kung kaya napilitan na lamang ang simbahang Latino na
kilalanin bilang santo at santa sina Barlaam at Josaphat, dalawang
tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang mga
ito ay kathang-isip lamang.
• Ang pangyayaring ito ay itinuturing na siya marahil na
pinakadikaraniwang natamo ng alinmang pagsasaling-wika sa daigdig.
IKALABINDALAWANG SIGLO

• Ayon kay Savory, ito ang panahon na


pinakataluktok ang pagsasaling-wika.
• “ang pagsasaling wika ng mga panahong iyon ay
maaaring napantayan na sa kasalukuyang panahon
ngunit hindi pa nahihigitan” (1968)
BIBLIYA

• Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Biblia ay sinasabing wala


na.
• Nasusulat ito sa wikang Aramaic ng Ebreo na pinaniniwalaang
pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag
na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.
• Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin ni Tyndale at Coverdale
BIBLIYA

• Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin ni Tyndale at


Coverdale.
• Sa wikang Aleman, ang kinikilalang mabuting salin ay ang
kay Martin Luther (1483-1646).
• Ang unang sa salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala
sa tawag na Douai Bible.
BIBLIYA

• Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya,


naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa
orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan.
• May dalawang dahilan kung bakit isinalin ang Bibliya:
• Ito ay tumatalakay sa tao – kanyang pinamulan, kanyang layunin at
kanyang patutunguhan.
• Dahil sa hindi mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.
BIBLIYA

• Ang mga naunang salin ng Bibliya ay nababago pa rin sa kasalukuyan dahil sa:
• Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa
maraming bahagi ng mga unang salin;
• Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; at
• Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na haos maunawaan
ng kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.
BIBLIYA - ANG MGA KINILALANG BERSYON NITO.

• Geneva Bible – ito ay isinagawa nina William Whittingham at John Know. Ginamit ang
Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Tinagurian itong “Breeches Bible”.
• Authorized Version – ito ang naging pinakamalaganap at hindi na malalampasan. Nakilala
ito dahil sa naging panuntunan na ang oagsasalin ay dapat maging matapat sa orihinal
na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni Haring James
sa pagsasalin ng Bibliya.
• The New English Bible – ang naging resulta ng pagrebisa ng Authorized Version.
Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay inilimbag ng Oxford University.
• Nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na
panitikan ang bansang Germany.
• Nakilala si Jacques Amyot, isang obispo sa Auxerre na
siyang tinaguriang “Prinsipe ng Pagsasaling-wika” sa Europa.
• Isinalin niya sa wikang Aleman noong 1559 ang Lives of Famous
Greek and Romans ni Plutarch na naging batayan sa pagsasalin
nito sa Ingles ni Sir Thomas North noong 1579. Dito nagsimula
ang pagsasalin pa ng teksto sa ibang wika.
• Nakilala sa Inglatera noong 1467-1553 si John Bourchier.
• Karamihan sa kanyang mga salin ay mula sa wikang Kastila na
sa ngayon ay hindi na kinawiwilihang basahin, ayon pa rin kay
Savory.
• Subalit si Bourchier ay nakatala sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa
Alemanya bilang tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart, isang awtor
na ang paksa at estilo ay kanyang kinagigiliwan. (Santiago,2003)
• Itinuring ni Savory na sa panunungkulan ni Elizabeth I ang unang
panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera at kay Elizabeth II ang
panahon ng pinakatuktok ng pagsasalin.
• Ang pambansang diwang nangingibabaw ng panahong ito ay ang
pakikipagsapalaran at pananakop na kapansing-pansing layunin din ng
ibang tagapagsalin – ang pagtuklas ng anomang pagbabago sa panitikan.
• Ayon pa rin sa kanya, si Thomas North ang kinilalang pinakadakila sa mga
tagapagsalin sa Inglatera nang panahong ito,
• Ang salin ni George Chapman sa mga sinulat ni Hoer ay
nalathala sa pagitan ng 1598 at 1616
• Noong 1603 ay lumabas ang salin ni John Florido sa
Essays ni Montaigne, isang babasahing itinuturing na
kasinghusay ng Plutarch ni North.
• 1612 nung isalin ni Thmas Shelton ang Don Quixote.
IKALABIMPITONG SIGLO

• Maituturing na tulad din halos ng dalawang nakaraang siglo na ang


kinawiwilihan ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literatura sa
ibang bansa.
• Salin ni Hobbles sa Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan ng
mambabasa gayundin ang salin ni John Dryden sa Jevenal at Virgil.
• Si Dryden ay ibinibilang na isa sa mahuhusay na tagapagsalin. Siya ang
kauna-unahang kumilala na ang pagsasaling-wika ay isang sining.
IKALABINGWALONG SIGLO

• Ang PAGSASALING-WIKA ay masasabing kasing sigla pa rin ng mga


nakaraang siglo.
• Binanggit ni Savory ang salin nina Alexander Pope at William Coper sa ingles ng
Homer sa paraang patula.
• Ang salin ni Pope sa Iliad ay lumabas sa pagitan ng 1715 at 1720; ang kaniyang
Odyssey ay noong 1725 at ang Odyssey naman ni Cowper ay noong 1791. Sa
mga panahon ding iyon lumabas ang salin ni A. W. von Schlegel sa Aleman ng
mga gawa ni Shakespeare.
TATLONG PANUNTUNAN SA PAGKILATIS SA ISANG
SALIN NI ALEXANDER TYTLER

• Noong 1972 ay nalathala ang isang namumukod na aklat ni Alexander


Tytler na may pamagat na Essay on the Principles of Translation. Doon ay
naglahad siya ng 3 panuntunan sa pagkilatis sa isang salin.
1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa o mensahe.
2. Ang estilo at paraan ng pagkakasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahing tulad ng sa
orihinal.
IKALABINSIYAM NA SIGLO

• Unang binanggit ni Savory si Thomas Carlyle na noong 1824 ay


nagsalin ng Whillheim Meister ni Goethex. Dahil din kay Carlyle,
dahil sa kaniyang mga salin at mga sinulat, ay nagsimulang
pagtuunang-pansin ng mga palaaral ang panitikan ng Germany.
• Nangibabaw sa panahong ito ang salin na ayon kay Savory ay
‘naging dakilang salin, kundi man pinakadakila’, ay ang Rubaiyat ni
Omar Khayyam ng mga Persiyano noong 1859.
IKALABINSIYAM NA SIGLO

• Nauso sa panahong ito ang isang uri ng saknong sa tula na


may apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi
katugma.
• Hindi tinangka ni Fitz Gergald na isalin nang literal ang
Rubaiyat ni Omar Khayyam; sa halip ay sinikap niyang
mapanatili ang likas na kagandahang estetiko nito na siyang
kinagiliwan nang labis ng mga mambabasa.
• Kaalinsabay din ng panahong ito, noong 1861, ay nagpugay sa mga
mambabasa ang On Translating Homer ni Matthew Arnold, isang sanaysay na
tumatalakay sa isang simulain na ang isang salin ay kailangang magtaglay ng
bisang pang-estetiko ng orihinal na salin.
• Binanggit ni Savory na ang mga prinsipyo at simulain ni Arnold ay kataliwas
ng kay F. W. Newman, ang isang salin ay kailangang maging matapat sa
orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kaniyang binabasa ay
isang salin at hindi orihinal.
IKADALAWAMPUNG SIGLO

• Isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasaling-wika, ayon kay Savory.


• Wari raw na karamihan sa mga nagsasalin ay habol sa inspirasyon
sapagkat ang pangunahing layunin na lamang ay “dami” at hindi na “uri”.
• Kaya’t noong 1919 ay nagpalathala sina Ritchie at Moore ng isang
artikulona nagsasabing ang tunay na panitikan ng France ay hindi
lubusang maabot sa pamamagitan lamang ng mga salin,
• GAYUNPAMAN, sa kabuuan ay masasabing nakabuti ang gayon
sapagkat kundi dahil sa lansakang pagsasaling-wika ay maraming
manunulat ang hindi makikila at hindi dadakilain.
• Halimbawa:
Si Tolstoy ng Russia na kundi dahil sa mga salin ng kaniyang mga sinulat
ay malamang na hindi nakilala at di nakilala at dinakila ng buong daigdig. At
dahil din sa mga salin, ang mga drama nina Chekov, Strindberg at Ibsen ay
nakapasok at lumikha ng sariling langit-langitansa makabagong panahon.
SA KASALUKUYAN…

• Lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa


kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t-ibang
wika sa layuning maihatid sa higit na nakararaming bahagi ng
mambabasa ang mga makabagong kalakaran sa panitikan.
• Kaalinsabay ng ganitong mga pagsasalin ay ang mga pagsasalin ng mga
pyesa ng literatura na nagtataglay ng mga bagong kaalaman at
karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan ay sa higit na maunlad
na wika na nasusulat sa ingles. ..
SA KASALUKUYAN…

• …Mapapatunayan ito sa sa mga literatura ng iba’t-ibang


disiplina ng karunungan na ginagamit ng mga Pilipino sa
pagdukal ng karunungan
• Ang totoo’y maliit na bahagi lamang ng mga ito ang
naisasalin sa Filipino sapagkat ang Ingles ay ginagamit
ding wikang panturo sa paaralan.
KASAYSAYAN NG
PAGSASALING-WIKA
SA PILIPINAS
UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang pagsasalin ay ginamit upang mapalaganap ang


Kristiyanismo. Isinalin ang mga katesismo, mga akdang
panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catlica Romana.
UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Bagamat nadiskubre ni Magellan ang ating kapuluan noong 1521, ang


aktuwal na pananakop o kolonisasyon ng Espanya ay nagsimula noon
lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong
pinamumunuan ni Miguel Lopez de Legaspi, kasama ang sundalong-
pare na si Fr. Andres de Urdaneta.
• Ang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay maituturing na unang
yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika sa Pilipinas.
UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ilan sa mga salin sa Tagalog ng mga akdang panrelihiyon na hinalaw ng awtor sa


isang lathalain ng dating Surian ng Wikang Pambansa – Tagalog Periodical
Literature, Teodoro A. Agoncillo (nagtipon), Maynila: 1953: (Mapapansing pinanatili
ni Agoncillo ang aktuwal na ispeling na ginamit ng mga awtor.)
• Calderon, Sofrinio C. “Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos” (saling halaw sa mga akda ni Buffalo Bill;
walang petsa)
• Angeles, Roman de los. “Buhay ni Sta. Maria Magdalena” (saling patula mula sa “Historia de un Martir
de Golgota.” Maynila: Imprenta de Fajardo, 1907)
• Garcia, Vicente. “Ang Pagtulad Cay Cristo” (mula sa “The Imitation of Christ” ni Thomas a Kempis;
Maynila: Imprenta de Santos y Bernal, 1880).
UNANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Sa nabanggit na koleksyon ni Agoncillo ay 209 na lahat


ang nakatalang “Religious Works” na karamihan ay salin o
adaptasyon mula sa mga manuskrito, pamplet, aklat at
iba pa na orihinal na nasusulat sa wikang Kastila. Inamin
niya sa kanyang “Introduction” na ang koleksyon ay isang
maliit na bahagi lamang ng kabuuang dapat matipon.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Muling nagbago ang papel na ginampanan ng pagsasaling-


wika.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Maikling Nobela
• Dianzon, Leonardo A. & Gerardo Chanco. “Ang Buhay ay
Pag-ibig” (mula sa “Vivir es Amar” ni Manuel Ibo Alfaro, sa
Ang MITHI, Okt. 1971 – Mar. 1918).
• Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” 9mula sa “Lucha de
Razas” ni Bradon, sa TALIBA, 1912).
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Maikling Kwento
• Mariano, Patricio. “Mga Alamat” (mula sa “El Filibusterismo”
ni Jose P. Rizal. MULING PAGSILANG, 1904).
• Rosario, Deogracias A. “Dafne at Apolo”, “Alamat ng Laurel”,
(mula sa “A Book of Fables” ni Bulfinch. ANG
DEMOCRACIA. Hunyo, 1913).
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Dula
• Balmaseda, Julian C. “Ang Hampas-Lupa” (mula sa iisahing tagpong “The
Vegabond” ni Jacinto Venavente. SAMPAGUITA, Disyembre 8, 1925.
• Rivera, Jose M. “Simoun” (mula sa “El Filibusterismo” ni Jose Rizal,
TALIBA, Hunyo 30 – Hulyo 3,1916.
• Asistio, Narciso S. “Mutyang Pinaghahanap” (malayang salin mula sa
“The American Marquis” ni Nick Carter, Limbagan ni P. Say, balo ni
Soriano, 1923
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Tula
• Almanzor, Vicente. “Ang Aking Pahimakas” (mula sa “Mi Ultimo Adios”
ni Jose Rizal, AB+NG DEMOCRACIA, Hunyo 19, 1911
• Balmaseda, Julian C. “Ang Kalupi ng Sakristan” (mula sa “Memorias de
un Sacristan”. TALIBA, Nobyembre 24, 1915
• Silvestre, Aniceto F. “Aking Ina” (mula sa “Mother of Mine” ni Kipling.
ANG MITHI, Hunyo 25, 1921.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang Tagalog Periodical Literature ni Agoncillo ay


nakapagtala ng mga sumusunod na salin: Maikling
Nobela: 10, Maikling Kwento: 109, Drama: 12, Nobela:
87, Tula: 51, Panrelihiyon: 109.
• Ang pagtitipon ay hanggang 1925 lamang.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang ilang naisaling mga tula ay tinampok sa teatro na


siyang pinakapopular na libangan.
• Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang magkaroon
ng iba’t ibang tema ng kwento.
• Sa panahong ring ito nagsimula ang pakikipag-ugnayang
intelektuwal
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Hindi nagbago ang kasiglahan ng pagsasalin ngunit hindi rin


maikakaila na maaaring may iba na itong magiging kahulugan mula
sa orihinal na teksto dahil sa hindi tuwirang pagsasalin.
• Ang di tuwirang pagsasalin ay ang pagsasalin ng hindi orihinal na
teksto kundi na isa na ring salin.
• Ang kadalasang tekstong ginagawan ng panibagong salin ay mula sa
Ingles.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Halimbawa ng saling teksto:


• Agustin, Dionisio, et al. “Don Quixote” mula sa salin sa Ingles ng
nobelang “Don Quixote de la Mancha” ni Cervantes, 160 P. Vera &
Sons, Co. 1940).
• Villalon, A. B. “Ang Iliad at Odyssey” (mula sa “Iliad and Odyssey” ni
Homer; Maynila: PBC, 1972)
• Borlaza, Gregorio C. “Romeo at Julieta” (mula sa “Romeo and Juliet” ni
Shakespeare: Maynila; Dalubhasang Normal ng Pilipinas, 1968)
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Rolando Tinio
• Isang makata, dramatista, direktor, aktor, kritiko, manunulat at edukador.
• Ang mga sinalin niyang mga akdang klasikong pandulaan na lumaganap sa
Europa at ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan, lalo na sa
Cultural Center of the Philippines.
• Nilayon niyan mapaabot sa kanyang mga kababayan ang mga kilalang
piyesang pandulaan ng daigdig sa pamamagitan ng wikang higit na
nauunawan at tumatalab sa kamalayan.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Mababanggit na rin dito ang isang magandang proyekto


na isinagawa ng National Book Store noong 1971.
Ipinasalin ng NBS ang mga popular na nobela at
kwentong pandaigdig at isinakalat upang magamit sa mga
paaralan. Halos lahat ay salin ng salin at Ingles ang
nagging Wikang tulay.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Narito ang ilang halimbawa:


• Si Pusang Nakabota. (Salin ng kwentong Puss N’ Boots.)
• Rapunsel. (Salin ng Rapunzel.)
• Ang Munting Pulang Inahing Manok at ang mga Butil ng Trigo.
(Salin ng The Little Red Hen.)
• Ang Prinsesa at ang Gisantes. (Salin ng The Princess and the Pea.)
• Si Jack at ang Puno ng Bitswelas. (Salin ng Jack and The Beanstalk.)
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Mga Salin na Isinakomiks: (National Klasiks Illustrated,


1973.)
• Kasaysayan ng Dalawang Lungsod. (Salin ng A Tale of Two Cities.)
• Robinhood. (Salin ng Robinhood.)
• Ang Negosyante ng Venicia. (Salin ng The Merchant of Venice.)
• Wuthering Heights. (Salin ng Wuthering Heights.)
• Natutulog na Kagandahan. (Salin ng The Sleeping Beauty.)
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang toto’y hindi lang ang National Book Store ang


nagsagawa ng ganitong proyekto. Ang ibang pabliser
man ay naglimbag din ng mga saling akda. Ang Goodwill
Bookstore, halimbawa, ay naglathala ng koleksyon o
antolohya ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle,
Aquinas, Kant at iba pang kilalang pilosoper.
IKALAWANG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang Children’s Communication Center ay may


proyekto rin sa pagsalin ng mga akdang pambata. Ilan sa
mga naipalathala na nito ay ang mga sumusunod: Mga
Kuwentong-Bayan Mula Sa Asia, Rama at Sita, Palaso ni
Wujan, Mga Isdang Espada at iba pa.
IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN

• maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang


mga pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat
sa Ingles, Tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa,
kaugnay na pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng
edukasyon.
• Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974 na nirebisa noong 1987 sa
pamamagitan ng Department order No. 52, higit na marami ang mga
kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.
IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Kung masusunod ang rekomendasyon ng EDCOM (Educational Comission),


Filipino na ang dapat na Wikang panturo sa elementary at sekundarya
pagsapit ng taong 2000. At sapagkat ang karunungan ng bansa at ng daigdig
ay sa pamamagitan ng Wikang Ingles pa higit na natatamo, kinakailangan
ang malawakang o lansakang pagsalin ng mga materyales at kagamitang
pampagtuturo, kaalisabay ng isinasagawang tuwirang pagsulat sa Filipino ng
mga manunulat na mayroon nang gayong kakayahan.
IKATLONG YUGTO NG KASIGLAHAN

• Narito ang ilang halimbawa:


• Almanzor, Teresita, et al. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Ikaapat at Ikalimang Bahagi ng A Programmed
Introduction to Linguistics ni Cynthia D. Buchahan,” PNC, 1971.
• Cailles, Isidro S. “Pagsasalin sa Pilipino ng Elementary Science IV: A Curriculum Guide for Teachers.” PNC,
1970.
• Castillo, Felicidad B. “Isang Pagsasalin sa Pilipino ng Revised Program of the Girl Scouts of the Philippines,”
PNC, 1972.
• Cruz, Araw A. de la. “Pagsasalin sa Pilipino ng ikatlong kabanata ng Tagalog Reference Grammar,” PNC, 1971
• Fajardo,Virginia J. “Isang Pagsasalin ng A Teaching Guide inHome Economics for Grade VI, Mula Sa Unit VIII
Hanggang Unit XIII,” PNC, 1971.
IKAAPAT NA YUGTO NG KASIGLAHAN

• Ang maituturing namang ikaapat na yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-


wika ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di Tagalog.
• Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating
makabuo ng panitikang talagang matatawag na “Pambansa.”
• Mapapansin na ang ipinangalandakan nating “pambansang panitikan,” sa
katotohanan ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang
bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa.
IKAAPAT NA YUGTO NG KASIGLAHAN

• Malaking bahagi ng panitikan ng lahing Pilipino ang unti-unti nang


“nalilibing sa limot” sapagkat karamihan sa mga ito ay di-nasusulat. At
kung nasusulat man ay hindi naisasalin sa Wikang Filipino, kayat hindi
nagiging bahagi ng pambansang kamalayan.
• Napakayaman ng panitikan ng Pilipinas kung maisasalin lamang sa
Filipino at maipalilimbag ang panitikanng iba’t ibang Wikang katutubo.
• Kung magkakaroon lamang tayo ng isang panitikan na sadyang
kumakatawan sa ating pambansang kausupan, matatagpuan
natin ang ating sarili at hindi tayo matatawag na mga
“nawawalang kaluluwa” sa sariling bayan.
• Sa bahaging ito’y matataya na natin marahil na sadyang
napakahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika.
• Mababanggit sa bahaging ito ang isang naging proyekto sa
pagsasalin ng magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language
Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary
Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa
tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay
nakatoon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsalin.
• Naisalin sa workshop-seminar ang mga sumusunod: Alamat at
Kwentong-Bayan – 14, Dula – 4, Kwento – 30, Sanaysay – 8, Tula
– 50. Pagkatapos maedit ang mga salin, minimyograp ang mga ito
at isinaaklat sa dalawang bolyum na nagging bahagi ng report na
ipinadala ng SLATE sa DECS noon 1988. Ang nasabing dalawang
bolyum ng mga saling akda ay nagiging hanguan na ngayon ng
mga materyales para sa mga aklat sa hayskul.
• Ang isa pang maituturing na realistikong hakbang tungo sa pagbuo ng
pambansang panitikan ay ang isinagawa ng GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat
nga Ilocano), isang samahan ng mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na
kwento sa Wikang Iloco at isinalin nila ang mga ito sa Filipino. Ipinalimbag
nila ang mga salin. Tinawag nila ang aklat na KURDITAN. Sa gayong paraan,
ang mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan
upang mapasama sa pambansang panitikan sapagkat meron nang bersyon sa
Wikang Pambansa.
• Kung ang iba pang katutubong wika, lalo na ang mga
pangunahin na tulad ng Cebuan, Hiligyanon, Pampango,
Waray, Bicol at Pangasinan, ay magsasagawa ng ganitong
mga proyekto sa pagsasalin sa Filipino ng kani-kanilang
panitikan, mababwasan ang mga problema sa pagbuo ng
panitikan na matatawag na tunay na Pambansa.
• Halimbawang salin ng ating mga katutubong panitikan na hinalaw sa talaan
ng mga tesis ng mga estudyante sa paaralang gradwado ng PNU:
• Acacio, Angel A. “Pagsasalin ng Biag ni Lam-ang at Pag-aaral ng Matandang Kailangang
Iloco na Inilalarawan ng Epiko,” PNC 1969.
• Andrade, Evencia. “Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Talasalitaan ng mga Piling Kwntong-
bayan sa Maguindanao sa Wikang Pilipino at Cebuano,” PNC: 1970.
• Cinco, Felicitas C. “Isang Pag-aaral at Pagsasalin sa Pilipino ng mga Alamat, Kwentong-
bayan, Talambuhay ng mga Bayani ng Pook, Katutubong Sayaw at Awit, Mga
Kaugalian at Pamahiin ng Kanlurang Samar,” PNC: 1968.
• Nitong mga huling araw, ang isa sa mga napagbalingan ng mga
manunulat na mahilig magsaling-wika ay ang panitikang Afro-Asian.
Pagsasaling-wika na unti-unti na ngayong nakakaanyo. Mababanggit
na kasama ngayon sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang
pagtuturo ng Afro-Asian Literature. Totoong Ingles pa ang midyum
na magagamit o available sa ngayon – mga salin ng mga manunulan
na banyaga na sinundan ng mga manunulat na lokal.
• Maganda ang sinabi ni Isagani Cruz, isang kilalang kritiko, sa Panimula ng aklat ni
Medina (Mga Maikling Kuwento Mula sa South-East Asia, 1986, Solidaridad
Publishing House). Ganito ang sabi nya: “Para tayong mahihina ang mga matang
mas madali pang makakita ang malayo kaysa mga likha ng kurikulum ng
panitikang Afro-Asian sa ating sistema ng edukasyon ay masasabing pagwawasto
sa pagkakamali sapagkato noong nakaraang mga kaluraning panitikan at hindi
man lamang naisip na lumingap sa paligid – sa panitikang Afro-Asian o sa
panitikan ng mga taong mas malapit satin sa napakaraming bagay.
• Parang naunawaan ng Toyota Foundation ang magandang sinimulan ni Medina
sapagkat pinondohan nito ang isang proyekto ng isang pangkat ng kalapit-bansa.
Ang nasabing Translation Project ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Solidarity
Foundation.
• Sa larangan ng drama, nagpatuloy ng maraming taon ang pagsasalin ng mga
banyagang akda. Sina Ronaldo Tinio at Behn Cervantes at iba pang kilalang
mandudula ng bansa ang nagsisipanguna sa ganitong uwi ng pagsasaling-wika.
Layunin ng mga mandudulang ito na ibahagi sa masang Pilipino ang mga dakilang
dula ng daigdig.
• Ang NCCA (National Commision on Culture and Arts) na dating
PCCA (Presidential Comission on Culture and Arts) ay nakikipag-
ugnayan sa iba’t ibang samahan, tulad ng P.E.T.A (Philippine
Educational Theatre Association) at iba pang samahang pangwika
upang magsagawa ng mga proyektong makakatulong sa
pagpapaunlad ng Wikang Pambansa bilang kasangkapan sa
pagpapaunlad ng pambansang kultura at mga sining.
• Anopat kung pagsasaling- wika sa Pilipinas ang pag-
uuwsapan, ang tanggapang maituturing na nangunguna at
siyang kinikilala sa larangang ito ay ang Komisyon sa
Wikang Filipino (dating Surian/Linangan ng Wikang
Pambansa) na sadyang itinatag ng Pamahalaan upang
siyang mangalaga sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng
wikang Pambansa.
• Napakaraming isinalin ng tanggapang ito – mula sa mga
karatula na kailangan ng iba’t ibang departamento at
gusali ng Pamahalaan hanggang sa maseselang
dokumento, tulad ng mga papeles para sa mga
kasunduang panlabas, Saligang-batas ng Pilipinas at
maraming-marami pang iba.
• Kung itatala rito ang mga naisalin na ng ahensyang ito ay magiging
napakahaba at maaring hindi maghusto sa aklat na ito.
• Gayunpaman, nararapat lang marahil na banggitin sa bahaging ito ang
isang katotohanan sa kabila ng mga kasiglahang nagaganap sa
pagsasaling-wika dito sa Pilipinas, ang pagsasaling-wia bilang isang sining
ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang kuna o duyan, wika nga, lalo
na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangang ito sa ibang
kalapit-bansa natin sa Silangang Asia.
• Sa bahaging ito di maiwasang gunitain ang isang malungkot na impormasyon na
ibinahagi ni Punong Komisyoner Ponciano B.P. Pineda. Naganap ito noong ang
Komisyon ay Linangan pa. Tumanggap daw siya ng isang liham buhat sa isang bansa
na nanghihingi ng talaan ng “Registered Translators” ng ating bansa para yata
maisama sa talaan ng mga tagapagsaling-wika na ilalabas bilang isang aklat para sa
mga pangunahing aklatan ng daigdig. Bigla raw siyang nagising sa katotohanan na
ang pagsasaling-wika pala dito sa Pilipinas ay musmos na musmos pa sapagkat wala
siyang maibigay na talaan nga mga “Registered Translators” ng ating bansa.
• Balang araw, kung magpapatuloy ang pag-akyat ng Filipino bilang
Wikang panturo, at wala namang dahilan upang hindi magpatuloy,
dapat lang asahan ang higit na kasiglahan sa pagsaling-wika, lalo’t
iisiping patuloy ang pagpasok ng iba’t ibang uri ng kaalaman at
karunungan na ang daluyan ay Wikang Ingles. Ang masang Pilipino ay
makikisangkot lamang nang husto sa Pamahalaan kung ang midyum ng
talastasan ay ang Wikang kanilang nauunawaan at nagagamit.
The Art of Translation, 1968
-SAVORY, THEODORE

Sining ng Pagsasaling-wika, 2003


-SANTIAGO, ALFONSO O.

You might also like