You are on page 1of 5

MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

KABANATA 3:
PAGSASALING WIKA, AGHAM O SINING ?

Layunin:

a.) Natutukoy ang pagsasaling wika bilang sining at agham.


b.) Nalalaman ang kahalagahan ng pagsasaling wika.
c.) Naiisa-isa ang mga tungkulin ng tagapagsalin.

Ano nga ba ang pagsasaling-wika: sining o agham? Arte o syensya? May mga
aklat na nagsasabing ito'y isang sining. May mga aklat namang nagsasabing ito'y isang
agham.

Ayon sa Webster ang kahulugan ng Art at Science

• Art - conscious use of skill and creative imagination; the making of things that have
form or beauty, or aesthetic appeal, such as painting, sculpture, etc.
• Science - systematized knowledge derived from observation, study, and
experimentation; one that skillfully systematizes facts, principles, and methods, as
the science of music, science of theology, etc.

Bumalik tayo sa tanong: Ano ba ang pagsasaling-wika: sining o agham? Ang totoo
ay nahahati ang mga dalubhasa sa pagsasaling-wika sa bagay na ito. May naniniwalang
anng pagsasaling-wika ay isang sining; may naniniwala namang ito'y isang agham. Sa
pamagat lamang ng sumusunod na dalawang aklat sa pagsasaling-wika na sinulat ng
dalawang kilalang awtor ay makikita na natin ang katotohanan ng nagkakaibang
paniniwala: "Toward a Science of Translating" ni Eugene A. Nida at "Art of Translation"
ni Theodore Savory.

PAHINA 27
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

PAGSASALING-WIKA BILANG AGHAM – Nida

Ipinaliwanag niya na akapag pinag-usapan natin ang agham ng pagsasaling-wika


(science of translating), hindi natin maiiwasang mapasuong sa aspeto ng paglalarawan.
Kung ang linggwistika, aniya ay mauuring "descriptive science" ang paglilipat ng
mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay maari ring ituring na isang syentipiko
o makaagham na pag lalarawan.

Ayon parin kay Nida, ang isang taong


nagpipilit na ang pagsasaling-wika ay isang sining
at walang nang iba pa ay maaaring nagiging
paimbabaw lamang ang kanyang pagsusuri sa
kanyang ginagawa. Hindi siya lumalalim nang
husto upang malimi niya ang mga makaagham na
aspeto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa
ilalim ng lantad na mga simulain at prinsipyo. At
ang isang taong yumayakap naman sa
paniniwalang ang pagsasaling-wika ay isang agham at wala nang
iba pa ay hindi marahil napag-aaralan nang husto ang kanyang
ginagawa upang mapahalagahan ang makasining na aspeto ng
pagsasalin, ito ang isang hindi dapat mawalang sangkap sa isang
mabuting salin, lalo na sa mga obrang pampanitikan. Sinasabi pa
ng mga hindi naniniwala na ang pagsasaling-wika ay isang sining
na kung may sining man sa pagsusulat, sa pagsasaling-wika ay
wala sapagkat sinasalin lamang isang likhang-sining.

Samantala, tignan naman natin ang sinasabing ng mga


naniniwalang ang pagsasaling-wika ay using sining at hindi isang
agham. Nangunguna si Savory sa paniniwalang ito na hindi
maikakailang siya naming kinikilingan sapagkat pati pamagat ng
kanyang aklat ay aming tinularan "Sining ng Pagsasaling-wika"
(Art of Translation) at hindi "Agham ng Pagsasaling-wika"
(Science of Translation). Gayunpaman , linawin natin na ito ay
pagkilih lamang. Hindi nangangahulugan na kami'y nakapikit na
upang hindi Makita ang aspeto ng kaaghaman ng pagsasaling-
wika. Sapagkat kung iisipin, sa tanong na kung ano ang
pagsasaling-wika, sining ba o agham, para na ring itinanong kung
alin ang una, ang manok ba o ang itlog? Sa bahaginh ito'y malilimi natin na ano man ang
maginh sagot sa tanong na kung ano ang pagsasaling-wika, sining ba o agham, ay
parehongmay katwiran. Depende lamang ang sagot sa kung alin ang higit na binibigyang-
diin sa dalawa o kung anong lente o salamin ang ginagamit, wika nga.

PAHINA 28
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

PAGSASALING-WIKA BILANG SINING – Savory

Ipinaliwanag nya na sa
pagpipinta, ang maling kulay o laki
ng isang guhit ay katumbas ng isang
maling salita sa pagsasaling-wika;
na ang pagkakamali sa dimension,
sukat o proporsyon ng alinmang
bahagi ng larawan ay katumbas ng
pagkakamali sa pagbibigay-
kahulugan sa tunay na diwa ng
isang parirala.

Kapag ang isang tula, ayon sa kanya, ay isinalin ng isang karaniwang tagapagsalin
sa paraang tuluyan, katulad lamang ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na hindi
naging matapat sa orihinal na larawan. Ang diwa ng tula ay naroon din sa saling tuluyan
ay masasabing nawala na ang "musika" na nadarama ng mambabasa sa orihinal na tula.
Gayundin naman,sa sketch ng pintor ay namodipika na rin ang "buhay" na pumipintig sa
orihinal nalarawan; na kung may kulay ang orihinal, ang sketch ay naging black and white.

Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay maaring


makagawa ng isang saling tuluyan nang hindi nawawalang
lubusanang himig o "musika" ng orihinal, tulad din naman ng
isang bihasang pintor na nabibigyang-buhay pa rin ang kanyang
kinopyang larawan kahit iba ang kanyang mga gamit at
pamamaraan. Mababangit na ang salin ng mga literature sa
agham at iba pang paksang teknikal ay maihahambing sa mga
larawang kuha ng isang litratista. Ito'y matapat, tiyak, sapagkat
ang mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o diwa at hindi ang
estilo ng awtor. Gayundin, ang pagsasaling dimalaya ay maihahambing sa matapat na
paglalarawan ni Michaelangelo sa kanyang mga painting, samantalang ang malayang
pagsasalin ay maitutulad naman sa pamaraan ni Picasso.

Ang pagsasaling-wika, ay isang sining at bilang sining, ito'y hindi nga madaling
gawain. Subalit isang katotohanang kahit mahirap na gawain ang magsalin, ang isang
tagapagsalin ay laging nakukubli sa anino ng awtor; hindi napapansin. Ito marahil ang
dahilan kung bakit lagi na lan g nakakabit sa kanyang pangalan ang paniniwala na siya'y
tagapagsalin lamang ng isang mangangatha na siyang dapat pag-ukulan ng anumang
pagkilala o pagdakila. Kung mahusay ang pagkakasalin, hindi na napapansin ang
tagapagsalin at ang pinupuri ng mambabasa ay ang awtor; kung pangit, ang pinipintasan
ay ang tagapagsalin.

PAHINA 29
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Gaya ng nabanggit na, ang mga may sapat na karanasan lamang sa


pagsasakingwika ang makapagsasabing ito'y hindi biru -birong gawain. Narito ang sabi ni
Savory tungkol dito:

…(T)he translator's task is much harder than that of the original


author. When the latter seeks a word with which to express a thought
or describe an experience, he has available many words in his own
language, and can without great difficulty or delay choose the one that
suits him best and pleases him most. The translator of the word thus
chosen has to decide on the nearest equivalent, taking into
consideration the probable thoughts of the author's readers and of his
own reader, and the period of history in which the author lived.

Tiyak na sasalungatin ng mga manunulat at ng mga wala pangkaranasan sa


pagsasaling-wika ang pahayag na ito ni Savory. Tiyak na ipagdidiinan nila na ang
manunulat ay lumilikha, samantalang ang tagasaling-wika ay isinasalin lamang ng
malinaw sa isang makitid o mababaw na pagpapakahulugan o pagkaunawa sa
pagsasaling-wika.

Ipaliwanag natin sa Filipino ang sinipi nating pahayag


ni Savory sa itaas na ang gawain ng tagapagsaling-wika ay
higit na mahirap kaysa gawain ng manunulat. Ang isang
manunulat, aniya ay may lubos na kalayaang pumili ng mga
salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang ibig niyang
isatitik. Samantalang, ang isang tagapagsalin ay
masasabing nakatali sa kahulugan ng bawat salitang napili
ng awtor. Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa
pagbibigay ng katumbas na salitang magiging angkop na
angkop o kung hindi man ay magiging malapit na malapit ang kahulugan pagkatapos
timbang-timbangin at muni-muniin ang tunay na ibig ipahayag ng awtor. Dapat pa ring
isaalang-alang ng tagapagsalin ang magiging damdamin ng mambabasang babasa ng
orihinal na katha ng awtor sapagkat kung ano sana ang magiging damdamin ng
mambabasa ng orihinal ay siya ring dapat maging damdamin ng babasa ng salin.

Anupat sa tuwi-tuwina'y nagsasagawa ang isang


tagapagsalin ng pagpapasya kung anong salita ang
gagamitin panumbas, kung aling salita sa malalapit na
kahulugan nito ang dapat piliin upang masalin nang
maayos ang diwa ng orihinal. Ang ganitong pagpapasya
ay hindi niya namamalayang nakukulayan sa maraming
pagkakataon ng kanyang personalidad, karanasan,
panlasa at iba pa.

PAHINA 30
MODYUL INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

Anupat kung babalikan natin ang tanong na kung ano ang pagsasaling-wika
(sining o agham?), alinman ang kilingan ng mambabasa o mag-aaral sa dalawa, ay hindi
kasinghalaga ng mga simulain sa pagsasaling-wika na matututuhan sa sumusunod na
mga kabanata. Maging sining o maging agham man ang pagsasaling-wika,ang mahalaga
sa lahat ay ang mga kaisipang mapapasa-mag-aaral tungkol sa isyung ito upang
makatulong sa pagsasagawa ng salin na maituturing na may kasiningan o kaaghaman.

Kung papaano maipapasok ng tagapagsalin ang kasiningan o kaaghamansa


kanyang salin, maihahalintulad ito sa mga simulain sa pagsasaling-wika na kalimita'y
nagsasalungatan sapagkat bawat tagapagsalin ay may kanya-kanyang sinusunod o
pinaniniwalaang sumulain.

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://prezi.com/p/r3-h5kecq9hj/pagsasaling-wika-sining-o-agham/

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://prezi.com/vv3g7epvkidb/sining-ng-pagsasalingwika/

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=dKz-jopIzMw

Alfonso O. Santiago (2005). Sining ng Pagsasaling-Wika, Rex Bookstore


Patrocinio V. Villafuerte (2000). Introduksyon sa Pagsasaling-wika: Grandwater Publications and Research
Corporation

PAHINA 31

You might also like