You are on page 1of 4

MODYUL OLFLIT 106 PANULAANG FILIPINO

KABANATA ANG TUGMA NG TULA


8

• Nakikilala ang tugma sa tula;


• Natutukoy ang iba’t ibang elemento kaugnay ng pag-aaral ng sukat
Layunin at tugma sa tula
• Nakasusuri ang tugma ng tula;
• Nakabubuo ng tula gamit ang sukat at tugma.

ANG TUGMA

Bukod sa sukat, sa matandang panulaan ang kayarian ng tula ay


nababatay din sa tinatawag na tugma. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkakahawig o
pagkakatulad ng mga tunog sa dulo ng mga taludtod Ito ang tinatawag na
pagkakasintunog ng mga dulo ng mga taludtod sa bawat saknong. Ang isang makatang
matatawag na may kakayahang sumupil sa wika ay kailangang mahusay sa pagtutugma.
Bagama’t masasabing ang pagtutugma sa ating wika ay hindi gaanong mahirap gawin
dahil napakarami nating mga salitang magkakasintunog. Maging mga bata ay mahilig sa
mga salitang magkakasintunog at higit nilang medaling matutuhan ang isang tula dahil
dito.

Ang tinatawag na buong tugma o tugmang ganap ay yaong uri ng tunog na


pare-pareho. Ang tandisan nga lamang pagsunod nito o pagpupumilit ay maaaring
makasirasa tula sa halip na makatulong sapagkat kailangang hindi nawawalaang tunay
na diwa ng tula sa kabila ng mahigit na pagsunod sa ganitong uri ng pagtutugma. Kung
minsan ang nagyayari sa kasusunod sa batas ng pagtutugma at pagsusukat ay nawawala
na tuloy ang tunay na diwa at kaluluwa ng tula.

Halimbawa ng buong pagtutugma:

Matatanda ang may sabi sa buhay raw nitong tao


Buto’t laman ay hiwain, tadtarin nang pinung-pino
Hindi sapat ibayad sa hirap at sakripisyo
Ng magulang na nagpalang pag-ibig ay bigay-todo
Libutin ang daigdigan, galugarin bawat dako
Iisa lang an gang ina mo, iisalang sa sang-mundo.
-Ngayong Ako’y Ina na Rin-LGTR

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 1


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 PANULAANG FILIPINO
Itinuturing na magkakatugma sa matandang panulaan ang mga salitang
nagtatapos sa isang patinig (a,e,I,o,u) na ang bigkas ay malumay at mabilis at mallumi
at maragsa.

Malumay Mabilis
1 nagtatapos sa patinig na A santa maganda
Malumi Maragsa
luha dukha
2 nagtatapos sa E-I Malumay Mabilis
lalaki matindi
Malumi Maragsa
llipi Bati
3 Nagtatapos sa patinig na O-U Malumay Mabilis
oo ito
Malumi Maragsa
puso bugso

Kung susundin ang mahigpit na bantas ng pagtutugma sa matandang panulaan


ang malumay ay hindi katugma ng bmalumi o maragsa, at ang mabilis ay hindi katugma
ng malumi o maragsa na ang mga salita ay nagtatapos sa iisang pantig. Ito ay sa dahilang
ang impit na tunog na kasunod ng isang pantig ay nagbibigay rito ng naiibang tunog at
hindi na tumutugma sa patinig na walang impit. Kaya’t ang salitang luha ( may impit na
tunog sa hulihan) ay hindi katugma ng salitang lola ( walang impit sa huliha .) Itinuturing
na ang mga salitang nagtatapos sa katinig

Halimbawa:

1. Silab,saksak, padpad, kalag, ulap,gapas,salat,


Alab, pasakm malapad, bansag, alapaap, butas, gulat

2. Dibdib,halik, salig, takip, said, tiis, galit


Sibsib, halik, tulig, kipkip, gilid, tamis, pitpit

3. Taob, gulok, bugbog, tiklop, ngudngod, taos, lapot,


subsob, tuktok, kalog, salop, gulugod, puspos, sulot

Ang mga salitang nagtatapos sa mga katinig na M,NG,M,W,L,Y,R kung iisang


patinig ang nangunguna sa mga ito. Mahalagang malaman na kailangang iisang patinig
ang nangunguna sa bawat pangkat ng katinig.

Halimbawa:

1. Alam, kulang, saan, ilaw, alay, lugar, taal


Hilam, ilang, kalian, galawgaw, patay, asahan, bawal

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 2


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 PANULAANG FILIPINO
2. lilim, hiling, bilin, giliw, martir, hilahil
simsim, halinghing, sinsin, maliw, Baler, supil

3. gutom, kulong, talon, daloy, bapor, ulol


lagom, labong, laon, tuloy, motor, burol

Mga halimbawa ng Tugma sa mga salitang nagtatapos sa katinig na B,K,D,G,P,S,T:

1. nang kaumagahan noong namumukadkad


ay aking binate sa pagbubulaklak
at nang maglurok na sa tanghaling tapat
ay tinakpan ko pa niring mga palad.
-Sawing Paruparo-Jose Corazon de Jesus

2. Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis


Ako’t ikaw mayro’ng dusang tinitiis
Kahit saang dako n gating daigdig
May matang luhaa’t may subyang na dibdib.
-Ngitian ang Dusa-Ludivina C. Marin

Mga halimbawa ng tugma ng mga salitang magtatapos sa katinig na


M,N,NG,N,W,L,Y,R:

1. IlawIlaw ng tahana’y muling dinulugan


Ang dusa’t pighati doon matitighaw
Ang hanap na aliw doon natagpuan
Pagkat sa piling niya’y may kapayapaan.
-Girlie –Lyra Fernando

MALAYANG TALUDTURAN

Sa dalawang pamamaraang ito ng pagpapahayag ng tao, ang tula at tuluyan ang


pagkakaiba ay nasa tayutay na taglay ng tula. Noong hindi pa lumilitaw ang malayang
taludturan bilang isang kaanyuan ng tula, ang madalas pagbatayan ng pagiging tula ng
isang pagpapahayag ay ang sukat at tugmang taglay ng mga taludtod.Subalit ngayon
kapag ang isang pagpapahayag ay nagtataglay ng mga di tahas na
kahulugan,malarawan ang pamamaraan, di pangkaraniwanang taglay na kariktan,
gumagamit ng mga simbolismo at imahe, nagpapahayag ng malalim na kaisipan, nasa
anyo ng taludturang pagpapahayg ito ay itinuturing na nasa anyo ng tula.

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 3


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal
MODYUL OLFLIT 106 PANULAANG FILIPINO

Halimbawa:

Ako Ako
ang daigdig ang daigdig
ako ang tula
ang tula ang daigdig
ako ako
ang daidig ang walang maliw na ako
ang tula ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig.
-Ako ang Daigdig
ni Alejandro Abadilla

Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”.


Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC. 4


V.V. Soliven Avenue II, Cainta Rizal

You might also like