You are on page 1of 9

Tula

– ito ay isang akdang pampanitikan. Ito ang pinakamatanda at pinakamagandang anyo ng


panitikan. Ito ang pinakamasidhi, pinakamatipid at pinakamasining na pagpapahayag ng kaisipang may
kalangkap na damdamin.
Ang tula ay nagtataglay ng kaisipan, malinis at maaliw – iw na mga salita at mga larawang buhay
na siyang umaantig sa damdamin. Isang pampanitikang nagbibigay diin sa ritmo, nagpapahayag sa
damdamin at nagbibigay kahulugan sa mga salita
Ang tula ay isang tuwirang pagbbagong hugis sa buhay. Ibig sabihin, ito ay isang maguniguning
paglalarawan na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod na tahasang
nadarama, dinaramdam, iniisip o ginagawa ng tao. (Alfred Austin)
Sinasabi naman ni Charles Mills Gayley na ang tula ay tahasang pagpapahiwatig sa tulong ng guni
- guni at nagaalimpuyong na gunamgunam at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin na ang
ibig ipakahulugan ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban gaya ng pag – ibig,
paghanga at pagsamba na kasalungat naman sa pagkamuhi, pagkapoot, pagkasindak at hindi madalumat
na kalungkutan
Mga Sangkap At Elemento ng Tula
A. Sukat
-tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay
wawaluhin at lalabindalawahin.

B. Tugma
-tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.

1. Tugma sa Pantig
a. tugma sa pantig na malumanay at mabilis
b. tugma sa pantig na malumi at maragsa
2. Tugma aa Katining
a. Unang lipon – ( b, k, g, s, p, t )
b. Ikalawang lipon – ( h, l, m, n, ng, r, w, y )

C. Sining o Kariktan
-tumutukoy sa paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Kailangan magtaglay ang
tula ng marikit na salita upang maakit ang mambabasa gayundin mapukaw ang damdamin at
kawilihan.

D. Talinghaga
-tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay sa tula. Ito ay
sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit – akit at maging
mabisa ang pagpapahayag.

2
Kayarian ng Tula

1. May sukat, may tugma at taludturan.


-ito ay katutubong kayarian ng ating mga tula na na binubuo ng taludtod na may sukat
at tugma. Ang bilang ay maaring wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing - animin at
lalabingwaluhing pantig

2. Malayang Taludturan.
-ito’y makabagong kayarian ng tula na walang sukat at walang tugma.

3. Di – tugmang taludturan.
-ito’y matandang kayarian ng tula na siyang gamitin noong ika 10 dantaon.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan,
guniguni, pangarap at iba’t – ibang damdaming maaring madama ng may akda o ibang tao.

Ito ay maikli at payak.

Uri ng Tulang Liriko

a. Awiting bayan – ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag – ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag – asa, pangamba, poot at kaligayahan.

Halimbawa: “CHIT CHIRIT CHIT”


Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y paramg tandang.

Santo Ninyo sa Pandacan,


Puto seko sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, mamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
3
a. Soneto – nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman
ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

Halimbawa: “SONETO NG BUHAY”


(Fernando B. Monleon)
Sa balabang niyog, aking minamalas
ang palabang buwang lumantad-sumilip
sa abot-tanaw ko’y sultanang liwanag
na napapaaasan sa aking pag-ibig
sa lunday na puting kabigin-itulak
pati paningin ko’y naglalakbay langit
aling puso kaya ang di mangarap
kung ang kalikasa’y isang panaginip
umigpa sa aking manlulumong diwa
ang mga anino niring panimdim
ang dalitang iwi’y nalimot na kusa
madaling araw na, nang ako’y gumising
pangarap! pangarap! pangarapang buhay!
kaambil: ligaya; katapat; libingan!

b. Oda - ito ay pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla
ang nilalaman at at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

Halimbawa: “TUMANGIS SI RAQUEL”


Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpung putol na pilak.

c. Elehiya - ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Halimbawa: “AWIT SA ISANG BANGKAY”


(Bienvenido A. Ramos)
Ngayong hatinggabi’y nais kong awitin
ang ayaw marinig ng aking Diwata;
awit na kaiba may bagong pagtingin
may dugo sa buhay may tamis ng luha
awit na kaiba may bagong pagtingin
may dugo sa buhay may tamis ng luha
awit na hinabi ng buwang may silim
(isinumpang awit ng mga bathala)

Anila, ang awit ay ang kagandahan


na nakaayubo sa ating paligid
mabituing langit, bagwis ng amihan
4
maingay na lunsod, at payapang bukid;
(di iyan ang awit na ngayon ay alay…
(iya’y dati na’t mga lumang himig)

Ang awit kong ito’y pipi’t walang nota


at dalit sa labi ng mga pulubi
kelan ay nasagapang ng mga buwitre
aninong madapa sa mga bangketa
sa gabing ang buwa’y ni ayaw ngumisi

Notang sa silbato’y nagbinhi ng takot


at gintong makuyom sa bantay - salakay
sa bawat lansanga’y uwak na matanod
laganap ang salot sa hulo’t luwasan…
(Sino ang pipigil, kung ito at agos,
Kung pati ang puno ay yagit na lamang?)

Inihimig pang pangako ring wasak


sa binging pandinig ng mga naburol
agunyas man ito’y makaaagnas
sa pusong nagmoog sa daya at lason…
(may bunyi ang awit ng palayong uwak
pagkat naging uwak ang lahat ng ibon!)

Di para sa inyo ang awit kong ito


(Naririnig mo ba ang paos supling mo
Kung magsusupling ka sa baog mong hasik…
Ngayong hatinggabi ay aawitin ko ang
Kamatayan mong di magbagong - binhi

d. Dalit - ito ay tulang nagpaparangal sa DakilangLumikhaat may kahalong pilosopiya sa buhay.

Halibawa: O Mariang sakdal dilag


Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng diyos haring mataas

Itong bulalak na alay


Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan

(koro)

Halina’t tayo’y mag - alay


Ng bulaklak kay Marie
Halina’t magsilapit
5
Dine sa Birheng marikit
Ng isang kaibig - ibig
Dakilang Reyna sa langit
Ng ampuni’t saklolohan
Tayong mga anak niya

e. Pastoral - Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

Halimbawa: “BAYANI NG BUKID”


(Al Perez)
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw - araw
Sa pag - aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.

Ang haring araw di pa sumikat


Ako’y pupunta na sa napalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag - asa ng taong masipag.

Sa aking lupain doon nagmumula


Lahat ng pagkakain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

Sa aking paggawa ang tangi ko hangad


Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag and balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

Sa aming paligid namamalas pa rin


Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.

Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Nasa aking tao, ako’y makatulong
6
At nang maiawan ang pagkakagutom.

Ako’y magsasakang bayani ng bukid


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa


buhay tulad ng pag - ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan
ng mga bayani sa pakikidigma.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko - ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga
kaaway at mga tagumpay. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na
kababalaghan.

Halimbawa: “Indarapatra at Sulayman”

b. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw
araw ng buhay.

3. Tulang Patnigan

a. Balagtasan - tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan - ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na
“libangang tinatanghal” na ang taglay na pamagat ay naggaling sa isang alamat ng singsing ng
isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo - ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran sa
bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
d. Tulang Pantanghalan o Padula - Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ang
binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaring isama sa uring
ito ang mga tulang binigkas sa sarswela at komedya.

7
Tula, Mga Elemento ng Tula ---------------------------------------------------------------------------------------------------2
Kayarian ng Tula, Mga uri ng Tula ---------------------------------------------------------------------------------------3 - 7
Bibliography -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------8

1
Bibliography
Jessa Mae Gonzales Jaco, Tula Compilation, uploaded on September 24, 2015,
https://www.scribd.com/doc/282561778

8
Submitted to:
Mrs. Jeremy Espino Santos

Submitted by:
Miguel Carlo M. Bejerano
BSGE - 1B

You might also like