You are on page 1of 12

Kahulugan ng Tula

• isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating


sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
• Ito ay uri ng panitikang ginagamitan ng sukat o tugman a binubuo naman sa
pamamagitan ng taludtod/linya o saknong.
• Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng
kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na
matawag na tula”.
• Ayon naman kay Inigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”
• Sinabi naman ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay na “ang tula ay paggagad-
ito‟y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal - ang kasaklawan
ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinmang ibang gagad na mga sining, pagsama-
samahin man ang mga iyon.”
• Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, “ang tula ay
kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).”
• Ayon naman kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng
kawalan ngkaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga
tao upang magingmalinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan.
Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba
hanggang sa mga susunod pang salinlahi. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang
kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod
ay tinatawag na taludturan o saknong.
• Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas
ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa
mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat,
kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga
ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ngokasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung
bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain atmaging mga kasabihan. Ang mga
bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang
paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa
pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin.
Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang
kapaniwalaan

Sining ng Tula

Uri ng Tula
A. Tulang Pasalaysay- uri ng tulana nagkukwento ng buhay na nakasulat ng patula, ito ay may
sukat at tugma.
• Epiko – tumatalakay sa mga pangyayaring nagbibigay-diin sa pakikipagsapalaran,
katapangan, kabayanihan at mga di kapani-paniwalang bagay na nagbibigay-aral.
Dalawa sa pinakakilalang halimbawa nito ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Iloco at ang
Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim.
• Awit- kasaysayang tumutukoy sa kabayanihan. Ito ay may labindadalawahing
pantig, may marahang kumpas o andante. Isang halimbawa nito ay ang Florante at Laura ni
Francisco Baltazar at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tandiana.
• Korido – ito ay tulang pasalaysay na may wawaluhing sukat bawat taludtod at may
nagtataglay ng mga paksaang may kababalaghan. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna ni
Jose dela Cruz.
• Balad- ito ay uri ng tulang paslaysay na inaawit habang may sumasayaw. Halimbawa nito
ay Kundiman sa Gitna ng Karimlan

B. Tulang Liriko- Uri ng tulang nagtataglay ng karanasan, guniguni at kaisipan at mga pangarap
tungkol sa pag-ibig, ligaya, lungkot, hinanakit at iba pa.
• Awiting-bayan/Kantahin – maiikling tulang binibigkas nang may himig.
Karaniwan itong nagpapasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig
ng tao, bunga nito’y hindi matukoy kung sino ang may-akda ng maraming
kantahing-bayan. May sukat at tugma at ang layunin ay awitin.
• Soneto – may sukat na labing-apat na taludtod at ang bawat taludturan ay tigdalawang
taludtod. Halimbawa nito ay ang Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni
Fernando Monleon.
• Elehiya – awit tungkol sa patay. Halimbawa nito ay ang Ellegy ni Thomas Gray, Awit sa
Isang Bangkay ni Bienvinido Ramos at Elehiya kay Ram ni Pat Villafuerte.
• Oda – tula ng paghanga at papuri para sa isang kaisipan. Isang halimbawa nito ay ang Ode
to the Nightingale.
• Dalit – isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng
kaunting pilosopiya sa buhay. Ang Dalit kay Maria ay isang mahusay na halimbawa nito.
• Pastoral – tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Halimbawa nito ay Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.

C. Tulang Pandulaan- karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung


minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.
D. Tulang Patnigan- ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng tulang patnigan.
• Karagatan- larong may paligsahan sa tula.Ang paksa nito ay umiikot sa singsing ng
isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat, kung sino ang mapalad na lalaki na
makakuha ng singsing ang siyang mapapangasawa ng dalaga.Ginagawa ang larong ito
sa bakuran ng bahay kung saan ang lalaki at babae ay magkaiba ang pangkat. Ang
dalaga ang magbibigay ng talinhaga, bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binate
bago niya sagutin ang talinghaga.
• Duplo- larong paligsahan sa pagitan ng lalaki at babae. Tinatawag na duplero at
duplera ang mga manlalaro. Umiikot ang paksa ng laro tungkol sa nawawalang loro ng
hari, agad na magsusumbong ang bilyajo sapagkat hinamon ng bilyaka. Ginaganap ang
larong ito kapag may lamay o parangal sa isang patay.
• Balagtasan – Ito ay ang pagtatalo ng dalawang panig kung saan inilalahad ng dalawa
ang kani-kanilang saloobin o pangangatuwiran tungkol sa isang paksa.
HInango ito mula sa pangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

May iba’t ibang sukat ang isang tula maaaring wawaluhin, lalabindalawahin, lalabinganimin, at
lalabingwaluhin.

Mga Halimbawa:
(Wawaluhin) (Lalabindalawahin)
Isda ko sa Mariveles, Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Nasa loob ang kaliskis sa bait at muni, sa hatol ay salat (Lalabing-
animin)
Sari-saring bungang-kahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

(Lalabingwaluhin)
Tumutubong mga palay, at marami mga bagay,
Naroon din sa may loobang may, bakod pang kahoy na malabay

2. Tugma- Kapag ang huling pantig ng salita ng bawat taluodtod ay magkasingtunog. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

A. Tugmang Patinig
➢ Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang nagtatapos sa isang patinig
na maaring may impit (malumi, maragsa) o walang impit (malumay, mabilis).

Halimbawa:
TUGMANG PATINIG NA MALUMI (mabagal ang biyaya bati tubo dakila
bigkas na may impit) hinati hinalo
MAY IMPIT

TUGMANG PATINIG NA MARAGSA (mabilis ang sigwa tahi paso salita


bigkas na may impit) uwi taho
MAY IMPIT
TUGMANG PATINIG NA MALUMAY (mabagal ang sama mabuti uso ligaya
bigkas na walang impit) sinabi ganado
WALANG IMPIT
TUGMANG PATINIG NA MABILIS (mabilis ang bigkas sinta silbi tubo kanta
na walang impit) dumi kalbo
WALANG IMPIT

B. Tugmang Katinig
✓ MAHINA- magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang magkatulad ng
patinig, ng huling pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa l, m, n,
ng, r, w, y.
Halimbawa:
a e-i o-u
Kasal Anghel Motor
Alam Kulimlim Barongbarong
halaman agiw baduy

✓ MALAKAS- magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salitang magkatulad ng


patinig ng huling pantig at ang pinakadulong ponemang katinig ay alinman sa b, k, d,
g, p, s, t.

Halimbawa:
a e-i o-u

Hikab Bilibid halughog

tagaktak pinakbet kilabot

3. Saknong- ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.

Halimbawa:

Sa Iyong Pag-irog ni:


Avon Adarna
Ang mga kamay mo’y pampawi ng lungkot, Kiliti ng haplos sa
diwang malikot, Ito ang
Kapag nababagha’t ibig makalimot, Ang mga kamay mo ang halimbawa
siya kong gamot. ng tulang may
dalawang
Itong tsokolate na ubod ng tamis saknong o
tinatawag na
Matamis na gaya ng mukha mo’t kutis, Tunay na COUPLET
hindi ko matitiis-tiis,
Haplusin ang nasa’t laging ninanais!

✓ 2 linya (Couplet)
✓ 3 linya (Tercet)
✓ 4 linya (Quatrain)
✓ 5 linya (Quintet)
✓ 6 na linya (Sestet)
✓ 7 linya (Septet)
✓ 8 linya (Octave)

4. Sesura- saglit na paghinto sa pagbabasa ng bawat taludtod.


Halimbawa:
Ang pag-ibig na dakila’y/ aayaw ng matagalan, parang lintik
kung gumuhit/ sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-
tindi,/ minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha,/
tandaan mo’t minsan lamang.

5. Larawang-diwa – ito ang pinakapuso ng panulaan. Ito ang tumutukoy sa muling paglikha ng
makata ng anumang karanasan dulot ng iba’t ibang pandama sa pamamagitan ng mga salita.
Iniiwan nito sa mga mambabasa ang mga tiyak at malinaw na larawan.
6. Simbolismo- ito ay mga tunay o konkretong imahen na sumusulong sa atin na isipin ang
kahulugan napapaloob dito.
7. Kariktan- ito ang mga salitang maririkit o magagandang pakinggan. Nakatutulong ang mga
salitang ito upang mas maingganyong magbasa ang isang inidbidwal sa tula.
8. Talinghaga- Ang “talinghaga,” ani Almario, ay ang “buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at
disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula. Para
kay L. K. Santos, may dalawang uri ng talinghaga: una, ang mababaw; at ikalawa, ang malalim.
Ang una’y tumutukoy sa madaling maunawaan ng nagbabasa o nakikinig; samantalang ang
ikalawa ay nangangailangan ng malalim na pagiisip at tuon upang maunawaan ang kahulugan.
9. Aliw-iw- isang elemento ng tula na tumutukoy sa banayad na pagdaloy ng isang literature.
10. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa tula, maaaring ito ay nasa una, ikalawa o ikatlong
panauhan.

Anyo ng Tula
1. Malayang Taludturan- isang anyo ng tula na kung saan walang sukat at walang tugma.
Isang tula na isinulat na walag sinusunod na patakaran kung hindi kung hindi ang
anumang naisin ng sumusulat. Ito ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G.
Abadilla (AGA).
2. Tradisyonal- makalumang pamamaraan ng pagsulat ng tula na kung saan may sukat, tugma at
matatalinhagang mga salita.
3. May Sukat na walang tugma – tulang may tiyak na sukat maaaring wawaluhin, lalabindalawahin,
lalabing-animin,lalabingwaluhin ngunit walang tugma sa dulo ng bawat pantig ng salita.

4. Walang sukat na May tugma – tulang may tugma sa dulo ng bawat pantig ng salita ngunit walang
tiyak na sukat. Narito ang halimbawa sa ibaba.
Mga Teorya sa Pagsusuri ng Tula

1. Teoryang Imahismo- layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na


maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan

Halimbawa:

Ang Guryon
Ni: Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na
yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang
guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo’t
paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas at sa
papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, at
baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan; makipaglaban ka,
subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, matangay ng


iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t
dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos, bago pa
tuluyang sa lupa’y sumubsobs

Bakit ito napabilang sa teoryang imahismo?


▪ Ang guryon ay napabilang sa teoryang imahismo sapagkat gumagamit ito ng mga imahen
upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula. Ang guryon na isinaad sa tula ay
inihahalintulad sa isang pangarap ng isang tao. Katulad ng isang guryon kinakailangan
tayong magpatuloy sa ating paglipad at pagkamit ng ating mga pangarap, mayroong
mga panahon na hahatakin tayo ng malakas na hangin ng ating buhay ngunit kailangan
nating pagtibayin ang ating paniniwala at pananalig sa Diyos sapagkat siya ang
makatutulong sa atin upang maging matagumpay tayo sa ating mithiin sa buhay.

2. Romantisismo - Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at pagpasok
ng 1900. Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at paghanga sa
kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na naganap
sa panitikan. Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag- ibig, mga awit
at korido na ang pinakapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe. Tumatalakay rin
ito sa mga katutubong buhay sa malalayong nayon. Lagi itong nagbibigay aral at itinatanim
sa isipan ng mambabasa na ang mga nagkakasala at masama ay parurusahan. Ang
terminong romantiko (“maromantiko”) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig
sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyeval na romansa. Romantiko
ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng
Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na naisulat sa panahong iyon
ay may pagkaromantiko ang paksa,tema at istilo. Naniniwala ang mga romantisista sa
lipunan na makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad. Inspirasyon ang tanging
kasangkapan ng mga romantisista para mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at
kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa
pagiging totoo at maganda ng isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay ang akda
sapagkat nabibigyan ng bagong sigla ang mga mambabasa sa akdang pinagtutuunan nila ng
pansin.

Babang Luksa ni:


Diosdado Macapagal
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika'y lumisan; Subalit
sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang
di - malilimutan.
Kung ako'y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw; Tuwa'y
dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo'y magkapiling.
Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo'y nag-ibigan ; Sa
bakura't bahay , sa lahat ng lugar , Itong
kaluluwa'y hinahanap ikaw.
Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo'y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa Ang
ipapalit ko'y ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan At
iniwan akong sawing - kapalaran Hindi mo
ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo'y para ring namatay ?
Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa'y hindi ka tumanda ;
At ang larawan mo sa puso ko't diwa Ay
manatiling maganda at bata.
Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buok ko'y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina
At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.
Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo'y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhi't marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan Ang
kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko'y sadyang maninimdim; Hanggang
kalangitan tayo'y magkapiling.

Bakit ito napabilang sa teoryang romantisismo?


▪ Napabilang sa teoryang romantisismo ang tulang ito sapagkat ipinadama ang matinding
pag-ibig ng isang asawa sa kanyang yumaong kabiyak ng puso. Ipinahiwatig sa tula ang
kalayaang maipahayag ng asawa ang kanyang emosyon at matinding nararamdaman
mula nang yumao ang kanyang pinakamamahal sa buhay. Mas pinahahalagahan sa
tulang ito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Ang pagmamahal ng manunulat sa
kanyang asawa ang naging inspirasyon niya sa kanyang pagsulat upang mapabatid niya
sa mga mambabasa ang katotohanan, kagandahan at kabutihan ng tulang kanyang
isinulat.

3. Teoryang Formalismo – Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas


kundi ang pagsusuri na ring ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng
mahahalagang bagay mula sa simula patungo sa iba’t-ibang elementong magkakaugnay
hanggang sa katapusan. Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba
pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito, masasabing mahusay ang
akda. Binibigyang atensiyon din ang salita o bokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang
pampanitikan sa pang araw-araw na salita

Halimbawa:
Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan
“Walang mangyayari sa balat ng lupa,

Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.”


Kumislap ang isip ng pantas na malay

At ang sandaigdig ay naliwanagan

Nagsipamulaklak ng dunong na yaman

Ang nangagpunyaging paham na isipan;

At tayo’y nagising sa bagong kandungan

Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

Natuklas ng dunog na kahanga-hanga

Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;

Tila niloob ng Poong Bathala

Na tayo’y matapos sa sariling nasa;

Nakapabingit na sa pagkariwara

Ang ating daigdig na lutang sa luha!

Sa bagong liwanag ng pagkakasulong

Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;

Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,

Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,

Nasisid ang mga dagat na maalon

Ng taong palakang nagwagi sa layon!

Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas

Narating ang buwan ng bakal na limbas;

Noon naman unang sa buwa’y lumunsad

dalawang bunying astronauts na tanyag;

Subalit hindi pa lubos na matiyak

Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.


Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog

Kapag may malaking bombang sinusubok,

Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok

At saka malihis sa kanyang pag-ikot,

Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos

Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog!

Hindi lamang iyan, may panganib pa ring

Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,

Sa dalawa kayang malakas ay alin

Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?

Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,

Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil

Bakit ito napabilang sa teoryang formalismo?


▪ Ang tulang ito ay napabilang sa teoryang formalismo sapagkat gustong iparating ng
manunulat sa mambabasa ang kanyang paninindigan tungkol sa isang paksa. Masusi
ang pagkakagawa at pagpili ng mga salita mula tula at kung papansinin natin, maayos at
malinaw ang pagkasunod-sunod ng mga ideyang inilahad ng mga manunulat. Mahusay
na inilantad ng manunulat ang kanyang ideya tungkol sa epekto ng paggamit ng dunong
ng mga tao sa maling pamamaraan kung saan ay nagkaroon ng higit ng epekto sa
buhay ng mga tao.

4. Humanismo- ito ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyong tao.


Binibigyang-pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang
pampanitikan. Binibigyang pansin din ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.
Itinataas ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.

Halimbawa: LUHA
ni: RUFINO ALEJANDRO
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay "Bunso,kaiingat
sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa
gawang masamay dapat iwasan." Ng kapalalua't ang aral ni Ama't
ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang
nagpakpak,aon na aking tinanggap
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y
huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit Iluha
ang aking palad na napakaapi!
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay; Ianod ang
dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!

Bakit ito napabilang sa teoryang humanismo?


▪ Napabilang ang tulang ito sa teoryang humanismo sapagkat ipinapakita dito na ang tao
ang sentro ng mundo. Umiinog ang istorya ng tula tungkol sa isang tao na nakaramdam
ng matinding pagsisi sa kanyang buhay sapagkat hindi niya binigyang halaga ang mga
payo at paalala ng kanyang mga magulang sa kanya noong bata pa lamang siya.
Ipinakita sa tula ang mapagkumbabang pag-uugali ng persona sa tula, ipinahiwatig niya
na nasa huli ang pagsisisi kaya kinakailangan na sundin talaga natin ang utos at payo
ng ating mga magulang sapagkat lahat ng kanilang mga paalala ay para sa kabutihan
natin bilang mga anak.

4.Arketaypal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi bastabasta masusuri ang mga simbolismo sa
akda.Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay
naayon sa tema at konseptong ipinakilala ng may akda sa mga mambabasa.

Sa Tabi ng Dagat
Ni: Ildefonso Santos
Marahang-marahang
manaog ka, irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat
di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,

Bakit ito napabilang sa Teoryang Arketaypal?

▪ Ang akdang ito ay tumatalakay sa buhay ng tao pati na rin sa pag-ibig. Naipakita sa
akdang ito ang kahalagahan ng pag-ibig tungkol ito sa dalawang taong nagiibigan na
kung saan ginamit nila ang kalikasan sa pagpapahayag nito. Inilahad ang tula sa
pamamagitan ng mga simbolo na kung saan ipinahahayag ang kabuuang konsepto at
ideya ng tula. Halimbawa sa mga pahayag na may simbolismo ay ang sumusunod.
▪ “Di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing, sa sakong
na wari’y kinuyom na rosas”- ibig sabihin babaeng may kutis porselana at busilak sa
kaputian.
▪ “Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan, ng damong may
luha ng mga bituin” – ibig sabihin bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas
na umaga. Ilan lamang ito sa mga simbolismo na ginamit sa akda.

You might also like