You are on page 1of 17

[Type here]

10
FILIPINO
Kwarter 3 – Modyul 3
Hele ng Ina sa Kanyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Matatalinghagang Pananalita
at Simbolismo

Self-Learning Module
0
[Type here]

PAUNANG SALITA
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pang ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ilang mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
[Type here]

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

• Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.


F10PN-IIIc-78

• Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang


pahayag sa tula. F10PB-IIIc-82

• Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.


F10PT-IIIc-78

ALAMIN

• Nakasusuri sa kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan/nabasang tula.


• Nakapagbibig-kahulugan sa iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag
sa tula.
• Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
• Nakapagpapahayag ng damdamin/saloobin sa ina sa pamamagitan ng tula.

BALIKAN

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na aytem.

1. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


a. taludturan b. saknong c. sukat d. tugma
2. Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
a. taludturan b. saknong c. sukat d. tugma
3. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
a. saknong b. persona c. sukat d. talinghaga
4. Tulang may sukat at tugma.
a. malaya b. tradisyunal c. pandamdamin d. blangko berso
5. Uri ng tulang walang sukat at tugma ngunit mayaman sa talinghaga.
a. malaya b. tradisyunal c. pandamdamin d. blangko berso

2
TUKLASIN

Alam mo ba na...
ang TULA ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat
saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay
nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo
ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang
pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at
maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento
nito. Ito ay ang sumusunod:

1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
Tugmang – Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at


ang kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng


tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

5. Persona-tumutukoy sa nagsasalita sa tula.

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA


Narito ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at
simbolismo upang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa
pagiging masining sa pagbuo ng taludturan ng isang tula.

3
Alam mo ba na…
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang
paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na
nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay,
nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at
matatalinghagang pananalita.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad
na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain
ng anumang wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot – duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitanni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat


ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang
ikalawa’y tumutukoy sa mahirap
.
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa
pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.

Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim- malas
4. tanikalang-bakal- kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na


kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.

4
SURIIN

Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng


magandan kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang
taga-Ugand para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.
Basahi at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang
malaya at makita ang kaibahan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng
bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at
matatalinghagan pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining na pagbuo ng
taludturan ng isang tula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(A Song of a Mother to Her Firstborn)
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,

5
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing, Ako’y wala nang mahihiling.

GAWAIN 2: Talasalitaan
Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at
gawin ito sa sagutang papel.

A. Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng


Damdamin
kagalakan 5
katuwaan 4
kaluwalhatian 3
kaligayahan 2
kasiyahan 1
Paliwanag sa Pag-aantas
B. Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng
Damdamin
lungkot 5
lumbay 4
dalamhati 3
pighati 2
pagdurusa 1
Paliwanag sa Pag-aantas

6
GAWAIN 3
Panuto: Sagutan ang mga tanong batay sa iyong natutunan.

1. Sino ang persona sa tula?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang kaniyang pangarap?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula?
Ibigay ang iyong pananaw ukol dito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-
ayon ka ba rito? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak
sa kaniyang ama? Sa poon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
8. Ano ang mensahe na nais ipabatid ng may akda sa mga mambabasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya na


nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak.

7
ISAGAWA

Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael


Palma, “Ang Matanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y
tulang malaya o tulang tradisyonal.
Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

“Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayo’y katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.”

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin


ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”

“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”
“Akala’y isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”

“Kung ako’y lumapit na nananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako

8
ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang unang sandaliy’ walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandali’y walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

At siya’y hindi na muling makalipad


hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Marahil natalos mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan sa


pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.

GAWAIN 4:

Panuto: Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang


Kasunod na grapikong representasyon.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI


a. Sukat
b. Tugma
c. Kariktan
d. Talinghaga
PAGLALAHAT BATAY SA PAGSUSURI
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan

Nasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong


paraan? Patunayan.

9
GAWAIN 5.
Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng tulang binasa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?
Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula.
Hanapin ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat
ang kahulugan nito sa sagutang papel.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;


Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihani Lope K. Santos)

3. May tanging laruan isang bolang-apoy


Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

4. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwa’t katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni
Hafiz)

10
TAYAHIN

A. Panuto: Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na


kahon at gamitin ang mga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang
konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. tradisyonal sukat malaya tugma tula

2. tula kultura bansa pinagmulan isinasalaysay

3. sapagkat simbolo kariktan pahayag matalinghaga

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagsasanay: Katibayan ng Kaalaman

B. Panuto: Gumawa ng paglalahat/sintesis sa natutunan, natuklasan at


masasabi mo sa kabuuan ng aralin sa tulong ng organizer.

Natutunan ko sa aralin na ito na...

Natuklasan ko na...

Masasabi ko na...

11
Ikinagagalak kong pinagbuti mo ang iyong pagkatuto. Narito ka na ngayon sa
huling hamon ng araling ito.

Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo sa simbolismo at talinghagang


pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong napagtibay.
Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, makabubuting magtanong
ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain sa pagkatuto.

PANUTO:
1. Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita at
simbolismo na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong
saknong ang tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na
pamantayan: kayarian, kasiningan, at kaangkupan.
2. Gumawa/lumikha ng card kung saan doon mo isusulat ang ginawang tula.
3. Basahin at ibigay ito sa iyong ina o sa tumatayong ina mo.
4. Kuhanan ng larawan ang iyong ina o ang tumayayong ina na hawak ang card
na naglalaman ng sariling gawang tula.
5. Magpasa ng kupya ng ginawang tula kalakip ang larawan.

Sanggunian:
Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 279-280

12
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, CESO V


Schools Division Superintendent

LEAH B. APAO, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAED


Education Program Supervisor in Filipino

GENEVIVE S. VALLAR
Writer/Layout Artist

13
14
GAWAIN 1: GAWAIN 2:
1. C A. 5 kaluwalhatian B. 5 pagdurusa
2. D 4 kaligayahan 4 dalamhati
3. D 3 kagalakan 3 pighati
4. D 2 katuwaan 2 lungkot
5. A 1 kasiyahan 1 lumbay
GAWAIN 4
ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI
a. Sukat lalabindalawahin
b. Tugma Tugmang di-ganap
c. Kariktan Taglay nito ang kariktan dahil sa piling-
pili ang mga salitang ginamit na siyang
nagpapaganda ng tula.
d. Talinghaga Mayaman sa talinghaga upang
maipahayag ang mensaheng nais
ipabatid.
PAGLALAHAT BATAY SA PAGSUSURI
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan.
Tradisyunal dahil mayroong sukat at tugma
Oo,sumasalamin ito sa kulturang Pilipino ang pagmamalasakit at pagmamahal ng
mga magulang sa mga anak at hindi nagsasawang magbigay ng pangaral upang
hindi maligaw ng landas.At ang paniniwalang may katumbas ang pagsuway sa
mga magulang o nakakatanda.
GAWAIN 5:
Ano ang layunin ng tulang binasa?
Layunin nitong magbigay ng aral sa mga kabataan nasumunod sa mga payo ng
magulang o nakakatanda dahil wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan.
Ipinapabatid din dito na hindi dapat magpadalusdalus at huwag padadala sa
kapusokan dahil baka itoy maghatid sa kapahamakan .
Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?
Ang una ay malayang tula samantalang ang pangalawa ay tradisyonal na tula na
may sukat at tugma.
Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?Patunayan.
Oo, dahil parihong parihong nagtataglay ng mga matalinghagang pahayag,
simbolismo at piling-pili ang mga salitang ginamit.
PAGSASANAY
1. kandilang nangagbabantay – pumanaw na o patay na
2. Walang paupa sa hirap at pagod – walang hinihinging kapalit na tulong o
kusang loob na pagtulong
3. laruan at parol – araw at buwan sa kalangitan
4. Pagbabalik ng Maylalang sa burol, dalampasiga’t karagatan – pagbabalik sa
pinanggalingan o pinagmulan
Tayahin A.
1. Ang tradisyunal na tula ay may sukat at tugma samantang ang malaya ay
walang sukat at tugma.
2. Isinasalaysay ng tula ang kultura ng bansang pinagmulan.
3. Ang kariktan, simbolismo at matalinghagang pahayag ay mga mahalagang
sangkap ng tula sapagkat ito ang nagpapaganda at nagdadagdag ng kasiningan
ng tula.
Susi sa Pagwawasto
SINOPSIS

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na


kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying
inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at
pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda
na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang
magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng
ina sa pangalan ng anak, mga pangarap, panghuhula sa magandang kinabukasan
ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.
Sa SLK na ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” na isinalin sa Filipino
ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na “A Song of a
Mother to Her Firstborn”. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng
simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng tula.
Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa. Sa
pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na gagamitan mo ng mga simbolismo at
matatalinghagang salita. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) kasiningan sa paggamit ng
mga salita.
Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa ang mga
tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya? Paano
nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa
pagiging masining sa pagbuo ng isang tula? at; Paano naiaantas ang mga salita ayon
sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.

May-akda: GENEVIVE S. VALLAR


Nagtapos sa Cebu Normal University ng kursong
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino,
taong 2005. Kasalukuyang nagtuturo sa Jagobiao
National High School bilang guro sa Ikasampong
Baitang.

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

16

You might also like