You are on page 1of 13

ASSEMBLYWOMAN FELICITA G.

BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL


Lias, Marilao, Bulacan
Masusing Banghay-aralin sa Filipino 10

I. Layunin
A. Natatalakay ang mga gunita na pumasok sa isipan ni Isagani
B. Nailalarawan ang pagmamahal at pangarap ni Isagani sa kanyang bayan
C. Nailalahad ang mga katangian na dapat taglayin ng isang pinuno
II. Paksang Aralin
A. Paksa
El Filibusterismo, Kabanata 24: Ang Pangarap
B. Talasanggunian
El Filibusterismo ni L. Bandril; L. Francia, pahina 153-159
C. Mga Kagamitan
pisara, yeso, kagamitang biswal, mga larawan
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw ng Gawain
1. Panalangin Araw-araw na Panalangin
Isa sa mga mag-aaral ang Panginoon, maraming salamat po sa isang
maaatasang manguna sa panibagong araw at buhay na ipinagkaloob
pananalangin. Ninyo sa bawat isa. Salamat po sa patuloy na
pagbibigay ng biyaya sa amin at pagtugon sa
aming mga dalangin. Patawarin po Ninyo
kami sa lahat ng aming pagkakasala. Nawa po
sa araw at oras na ito ay marami po kaming
matutuhan mula sa aming guro at sa aming
kapwa mag-aaral. Lahat po ng mangyayari sa
araw na ito ay amin pong ipinauubaya sa
Inyo. Salamat po. Ito po ang aming samo’t
dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus.
Amen.
2. Pagbati
“Isang magandang hapon sa
inyong lahat.”
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran

1
“Bago tuluyang maupo
siguraduhing malinis ang paligid “Magandang hapon din po, ma’am Desserie.”
at walang kalat. Pakiayos din ang
mga upuan.”
4. Pagtatala ng mga liban “Opo, ma’am.”
“Class monitor, ilan ang liban
ngayon at sino-sino sila?”

B. Pagbabalik-aral
Magbabalik tanaw patungkol sa “Ma’am, may (bilang ng mga mag-aaral na
huling kabanata na tinalakay liban) sila/sina (pangalan ng mga mag-aaral
1. Ano ang sadya ni Simoun kay na liban).
Basilio?

1. Hinimok ni Simoun na sumama sa


2. Ano ang malagim na balitang himagsikan si Basilio laban sa
tinanggap ni Simoun? pamahalaan ng Kastila. Si Basilio raw
ang magtatakas kay Maria Clara sa
kumbento habang nagkakagulo ang
lungsod.
2. Patay na si Maria Clara ayon kay
Basilio.

C. Pagganyak/Motibasyon
1. Isusulat ng mga mag-aaral ang
lahat ng kanilang mga pangarap
sa buhay sa isang buong papel.
“Bago tuluyang dumako sa “Okay po, ma’am.”
araling ating tatalakayin nais
kong kumuha ang bawat isa ng
papel at isusulat dito ang lahat ng
inyong mga pangarap sa buhay.”
2. Gagawing eroplano ng mga mag-
aaral ang papel na sinulatan ng
mga pangarap.
“Matapos ninyong isulat ng “Opo, ma’am.”
inyong mga pangarap, itupi ang
papel ng tuping eroplano.

2
Marunong ba kayong gumawa
ng eroplanong papel?”
3. Papaliparin ng mga mag-aaral
ang eroplanong papel patungo sa
iba’t ibang mga direksyon.
“Kapag tapos na ang pagtutupi “Okay po, ma’am.”
ng eroplanong papel, ito’y
inyong papaliparin papunta sa
iba’t ibang direkyon. Iwasan na
makatama ito sa inyong mga
kamag-aral.”
4. Kukuha ang bawat mag-aaral ng
isang eroplanong papel na hindi
nila pagmamay-ari.
“Ngayong napalipad na ninyo “Sige po, ma’am.”
ang inyong mga eroplanong
papel, kukuha kayo ng isa nito na
napunta sa inyong direksyon.
Siguraduhing ang nakuha ay
hindi ninyo pagmamay-ari.”
5. May mga piling mag-aaral na
magbabasa ng mga pangarap na
nakasulat sa nakuhang papel.
“May ilang mga mag-aaral ang “Ako po, ma’am.”
magbabasa ng hawak nilang mga (Babasahin ang nakasulat sa papel)
papel. Sino ang maaaring
magbahagi ng mga nakasulat sa
hawak ninyong mga papel?”

D. Paglinang ng Aralin
1. Mula sa ginawa ng mga mag-
aaral , itatanong ng guro ang

3
mga sumusunod.
“Ano ang mapapansin ninyo “Opo, ma’am.”
sa mga isinulat na pangarap
ng inyong mga kamag-aral?
May pagkakatulad-tulad ba
sila?
“Ano ang kanilang mga “Ang mga pangarap pong inilahad ay pawang
pagkakapare-pareho?” mga pangarap para sa kanilang mga sarili,
mga nais marating sa buhay at para sa
pamilya.”
2. Iuugnay ng guro ang
ginawang aktibiti at kasunod
na tanong sa paksang
tatalakayin.
“Makikita natin na halos “Sige po, maam.”
pare-
pareho ang isinulat ninyong
mga pangarap – pangarap
para sa sarili at para sa
pamilya. At sa pagpapatuloy
ng ating talakayan, tuklasin
natin kung ano ang mga
pinangarap ng pangunahing
tauhan sa kabanata.
3. Talasalitaan.
Magsasagawa ng larong “4
Pics 1 word”.
“Ngunit bago natin simulan “Opo, ma’am.”
ang pagtatalakay, unahin
muna nating bigyang daan
ang paghawan sa sagabal.
Pamilyar ba kayo sa larong 4
Pics 1 Word?”
Panuto: Ipapakita ng guro
ang malalalim na salita
kasama ang larawan nito.
Huhulaan ng mga mag-aaral
ang kasingkahulugan ng mga

4
salita base sa larawang
ipinapakita pagkatapos ay
gagamitin nila ito sa sariling
pangungusap.

a. Matarik
“mataas”
Sariling pangungusap gamit ang salitang
matarik.

b. Kabuktutan

“kasamaan”
Sariling pangungusap gamit ang salitang
kabuktutan.

c. Naulinigan

“narinig”
Sariling pangungusap gamit ang salitang
namutawi.

“matarik – mataas”
“kabuktutan- kasamaan”

5
“Ulitin nating muli ang mga “naulinigan- narinig”
salita at kasingkahulugan nito.”

“Mga Pangarap po, ma’am.”


4. Pagsisimula ng talakayan.
“Ngayon ay nabigyan na
natin ng kahulugan ang mga
salitang ginamit sa kabanata.
Dadako na tayo sa
pagtatalakay sa ating aralin
na Kabanata 24 na
pinamagatang? “Mga mithiin po sa buhay.”
“Mga nais pong mangyari sa buhay ng isang
“Okay, tama. Kapag sinabi tao.”
nating pangarap, ano “Mga bagay na dapat bigyang katuparan.”
karaniwang pumapasok sa
isip ninyo? Ano ba ang
pangarap?” “Si Isagani, Paulita Gomez at Donya
Victorina po, ma’am.”
“Magaling. Sino-sino naman
ang tauhan na matatagpuan
natin sa kabanatang ito?

5. Hahatiin ng guro ang mga


mag-aaral sa tatlong na
pangkat para sa gagawing
talakayan. Bubunot ang
bawat grupong papel mula sa
guro na nagsasaad ng “Okay po, ma’am.”
kanilang gagawin.
“Upang malaman natin ang
nilalaman ng kabanata,
hahatiin ko kayo sa tatlong
pangkat. Ang bawat grupo ay
magkakaroon ng
representatib na siyang pipili
ng paper bag na nandito sa
harapan. Ang kahon ay

6
naglalaman ng mga papel na
nasusulatan ng mga gawaing
nakaatang sa bawat grupo.
Kasama ng papel na ito ang
mga kagamitan na maaaring
gamitin para sa
pagtatanghal/pagsasagawa ng
mga nakaatang na gawain.
Bibigyan ko kayo ng 10
minuto para makpag-usap-
usap.”
Ang mga mag-aaral ay
mamarkahan sa pamamagitan
ng:
Nilalaman - 15 puntos
Presentasyon - 10 puntos
Kaisahan ng - 5 puntos
mga miyembro
Kabuuan - 30 puntos Unang Pangkat:
Pagsasadula ng mga mag-aaral.

Unang Grupo
1. Ilahad ang dahilan kung bakit “Ipinapakita po sa unang bahagi ng
nagkaroon ng tampuhan si Isagani at kabanatang ito na nagkaroon ng hindi
Paulita.
pagkakaintindihan ang magkasintahan dahil sa
a. ano ang dahilan ng di
pagkakaunawaan ni Isagani at Paulita? nangyari nang sinundang gabi. Si Isagani po
ay nagseselos kay Juanito Pelaez na siyang
b. ano ang ginawang hakbang
ng dalawa uplang maayos ito?
Ilahad ito sa klase sa pamamagitan ng umalalay kay Paulita nang gabing iyon.
pagsasadula
Samantala, si Paulita naman ay nagseselos
naman dahil daw po nakatuon lamang ang
paningin ni Isagani sa mga babaeng Pranses
na nagtatanghal at hindi man lamang siya
napansin nito.”

“Opo, ma’am. ‘Yan po talaga ang dapat pong


“Okay, mahusay na pagsasadula. gawin.”
Ipinapakita sa bahaging ito na kaya

7
magkikita ang magkasintahang Isagani
at Paulita ay upang pag-usapan ang
kanilang di pagkakaunawaan. Kung saan
sa kahit anong uri ng relasyon dapat
naman talaga itong ginagawa upang
hindi na lumala pa. Halimbawa na
lamang sa pagitan ninyo at ng inyong
mga kapatid, kailangang mag-usap kung
may pagkakagalit upang maiwasan ang
samaan ng loob sa isa’t isa”
Ikalawang Pangkat:
Ilalahad sa pamamagitan ng bubble
Ikalawang Grupo
organizer
1. Isa-isahin ang mga gunita na
pumasok sa isip ni Isagani habang
siya’y nag-iisa. “Una po ay ang patungkol sa pag-iibigan nila
a. bago dumating si Paulita, ni Paulita. Alam po ni Isagani na walang
ano-ano ang mga pumasok sa isip ni
kasiguraduhan ang kanilang pagmamahalan
subalit anuman ang mangyari ay maluwag na
tatanggapin ito ng binata.”
“Pangalawa, nang marinig po ni Isagani si
Ben Zayb na nagsabing may sakit si Simoun
at kahit katulong ng Heneral ay hindi man
lamang makapasok sa kanyang bahay, naisip
ni Isagani na buti pa si Simoun dahil
mayaman ay maraming nakakaalala
samantalang ang mga sundalo na totoong
malubhang nasusugatan ay hindi man lamang
ipinasisilip kaninuman.”
“Pangatlo, naisip ni Isagani na napakatagal
nang panahon na nagsisiyukod ang mga
Pilipino sa mga Kastila. May ibang
manlalakbay na tumigil sa ibang bansa subalit
kapag alam nilang hindi papaalipin ang mga
taong naroroon ay hindi naman sila nang-
aagaw ng lupa.”

“Patungkol po sa kanyang bayan.”

8
“Mahusay na paglalahad. Makikita natin
na habang nag-iisa si Isagani ay
napakaraming pumapasok sa kanyang
isipan. At kung mapapansin natin, hindi
lamang puro pansarili ang kanyang
naiisip kundi ang . ..”

“Sabi nga ni Isagani, may iba naman


daw na manlalakbay na tumigil sa ibang
bansa subalit kapag alam nilang hindi
papaalipin ang mga taong naroroon ay
hindi naman sila nang-aagaw ng lupa. Sa
madaling salita, walang matatawag na
alipin kung walang magpapaalipin. “Maglalakas loob po ako na lumaban para sa
Nakalulungkot mang isipin dahil aking bayan. Makakaramdam po ng takot pero
napakatagal na nawalan ng kalayaan ng hindi po ako susuko, ma’am.”
mga Pilipino dahil marami sa kanila ay “Sa totoo lang po, makakaramdam po ako ng
napangunahan ng takot.” sobrang takot lalo na po kung alam ko pong
marami at malalakas po sila.”
“Kung kayo ba ang nasa katayuan ng
mga Pilipino dati, anong gagawin ninyo Ikatlong Pangkat:
kapag may dumating na mga dayuhan sa Ilalahad gamit ang ipininta/iginuhit na mga
ating bansa?” larawan
“Una po, ipinapakita po sa bahaging ito na
handa at nais ni Isagani na mamatay alang-
alang sa katarungan ng kanyang bayan. Nais
niya pong maging makabuluhan ang kanyang
buhay.”
Ikatlong grupo
“Inilarawan ni Isagani kung gaano siya kaaliw
1. Paano inilarawan ni Isagani ang
kanyang pagmamahal sa sariling sa kanyang lalawigan, sa kanyang bayan. Ang
bayan.
mga kagubatan, ilog, kabundukan, mga hayop
2. Ilarawan ang mga pangarap ni
at mga halaman sa kanyang lalawigan ang
Isagani
para sa kanyang bayan. siyang tunay na nagpapasaya sa kanya at
Ilahad ito sa klase sa pamamagitan ng nadagdagan ito nang dumating na si Paulita sa
mga larawang ipininta/iginuhit kanyang buhay. Nais niyang isama si Paulita
sa kanyang bayan subalit ayaw ng dalaga.”
“Pangarap ni Isagani na makitang maunlad
ang kanyang bayan. Darating ang araw na

9
magkakaroon na ng tren, mga gusali ang
Pilipinas senyales na ang ating bansa ay
dumaraan na sa pag-unlad. Darating pa rin
ang araw na magiging malaya ang ating
bansa.”

“Si Isagani po ay mapagbigay, punong-puno


ng pag-asa at pangarap hindi lamang para sa
sarili kundi para sa bayan. Samantala, si
Paulita naman po, ang nasa isip lamang ay
pagmamahalan nila ni Isagani.”
“Si Isagani po ay di makasarili gawa ng
kanyang mga pangarap subalit si Paulita
naman po ay kakikitaan ng pagiging
makasarili.”
“Magaling, napakagandang mga
larawan. Makikita natin na ang mga
pangarap pa lang tinutukoy sa
kabanatang ito ay isang dakilang
pangarap na maituturing – ang pangarap
para sa sariling Inang bayan. Ito ay ang “Donya Victorina po”
mga hindi makasariling pangarap ni
Isagani. Kung mapapansin din natin,
magkaibang-magkaiba ang katauhan ng “Baka sipunin raw po si Paulita”
dalawang magkasintahan. Paano natin
sila ihahalintulad sa isa’t isa?”

“Si Isagani ay isang larawan ng


kabataan na punong-puno ng matatayog
na pangarap sa kanyang bayan. Sabi nga “Ang mga larawan po ay patungkol sa mga
niya na umaasa, “Bukas ay magiging problemang panlipunan po.”
mamamayan na tayo ng Pilipinas.”

“Naputol na ang kanilang usapan dahil


inaya ni …”

“Tama, inaya na si Paulita ni Donya


Victorina na umalis dahil baka siya raw

10
ay … “

“Umalis na nga sina Donya Victorina


lulan ng karwahe ni Paulita na katabi si
Isagani”

“Bilang pagtatapos may ipapakita akong


mga larawan sa inyo. Suriin natin ang
bawat larawan. Ano ang mapapansin
natin sa mga larawan?

“Maaaring dahil po sa mga namumuno,


ma’am.”

“Matalino, mahusay, magaling, may disiplina,


may malasakit, tapat po.”

11
“Ano kaya ang isa sa mga dahilan kung
bakit paulit-ulit lamang ang mga
ganyang problema ng lipunan?”

“Ano ba ang dapat na taglay na karakter


ng isang namumuno?”

“Okay, tama naman. Subalit kung


pakasusuriin natin, mahalaga na ang
isang pinuno ay hindi lamang basta
matalino o mahusay, dahil hindi naman
din niya ito magagamit kung wala
naman ang kanyang puso sa kanyang

12
bayan. Kinakailngan ng isang lider na
may totoong pangarap para sa bayan.”

“Ang kabanatang ito ay hindi lamang


basta pinasok ni Rizal sa El
Filibusterismo kundi nais niyang
ipabatid sa mga mambabasa nito na ang
tunay na kailangan sa isang bansa o sa
isang bayan ay pinuno na mangangarap
para sa ikauunlad at ikagagnda ng
kanyang sariling bayan. Ang lahat ng
magagandang bagay ay nagsisimula sa
pangarap.”
E. Paglalagom
1. Bilang pagtatapos, itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung gaano ba kahalaga
ang pangarap para sa isang tao?
2. Ang pangarap ay maaaring ihalintulad sa paglipad ng isang eroplano. Maraming
tao ang natutuwa kapag nakakakita ng eroplano sa himpapawid. Subalit bago
marating ng eroplano ang pinakataas ng himpapawid at marating ng tuluyan ang
destinasyon nito, marami itong pagdaraanang pagsubok (pagiging maulap, bagyo
o maaaring malakas na hangin). Tulad sa pangarap ng isang tao, maraming
pagsubok ang darating bago natin tuluyang maabot ang ating destinasyon at
makuha lahat ng pangarap sa buhay. At kahit gaano na kalayo ang narating natin
sa buhay sa pagkamit ng ating mga pangarap maaaring bumagsak kaagad tayo
pababa kung kalilimutan natin ang tunay na may likha ng eroplano ng bawat isa,
ang nagpunla ng pangarap sa ating lahat – ang Diyos.
3. Kanina yung mga nakuha ninyong eroplano na hindi ninyo pagmamay-ari ay
itago ninyo sa inyong notebook. Kapag nakikita ninyo ‘yung may-ari ng eroplano
na iyan na parang nawawalan na ng gana sa pag-aaral, napapabayaan na ang mga
bagay na dapat gawin, ipaalala ninyo sa kaniya na may mga isinulat siyang mga
pangarap na kailangan niya pang tuparin at maisasakatuparan niya iyon sa
pamamagitan ng pagtutuloy ng kaniyang mga nasimulan.

IV. Pagtataya
Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng maaaring sumimbolo sa iyong
pangarap/mithiin para sa bayan. (20 puntos)
V. Takdang Aralin

13

You might also like