You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


The Premier University in Zamboanga del Norte
Dipolog Campus, Dipolog City

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
a. nakasusuri ng salawikain at ang mga kaisipang nakapaloob,
b. nakapagbibigay sa mga kasingkahulugan ng mahihirap na salita at nagagamit sa sariling
pangungusap;
c. nakapagsasagawa ng sariling poster, awit, dula, at slogan na nagpapakita ng pagiging
matatag sa kabila ng hamon sa buhay; at
d. napahahalagahan ang mga aral na napupulot mula sa araling tinalakay.
II. PAKSANG – ARALIN
Paksa: Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari
Sanggunian: Aklat: Ibong Adarna interpretasyon nina Glady A. Gemina at Leslie S. Navarro
III. Kagamitan: Manila paper, pentel pen, larawan, at iba pang kagamitang panturo.
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral
1. Panimulang Gawain
A. Paghahanda
Panalangin
“Magsitayo ang lahat para sa pambungad na
panalangin. Maaari mo bang panguluhan,
Rodelyn?”

(Tumayo ang lahat at nanalangin)


Pagbati
“Magandang umaga mga mag – aaral.
Kamusta ang inyong mga araw?”

“Magandang umaga din po, Ma’am. Mabuti


naman po.”

“Bago magsiupo ay ayusin muna ninyo ang


mga upuan at pulotin ang mga kalat sa inyong
paligid.”
(Inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
kalat sa paligid)
Pagtatala ng Liban
“Bawat kalihim ng hanay may liban ba?
Unang hanay? “Wala po, Ma’am.”

"Pangalawang hanay?” "Wala po"

" Pangatlong hanay?" "Wala rin po Ma'am."

“Mabuti naman kung ganoon.”

Kasunduan
“Sino ang nakaalala sa ating kasunduan?
Magbigay ng isa, Marjorie?” “Huwag makipag – usap sa katabi habang
nagsasalita ang guro.”

“Maraming salamat. Ano pa,


Karen?” “Iligpit ang mga gamit na walang kinalaman
sa klase.”

“Magaling! At ang panghuli


ay…..Dawn?” “Itaas lamang ang kanang kamay kung nais
sumagot.”

“Tama!

Maaasahan ko bang susundin ninyo ang


lahat ng mga alituntuntuning nabanggit?”
“Opo ma’am.”

B. Pagbabalik- Aral/ Pagtatanong o


Pagwawasto sa takdang aralin

“Mabuti! Ngayon, sino sa inyo dito ang


makapagsasabi kung ano ang huling
tinalakay natin sa nakaraang pagkikita?”
"Ang ating paksa ay tungkol sa Ibong Adarna
"

“Tama! Ano ang tungkol sa Florante at


Laura Dawn?
"Ang Ibong Adarna ay isinulat ni Jose Dela
Cruz at ito ay isang akdang pampanitikan na
Korido."

“Mahusay! Tiyak kung alam na alam niyo


na ang ating itinatalakay noong nakaraan.
Mayroon pa ba kayong mga tanong
hinggil dito?”
"Wala na po ma’am."

“Bago ko makalimutan pala mayroon ba


akong naibigay na takdang aralin?”

"Wala po ma'am."

2. Pangganyak

“Ngayon, bago tayo tuloyang pumunta sa


ating panibagong paksa ay magkakaroon
muna tayo nga laro. Gusto niyo ba ng laro
klase?

"Opo ma'am."

Ang larong ito ay tinatawag na "Gintong


Kasabihan, Gintong Karunungan."
Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang
suriin ang bawat salawikain na ibinigay
ko sa inyo. "Handa na ba kayo klas?

"Opo ma'am."

"Ngunit bago ang lahat pansinin niyo


muna ang ating pamantayan"
(Ang bawat pangkat ay binigyan ng
salawikain na kanilang susuriin.)

"Mahusay klas, ang lahat ng inyung (Ang mga mag-aaral ay sinuri ang
pagsusuri ay tumpak kaya bibigyan ko salawikain.)
kayo ng 30 puntos bawat pangkat, bigyan
ninyo ang inyung mga sarili mg majisay
clap."

3. Paglalahad
(Ang mga mag-aaral ay nagpapalakapakan.)

"Batay sa ginawa ninyong pagsususri


klas,ano kaya ang tatalakayin natin
ngayong araw?"

"Sige nga, Rejane." (Ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng


kamay.)
"Sa ganang akin, ang tatalakayin ngayong
"Magaling! Bigyan ng magaling clap." araw ay patungkol sa Pamilya."

"Sapagkat ang tatalakayin natin ngayon (Nagpapalakapakan)


ay ang isang tula patungkol sa Pag-asa sa
kabila ng mga pagsubok sa buhay.”

“Klas maari niyo bang basahin ng "Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari"


sabay-sabay ang pamagat ng ating
tatalakayin ngayong araw?”

"Batay sa ating paksa ngayong araw (Ang mga mag-aaral ay magtaas ng kamay.)
mayroon ba kayong inisyal nakatanungan
ukol dito?

(Ang guro ay pinasulat ang tanong ng


mag-aaral sa pisara.)

"Ang lahat ng inyung katanungan ay ating


sasagutan sa pag-usad ng talakayan."

Pagpapakita sa mga layunin


Mga Layunin
"Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang ating Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag –
layunin." aaral ay inaasahang:
a. nakasusuri ng salawikain at ang mga
kaisipang nakapaloob,
(Ipapakita ng guro ang mga layunin.) b. nakapagbibigay sa mga
kasingkahulugan ng mahihirap na
salita at nagagamit sa sariling
pangungusap;
c. nakapagsasagawa ng sariling poster,
awit, at slogan na nagpapakita ng
pagiging matatag sa kabila ng hamon
sa buhay; at
d. napahahalagahan ang mga aral na
napupulot mula sa ataling tinalakay.

Paghahawan ng Sagabal

“Pero bago ninyo babasahin ang


nilalaman ng tulang " Kabanata 2: Ang
Karamdaman ng Hari”, bibigyan muna
natin ng kahulugan ang mga mahihirap na
salitang matatagpuan sa tula. Basahin ng
sabay-sabay ang panuto.”

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang


kasingkahulugan ng salitang nasa Hanay
A at gamitin ito sa sariling pangungusap.

Hanay A. Hanay B.

1. Talinghaga A. Balisa

2. Lumbay B. Kalupitan

3. Dalamhati C. Tayo na

4. Bagabag D. Nagpapatuloy Mga inaasahang sagot ng mag-aaral:

5. Nililo E. Pag-iisip 1. Mahiwaga


2. Tamlay
6. Tampalasan F. Habag 3. Hinagpis
4. Balisa
7. Matarok G. Traydor 5. Nilinlang
6. Mabatid
8. Lunos H. Mahiwaga 7. Traydor
8. Habag
9. Gunamgunam I. Tamlay 9. Pag-iisip
J. Nilinlang

K. Hinagpis

L. Mabatid

4. Pagbasa

Bago Magbasa
“Ngayon ay nabibigyan na natin ng linaw
ang mga mahihirap na salita na
matatagpuan sa tula ay simulan na nating
basahin ang nilalaman ng "Kabanata 2:
Ang Karamdaman ng Hari"

"Tatawagin natin itong Pagbasa ng


maalam, ang unang pangkat na mag
babasa ay pangkat 1 at makinig ng mabuti
klas dahil mayroon akong katanungan
pagkatapos basahin ng unang pangkat ang
1-6 na saknong." (Binabasa ng mag-aaral.)

"Mahusay! Batay sa inyung binasa klas


ano ang napanaginipan ng hari?"
(Ang mag-aral ay nagtaas ng kamay.)

"Sige nga, Maricel?"


"Napanaginipan po ng hari na ang kaniyang
anak pinakamamahal na si Don Juan ay nililo
at pinaslang ng dalawang tampalasan."

"Magaling! Ano kaya ang mangyayari sa


Hari, gusto niyo bang malaman klas?"
"Opo maam"
"Ngayon ay babasahin ng pangkat 2 ang
karugtong mula 7-11."
(Ang mag-aaral ay nagbabasa.)

"Mahusay! Ano nga ulit ang nangyari sa


Hari?"
"Ang hari po ay nangayayat at naging buto't
balat ang hari dahil hindi na halos kumakain
at hindi narin makatulog."

"Tumpak! Bakit naman labis ang pag-alala ng


Reyna at ng tatlong Prinsipe?"
"Dahil walang sinuman ang makapagbibigay
ng lunas sa hari."

"Mayroon bang nakuhang manggamot na


nakakaalam sa dinaranas ng hari?"
"Opo guro, sa kalooban ng Dios ay mayroong
medikong paham na nagsabing ang sakit ng
hari ay bunga ng kaniyang napanaginipan."

"Tama, klas magagamot pa kaya ang hari?


Upang ating malaman ay babasahin ng
pangkat 3 ang 12-16 na saknong."

(Ang mag-aaral ay nagbabasa.)

"Magaling! Ano naman ang


makapagpapagaling sa hari?"

"Ang tanging lunas po ay ang awit ng ibon na


matatagpuan sa bundok Tabor na nakadapo sa
kumikinang na puno ng Piedras Platas."

"Tumpak! Kailan naman maaring matagpuan


ang ibon?"
"Sa gabi po dahil sa umaga ay nasa burol ito
upang manginain kasama ang iba pang ibon."

"Mahusay! Bigyan ng dalawang bagsak."

(Nagpalakpakan)

5. Pagtalakay

"Base sa inyung binasa Klas, sino-sino ang


mga tauhang binanggit sa Kabanatang ating
tinalakay?"
"Ang mga tauhan po ay sina Don Fenando,
ang tatlong prinsipe, reyna, at ang
manggagamot."

"Ano ang suliranin sa kabanatang ating


tinalakay?"

"Ang suliranin Po ay ang panaginip ng hari na


labis niyang dinamdam kaya diya siya ay
nangayayat at nagkasakit."

"Magaling! Sino ang makapagbabahagi ng


pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kabanata?"

(Ang mga mag-aaral ay naglahad ng sagot.)

"Kung ating iuugnay klas sa panahon ngayon


ang pinagdaanan ng hari ay ang tinatawag
nating Depression."

(Itinalakay ang bilang ng mga taong may


depresyon)

(Ang mga mag-aaral ay nakikinig.)


"Ngayon klas, kung kayo ang nasa
sitwasyon bilang anak ng hari ano ang
inyong gagawin para sa inyong ama?"

"Kung ako po ang nasa sitwasyon bilang


anak, gagawa po ako ng paraan upang ang
aking ama ay mapagaling at maging maayos
ang kaniyang pakiramdam."

"Mahusay! Kaya mong mag sakripisyo


para sa ikakabuti ng iyong ama, talaga
namang ang isang pamilya ay
nagtutulongan upang ang problema'y
maibsan ."

"Ngayon klas ay ating bibigyang


kasagutan ang inyung mga katanungan
kanina" (Ang mga mag-aaral ay aktibong nakilahok.)

"Naintindihan niyo ba ang paksang ating "Opo ma'am."


tinalakay klas?"
6. Paglalapat

"Ngayon naman ay mayroon akong


pakikipagsapalarang ibibigay sa inyo.
Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang
tapusin ang pagsubok na ito"

"Nasa inyo na klas kung gusto


ninyong tumula, sumayaw, sumulat, o
gumuhit."

"Handa naba kayo?"

"Opo Ma'am."

"Ngunit bago ang lahat pansinin niyo


muna ang ating pamantayan."

PAMANTAYAN
Krayterya 10 7 4

a.Pagkakaisa Aktibong Aktibong Walang


nakikilahok nakikilaho namamasid na
ang lahat ng k ang ilan aktibong
mga kasapi. sa bawat pakikilahok sa
kasapi. bawat kasapi.
b.Presentasy Maayos Hindi Magulo
on gaanong
maayos

c.Nilalaman Buong – Hindi Kulang ang


buo ang gaanong pagbibigay
pagbibigay kompleto interpretasyon.
ng ang
interpretasy pagbibigay
on. interpretas
yon
Kabuuan 30 Puntos

Unang Pangkat: Sa pamamagitan ng isang


Pangkatang Gawain poster gumuhit ng larawan na sumasalamin
sa pagtulong sa mga taong nakakadanas ng
Depresyon.

Pangalawang Pangkat: Gumawa ng awit na


may temang pagiging matatag.
Ikatlong Pangkat: Gumawa ng sariling slogan
patungkol sa pagbangon sa kabila ng mga
dagok sa buhay.

Iba pang gawain maaring gawin ng mag-


aaral: Pagsasadula sa pagiging matatag sa
gitna ng hamon sa buhay lalo na sa pamilya.

(Ang mga mag-aaral ay ipinakita ang


kanilang gawa.)

"Tapos na ang 10 minuto at ngayon ay


itanghal niyo na ang inyung mga
gawa."

(Ang guro ay nagbibigay puntos.)


Inaasang sagot ng mga mag-aaral:

“Ang lahat ng pamilya ay dumaraan sa pagsubok


7. Pagpapahalaga
ang kailangan mo lang ay maging matatag."

"Batid kong lubos niyo ng naunawaan ang "Sa kabila ng kahirapan ng ating mga
tulang ating binasa ay magkakaroon muna suliranin, mayroon tayong mga paraan para
tayo ng #POTD o pulot of the day." malunasan ito basta’t tayo’y magtiwala,
magpursigi, at huwag mawalan ng pag-asa."
"Ano ang inyung natutunan o napulot na aral
sa ating arilin?" "Ang bawat problema ay may kaukulang
solusyon."

"Kahalagahan ng determinasyon at
pagtitiyaga sa pagharap sa mga hamon ng
buhay."
“Naintindihan niyo ba ang paksa na ating
tinalakay?”

“Opo Ma’am.”

“Wala na ba kayong mga katanungan?”

“Wala na po Ma’am.”

“Kung gayon ay magbibigay ako ng maikling


pasulit upang malaman ko kung talaga bang
naunawaan ninyo ang nilalaman ng tula.
Kumuha ng isang kalahting papel at sagutan
ang mga sumusunod na katanungan.”

“Opo Ma’am.”

V. EBALWASYON
Panuto: Ibigay ang angkop na kasagutan na hiningi sa bawat katanungan.

1.) Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?

2.) Ano ang makapagpapagaling sa sakit ng hari?

3. ) Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?

4.) Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na Ibong Adarna?

5.) Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng hari?

Mga Sagot
1. Piedras Platas
2. Ang awit ng Ibong Adarna
3. Bundok Tabor
4. Korido
5. Berbanya

VI. TAKDANG- ARALIN

Panuto: Isulat sa isang malinis na ½ crosswise na papel.


Paano mo maipapakita ang pagtulong sa mga taong nakakaranas ng Depresyon.

Inihanda ni:

Kim Gel C. Ingad

You might also like