You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Province of Rizal
SOM Municipality of Montalban

COLEGIO DE MONTALBAN
Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez

MASUSING
BANGHAY
SA
FILIPINO

Inihanda ni :
DARADAL, ARMAROSE

Course/Year & Section:


BEED GEN – 2E

Ipinasa kay:
Bb. RHEA DELOS SANTOS
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. makapaglarawan sa sarili
b. nakikilala ang mga salitang naglalarawan at ang inilalarawan nito

II. PAKSANG ARALIN

A. Kasanayan – Mga Salitang Naglalarawan


B. Nilalaman – Pang-Uri

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
“Maaari bang tumayo ang lahat para sa
ating panalangin na pangungunahan ni
(pangalan ng mag-aaral).
“Panginoon, maraming salamat sa
araw na ito na ipinagkaloob Ninyo sa
bawat isa sa amin. Gabayan po Ninyo
kami sa aming mga gagawing pag-
aaral, gayundin po sa aming guro.
Dalangin po namin na marami kaming
matutunan sa araw na ito. Sa
pangalang ni Hesus, amen.”

2. Panimulang Pagbati
“Magandang umaga, klase!”
“magandang umaga din po, ma’am!”

“Maaari nang umupo ang lahat.”


3. Pagsusuri ng mga lumiban
“Maaari bang tumayo ang tagapagulat
ng ating attendance, upang ibalita kung
sino-sino ang mga lumiban?”

“Ikinatutuwa ko pong ibalita na walang


lumiban sa aming mga kaklase.”
“Magaling! At dahil diyan, bigyan niyo
ang mga sarili niyo ng hey, hey, hey
clap!"
(pumalakpak ng hey, hey, hey clap)
“Ngayon, handa na bang making at
matuto ang lahat?”

“Opo!”
4. Panimula

A. BALIK- ARAL

“Sinong nakaaalam ng tinalakay natin


kahapon?”
(nagtaas ng mga kamay ang mga mag-
aaral)
“Ang atin pong tinalakay kahapon ay
patungkol sa mga pangngalan.”

“Magaling, (pangalan ng mag-aaral)!

“Ngayon, sinong nakakaalam kung ano


ang pangngalan?” (nagtaas ng mga kamay ang mga mag-
aaral)
“Ang pangngalan po ay mga salitang
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.”

“Magaling, (pangalan ng mag-aaral)!


“Sino naman ang maaaring
makapagbigay ng mga halimbawa ng
mga pangngalan?”
(nagtaas ng mga kamay ang mga mag-
aaral)
“Lamesa po.”
“Paaralan po.”
“Guro po.”
“Pusa po.”
“Mahusay! Bigyan niyo nga ang iyong
sarili ng Aling Dionisia Clap!”
(pumalakpak ng Aling Dionisia Clap)
“Mukhang handa na talaga kayo sa
ating bagong aralin. Handa na ba ang
lahat?”
“Opo, ma’am!”

B. PAGGANYAK
“Salamin, salamin, sabihin mo sa akin.”
(Ipakita ang salamin)

“Ano ang bagay na hawak ko ngayon?”


“Salamin po, ma’am!”

“May itatanong lang si titser na


masasagot lang ninyo sa tulong ng
ating mahiwagang salamin. Handa na
ba kayo?”
“Opo!”

“Sino ang gustong tumingin sa ating


salamin?”
(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Sige, (pangalan ng mag-aaral). Ikaw


ang unang tumingin sa ating
mahiwagang salamin.”
(Tumingin ang mag-aaral sa
mahiwagang salamin.)

“Anong masasabi mo sa iyong mukha?”

“Maganda po, ma’am!”

“Salamat, (pangalan ng mag-aaral).


Sino pa ang gustong tumingin sa ating
mahiwagang salamin?”

(nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

“(Pangalan ng mag-aaral), ikaw naman


ang tumingin sa ating mahiwagang
salamin, anong masasabi mo sa kulay
ng iyong balat?”
“Kayumanggi po.”

“Salamat, (pangalan ng mag-aaral).


Sino pa ang gustong tumingin sa ating
mahiwagang salamin?” (
nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)

“(pangalan ng mag-aaral), anong


masasabi mo sa iyong buhok?”

“Maikli po at kulay itim.”

“Klase, lagi ninyong tatandaan na


anuman ang inyong itsura, nilikha kayo
gawa ng wangis ng Diyos. Hindi man
tayo perpekto, pero perpekto naman
ang lumikha sa atin. Maliwanag ba,
klase?”
“Opo, ma’am!”
C. PAGTALAKAY SA ARALIN

“Mayroon akong maikling kwento sa


inyo, kaya’t making kayong Mabuti at
mayroon akong mga katanungan sa
inyo pagkatapos. Maliwanag ba, klase?”
“Opo, ma’am!”
“Ang kwento natin ay tungkol kay
Nene. Si Nene ay isang batang babae,
mahaba ang kanyang buhok, at
kayumanggi ang kanyang balat. Si
Nene ay matulungin at masipag na
bata. Lagi siyang isinasama ng kanyang
ina sa panininda ng mga kakanin sa
kanilang lugar.
Matalino rin si Nene, madalas siyang
kasali sa mga estudyanteng may
parangal sa kanilang klase.

Klase, dapat bang tularan si Nene?”


“Opo, ma’am!”

“Sige nga, ano-ano ang mga katangian


ni Nene?”
(nagtaas ng mga kamay ang mga mag-
aaral)
“Sige, (pangalan ng mag-aarall).
“Matulungin at masipag, ma’am!”

“Magaling, (pangalan ng mag-aaral).


Ano pa?”

(nagtaas ng mga kamay ang mga mag-


aaral)
“Sige, (pangalan ng mag-aarall).

“Matalino po, ma’am!”


“Mahusay, (pangalan ng mag-aaral).
Ano naman ang mga katangian niyang
pisikal?”
(nagtaas ng mga kamay ang mga mag-
aaral)
“(pangalan ng mag-aarall).”

”Si Nene po ay batang babae, mahaba


ang buhok at kayumanggi po ang
balat."
“Ang gagaling naman ninyo, klase… At
dahil dyan bigyan niyo ng limang
malalakas na palakpak at 5 padyak ang
inyong mga sarili.”
(pumalakpak at pumadyak ng limang
beses)

“Ano sa tingin niyo ang ginawa natin sa


mga katangiang meron si Nene?”
“Inilarawan po natin si Nene.”

“Tama! Inilarawan natin si Nene. Ang


mga salitang binanggit ninyo kanina ay
ang tinatawag nating Pang-Uri. Ang
Pang-uri ay naglalarawan sa tao, bagay,
hayop, o pangyayari.”
“Sino nga ulit ang matalino, masipag,
matulungin, batang babae, kayumanggi
ang balat ang mahaba ang buhok?” “Si Nene po, ma’am!”

“Pang-uri po…”

“Ano nga ulit ang mga salitang


naglalarawan?”

“Mahusay! Ngayon naman, meron


akong inihandang kahon na merong
laman sa loob. Kakanta tayo ng bahay
kubo at kung sino man ang matapatan
ng kahon sa paghinto, ay kukuha siya
ng laman mula sa kahon at kanya itong
ilalarawan. Maliwanag ba, klase?”
“Simulan na natin.”

- MATIGAS

- BILOG/MATIGAS

- MALAMBOT

- MAHABA

- MATAMIS/MALILIIT

- MABANGO
D. EBALWASYON

“Klase, kumuha ang bawat isa ng papel


at sagutan ang mga sumusunod.
Lagyang ng tsek (/) mga salita ay pang-
uri at (x) naman kung hindi.

1. MAGANDA 1. /

2. Bb. ARMAROSE 2. X

3. MATALIM 3. /

4. LAMESA
4. X

5. MAYAMAN
5. /

You might also like