You are on page 1of 8

Masusing Banghang Aralin Ni:

Liam Nathaniel V. Solis (BEED – III)


1. Applied knowledge of content within and across the curriculum teaching areas.
2. Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy
and numeracy.
3. Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as
well as higher order thinking skills.

I. LAYUNIN
Sa loob ng limampung (50) minuto, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay
inaasahang magagawa ang mga sumusunod na mayroong pitumpu’t limang porsyentong
kahusayan (75% proficiency):

a. Nalalaman ang kahulugan ng salitang “magkasalungat”;


b. Nakakapagbibigay ng mga halimbawa ng salitang magkasalungat;
c. Nakikilala ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap;
d. Nagagamit ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: “Mga Salitang Magkasalungat”
Sanggunian: Learner’s Material p. 205-206
Kagamitan: Kahon, mga larawan, colored paper, cartolina,
Kasanayan: Cooperative and collaborative learning

III. PAMAMARAAN

GAWAIN ng GURO GAWAIN ng MAG-AARAL

A. PAGHAHANDA
1. Panalangin

“Tumayo ang lahat. Steven


maaari mo bang pangunahan ang
ating panalangin?”
Opo, Ma’am.
(Tatayo ang lahat ng mag-aaral at
mananalangin)
2. Pagbati
“Magandang umaga mga bata!”
“Magandang umaga din po Bb. Dalabajan!”
3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

“Bago tayo magsimula, tingnan


muna kung sino sa inyong mga
kaklase ang lumiban ngayong
araw.”
“Sino ang lumiban sa klase
ngayon?” “Wala po Ma’am.”

“Mabuti!”

B. BALIK-ARAL

“Mga bata, ano ang ating huling


(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
pinag-aralan sa Filipino?”
“Ang ating huling pinag-aralan ay ang mga
“Jingky.”
magkasingkahulugan na mga salita.”

“Mahusay!”

“Ang ating huling pinag-aralan ay


tungkol sa mga salitang
magkasingkahulugan.”

“Sino ang makapagbibigay ng mga


halimbawa ng salitang (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
magkasingkahulugan?”
“Maganda-marikit.”
“Niño.”
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
“Magaling!”
“Masaya-maligaya.”
“Gloribe.”
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
“Mahusay! Masaya-maligaya.”
“Berde-luntian.”
“Ricaflor.”

“Magaling! Ako’y natutuwa dahil


naaalala niyo pa ang ating huling
aralin.”

C. PAGGANYAK

(Maglalagay ang guro ng dalawang


kahon sa ibabaw ng mesa)
“Kahon po.”
“Ngayon mga bata, ano ang nasa
ibabaw ng mesa?”

“May dalawang kahon ako dito sa (Magbibigay ng iba’t ibang opinion o hula ang
harap. Ano kaya ang laman ng mga mga mag-aaral)
kahon na ito?”

“Okay, mga bata, ang laman ng mga


kahong ito ay mga hugis na may
nakasulat na mga salita. Pero ang
mga hugis sa bawat kahon ay
kalahati lang. Hahanapin niyo ang “Opo, Ma’am.”
kalahati sa kabilang kahon upang
mabuo ang mga hugis at pares ng
mga salita. Naintindihan ba?”

“Ngayon, kailangan ko ng sampung


bata dito para magbunot/kumuha sa
dalawang kahon pagkatapos hanapin
ninyo ang inyong mga kapareha (Kukuha ng mga kalahating hugis ang mga
upang mabuo ang mga hugis.” mag-aaral at hahanapin ang kanilang
kapareha)
(Magpipili ang guro ng mga mag-
aaral)

“Opo, Ma’am.”
(Magdidikit ang mga mag-aaral sa pisara)
“Ngayon, maaari niyo bang idikit sa
pisara ang mga hugis na inyong
hawak-hawak?”

(Magbabasa ng sabay-sabay ang mga mag-


aaral)
“Halina’t basahin natin ng sabay-
sabay ang mga pares ng salitang
nakasulat sa mga hugis.”

D. PAGPAPAKILALA ng BAGONG
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ARALIN
“Tungkol po sa mga kalahating hugis.”
“Ayon sa inyong ginawa, ano kaya ang
ating bagong aralin ngayong umaga?” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Albert.” “Ang ating bagong aralin ay tungkol sa mga


salitang magkabaliktad ang kahulugan.”
“Okay. Ano pang ibang sagot?”

“Kent.”

“Magaling Kent!”

“Ang ating bagong aralin ay tungkol


sa mga salitang magkabaliktad ang
kahulugan o mga salitang
magkasalungat.”

E. PAGTATALAKAY

(Isusulat ng guro ang kahulugan ng


salitang magkasalungat)

Magkasalungat – mga salitang (Magbabasa nang sabay-sabay ang mga mag-


magkaiba o magkabaliktad ang aaral)
kahulugan.

“Basahin natin ng sabay-sabay ang


kahulugan ng magkasalungat.”

“Ilan sa mga halimbawa ng mga (Magbabasa ang mga mag-aaral ng mga


salitang magkasalungat ang mga halimbawa)
idinikit ninyo ditto sa pisara.”

“Halina’t basahin natin ulit ang mga


halimbawa.”

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)


“Ngayon, maliban sa mga halimbawa
na nasa pisara, sino pa ang “Malayo-malapit.”
makapagbibigay ng mga halimbawa
ng mga salitang magkasalungat?”

“Rica Mae.”

“Magaling! Ang mga salitang malayo


at malapit ay magkasalungat.” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Sino pa ang makapagbibigay ng “Loob-labas.”


halimbawa?”

“Ronil.”

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)


“Mahusay Ronil! Ang loob at labas ay
mga salitang magkabaliktad ang
“Malaki-maliit.”
kahulugan.”

“Mayroon pa bang ibang sagot?”

“Nicajoyce.”

“Magaling!” “Opo, Ma’am.”

“Ngayon, meron akong mga larawang


ididikit dito sa pisara. Ang gagawin
ninyo ay ilarawan ang mga bagay o
ang nasa larawan. Naintindihan ba?”

(Ididikit ng guro ang mga larawan)

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Mainit po Ma’am.”

“Sino ang makapaglalarawan ng


unang larawan?” (Magsusulat si Mary Grace sa ibaba ng
larawan)
“Mary Grace.”

“Pakisulat ang iyong sagot sa ibaba (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ng larawan.”
“Malamig.”
“Sino naman ang makapaglalarawan
ng pangalawang larawan?” (Magsusulat si Rona sa ibaba ng larawan)

“Rona.”
(Magbabasa ang mga mag-aaral)
“Pakisulat din ang iyong sagot sa
ibaba ng pangalawang larawan.”

“Ngayon, basahin natin ang kanilang


isinulat sa ibaba ng mga larawan.”

(Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga


“Ang mainit at malamig ay mga
tanong ng guro)
salitang magkasalungat.”

(Ang guro ay patuloy na


(Magbabasa ang mga mag-aaral)
magtatanong hanggang sa huling
larawan)

“Basahin natin ang mga sagot ng


inyong mga kaklase.”

F. PAGSASABUHAY
(Hahatiin ng guro ang klase sa
tatlong pangkat)

Unang Pangkat:
Hanapin ang
magkakaparehang larawan
upang makabuo ng mga
magkasalungat na salita ayon
sa mga larawan.

Ikalawang Pangkat:
Bilugan sa pangungusap ang
magkasalungat na mga salita.

Ikatlong Pangkat: “Opo, Ma’am.”


Gamitin sa pangungusap ang
mga sumusunod na mga
salitang magkasalungat.

G. PAGBUBUOD
“Mga bata naintindihan niyo ba ang
ating aralin ngayong umaga?”

“Titingnan ko kung naintindihan niyo


nga ang ating aralin. Mayroon pa
tayong isang gawain.”

(Magbibigay ang guro ng name tag


na ang nakasulat ay mga salitang
magkasalungat)

“Pakidikit ang mga kapirasong papel


sa inyong dibdib. Ang gagawin niyo
ay hanapin ang inyong mga kapareha
o hanapin ang kasalungat ng salitang
napunta sa inyo.”

“Opo, Ma’am.”

(Gagawin ng mga bata ang gawain)


“Habang hinanap ninyo ang inyong
kasalungat, magpapatugtog ako.
Dapat bago matapos ang tugtog ay
mahanap niyo na ang inyong
kapareha.”

“Naintindihan ba mga bata?”

“Ako’y lubos na natutuwa dahil


naintindihan ninyo ang ating aralin.”

IV. PAGTATAYA
Pangalan: _____________________________________________________________________________

Panuto: Sa loob ng 10 minuto, piliin sa kahon ang kasalungat ng mga salita


sa ibaba.

maalat tulog mahina

tahimik mababa bulag

1. matangkad - __________________ 4. gising - _______________

2. matamis - ____________________ 5. malakas - ______________

3. maingay - ____________________
V. TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng mga magkasalungat na mga salita o bagay.

Inihanda ni:
Liam Nathaniel V. Solis

You might also like