You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 3

I. LAYUNIN

Sa loob ng limampung (50) minuto, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod na
mayroong walumpong porsyentong kahusayan (80% proficiency):

a. Nalalaman ang kahulugan ng salitang pautos;

b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng salitang pautos;

c. Naisasagawa ang mga salitang pautos;

d. Nakagagamit ng mga salitang pautos sa pangungusap

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: "Salitang Pautos"

Sanggunian: Learner's Material p. 188-194

Kagamitan: visual aids at iba pa

Kasanayan: Cooperative and collaborative learning

Values Integration: Maging masunuring bata.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PAGHAHANDA

1. Panalangin

"Tumayo ang lahat. Mary Joy maaari mo bang pangunahan ang Opo teacher.
ating panalangin?"
(Tatayo ang lahat ng mag aaral at manalangin)
2. Pagbati

"Magandang umaga mga bata!"


"Magandang umaga din po Bb. Jessica"
3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

"Bago tayo magsimula, tingnan muna kung sino sa inyong mga


kaklase ang lumiban ngayong araw."

"Sino ang lumiban sa klase ngayon?" "Wala po teacher."

"Mabuti!"

B. BALIK-ARAL

"Ano ang ating pinag-aaralan noong mga nakaraang araw, mga (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
bata?"

Magaling!

C. PAGGANYAK

"Okay ,mga bata, maglalaro tayo ngayon. Alam nyo ba ang Opo teacher.
larong " Sabi ni Pedro?"
"Lahat ng sasabihin ko ay gagawin niyo kung may "Sabi ni
Pedro" sa unahan. Ngunit kung wala ay hindi niyo gagawin.
Naiintindihan po ba? Opo teacher.

( Magbibigay ang guro ng mga salitang pautos) (Maglalaro ang mga mag-aaral)

D. PAGPAPAKILALA NG BAGONG ARALIN

"Ayon sa ating ginawa, ano kaya ang ating bagong aralin (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ngayong umaga?"

"(Pangalan ng mag-aaral) Tungkol po sa mga salitang pautos.


Magaling!

"Ang ating bagong aralin ay tungkol sa mga salitang pautos."

E. PAGTATALAKAY

(Ididikit ng guro ang kahulugan ng salitang pautos)

"Okay mga bata, halina't basahin natin ang kahulugan ng (Magbabasa ang mga mag-aaral)
salitang pautos."

"Ayon sa ating laro kanina,anu-ano kaya ang mga salitang


pautos na aking nabanggit?" (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

(Pangalan ng mag-aaral) "Tumayo po teacher."

"Okay, Ang salitang tumayo ay salitang pautos."

"Ano pang ibang sagot ?" (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

(Tatawag ng mga mag-aaral ang guro upang sumagot) (Sasagot ang mga napiling mag-aaral)

Magaling mga bata!

(Ang guro ay magdidikit ng mga plakard at tsart sa pisara)

"Okay mga bata, may mga plakard at tsart akong idinikit dito
sa pisara. Ang inyong gagawin, pipiliin niyo ang mga salitang
pautos at mga salitang di- pautos at ididikit niyo kung saan
nabibilang ang mga salita."

"Naiintindihan ba ang inyong gagawin mga bata?"

Mga Salitang Pautos Mga Salitang Di-Pautos

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

( Tatawag ang guro ng limang mag-aaral na sasagot) (Sasagot ang mga napiling mag-aaral)

"Okay, tingnan natin ang inyong mga


Mga Salitang Pautos Mga Salitang Di-Pautos

1. Maghanap 1. Basurahan

2. Sumayaw 2. Palengke

3. Kumuha 3. Pintuan

4. Itapon 4. Tumatakbo

5. Maghugas 5. Naglalaro

Magaling mga bata!

" Sa inyong bahay ba ay nakakarining kayo ng mga salitang "Opo teacher."


pautos?"

"Sige nga, bigyan niyo ako ng mga halimbawa ng mga linya ng


inyong mama at papa.

(Tatawag ng mga mag-aaral ang guro upang sumagot) ( Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga ilang halimbawa)

"Sinusunod nyo rin ba ang lahat ng utos ng mama at papa nyo? "Opo teacher."

"Wow! Mabuti Naman kung ganun. Ang mga bata ay kailangan


maging masunurin sa mga magulang o kahit sa sinumang
nakatatanda sa kanila."
Opo teacher!
Naiintindihan na ba mga bata ang salitang pautos?

F. PAGSASABUHAY

"Ngayon mga bata ay magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain ."

Unang Pangkat:

Bilugan ang mga salitang pautos sa pangungusap.

Ikalawang Pangkat:

Bumunot ng tatlong salitang pautos mula sa kahon at ipakita o


gawin ang mga ito.

Ikatlong Pangkat:

Gamitin sa pangungusap ang mga salitang pautos na ibibigay ng


guro.

G. PAGBUBUOD

"Naiintindihan na ba ang ating aralin mga bata?" Opo teacher.

"Tungkol saan ang ating aralin ngayong araw?" "Tungkol po sa mga salitang pautos."

"Magaling!"

Magbigay ng mga halimbawa ng salitang pautos. (Sasagot ang mga mag-aaral)

"At ano na ang gagawin kapag may mga utos sila mama at "Magiging masunurin po, teacher."
papa?"
"Magaling! Ako ay natutuwa dahil naiintindihan ninyo ang ating
aralin ngayong umaga."

IV. PAGTATAYA

Sa loob ng 10 minuto,bilugan ang salitang pautos sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Kumuha ng isang buong papel

2. Bumili ng tinapay sa bakery

3. Pakainin ang mga alagang manok.

4. Tulungan ang magandang babae sa pagtawid

5. Lumapit ka sa iyong guro.

V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng listahan ng mga salitang pautos na maririnig ninyo sa mga iniuutos sa inyong mga tahanan.

Inihanda ni:

Ma.Jessica M. Abo

II-BEED 4

You might also like