You are on page 1of 14

Pampanga Colleges

Macabebe, Pampanga

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN 4

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL

“Kasiya -siyang Pagganap sa


mga gawaing bahay”
(Intended for Online Learning)

Prepared by:

Vanessa N. Prima

Submitted to:

Mrs. Dr. Princess Mylene Maniacop


Masusing Banghay-Aralin sa EPP 4
(Modified Strategic Intervention Material)
“KASIYA-SIYANG PAGGANAP SA MGA GAWAING BAHAY”
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 50 minutong aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang magawa ang mga
sumusunod nang mga 75% ng pagkatuto:
a. Naipapakilala ang mga iba’t ibang gawaing bahay.
b. Naisasagawa ang gawaing bahay ng kusang loob at may kasiyahan.
c. Naipapamalas ang kahalagahan ng pagiging matulungin sa kapwa.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: “KASIYA-SIYANG PAGGANAP SA MGA GAWAING BAHAY”
Sanggunian: Modyul 7.2 sa edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Mga Materyales: Mga kagamitan sa paglilinis ng bahay,
Pagpapahalaga: Paging matulungin

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Dasal
Bago tayo magsimula, maaari muna ba
tayong manalangin?

Sige nga (pangalan ng mag-aaral),


pamunuan mo nga ang ating panalangin.

(Ang mga bata ay tumayo at manalangin )

Diyos Ama, hindi po magiging madali para


saamin ang araw na ito kung wala po kayo sa
aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na
mag-aaral upang malinang ang aming isipan
at maunawaan ng lubos ang anumang
leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din
naman ninyo ang aming mga guro upang
magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang
maihatid sa mga estudyante ang mga aral na
dapat nilang ituro. Maraming alamat po. Sa
ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.
Amen

2. Pagbati
Magandang Hapon mga bata
Magandang hapon din po, Ma’am!

Kamusta naman ang araw ninyo mga bata?


Mabuti naman po, madam!

Mabuti naman kung Ganon

3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase


Bago tayo mag simula sa ating talakayan
mag aatendance muna ako sino ang lumiban
ngayon sa ating klase
(Ang mga bata ay nag sabi sa mga pangalan ng
lumiban sa klase )

A. PANLINANG GAWAIN
1. Paglalahad
Ang Pag aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “kasiya siyang pagganap
sa Gawain bahay “
2. Pagganyak
Ngayon mga bata, Gusto niyo muna bang
maglaro bago tayo magsimula sa ating
talakayan?

Opo ma’am!

Kung ganun pamilyar ba kyo sa larong


tinatawag na “ARTE KO, HULAAN
NIYO?

Opo ma’am!

Okay! Kung ganun, Sa mga di nakakaalam,


Ang larong ito ay ganito, Halimbawa ako ay
aarte o gagalaw ako at huhulaan niyo lang
kung ano ang ginagawa ko gamit ang mga
kagamitang naririto sa harapan.naiintindihan
niyo ba?

Opo ma’am!

Kung gayon mag uumpisa na tayo!


Handa na ba kayo mga bata?

Opo ma’am!

UNANG Gamit/Kilos: WALIS/Nagwawalis

(Ang guro ay nagwawalis gamit ang


walis)
“HULAAN NIYO”

(nagtaasan ng kamay ang mga bata upang


sumagot)

Ma’am nagwawalis po!


Mahusay! Nagwawalis!
Sino-sinu ang nagwawalis sa inyo sa bahay?
(nagtaasan ng kamay ang mga bata)

Mahusay!
Ano ang ginagamit sa pagwawalis?

Ma’am Walis po!

Magaling!

Kayo ba mga bata nagwawalis din ba kayo


sa inyong mga tahanan ?

Opo ma’am !

Magaling!
PANGALAWANG Gamit/Kilos batcha/
tabla

(Ang guro ay Umakting na naglalaba ang


gamit ang batcha at tabla)

“HULAAN NIYO”

(nagtaasan ng kamay ang mga bata upang


sumagot)

Ma’am naglalaba po!

Mahusay!
(Itinaas ng guro ang batcha at tabla)
Sino pa ang gumagamit nito sa paglalaba?

(nagtaasan ng kamay ang mga bata)

Ano pa inyong mga ginagamit kapag kayo


ay tumutulong sa paglalaba?

(Ang mga bata ay magbibigay ng bagay na


kanilang ginagamit sa paglalaba)
IKATLONG Gamit/Kilos: Kaldero at
Sandok /Nagluluto

(Ang guro ay umakting na nagluluto


gamit ang sandok)

“HULAAN NIYO”
(nagtaasan ng kamay ang mga bata upang
sumagot)

Ma’am nagluluto po!

Mahusay!
(itinaas ng guro ang kaldero at sandok)
Saan ito ginagamit?

Ma’am sa pagluluto po ng pagkain!

Kayo ba mga bata, tumutulong din ba kayo


kapag nagluto Ang iyong mga nanay?

Opo ma’am !

Mahusay!

3. Talakayan
Tumutulong ba kayo sa paglilinis ng inyong
Bahay?
Opo maám!

Magaling kong ganun? Mag bigay nga kayo


ng kagamitan gamit sa paglilinis

(ang mga bata ay nagbigay ng mga kagamitan sa


paglilinis)

1. walis timbo
2. Pandakot
3. basahan
4. walis tingting
5. timba

Ngayon mga bata Gusto niyo ba ulit


Maglaro?

Opo ma’am!

Kung ganun alam niyo ba ang larong “HOT


POTATO”
Opo ma’am!

Ganto lang ang Rules ng Laro!

Lahat kayo sa klase ay kasali.


1. Kailangan niyo lang maupo ng ng
maayus.
2. Meron ako ditong “POTATO” O
PATATAS ito ay inyong pagpapasahan
habang tumutugtog at sinasabayan natin ang
kanta .
3. Kung ito ay inyong nahulog otomatikong
kayo ay walang pagkakataon upang
pumutok ng lobo at magkaroon ng
pagkakataong manalo ng premyo mula sa
akin.
4. At kapag huminto ang tugtog , ang may
hawak ng patatas ay tatayo at magtutungo sa
harapan at Pumili ng lobo na puputukin at
babasahin tapus ididikit sa pisara.

Naiintindihan ba? Opo, Ma’am

Wala bang katanungan? Wala po teacher!

(Pinaikot na sa klase ang PATATAS at Pinutok


Kung gayun sinimulan na natin ang laro! ang mga lobo at idinikit sa pisara. (Gawaing
Bahay)
1. Pagwawalis
2. Paglalaba
3. Paglalampaso
4. Pagluluto
5. Paghahalaman
6. Paglilinis ng kisame
7. Pagpupunas ng bintana
8. Paglilinis ng Palikuran
9. Pag iigib ng tubig
10. Pagtatapon ng Basura

(Tinanong ng guro kung ang mga


sumusunod na gawaing bahay ay kanilang (Nagsipagtaas ng kamay ang mga bata)
ginagawa sa kanilang tahanan?
Opo Ma’am!

MAGALING mga bata!


Ngayon mga bata tumingin kayo sa Pisara
Heto ang mga gawaing bahay .

Ngayon mga bata!


(Binasa at Tinanong ng guro ang mga bata
kung ginagawa ba nila ang mga nabanggit
sa kanilang bahay)

Mahusay, kung ganun!


Mga bata sa tingin niyo ba na ang mga
gawaing bahay na ito ay maaaring
Pagkakitaan o maging hanap buhay?

Okay! Pagmasdan ang Larawan na ito.


(Nagpakita ng larawan ang guro )

Ano ang nakikita ninyo sa larawan


Teacher yung pong lalake may dalang kahoy at
palayok yung babae naman po may dala itlog at
nagpapakain ng mga manok

Mahusay kung ganon sapag aalaga ba ng


hayop ba ay maaring pagkakitaan
Opo teacher maari po ibenta at kumite ng pera

Mahusay

Sa pangalawa kaya ano kaya ang nakikita


ninyo

Teacher mga gulay po

Mahusay kayo ba ay may tanim na gulay sa


inyong bakuran?
Opo teacher

Kung gayun mga bata base sa 2 larawan na


aking ipinakita maari ba maging hanap-
buhay o trabaho?
Opo teacher

Tama pwede natin sila pagkakitaan kahit


nasa bahay lang tayo pwede natin sila ibenta

Kung gayun mga bata magbigay pa nga


kayo ng mga gawaing bahay na maari
niyong maging trabaho o Hanap buhay.

(Nagtaas ng kamay ang mga bata ang nagbigay


ng gawaing bahay na mamaaring iapply sa
trabaho)

1. Paglalaba -Laundry woman


2. Pagwawalis- Janitor/janitress
3. Pagtatanim- Farmer
4. Pagluluto – Cook/Shef
5.Pag aayus ng bahay- Interior Designer

4. Panggrupong Gawain

Ngayon, magkakaroon tayo ng pangkatang


alama. Di ba kahapon, naibigay ko na ang
inyong magiging kagrupo, pinapili ko din
kayo ng magiging pinuno niyo.
Opo ma’am!
Ngayon mga bata Lumapit sa akin ang
leader ng Group1 at Group 2. Para maging
fair tayo Bubunot kayo sa dalawang Papel
na ito. At gagawa kayo ng short role play
kung saan kailangan niyong ipakita ang mga
gawaing bahay kasaya -saya ninyong
pamilyang gingawa sa loob ng bahay o sa
bakuran base kung anu ang inyong nabunot.
Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang
mapag usapan niyo ng inyong kagrupo.

Pero bago magsimula,ibigay muna ang mga


panuntunan sa pangkalahatan Gawain.

Ibinigay ng mga bata ang mga panuntunan sa


pangkalahatang Gawain)

1.Gumawa ng tahinmik
2.Makipagtulungamn sa grupo
3.Gawin ang makakaya para sa ikagaganda at
ikakaayus ng Gawain.

Mahusay!kung wala na kayong katanungan,


Magsipuntan na kayo sa inyong kagrupo at
simulant niyo nang magpulong bibigyan ko
lang kayo ng 10 minuto.
(Nagpulong na ang magkakagrupo )

(Pagkalipas ng 10 minuto)

Okay times up! Ready na ba ang bawat


grupo!

Simulan na natin sa unang grupo. (Umarte na ang unang grupo na naglilinis sa loob
ng bahay)
Mahusay! Bigyan natin sila ng Good job
Clap! G-O-O-D J-O-B! clap!!

Ngayon ang ikalawang grupo!


(Umarte na ang ikalawang grupo na nagtatanim
at nag aalaga ng hayop sa bakuran)

Magaling! Bigyan natin sila ng magaling


clap! “Ang galing,galing,galing CLAP CLAP!!!”

5. PAGLALAHAT
Anu nga ang tinalakay natin kanina? Ma’am mga Gawaing Bahay po na naitutulong
naming sa aming tahanan.

Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng


mga gawaing bahay na ating tinalakay (Ang mga bata ay magbibigay ng halimbawa)

Mahusay!Kung gayun mga bata masaya ba


kayo na tumutulong kayo sa inyong mga
magulang sa mga Gawaing bahay?
Opo ma’am!

6. Pagpapahalaga
Ngayon mga bata, may ipapakita akong
larawan sa inyo at sabhin ninyo kung ano
ang pinapakita ng larawan.

Yung Bata po ma’am tinutulungan niya ang


kanyang nanay sa paglilinis!

Magaling!
Sa tingin niyo ba mga bata mahalaga ba ang
pagiging matulungin sa kapwa? Opo ma’am !

Mahusay!
Paano niyo nasabi na ito ay mahalaga?
(Ang mga bata ay magbibigay ng ideya tungkol
dito)

7. Paglalapat

Mga bata ngayon kung talagang


naiintindihan niyo ating tinalakay humarap
sa pisara at may papasagutan ako sa inyo.
Gumuhit ng Masayang mukha kung Tama
ang isinasaad ng pangungusap at
Malungkot na mukha kung Hindi.

_____1. Ligpitin ang higaan paggising sa


umaga.
_____2. Magdabog kapag inuutusan ni
nanay sa gawaing bahay.
_____3. Gawin ng kusang loob ang
pagtulong sa paglilinis.
_____4. Pagrereklamo habang maglinis ng
bahay.
_____5. Pagtulong kay tatay sa pagwawalis
IV. PAGTATAYA

(kumuha ng papel at ballpen sagutan


ito )

Ilagay sa guhit ang hugis Puso kung ang


pangungusap ay nagpapakita ng kasiya-siya
pagganap sa alama bahay at Ekis naman
ang ilalagay kung hindi.

_____1. Laging tinutulungan ni Ana Ang


kanyang nanay sa paglilinis ng bahay.
_____2. Nagrereklamo lagi si Joshua sa
tuwing inuutusan itong maglinis
_____3. Nagpapanggap si Marie na masakit
ang kanyang ulo upang hindi ito mautusan.
_____4. Naglilinis si Jessica na may kusang
loob sa kanilang bahay.
_____5. Pinapagawa ni joy Ang kanyang
trabaho sa gawaing bahay sa kanyang
kapatid.

VI. TAKDANG-ARALIN

(Sa inyong Takdang-aralin, kuhanin ang


kulay pulang kuderno at isulat ito.)

Kumuha ng larawan ng ilan sa mga


ginagawa niyong gawaing bahay sa inyong
tahanan upang makatulong sa inyong
magulang at idikit sa pulang kuderno.

You might also like