You are on page 1of 6

Jennyrose B.

Fuellas

BEED II

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 1

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag – aaral ay:
a. Natukoy ang mga kasapi ng pamilya;
b. Napahalagahan ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito; at
c. Nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng
likhang sining.

II. PAKSANG – ARALIN


A. Paksa : Konsepto at mga miyembro ng pamilya.
B. Sanggunian : AP1 Q2 Module Week 3
https://www.youtube.com/watch?v=ksoxj7eHYTI&t=1769s
C. Kagamitan : Powerpoint Presentation, Youtube
Videos, String/Yarn, Speakers

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga din po, Teacher!
Magandang Umaga mga bata!

2. Pagdarasal (Ang mag-aaral ay magdarasal)


Ama sa Langit, bigyan kami ngayong
Tayo ay magsitayo para sa ating panalangin. araw upang matupad ang aming mga
tungkulin bilang responsable at mabait
na mag-aaral. Bigyan kami ng gabay at
pangangalaga sa pagtupad ng aming
mga gawain.
Bigyan mo kami ng tulong sa mga
desisyon na aming ginagawa.
Nanalangin kami sa iyo na pagpalain
ang aming mga guro para sa
matiyagang paghahatid sa amin
arawaraw na mga aralin.
Pagpalain ang aming mga magulang sa
patuloy na pagsuporta sa amin.
Maraming salamat, Lord sa lahat ng
mga biyayang ibinibigay mo sa aming
lahat. Ikaw ang aming suporta at lakas.
Amen.
3. Pamamahala sa silid-aralan
Bago umupo ay tahimik na ihanay ng maayos
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga (Ang mga bata ay tahimik na ihahanay
kalat sa iyong harapan. ang kanilang mga upuan at pupulitin
ang kalat).
4. Pagtukoy ng liban sa klase

Tingnan naman ngayon mga bata kung sino


ang katabi ninyo na wala ngayon.

Magaling! Walang liban sa araw na ito. Wala pong liban.

B. Pagganyak

Ngayon mga bata ay may ipapakita akong (Gamit ang video, sasabayan ng mga
‘video’ sa inyo. Sasabayan natin ang video sa bata ang sayaw)
pamamagitan ng pag-sayaw.
https://youtu.be/gexF_KohUjI
Opo!
Nabanggit nyo ba ang mga
miyembrong inyong pamilya?

C. Talakayan

(Sa pamamagitan ng video


presentation ay ilalahad ng (Ang mga bata ay sabay-sabay na
guso ang isang tula. Ito ay tutula)
sabay-sabay na tutulain ng
mga bata.)

https://youtu.be/S5GPr-mhfOk
Opo!
Mga bata nagustuhan ba ninyo ang tula?

Magaling mga bata! Ngayon naman ay


dumako na tayo sa ating talakayan. Ito ay (Ang mga bata ay tahimik na makikinig
tungkol sa pamilya at ang mga miyembro nito. sa guro)
(Sa pamamagitan ng PowerPoint presentation
ay ilalahad ng guro ang leksyon)

Pagpapalawak ng Kaalaman:

Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo


sa iyong pamilya?

Ngayon naman mga bata, sinu-sino ang Sa paggalang po, paggamit ng Po at


bumubuo sa isang pamilya? Opo!

Si Nanay po!
Okay! Lahat ng inyong mga sagot ay tama. Si Tatay!
Si Ate at Kuya po!

D. Pangkatang Gawain

Ibibigay ng guro ang kahon na naglalaman ng


mga gawain ng bawat grupo. (5 minuto)

Para sa unang Grupo.

TUKUYIN MO!
Panuto: Tukuyin ang mga larawan ng pamilya
kung ang mga ito ba ay mga halimbawa ng
“Two Parent Family”, “Single Parent Family”,
“Extended Family”.

1.

Single Parent Family

2.
Extended Family

3.
Two Parent Family

Para naman sa Pangalawang Grupo.

SURIIN MO!
Panuto: Alamin kung ang isinasaad sa mga
pangungusap ang tumutukoy sa pagpapakita
ng mga halimbawa ng “Two Parent Family”,
“Single Parent Family” at “Extended Family”

1. Ito sina Anna at Marie kasama ang kanilang Two Parent Family
nanay at tatay.

2. Si Tyson at Joan kasama ang kanilang nanay


at tatay, pati na rin ang kanilang lolo’t lola. Extended Family

3. Si Sheryll at ang kanyang nag iisang anak na Single Parent Family


babae na si Chloe.

Pag-uulat ng bawat pangkat (5 minuto)


Tungkol po sa pamilya at mga
miyembro o kasapi ng pamilya.
E. Paglalahat
Si Tatay, Nanay, Ate, Kuya, at si
Bunso.
Mga bata, ano ang ating pinag – aralan sa
araw na ito? Two-Parent Family po. Ang pamilya na
may nanay at tataya at mga anak.
Sinu-sino ang bumubuo ng isang pamilya?
Single-Parent Family po. Ang pamilya
Anu-Anong uri ng pamilya ang tinalakay na binubuo ng isang tatay o nanay
natin? lamang at anak o mga anak.

Ang Extended Family po sir. Binubuo


po sila ng lolo, lola, maaaring mga
tiyuhi at tiyahin, pinsan at sina nanay,
tatay, ate, kuya at bunso.

Opo teacher.

Magagaling mga bata, naunawaan ninyo ng


mabuti ang leksyon natin ngayong araw na
ito.

F. Paglalapat
Nanay
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa Bunso
kahon at isulat ito sa patlang.
Tatay

Ate
__________1. Siya ang tumatayong ilaw ng tahanan.

__________2. Siya ang nagbibigay ng kasiyahan sa Kuya


tahanan.
__________3. Siya ang haligi ng tahanan.
__________4. Siya ang katulong ni nanay sa pag
aasikaso ng bahay,
__________5. Siya ang tumutulong kay tatay sa pag
kumpuni ng mga kagamitan sa bahay.

Tatay Nanay Ate Kuya Bunso

G. PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang akmang kasagutan na tumutukoy sa uri ng pamilya na


tinutukoy sa pangungusap.  

1. Si Rhea na buhat na kaniyang tatay.


A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family C. Extended Family

2. Ito sina Anna at Marie kasama ang kanilang nanay at tatay.


A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family C. Extended Family

3. Si Jonas at si Fe buhat ang kanilang anak na si Kisses.


A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family C. Extended Family

4. Si Tyson at Joan kasama ang kanilang  nanay at tatay, pati na rin ang
kanilang lolo’t lola.
A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family C. Extended Family
5. Si Sheryll at ang kanyang nag iisang anak na babae na si Chloe.
A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family C. Extended Family

H. TAKDANG – ARALIN

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nag papakita ng konsepto ng isang


pamilya. Kulayan ito at tukuyin kung anong klase ng pamilya ito.

You might also like