You are on page 1of 4

JOHNSON AT PUTOL

Ni Adrian M. Legaspi

Pagsusuri at paglalarawan

A. Paksang diwa o tema ng maikling kwento

Masaya ang magkaibigan nang matapos nila ang kanilang trabaho dahil
nagkaroon sila ng pera na binayad sa kanila ng bumbay, ngunit kinabukasan matapos
ang raket ni Johnson at Putol ay may hindi inaasang pangyayari dahil si Johnson ay
nabangga ng delivery truck ng Cloud 9, sa kasamaang palad ay hindi na sya
nakaligtas na naging dahilan kaya ito binawian ng buhay.

Sa aking sariling opinyon ay may paglabag sa batas ang magkaibigan dahil alam
naman nating lahat na ang trabahong pinasok ng magkaibigan ay lubhang napaka
delikado at ang pagpatay sa ating kapwa ay isa sa mga pinaka mabigat na kasalanan
dito sa ating bansa at lahat ng kasalanang ito ay laging may kapalit na kaparusahan o
karma katulad na lang ng nangyari kay Johnson. Ngunit sadyang may mga tao na
tinatanggap ang mga ganitong klase ng trabaho dahil na din sa kanilang
pangangailangan at kahirapan sa buhay, kaya kahit alam nilang mali ito ay ginagawa
pa din nila ang ganoong uri ng trabaho.

Magandang kwento naman ito dahil talagang nakaaaliw basahin sapagkat talaga
namang kailangan mo ng malawak na pag-iisip at pang-unawa upang maintindihan
ang kwento dahil maraming mga hindi pang karaniwang bagay ang nabanggit dito.
Maganda din ang aral na makukuha dito sa kwento at dapat ay siguraduhin natin o
tiyakin muna natin ang isang bagay bago natin tanggapin ang trabaho na ipapagawa sa
atin. Hanga ako sa naging paraan ng awtor sa pagsulat ng ganitong klaseng kwento
sapagkat kailangan mo talagang suriin at damdamin ang kwento upang mas lalo mong
maunawaan kung ano ang nilalaman nito.

B. Kaanyuan o kayarian ng maikling kwento

Tauhan.

Magic Johnson Salvador na mas kilalang Johnson, isa sa pangunahing tauhan


na ang trabaho ay hired killer.

Glen Saporsantos o mas kilalang si Putol dahil sa putol nyang hinliliit sa


kaliwang paa, isa din sa pangunahing tauhan na kasama ni Johnson sa trabaho.

Trixie, kapatid ni Putol na mahilig sa Barbie movies at Dora episodes.


Ma’am Watson, guro ni Trixie na guro din ni Putol noong siya ay nasa
ikalawang-baitang.

Bumbay na mahilig sa Cloud 9 na nag-utos sa magkaibigan.

Dalawang anak ng isa pang bumbay, mahilig sa One Direction.

Tagpuan.

Sa may karinderya kung saan binaril ni Johnson at Putol ang bumbay na karibal
ni bumbay na mahilig sa cloud 9.

7-Eleven sa may tulay sa Imus kung saan nagkita si Bumbay at ang magkaibigan
para kunin ang bayad sa kanila na 50,000 pesos.

Sa probinsya nila Putol at Trixie sa Pakil, Laguna kung saan nagbakasyon ang
magkapatid noong buwan ng Abril.

Banghay.

Nang matapos ng magkaibigan ang inutos ng bumbay ay agad silang umalis


sa lugar upang hindi sila mahuli at makilala ng mga taong nakasaksi ng kanilang
pagbaril sa karibal na bumbay. Masaya ang magkaibigan dahil akala nila ay
napatay nila ang bumbay kaya kinuha na nila ang bayad sa kanila na
nagkakahalagang 50,000 pesos, ngunit hindi alam ng magkaibigan na buhay pa
pala ang bumbay na binaril nila pero sa kasamaang palad ay nabangga si Johnson
at ito ang kaniyang ikinamatay at ang per ana nakuha niya ay ginamit sa kaniyang
burol at libing, hindi na nya natupad ang kaniyang kagustuhan na makapagtayo ng
isang foodcart.

C. Paraan ng pagsulat ng may akda

Ang ginamit na paraan sa pagsulat ng may akda ay nagsimula siya sa


pagkukwento kung sino ba ang magkaibigan at kung ano ang kanilang hanap-buhay at
kung paano nagsimula ang lahat ng kaganapan na nangyari sa kwento at kung ano ba
ang kinahinatnan ng magkaibigan. Isinalaysay mabuti ng may akda ang tamang
pagkakasunod sunod ng nasabing kwento ng malinaw at naintindihan.

D. Elemento ng maikling kwento

Tauhan.

Magic Johnson Salvador na mas kilalang Johnson, isa sa pangunahing tauhan


na ang trabaho ay hired killer.
Glen Saporsantos o mas kilalang si Putol dahil sa putol nyang hinliliit sa
kaliwang paa, isa din sa pangunahing tauhan na kasama ni Johnson sa trabaho.

Trixie, kapatid ni Putol na mahilig sa Barbie movies at Dora episodes.

Ma’am Watson, guro ni Trixie na guro din ni Putol noong siya ay nasa
ikalawang-baitang.

Bumbay na mahilig sa Cloud 9 na nag-utos sa magkaibigan.

Dalawang anak ng isa pang bumbay, mahilig sa One Direction.

Tagpuan.

Sa may karinderya kung saan binaril ni Johnson at Putol ang bumbay na karibal
ni bumbay na mahilig sa cloud 9.

7-Eleven sa may tulay sa Imus kung saan nagkita si Bumbay at ang magkaibigan
para kunin ang bayad sa kanila na 50,000 pesos.

Sa probinsya nila Putol at Trixie sa Pakil, Laguna kung saan nagbakasyon ang
magkapatid noong buwan ng Abril.

Banghay.

Minsan bago tayo tumanggap ng trabaho ay tiyakin muna natin kung ano ba ang
kahihinatnan nito at huwag din tayong basta-basta magpabulag sa pera, mahirap
ang buhay ngunit huwag natin mas lalo pang pahirapin bagkos ay maghanap na
lamang tayo ng mas maayos na trabaho kaysa ang pumatay dahil ito ay isang uri
ng krimen at napakalaking kabayaran ang kapalit nito. Tiyakin natin o mas pilitin
natin na maging mas maayos ang ating pipiliin o tatahakin na landas dahil
palaging nandyan lang ang karma at lagging nasa huli ang pagsisisi.

Kasukdulan.

Nabangga si Johnson ng truck ng cloud 9 na dahilan ng kanyang kamatayan at


sa lamay ni Johnson ay pumunta ang bumbay habang kumakain ng cloud 9. Nais
n ani Putol mag bagong buhay, ayaw na niyang pumatay at gusto na din niyang
bumalik sa pag-aaral. Na-confine ang kapatid ni Putol na si Trixie, na-dengue ito
at kailangan ni Putol ng pera upang makapagbayad sa hospital at pambili ng
gamut ng kanyang kapatid. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay bumbay at
pinapapunta siya sa bahay nito at hindi na nagdalawang isip pa si Putol dahil
alam nyang pera ito. Ibinalita sa kanya ni Bumbay na buhay pa ang bumbay na
pinapatay nya noon sa magkaibigan ngunit hindi pala ito napuruhan kaya nais nya
itong ipapatay ulit at babayaran niya si Putol ng 10k na agad naming tinanggap ni
Putol.

Kakalasan.

Tinanggap nga ni Putol ang utos ulit ni bumbay na patayin ulit ang karibal na
bumbay, pumunta si Putol sa bahay ng target na bumbayat minatyagan ang bahay
pero sa pagkakataon na ito ay mag-isa na lamang sya at at tulad ng dati
sistematiko sila kumilos ni Johnson noon, may science, hindi basta-basta tira at
yun ang kaniyang natutunan kay Johnson. Makaraan ang isang oras ay lumabas
na din ang bumbay na may gasa sa ulo, lumabas din ang dalawang anak na babae
nito, naalala nya ang larawan na nakita nya sa pitaka noon ni bumbay, isang
larawan ng pamilya. Parang hindi na niya kayang gawin ang dati na pumatay ulit
pero inaalala nya ang kanyang kapatid na nasa ospital at kailangan nya ng perang
pambayad. Pinanood nya itong manungkit ng bunga ng aratilis at huminga sya ng
malalim, bawat hakbang niya palapit at tila bumibigat ang kaniyang pakiramdam
at ng makarating siya sa harap ay nagkatinginan sila ng bumbay at parehas silang
namutla. “Pwede po makahingi ng aratilis” tanging iyon na lamang ang kaniyang
nabigkas. Hindi na niya kayang pumatay. Inabutan siya ng anak ni bumbay at
nagpasalamat siya. At naglakad na palayo. At sa tulong ng kanilang mga kamag-
anak ay napagtulong-tulungan nila ang bayarin sa ospital.

Wakas.

Buwan ng Abril, bakasyon ng kapatid ni Putol na si Trixie. Umuwi sila sa


kanilang probinsya sa Pakil, Laguna, ngayon lang sila ulit nakauwi doon at si
Trixie naman ay unang beses nyang makapunta doon sa kanilang probinsya at
tuwang-tuwa naman ito. Nagkita ulit si Putal at ang kaniyang pinsan na dahilan
kung bakit naputol ang kaniyang hinliliit sa kaliwang paa, dahil iyon na
pagbibisekleta noon at nakaangkas sya doon sa kaniyang pinsan. Naging masaya
na si Putol sa buhay nya ngayon at hindi na siya bumalik pa sa kanyang dating
trabaho.

SUELTO, C_ PAGSUSURI _ JOHNSON AT PUTOL

You might also like