You are on page 1of 1

MODYUL 3: Ang Tundo Man ay May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz

REPLEKSYON

Base sa nabasa kong isang kabanata ng nobela ni Andres Cristobal Cruz, napansin ko
ang pag banggit niya ng tauhan agad sa simula pa lamang. Inilahad niya na ang pagkakakilanlan
ng tauhan. Sinasabi sa nobelang ito na ang anyo ng sining pampanitikan ay sumisimbolo sa
isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin base sa tunay na buhay, estado ng
buhay at hanap buhay ng isang tao.

Ang akdang ito ay isang nobela at lipunan. Ito ay isang masining na akda sapagkat na
ihalintulad ito sa tunay na buhay na kung saan parehong maraming pinagdadaan na pagsubok,
kabiguan, nakakaranas ng pag ibig, pagkamit ng tagumpay at ang pag aalab ng pagiging
makatao't makabayan.

Kung mapapansin natin, ang manunulat ay ginamit ang Tundo bilang simbolismo. Hindi
lingid sa ating kaalaman na kapag naririnig natin ang salitang Tundo ay nagkakaroon na tayo ng
ideya na ito ay tumutukoy sa maraming tao, dikit-dikit at tagpi-tagping bahay, may mga maliliit
na iskinita at estero at ang kahirapan. Kahirapan ang siyang unang naiisip natin kapag naririnig
ang salitang Tundo. Pero sa nobelang ito, ang Tundo ay isa lamang naging sagisag sa kahit
anong lugar na nag hahangad ng pagbabago at pag unlad mula sa kanilang kinasanayan at
kinalakihang lipunan.

You might also like