You are on page 1of 4

NAGING SULTAN SI PILANDOK

Mula sa Bayan ng Maranaw


I. Panimula
a. Uri ng Panitikan

Ang kwentong “Naging Sultan si Pilandok” ay isang uri ng maikling kwento mula sa
Pilipinas – Bayan ng Maranaw. Ito ay tinagurian ding isa sa pinakamatanda at pinakakilalang
kwento sa kasalukuyan at sa mga nagdaang panahon.

b. Bansang pinagmulan

Ang pinagmulan ng akdang pampanitikang ito ay ang bansang Pilipinas kung saan
makikita ang iba’t ibang kulturang masasabing mayaman at maipagmamalaki sa buong mundo.

c. Pagkilala sa may akda

Ang nag-udyok sa may akdang isulat o likhain ang maikling kwento ay ang kagustuhan
niyang maipabatid o maipamalas sa lahat ang kultura at tradisyon ng bansang Pilipinas sa
pamamagitan ng pagapapakilala ng husto sa ugali at kasanayan ng mga tauhang ito. Ipinapakita
rin dito ang ugaling tinataglay ng iilang tao sa lipunan na maaaring mayroong malaking epekto
sa huli tulad na lamang ng angking talino ni Pilandok at ang madaling pagkauto ng Sultan na
kumakatawan rin sa karaniwang kalagayan ng ibang tao sa kasalukuyang panahon.

d. Layunin ng akda

Ang layunin ng may akda sa pagsulat ng maikling kwento ay upang isalaysay at ipabatid
o ipamalas sa lahat ang yaman ng literatura at panitikan ng Pilipinas at kung paano ito
humuhubog at nakakaapekto sa mga tao. Binibigyang diin rin nito ang pagbibigay aral sa mga
nakaluuklok sa pwesto sa gobyerno at kanilang mga nasasakupan at ang pagababago kaakibat
ng mga pagkakamali at sobrang pagtitiwala. Binubuksan nito ang mata at kaisipan ng mga
mambabasa sa kahalagahan ng paggamit ng isip at diskarte kaysa sa paguna ng mga personal
na mga hangarin sa pagharap sa mga problema.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

This study source was downloaded by 100000838388259 from CourseHero.com on 04-09-2022 17:20:12 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/38940054/NAGING-SULTAN-SI-PILANDOKdocx/
e. Tema o Paksa ng Akda

Ang tema o paksa ng akda ay ang makatotohanan at makabuluhang pagsasaad ng mga


karaniwang nangyayari sa lipunang Pilipino lalo na sa pagitan ng mga namumuno at
pinamumunuan. Kabilang din dito ang pagsasalaysay ng mga kaugalian ng mga Pilipino na
sumasalamin sa takbo ng kanilang pangaraw araw na buhay. Mas ginagamit ng iba ang
kanilang isip at diskarte. Samantalang may iba naman naman ay personal na kagustuhan at
kasakiman ang pinaiiral.

f. Mga Tauhan/Karakter sa akda


 Pilandok – Siya ay isang sulatan na ginamit ang kaniyang isip at diskarte sa
pagdedesisyon. Napakawais din niya para malinlang ang Sultan. Nagawa niya
itong paniwalain na mayroong nganang kaharian sa ilalim ng dagat at makikita
ang mga ninuno at ibang kamaganak doon kasama ng napakaraming kayamanan.
Hindi maitatangging napakatalino niya.
 Sultan- Siya ay namatay at nawalan ng kaharian dahil sa kaniyang pagkagahaman
sa kapangyarihan at kayamanan noong maniwala siya kay Pilandok na mayroong
ngang kaharian doon. Siya rin ang nagpakulong sa hawla at nagpatapon kay
Pilandok noong una sa dagat at umasang mamamatay ito na hindi naman
nangyari.
g. Tagpuan/Panahon

Ang tagpuan ng kwento ay sa karagatan kung saan ipinatapon si Pilandok at nagpatapon


naman ang Sultan. Isa rin ang lugar kung saan nagkasalubong ang sultan at si Pilandok na
pinaniniwalaang na sa loob pa rin ng kaharian.

h. Balangkas ng mga Pangyayari

Ang inilahad sa akda ay ang karaniwang sitwasyon o pangyayaring nararanasan ng mga


namumuno at pinamumunuan sa mga pamayanan o lipunan. Kakaiba ang nilalaman ng akdang
ito sa rasong wala itong katulad na kwento at napakaganda ng ideya at persepsyon ng awtor sa
pagtinggin sa paggamit ng isipan at diskarte sa pakikisalamuha sa ibang tao o para makuha mo
ang gusto mo. Lumang balangkas na ang ginamit ng may kada ngunit ang estilo, anyo, bihis,
anggulo, at pananaw ng pagkasulat ang nagpalutang ng ganda nito. May kaisahan rin ang

This study source was downloaded by 100000838388259 from CourseHero.com on 04-09-2022 17:20:12 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/38940054/NAGING-SULTAN-SI-PILANDOKdocx/
pagkakakapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas na nagbibigay daan upang
mas maintindihan at maipabatid ang aral ng maikling kwentong ito.

i. Kulturang Masasalamin sa akda

Ang kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay at kaugaliang masasalamin sa akda ay ang


pagkakaroon ng sibilisasyon at mga namumuno at pinamumunuan simula pa lamang noong
unang panahon. Ipinakita rin dito ang kahalagahan ng paggamit ng isip at pagtimbang ng mga
bagay sa pagdedesisyon. Naipamalas din ang mga kaugaliang madiskarte, wais,
pagkagahaman, ganid, at determinasyon para maabot ang minimithi sa pamamagitan ng mga
galaw at pananalita ng mga tauhan sa kwento. Maihahalintulad ko rin ito sa kultura at tradisyon
ng ibang mga Pilipino dahil may malaki itong pagakakatulad lalo na sa mga aspekto ng ibang
panitikang Pilipino.

III. Pagsusuring Pangkaisipan


j. Mga Kaisipang/Ideyang taglay ng akda
Ang kaisipang o ideyang taglay ng akda ay makatotohan at mababatid o makikita sa
mga sitwasyon ng lipunan ngayon. Mahalagang maintindihan nila na hindi impotante ang
kayaman o kapangyarihan para magkaroon ng masayang pamumuhay. Isa pang bagay ay ang
pagsususmikap para sa ating mga sarili, hindi dapat tayo umasa sa ibang tao bagkas ay dapat
tayong magsumikap at magtiyaga upang maaabot natin ang ating mga pangarap at matamasa
ang kaginhawaang ating minimithi. Mahalagang maunawaan ang mga bagay na ito lalo na
ang kahalagahan pagiingat sa buhay at sarili. Sa kabilang banda, dapat nating alalahaning
gamitin ang ating isip at mga diskarte at hindi lamang puro puso at sariling kagustuhan.
k. Estilo ng Pahkakasulat ng Akda

Ang estilo ng pagkakasulat ng maikling kwento ay ang paggamit ng maraming paraan sa


paglalarawan ng buong pagkatao ng mga tauhan, nasasalig ito sa panloob na anyo – ang
isipan, mithiin, damdamin, at gayon din ang panlabas na anyo ng mg tauhan sa akda.
Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa
kwento. Sa pamamagitan ng tauhan naipapakita at pinkamabisang paglalarawan ng reaksyon
at salooobin sa isang tiyak na pangyayari. Ginamitan rin ito ng mga salitang mas madaling
maintindihan ng mga mambabasa. Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento
ay isang mahalagang aspekto rin sa pagkakaroon ng magandang estilo ng pagkakasulat.

This study source was downloaded by 100000838388259 from CourseHero.com on 04-09-2022 17:20:12 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/38940054/NAGING-SULTAN-SI-PILANDOKdocx/
IV. Buod

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.


Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa. Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang
makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit
sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak. Tinanong niya ito kung bakit
nabubuhay pa matapos ikulong sa hawla at ipatapon sa dagat. Nagtataka siya kung paano
nangyari iyon. Sinabi ni Pilandok na hindi siya namatay bagkus ay nakita niya sa ilalim ng
karagatan ang isang napakayamang kaharian at pati na rin ang kaniyang mga ninuno. Sinabi
niyang binigyan siya ng kayaman ng mga ito. Ayaw maniwala sa kanya ng sultan ngunit
naniwala din itodahil sa galing ng pangungumbinsi ni Pilandok at inutusan si Pilandok na
ikulong siya sa hawla at itapon sa dagat. Wala siyang ibang pinagsabihan dahil hindi ito
maaaring malaman ng iba. Maaari rin silang pumunta sa kaharian sa ilalim ng dagat kung
malalaman nila ito at dahil sakim siya sa kayamanan ay talagang itinuloy niya ang binabalak.
Matapos magkasundo ay iniabot ng sultan ang kaniyang korona, singsing, at espada bilang
tanda na so Pilandok na muna ang mamamahala sa kaharian. Isinakay na siya sa isang bangka.
Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog
ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

This study source was downloaded by 100000838388259 from CourseHero.com on 04-09-2022 17:20:12 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/38940054/NAGING-SULTAN-SI-PILANDOKdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like