You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Sa araling ito, Nasusuri ng mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


estilo ng pagbuo ng tanka at haiku (F9PB-IIa-b-45).

Inaasahan na pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay:

I. LAYUNIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at


haiku sa pamamagitan ng malayang talakayan;
B. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku;
C. Nakasusulat ng isang payak na Tanka at Haiku batay sa tamang anyo at sukat.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa: Panitikan: Tanka at Haiku
Uri ng Akda: Tula mula sa bansang Hapones
Sanggunian: Bulwagan: Kamalayan sa
Gramatika at Panitikan
Kwarter 2 – Aralin 1
pahina 90 – 91
Kagamitan: cellphone o laptop o kahit na anong gadget na maaaring gamitin sa
pakikibahagi sa aralin, kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Mananalangin ang mag-aaral na nakatalaga sa araw na ito.
2. Pagbati
Masayang buhay sa inyong lahat!
3. Pagsisiyasat ng Kapaligiran
Paglalahad ng mga panuntunan sa Onlayn klas
4. Pagtatala ng Liban
Sa class monitor itatanong kung sino ang lumiban sa klase.

B. Balik- Aral
Pagpapasagot sa mga sumusunod na gabay na tanong:

Gabay na tanong:
Batay sa ating isinagawang talakayan, ano ang mga bansang napabibilang sa
rehiyon ng Silangang Asya?
(Korea (Hilaga at Timog), Tsina, Japan, Taiwan, Macau, Hongkong, Mongolia)
C. Pagganyak

Hularawan
Panuto: Gamit ang mga larawan at ginulong letra, tukuyin ang mga salitang nais na
ipahiwatig sa bawat bilang.

D. Pagtalakay sa Paksa

1. Pagtalakay sa mga tula mula sa bansang Hapones

a. TANKA
b. HAIKU
3. Pagtalakay sa TANAGA at DIONA (Ang bersyon ng mga Pilipino ng Tanka
at Haiku)

F. Pagpapahalaga

Pagpapabasa at pagpapalalim sa halimbawa ng Tanka, Haiku


(Sa gawaing ito, hahayaan ang mga mag-aaral na pag-isipan at ilahad
ang kani-kanilang opinyon ukol sa nilalaman ng mga ipinakitang halimbawa)

G. Paglalapat
Pagpapasagot sa mga gabay na tanong:
1. Batay sa inyong obserbasyon, ilahad ang pagkakaiba ng Tanka at
Haiku?
2. Sa inyong palagay, paano nakatulong ang dalawang tula ng mga
hapon sa Panitikan nating mga Pilipino?
IV. PAGTATAYA NG ARALIN
Batay sa mga natalakay ngayong araw, bumuo ng tig-isang Tanka at Haiku, at ang
mabubunot na pangalan sa susunod na pagkikita ang siyang magbabasa ng kaniyang
sariling likha.

Ang paraan ng pagpupuntos ay makikita sa rubrik sa ibaba.

Pamantayan Inaasahang puntos Nakuhang puntos

Nilalaman 35
Kaangkupan sa Paksa 20
Tugma 20
Kariktan 25
Kabuuan 100

V. KASUNDUAN

Isa-isahin ang mga ponemang suprasegmental sa Balarilang Filipino at


magbigay ng tig-lilimang (5) halimbawa ng bawat isa.

Inihanda ni:

ENRIC G. TEJERERO
Guro sa Filipino 9

You might also like