Professional Documents
Culture Documents
MAY AKDA :
Lilia Quindoza Santiago (February 5, 1949 – February 15, 2021) ay isang manunulat at scholar ng
Pilipinas. Siya ay nagtapos ng bachelor's degree in English sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1971. Kilala
siya kanyang mga akdang Sa Ngalan ng Ina (In the Name of the Mother): 100 Years of Philippine Feminist
Poetry, 1889-1989.
Ading Huling, Paula, Liling, at Julieta - mga inapo ni Inang Ilang sa tuhod.
Kika, Apung Gudin, Manang Majica, Bimba - Mga punong kawayang naging kaibigan at
binigyang pangalan nina Nana at Mina.
BUOD NG KUWENTO
Sa tulong ni Inang Atang buhay na nailuwal ang suhing sanggol mula sa puwerta ng kanyang
Ina. Ngunit, noong unang palo'y hindi ito umiyak, pero sa pangalawa'y doon na bumunghalit ng
iyak isang napakahaba at nakaririnding iyak na hindi na tumigil-tigil ng mahigit isang oras.
Hanggang magsimulang umiyak na rin ang Nanay. Nagsidatingan ang mga kapitbahay upang
tulungang mag-alay ng dasal sa mag-ina. Ngunit hindi nila masimulan ang pagdarasal sapagkat
wala pang pangalan ang sangol, kung kaya't bininyagan nila ito at ang kanilang ipinangalan ay
Naciana na nagmula daw sa kalendaryo, maya't maya pa'y nabigyan ng palayaw na Nana ang
sangol, na nagmula sa unahan at dulo ng Naciana. Matapos ang pagpapangalan at pagbibinyag ay
sinimulan na nila ang kanilang pagaalay- dasal sa mag-ina. Pero hindi pa din tumigil sa pag-iyak
ang sanggol. Kaya't pinilit na lang ng nanay na isubo ang utong nito sa sanggol kahit hindi pa ito
nalilinis, at doon pa lamang tumahan ang sanggol.
Nang dahil sa Bukarra ay gumaling ang piking paa ni Nana na dulot nang kanyang pagkasuhi.
Araw ng kasal noon ng kanyang magulang nasa gitna siya ng kapilya, na may dala-dalang
hinimay na bulaklak ng sampaguita. Pinanood niya ang mga seremonyang ginanap ng minister,
at pagtapos ay nagmartsa sa labas ng simbahan kung saan ay pinaliguan sila ng bagong aning
bigas, pira-pirasong papel, at mga bulaklak. Pagkatapos ng kasalan ay nagtungo lahat ng kalahok
sa malawak na bakuran ng bahay nila . Dito ginanap nila ang mga aktibidad, mga palaro, kainan,
sayawan at kantahan. Ang pinakahuling aktibidad na idinaos pagkatapos ng kasal ay ang
pagsasabit ng pera sa likod ng kanyang bagong kasal na Nanay at Tatay, kung saan mas
maraming nalikom na pera ang tatay. Habang mahimbing na natutulog ang lahat matapos ang
gabi ng kasiyahan ay may pumukaw na tunog sa kuryusidad ni Nana, ang tunog ng Ilog,
pagkalusong niya sa ilog ay napagtanto niya na ang sarap palang lasapin itong lamig ng ilog, at
dito'y bumuo siya ng pagsumpa na hinding-hindi na siya hihiwalay sa dito. Hindi niya
makalimutan ang pakiramdam ng sayang dulot ng ilog kung kaya't labis niyang inasam ang
lingguhang umpukan nilang magkakamaganak at magkakapitbahay sa ilog. Natuto din siyang
lumangoy nang dahil sa kanyang kuryosidad na naging sanhi din ng kanyang muntik ng
pagkalunod.
Sa kawayanan sa may tabing ilog, dito madalas naglalaro si Nana, kanyang ateng si Mina, at
Puto. Ang pangalang Puto ay nanggaling di umano sa kasabihang "putok sa buho" at si Puto daw
ay kabilang dito. Isang araw ay nagsabunutan sina Mina at Nana nang dahil kay Puto, gusto
nilang dalawa na solohin sa kani-kanilang sarili si Puto. Buti na lamang at nakapagsumbong si
Puto sa kanilang Nanay at lola ; naawat sila. Nagpasya silang huwag ng pag-awayan si Puto
bagkos pangalanan nila itong mga kawayan nang sa ganon ay may makalaro sila. Si Kika,
labandera, dahil tila laging naglilinis ng kaniyang mga dahon na naluluoy at nalalaglag. Si
Apung Gudin, ang punong pagkatayog-tayog na halos humahalik sa langit at tingin namin ay
hindi na yata marunong yumukod, napakayabang. At si Manang Majica, dahil siya ay
salamangkera. Hindi lamang siya matayog din tulad ni Manong Gudin, kundi marunong siyang
sumayaw, yumukod at humalik sa lupa. Sa kaniya kami madalas magtago para huwag makita
kapag nagtataguan-pong. At dahil sa kaniyang pagmamahika, hindi kami nasusumpungan para
maging taya.
Pagkalipas ng Limang taon ay bumalik si Nana sa lugar ng kanyang lola sa Lagaro dahil sa siya'y
napagalitan ng kanyang magulang ; naliban siya sa klase. Dito ay nakita niyang muli ang ilog,
pagkakita niya'y hinanap niya ang mga kawayang kanyang naging kaibigan noon ngunit hindi na
niya ito mahagilap kahit saan. Hanggang sa makakita siya ng isang lalaking akala niya'y si Puto
na kanyang kababata ngunit hindi pala. Kinabukasan ay sinundo na siya ng kanyang mga
magulang ng maayos at hindi pinapagalitan.
Nahuli si Nana sa Maynila at dinala sa isang masikip na selda nang dahil sa pagsali niya sa
kilusang lihim matapos ipataw ang batas militar sa buong bansa. Dito ay nakilala niya si Captain
Abadilla, tinatanong siya nito kung ano ang tunay niyang pangalan, ngunit ayaw nito sumagot,
hanggang sa mamukaan siya nito, siya pala si Nana Macagba anak ni Julio Macagba, isang
beterano ng digmaan. Nang malaman nito'y kinabukasan din ay pinakawalan siya at isinailalim
sa mahigpit na superbisyon ng kanyang tatay.
Si Nana ay naging isang guro sa Filipino kung kaya't napasama siya Zamboanga kung saan
nagdaos ng seminar ang mga guro sa nasabing asignatura. Dito ay pumunta siya sa pinakadulo
ng Pasonanca para hagipin ang dulo ng dagat. Hindi niya mapigilan sa pagkahumaling sa
hanging inihahatid ng tubig.
Nakapunta na din siya sa Hawaii kung saan ang unang nadama niyang kasiyahan ay ang
pagsakop ng karagatan sa lupa. Saanman man siya magpunta, ang dinaratnan niya ay tubig.
Bayanggudaw siyang sinasampal-sampal ng mga alon. Hinahagilap niya ang mga lilim,
nagagawi sa mga puno ng niyog, pero ilan lamang silang nakahilera sa tabi ng dagat. Walang
kawayanan sa dalampasigan. Walang lilim ang puno ng niyog. Pero lagi, sa tabi ng dagat
binibigkas-bigkas niya pa rin sa isip ang ambahan sa paglalagalag.
MGA TAGPUAN
Gabi sa bahay ni Inang Atang - Bininyagan si Nana.
Kapilya - Kasalan ng Nanay at Tatay ni Nana.
Labas ng simbahan - Pinagmartshahan at kung saan sinabuyan ng bigas na bagong
ani,gupit-gupit na mga pirasong papel na may iba't-ibang kulay at bulaklak pa sina Nana.
Malawak na bakuran sa harap ng bahay nila Nana - nagdaos ng magarbong padaya—
kainan, inuman, sayawan, kantahan.
Ilog - Nilusungan ni Nana nang kainin siya ng kanyang curiosidad ; Lugar ng lingguhang
umpukan ng mga kamag-anak at kapitbahay nila Nana .
Kawayan sa tabing ilog - Madalas pinaglalaruan nina Mina, Nana, at Puto.
Kawayanan - Natagpuan si Apung Badong nang hubad at kipil sa isang kamay na
nakalapatong sa dibdib ; Narinig ang ungol ni Manong Gardo, at nakitang nakaluhod,
gapos ang dalawang kamay, at nagmamakaawa sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya.
Lagaro - Ang lugar ni Honorata Macagba at Nana ; ang Probinsya ni Nana
Seldang masikip sa Maynila - Nagsindi ng ilaw si Captain Abadilla at sinimulan ang
pagtatanong ng totoong pangalan ni Nana ; Nakulong si Nana.
Zamboanga, pinakadulo ng Pasonanca - dinaos ang seminar ng mga guro sa Filipino.
Hawaii - Nasiyahan si Nana nang dahil sa karagatan.