You are on page 1of 3

Bataller, Eugene L.

FIL3

BSED- Social Studies Dr. Gemma Marcaida

Pagsusuri ng akdang Florante at Laura

I. Pamagat ng Akda
 “Florente at Laura” ni Francisco Balagtas
II. May-akda
 Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda.
Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na
William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at
impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng
ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay
isinilang noong Abril 2, 1788-kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa
Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang
karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga
kapatid na sina Felipe, Concha, at Nicholasa.
III. Anyo ng panitikan
a. Estilo ng paglalahad

Ang Florante at Laura ay nailahad ng may mga malalalim na mga pahayag


na kinakailangan ng masusuring mata at isipan upang mabatid ang mga
nais na ipahayag ng manunulat at ng sa gayon ay maunaawan ng maigi
ang takbo ng istorya, ito rin ay nag tataglay nga mga sagisag na syang mas
nagpa ganda ng pagkakabanghay ng akda.
IV. Tauhan

 Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca.  Siya ang
pangunahing tauhan ng awit.   Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya.   Magiting na
bayani, mandirigma at heneral ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga
Persiyano at Turko.
 Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante.  Tapat ang puso sa
pag-ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.
 Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya.  Kabaligtaran ng kanyang ama, si
Adolfo ay isang taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila
sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa
trono ni Haring Linceo ng Albanya.
 Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya.   Anak ni Sultan Ali-adab.   Mahigpit na
kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

 Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan
ang kasintahang si Aladin.  Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay
Adolfo.
 Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante.   Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa
digmaan.

V. Tagpuan
 Madilim na kagubatan

VI. Pagsusuri sa akda


1. Mga teoryang ginamit

Teoryang klasismo – sapagkat ang mga kaganap sa akda ay nag lalarawan


sa kaganapan at kalagayan noon unang panahon at ito rin ay tumatalakay
sa mga isyu ng bayan na kung titingnan natin ay makikita parin sa
kasalukuyang panahon.
VII. Mensahe/ Aral ng akda
 Ang bawat tao sa mundo ay dapat magtulungan, kahit sino ka man. Palagi
nalang natin nakikita ang mga tao na naghihirap sa buhay at hindi natin sila
tinutulungan. Ngungit, sa kwento ni Florante at Laura, nakikita natin na ang
isang Moro ay tinutulungan ang isang Kristiano na alam natin ang dalawang
relihiyon ay hindi sa mabuting lagay, kahit hindi sila magkapareahas ng
relihiyon. Tulad sa kwento, dapat tayo rin maging ganito dahil magagawa
natin na mas mabuting lugar ang ating lipunan. 

You might also like