You are on page 1of 25

Page |1

INTEGRATED REVIEW
FILIPINO
October 9, 2021 (SAT)

TIME ACTIVITY
10:00 – 10:30 Pre-test
10:30 – 12:00 Lecture
12:00 – 1:00 Lunch
1:00 – 2:30 Lecture
2:30 – 3:00 Post test
Page |2

WIKA
• Ayon kay Henry Gleason, ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasasaayos sa praang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabahagi at kasama sa isang kultura.
KATANGIAN NG WIKA
• May masistemang balangkas • Ito ay midyum sa komunikasyon.
• Ang wika ay sinasalitang tunog. • Ito ay makapangyarihan.
• Ito ay arbitraryo. • May pulitika ang wika.
• Nakabatay ito sa kultura. • May antas ang wika.
• Ang wika ay dinamiko
GAMIT NG WIKA (Ayon kay Halliday)
• Instrumental (pagsulat ng liham pangangalakal, pakikiusap, pag-utos)
• Regulatori (pagbibigay-panuto, paalala, babala o direksyon)
• Interaksiyonal (pangungumusta, pagbibiro, pagbati, pagpapakilala,
pagpapasalamat, at paghingi ng paumanhin)
• Pampersonal (pagsang-ayon, pagsalungat, pagpuri, paglibak, or paninisi)
• Pang-imahinasyon (malikhaing pagbuo ng iba’t ibang genre ng panitikan o
literari)
• Heuristiko (pagtatanong, pagsasagawa ng sarbey, at pagsasaliksik)
• Informative (pag-uulat, pagtalakay, pagpapaliwanag)
URI NG BARAYTI NG WIKA
• Idyolek – ang wikang tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika.
Halimbawa:
“Siguro nga ammm… dapat tayong magkaisa ok… Ito ay ammm… susi sa
pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon, ammm…
kalian pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?”
• Dayalekto – inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong
nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad
Halimbawa:
Bikol: Dios maray na banggi
Ibanag: Dios ya gaviyyao
Hiligaynan: Maayong gab-i
Tagalog: Magandang gabi
Page |3

• Sosyolek – wikang ginagamit ayon sa lipunang ginagalawan ng tao.


Halimbawa:
Forex, chat, pedxing, download, online, gay lingo, i-update, market,
upload, outbound
• Rehistro – tumutukoy sa gamit ng wika sa isang tiak na larangan/domeyn
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Malayo-Polinesyo
• Angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, Ilocano,
Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay
• Sumunod ang laki sa wikang sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki)
na kinabibilangan ng Espanyol at Ingles
Saligang Batas ng Biak na Bato
• Ang wikang opisyal ng Katipunan ay Tagalog na nagging midyum sa mga
pahatid-sulat at dokumento ng kilusan
Saligang Batas ng 1935, Artikula XIII, Seksyon 3
• “Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang Pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi ipinag-utos ng batas,
mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika.”
Batas Komonwelt Blg. 184
• Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang (Surian ng Wikang Pambansa o
SWP_ tutupad sa hinihingi ng konstitusyon, ang nagging unang pinuno nito ay
si Jaime C. De Veyra.
Batas Komonwalt Blg. 333
• Nagpatibay sa pagkakaroon ng SWP.
Kautusang Tagapagpapaganap Blg. 134
• Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong
nagsasabing Tagalog ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral, ang
Tagalog ay batayan ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
• Nabuong ganap ni Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog) ang talatinigang
may pamagat na “A Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang
Pambansa.”
Page |4

Kautusang Pangkagawaran Blg. 1


• Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksiyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat
ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-
1941.
Order Militar Blg. 13
• Ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hpon, ginawang opisyal na mga wika
ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog.
Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946)
• Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino at maging
isa nang wikang opisyal ng Pilipinas.
Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954)
• Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at araw ni Balagtas
tuwing Abril 2 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Proklama Blg. 186 (Set. 23, 1955)
• Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog ng Proklama bilang 12 na inililipat
ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula
sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa.”
Kautusang Pangkagawan Blg. 7 (1959)
• Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang
pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag
ng Batas Komonwelt Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962)
• Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964
ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967)
• Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Memorandum Sirkular Blg. 172 9Marso 27, 1968)
• Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat
sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang
Page |5

pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng


pamahalaan ay sa Pilpino gagawin. NIlagdaan ito ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael Salas.
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3
• Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging
Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino
ang siyang wikang opisyal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974)
• Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon
Bilingguwal sa mga paaralan na nagsisimula sa taong panuruan 1974-1975. Ang
patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles
bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primarya,
intermediya at sekondarya.
Saligang Batas ng 1987
• (Sekyson 6) “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filiino. Samantalang
nililinang, ito’ dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
• (Seksyon 7) “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’twalang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”
• (Seksyon 8) “Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.”
• (Seksyon 9) “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang rehiyon at mga disiplina
na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga
wika.”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)
• Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal nang ganito…
“Ang patakarang Bilinggual ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa
Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng
dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.”
Page |6

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987)


• Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong
iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991)
• Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa
itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating
SWP at LWP.
Proklamasyon Blg. 1041 (1997)
• Ang pagtatalaga ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa,
Agosto 1 – 31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos.
Kagawaran ng Edukasyon – Ordinansa Blg. 74 (2009)
• Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual
Language Education (MLE).
Wikang Filipino
• Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1 – 92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng
Resolusyon Blg. 1 – 96 (Agosto, 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang
depinisyon ng Filipino ay…
“…ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas – bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga
paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon
ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon. At iskolarling
pagpapahayag na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
• Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma. Duran Nolasco (ng KWF,
2007) sa Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay
dating wika ng Katagalugan na naging wikang pambansa bunga ng kombinasyon
ng mga pangayaring historical, ekonomikal, at sosyopolitikal, kayat naging
pambansang lingua franca ng magkakaibang etnolingguwistikong grupo sa
bansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
• Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay
ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang pambansa.
Page |7

Alphabetong Filipino (1987)


• Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ (enye)
na tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dyi, eych, ay, dyey, key, el, em, en, enye,
endyi, o, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi).
Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 (2001 Rebisyon sa Alpabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino)
• May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at
gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 Patnubay… Ang binago ay mga
tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming
kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976,
Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006
• Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Rebisyon sa Alpabeto
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang
paggamit at pagsangguni sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang
KWF ay nagsasagawa ng mga konsultasyon.
Mayo, 2008
• Ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa,
nakabatay ito sa 1987 Patnubay… tinapos na ang pagkalito sa maluwag na
paggamit ng 2001 Rebisyon…
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
• Tawag sa maagham na pagaaral ng mga ponema (makahulugang tunog).
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
• Ito ay pantulong sa mga ponemang segmental para sa mas maayos na
pagbigkas.
• Isinasaalang-alang ang katiyakan ng paraan ng pagbukas tulad ng tono (pitch),
haba (length), diin (stress) at antala/hinto (juncture).
PONEMANG SEGMENTAL
• Ang tawag sa mga makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga
titik na maaaring katinig o patinig at nagsisilbing gabay sa pagbigkas.
DIPTONGGO (aw, iw, ay, ey, iy, oy, uy)
• Kapag ang ponemang patinig ay ikinakabit sa unahan ng malapatinig na /w/ at
/y/ sa isang pantig.
Halimbawa:
Galaw, giliw, bahay, reyna, kahoy
Page |8

KLASTER
• Kambal-katinig na magkasama sa isang pantig sa salita.
Halimbawa:
Plato, kard, plantsa, braso, suplada, kwarto
PARES-MINIMAL
• Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon (Santiago at
Yangco, 2003).
Halimbawa:
/pito/-/pato/, /mesa/-/misa/, /oso/-/uso/
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
• May pares din naman ng mga salita na kahit may magkaibang ponema ay
nananatili ang kahulugan
Halimbawa:
/lalaki/-/lalake/, /dami/-/rami/, /tutoo/-/totoo/
MORPOLOHIYA O PALABUUAN
• Ang tawag sap ag-aaral ng mga morpema (bawat yunit ng mabubuong salita
mula sa mga makahulugang tunog). Ang mga morpema at maaaring nasa
anyong kataga, salitang-ugat, panlapi at morpemang ponema (/a/ at /o/)
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
• Pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
Asimilasyon
Ang pagbabagong nagaganap sa /ng/ dahil sa impluwensiya ng ponemang
magkasunod nito, isa sa mga ponemang binibigkas nang pailong ang maaaring
gamitin sa pagbabago.
Halimabawa:
pang- magiging pam- kapag napapasama sa /p/ at /b/
pang- + bayan = pambayan, pang- + parke =pamparke
Asimilasyong parsyal ang naganap sa mga salitang pambayan, pandaigdig,
panradyo, pantao, panlamay, at pansaka. Magiging ganap lamang ang
asimilasyon kapag nawawala ang unang ponema at napapasama na sa kasunod.
Halimbawa:
pang- + pasko = pampasko = pamasko
pang- + pukaw = pampukaw = pamukaw
Page |9

Pagpapalit ng Ponema
Ito ay nagaganap na pagbabago o pagpapalit ng ponema sa pagbuo ng salita.
Halimbawa:
Ang /d/ ay nagiging /r/
lakad + -an = lakadan = lakaran
Ang /e/ ay nagiging /i/
ka- + lalake + -an = kalalakehan = kalalakihan
Ang /o/ ay nagiging /u/
Payo + -an = payohan = payuhan
Pagkakaltas ng Ponema
Ito ang nangyayari kapag kinakaltas ang huling ponema ng salitang-ugat na
kinakabitan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + -an = takipan = takpan, sara + -an = sarahan = sarhan
Metatesis
Ito ang pagbabago kapag nagkakapalit ng posisyon ang /l/ o /y/ na simula ng
salitang-ugat at /n/ sa gitlaping -in na ikinakabit s anasabing salitang-ugat.
Halimbawa:
-in + lukso = linukso = nilukso, -in + lakbay = linakbay = nilakbay
Minsan ay nagaganap sa isang salita ang pagkakaltas at metatesis
Halimbawa:
atip + -an = atipan = aptan, tanim + -an = taniman = tamnan
Paglilipat-diin
Ito ay naganap na pagbabago sa diin ng mga salita kapag nilalapian.
Halimbawa:
basa + -hin = basahin, inom + -an = inuman, laro + -an = laruan
Pagsusudlong
Ito ang pagbabago kapag may pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salita gayong
mayroon na.
Halimbawa:
alala + -han + -in = alalahanin, antabay + -an -an = antabayanan
P a g e | 10

Maypungos
Ito ang pagbabago kung may pagbawas ng unlapi sa salita.
Halimbawa:
“Ipatayo” ay nagiging “patayo”, “Magpabunot” ay nagiging “pabunot”
Pag-aangkop
Ito ang tawag sa pagbabagong may pag-iisa ng dalawang salita, may
pagkakaltas ding kasama.
Halimbawa:
wika + mo = kamo, sabi + nila = anila, tingnan + mo = tamo
PANGUNGUSAP
• Isang salita/mga sambila (sambit lamang) o lipon ng mga salita na may buong
diwa, ito ay binubuo ng bahaging predikatibo (panaguri) at paksa (dating
simuno)
ANYO NG PANGUNGUSAP
Kapag ang pangungusap ay nagpapahayag ng isang kaisipan, maaaring
tambalan ang predikatibo at paksa, ito ay payak.
Halimbawa:
o Nag-aral nang mabuti ang mga mag-aaral.
o Nag-aral nang mabuti at nagbasa ng maraming aklat ang mag-aaral.
o Nagbasa ng maraming aklat ang mag-aaral at kaniyang kaibigan.

Anyo ay tambalan kapag dalawa o higit pang kaisipan ang ipinahahayag.


Halimbawa:
o Nag-aral nang mabuti ang mag-aaral; nagbasa ng maraming aklat ang
kaniyang kaibigan.
o Kinilala ng marami ang kahusayan ni Pacquiao habang pinapurihan
naman si Efren Penaflorida.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay at isa o


higit sa isang di-malayang sugnay.
Halimbawa:
o Ang pangulong nagtatalumpati ay pinakinggang mabuti ng taumbayan.
o Isinakatuparan ng mga mag-aaral ang mga gawain upang maging bahagi
ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
P a g e | 11

May anyong dalawa o higit pang punong sugnay at isa o higit sa isang katulong
na sugnay ang pangungusap na langkapan/ tambalang-hugnayan/ hugnayang-
langkapan.
Halimbawa:
o Sinasabi ko na hawak natin ang kinabukasan at makakamit natin ang
kaunlaran.
o Paniniwalaan ang sinabi niya at pakikinggan siya ng lahat na siya ay
mabuting tao.
KOMPLEMENTO O KAGANAPAN NG PANDIWA
• Relasyon ng pandiwa sa predikatibo o panaguri

Komplementong gol
Ito ay tuwirang layon ng pandiwa. Ito ay may panandang pinangungunahan ng
ng.
Halimbawa:
o Nagkaroon ng palatuntunan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro.
o Binasahan ng kuwento ang mga bata.

Komplementong benepaktib
Ito ay pinaglalaanan ng isinagawang kilos. Ito ay may panandang para sa/ kay/
kina.
Halimbawa:
o Nagbago si Melvin para kay Riza.
o Nagkaroon ng salu-salo ang mga anak para sa mga guro.
Komplementong kawsatib/kosatib
May panandang dahil/ sanhi sa/ kay/ kina at nagpapakilala ng kadahilanan.
Halimbawa:
o Dahil sa gulo nangibang-bayan ang maraming taga-Mindanao.
o Natuwa ang mga guro dahil sa inihandang sorpresa ng mga mag-aaral.
Kompletong instrumental o sa gamit
May panandang sa pamamagitan ng/ gamit ng at naglalahad ng gamit sa
pagsasakatuparan ng kilos.
Halimabawa
o Ilalahad niya ang patalastas sa pamamagitan ng poster.
o Pinaghambing niya ang mga konsepto sa pamamagitan ng mapa at
talahanayan.
P a g e | 12

POKUS NG PANDIWA
• Relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap
Pokus sa Aktor/Tagaganap
Ang paksa ay gumanap, gumaganap, at gaganap ng kilos at nasa banghay -um,
mag- at mang-.
Halimbawa:
o Nagpakita ng kahusayan sa gawain ang mga kinatawan ng bawat
paaralan.
o Natuwa ang magulang sa kahusayang ipinamalas ng anak.
Pokus sa Gol/Layon
Tuwirang layon/direct object at nasa banghay -in.
Halimbawa:
o Binigkas niya ang talumpati.
o Binigay ng binate ang rosas sa kanyang nililigawan.

Pokus sa Benepaktib/Pinaglalaanan
Di-tuwirang layon/indirect obect at nasa banghay i- at ipag-.
Halimbawa:
o Ipaghahanda ng ibang pagkain ang mga kinatawan ng workshop.
o Ipaglilipat ng mga kagamitan sa ibang silid ang mga tagapagsalita sa
isang panayam.
Pokus sa Direksyon/Direksyonal
Ang paksa ay tatanggap ng kilos at nasa banghay -an.
Halimbawa:
o Dadalawin ng ama ang anak na maysakit.
o Pinasyalan ng binate ang parke.
Pokus-Lokatib
Ang paksa ay pook o bagay na pinagganapan, pinaggaganapan at
paggaganapan ng kilos at nasa banghay -an.
Halimbawa:
o Pagdarausan ng palatuntunan ang plasa.
o Pagtitipunan ng mga komposisyon ang portfolio.
P a g e | 13

Pokus sa Sanhi/Kawsatib/Kosatib
Ang paksa ay kadahilanan ng kilos at nasa banghay ikana-, ika-.
Halimbawa:
o Ikatutuwa ng marami ang inihandang presentasyon ng mga guro.
o Ikinabigla ng lahat ang pagpanaw ng kalihim ng samahan.
Pokus sa Gamit/Instrumental
Ang paksa ay kagamitan sa pagkilos at nasa banghay ipang-, ipina-.
Halimbawa:
o Ipambabayad ang dalawandaan sa isasagawang workshop.
o Ipanreregalo sa mga batang lansangan ang mga donasyong mula sa mga
pulitiko.
Pokus-Resiprokal
Kapwa paksa ang gumaganap at tumatanggap ng kilos at nasa banghay mag-,
-an.
Halimbawa:
o Nagtanungan ang magkatunggali sa pagtatalo.
o Nagpasalamatan ang magkamag-aral.

MGA HAKBANG SA PAGPAPAUNLAD NG FILIPINO SA AKADEMIKONG LARANGAN


Modernisayon
• Ito ay ang pakikibagay ng wika sa modernong pamumuhay at kultura sa
nagbabagong panahon. Kailangan itong makamit upang magamit bilang wikang
panturo sa kolehiyo at unibersidad (Cubat, 1985).

Istandardisasyon
• Ito yaong pagtiyak sa wikang gagamitin sa mga gawaing pagtuturo at
pagkaturo.
• Ngunit, hindi lamang ito tungkol sa kung anong wika ang gagamwing uniorme.
Ito ay pagtiyak sa kung sino ang gagamit ng istandard na wika 9Paz, 1995).
Kung tutugunan, ang wikang mapipili ay nararapat na para sa karamihan.

Intelektwalisasyon
• Hangaring ganap na magamit bilang wika ng pagkatuto at iskolarling talakayan
at daluyan ng karunungan ang Filipino (Catacataca at Espiritu, 2005).
P a g e | 14

WASTONG PILI AT GAMIT NG MGA SALITA


“nang”
1. Nang umalis ang bagyo, natuwa ang maraming magsasaka. (pangatnig sa
pangungusap na hugnayan)
2. …gumawa nang marahan. (panimula ng pang-abat na pamaraan)
3. Nang unang panahon… (pamalit sa noon)
4. …kain nang kain (panggitna sa mga salitang -ugat o pandiwang inuulit)
“ng”
1. Ang bintana ng bahay ay buksan. (bilang pantukoy na paari)
2. Binigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral. (bilang pantuoy na palayon)
3. Pupunta ng simbahan ang mag-anak. (bilang pang-ukol na pamalit sa “sa”)
“kung” (if, when)
1. Magluluto ako kung kakain ka. (pangatnig)
“kong” (ko + ng)
1. Ibinigay kong lahat ang aking pera kaya… (bilang panghalip)

“may”
Ito ay pandiwang walang banghay na ginagamit kung ang sinusundan ay
pangngalan, panghalip na nasa kukulang paari, pandiwa, pang-uri, pang-abay,
at pantukoy na mga.
1. May asawa na siya. (kasunod ay pangngalan)
2. Sila ay may kani-kaniyang gawain. (kasunod ay panghalip na paari)
3. Mamaya ay may await. (kasunod ay pandiwa)
4. May magandang produkto sa lalawigan. (kasunod ay pang-uri)
5. Dito ay may mahusay sumayaw. (kasunod ay pang-abay)
6. May mga pagkakataong tayo’y puno ng suliranin. (kasunod ay pantukoy na
mga)
“mayroon”
Ito rin ay pandiwang walang banghay na ginagamit naman kasunod ang mga
kataga/ingklitik o panghalip na nasa kaukulang palagyo, panagot sa tanong na
pinangunahan ng may at bilang kasingkahulugan ng salitang mayaman.
1. Mayroon ngang darating na bagyo. (kasunod ay kataga)
2. Sila ay mayroon yatang pagdiriwang. (kasunod ay kataga)
3. Mayroon akong sasabihin. (kasunod ay panghalip na palagyo)
4. May peraba sa kahon? Mayroon. (pansagot sa tanong na may)
P a g e | 15

5. Kamim ang mayroon sa aming angkan. (kasingkahulugan ng mayaman)


“din”, “daw”, “dito”, “diyan”, “doon”
Ginagamit ang mga ito kapag ang sinundang salita ay nagtaos sa mga katinig,
maliban sa mga malapatinig na w at y.
1. Pupuntahan din naming ang Baguio. (also ang katumbas sa Ingles, pang-
abay na panigla at kataga sa balarila.)
2. Aalis daw kami bukas. (said ang katumbas sa Ingles, pang-abay na pang-
agam at kataga sa balarila)
3. Bawal kang magtapon dito. (here, panghalip sa balarila)
4. Darating diyan ang mga panauhin. (there, panghalip sa balarila)
5. Pupuntahan naming doon ang maksaysayang pook. (there, panghalip)
“rin”, “raw”, “rito”, “riyan”, “roon”
Ginagamit ang mga ito kapag ang sinundang salita ay nagtapos sa mga patinig
at mga malapatinig na w at y.
1. Ayaw rin niyang sumama. (also, ang katumbas sa Ingles, pang-abay na
panigla, at kataga sa balarila)
2. Ang aming bahay raw ay ipagbibili. (said ang katumbas sa Ingles, pang-abay
na pang-agam at kataga sa balarila)
3. Bawal kang magtapon ng basura rito. (here, panghalip sa balirala)
4. Tutungo riyan ang mga panauhin. (there, panghalip sa balarila)
5. Pupuntahan niya roon ang kanyang kapatid. (there, panghalip)
“pahirin” (nangangahulugang alisin o to wipe off)
1. Pahirin mo ang pawis sa iyong noo.
2. Iyong pahirin ang luha sa mata ng mapaghimalang Birhen.
“pahiran” (nangangahulugang lagyan o to apply something on)
1. Mabilis na pahiran ng palaman ang mga tinapay para maihain na.
2. Pahiran mo ng langis at hilutin ang masakit niyang likod.
“sundan” (to follow o pagsunod sa landas ng ginagaya)
1. Iyong sundan ang estilo ng pag-await ni Gary V.
2. Susundan ko ang yapak ng aking ama sa pulitika.
“sundin” (to obey o pagsunod sa payo, panuto, kautusan, o batas)
1. Kailangang sundin ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro.
2. Susundin ko na lamang ang iyong payo upang magtagumpay.
“subukin” (to test o pagsubok sa kakayahan sa bias gamit ang anumang panukat)
P a g e | 16

1. Subukin natin ang kahusayan ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino at sa


Matematika.
2. Aking susubukin ang kagandahan ng sabong ito sa balat.
“subukan” (to try o pagpapasubok sa kakayan at bias sa iba)
1. Subukan mong bumalik mamaya.
2. Subukan mo ang sabong ito sa iyong balat.
“iwan” (leave)
1. Iwan mon a lamang akong mag-isa.
2. Aking iiwan na ang napakagulong lugar na ito.
“iwanan” (leave something)
1. Iwanan ang inyong tsinelas sa labas ng silid.
2. Iniwanan niya ako ng makakain.
“kay” – pantukoy na pang-isahan
“kina” – pantukoy na pandalawahan at higit pa, walang kila sa balarila
1. Ipinasa niya kay Joana ang proyekto.
2. Ibabalik niya kina Kim, Louie at Theresa ang mga proyekto.
“si” – pantukoy na isahan
“sina” – pantukoy na pandalawahan at higit pa
“sila” – ginagamit bilang panghalip
1. Mahusay umawit si Annie.
2. Sina Lilia, Maria at Debbie ay magkakaibigan.
3. Sila ay magkakaibigan.
“kata” – panghalip na mula sa ikaw at ako
“kita” – panghalip na mula sa ko – ikaw
1. Kata ay dadalo sa misa.
2. Gusto kita.
“walisan” – ang lugaw na lilinisin
“walisin” – ang particular na kalat na aalisin sa pamamagitan ng walis
1. Aking wawalisan ang kusina.
2. Walisin na ang mga papel na nakakalat sa sahig.
“operahan” – ang taong sasailalim sa operasyon
“operahin” – ang particular na bahaging titistisin
P a g e | 17

1. Ooperahan na ang sikat na basketbolista.


2. Ang mata niya ay ooperahan.
“magpakasal” – ang taong mamamahala sa gagastos sa kasal ng dalawang tao
“mapakasal” – ang dalawang taong nag-iibigang sasailalim sa seremonya ng kasal
1. Ako ang magpapakasal sa aking mga inaanak.
2. Mapapakasal ang binate sa mayamang dalaga.
“magsakay” – magkarga/to load
“sumakay” – to ride
1. Magsasakay kami ng maraming prutas sa dyip na inarkila.
2. Sumakay ka na at tayo ay aalis na.
“namatay” – binawian ng buhay
“napatay” – sinadyang paslangin
1. Marami ang namatay sanhi ng pagguho ng lupa sa kanilang tirahan.
2. Napatay ang biktima ng mga hindi pa nakikilalang lalake.
“pinto” – ang bahaging sinasara at binnubuksan
“pintuan” – ang puwang na dinadaanan
“hagdan” – ang inaakyatan at binababaan
“hagdanan” – ang kinalalagyan ng hagdan, kabuuang pagtawag
1. Panatilihing nakasana ang pinto ng silid.
2. Umalis ka riyan sa pintuan at ako’y dadaan.
3. Umakyat ka sa hagdan upang makarating sa iyong paroroonan.
4. Madali kung gagamitin na lamang ang hagdanan ng gusali kaysa sa sirang
elevator.
TAYUTAY
Ang mga pahayag na ito ay matatalinghagang taliwas sa karaniwang paggamit
ng mga salita. Nakakahon lamang sa mga tula ang tradisyunal na pagpapakilala ng
mga ito. Masikap pa ngang sinusuri sat tinipon (sa serye ng aklat na Hiyas, 1968) ni
Ferdinand Monleon ang animnapung tayutay sa Filipino buhat sa Florante at Laura at
iba pang tula.
Sa pagbabago ng panahon, nabigyan na rin ng puwang ang mga tayutay sa
mga akdang tuluyan. Narito ang ilang uri ng mga tayutay na kadalasang ginagamit sa
pagpapahayag.
1. Pagtutulad/Simile/Simili. Ito ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang
bagay, tao o pangyayari sa pamamagitan ng mga paririla/salitang tulad ng,
katulat, parang, kagaya ng, mistula, tila, wari, atbp.
P a g e | 18

a. Ang pag-awit niya ay parang huni ng ibon sa kagubatan.


b. Mistulang reyna siya sa kaniyang makulay na kasuotan.
c. Ang aking irog ay tulad ng napakagagandang bulaklak sa aming hardin.
2. Pagwawangis/Metaphor/Metapora. Ito ay nagsasaad ng tiyakang
paghahambing at hindi na ginagamitan ng mga salitang gamit sa pagtutulad.
a. Ang guro ay arkitekto ng buhay.
b. Ang ibinigay na aral ay silang nagbigay-liwanag sa akin.
c. Isang malaking teatro ang mundo ng mga tao.
3. Pagbibigay-katauhan/Padiwantao/Personipikasyon. Pagsasalin ng aksyo,gawain
o kilos ng tao sa mga bagay gamit ang pandiwa.
a. Ngumanganga ang aking mga sapatos.
b. Papalapit na ang ambon sa ating mga ulo.
c. Lumuha ang langit pagkatapos ng matagal na tagtuyot.
4. Paglilipat-wika/Paurintao/Transferred Ephitet. Paglilipat ng mga katangiang
para sa tao patungo sa mga bagay gamit ang pang-uri.
a. Tahimik ang bulkan.
b. Ulila na ang nag-iisang piraso ng aking hikaw.
c. Malupit ang langit ngayong tag-init.
5. Pagmamalabis/Hyperbole. Pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng isang
tao, bagay o pangyayari.
a. Kahapon ay bumaha ng dolyar.
b. Ngiting abot taing ang rumehistro sa kaniya nang makita ang
kasintahan.
c. Hinahabol siya ng kabayo nang dumating siya sa aming bahay.
6. Pagpapalit-saklaw/Synecdoche/Sinekdoke. Ito ay pagpapahayag na may
pagbanggit sa isang bahagi ng isang bagay o tao para kumatawan sa kabuuan
o bise-bersa.
a. Maraming akamay ang handang tumanggap sa kandila sa labas ng
bilangguan.
b. Nais ko ang mga awit MYMP.
c. Libangan ko ang Lualhati Bautista.
d. Araw-araw ay apatnapung ulo ang nakahaharap ko sa klase.
e. Reregaluhan ka ng iyong ama ng bagong gulong.
f. Si Juan de la Crus ar lumalaban sa buhay.
g. Malaki ang ambag ni Uncle Sam sa edukasyon ng Pilipinas.
P a g e | 19

7. Pagpapalit-tawag/Metonymy/Metonimi. Ito ay pagpapalit ng


sagisag/palatandaan sa sinasagisag, simula para sa wakas o bise-bersa at
sisidlan sa isisilid.
a. Malaki ang impluwensiya ng mga singkit sa ating paniniwala sa suwerte.
b. Ang maitim na kaganapan sa kaniyang buhay ay ikinalungkot ng
marami.
c. Masipag ang haligi ng tahanan.
d. Ang pagdarasal ng marami ay nakapagpabuti sa kaniyang kalagayan.
e. Ang pagngiti ay nagturo sa kanya ng kagandahan ng buhay.
f. Tatlong garapon ang naubos sa pagpapalaman ng mga tinapay.
g. Apat na kutsara na lamang ay ubusin mo na.
8. Pagtanggi/Litotes. Pinangungunahan ng mga salitang ayaw o hindi na may
layong patindihin ang sinasabi.
a. Hindi ako bulag upang hindi makitang niloloko mo ako.
b. Ayaw kong isipin na wlaa kang pakiramdam para hindi makita ang
pagpapahalaga ko sa iyo.
c. Hindi ako bato para hindi makaramdam ng sakit.
9. Pag-uyam/Balintunay/Sarcasm. Ito ang pagpapahayag na pakutya ngunit
waring pumupuri.
a. Maganda ang sulat mong manok.
b. Napakahusay mo sa pag-uuwi ng maraming singko sa iyong grado.
c. Nahuli ka muli kaya ipagpalagay na lamang nating maaga ka para
bukas.
10. Tanong-retorikal/Pasagusay. Ito ay tanong na hindi na kailangang sagutin at
ginagawang makapangyarihan ang pahayag.
a. Mabibigyan pa ba ng espasyo sa lipunan ang mahihirap?
b. Kailan kaya darating ang panahong lahat tayo ay pantay-pantay?
c. Paano magsisimulang muli kung ayaw mo akong iwan?
11. Pagdaramdam/Exclamation. Nagsasaad ito ng hindi pangkaraniwang
damdamin.
a. O! Panginoon, kami ay huwag mong pabayaan,
b. Irog, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataong mahalin ka!
12. Paghihimig/Pasintunog/Onomatopoeia. Ginagamit ito bilang ipahayag ang
tunog na nalilikha ng mga bagay at may kakabit nang kahulugan.
a. Dumadagundong ang kulog sa kalangitan.
b. Masarap pakinggan ang lagasals ng tubig sa batis.
P a g e | 20

13. Pahiman/Euphemism. Ginagamit ang mga di-makapagdaramdam na salita


kapalit ng mga pahayag na marahas, magaspang, o malaswa.
a. Pumanaw na ang kaniyang matalik na kaibigan.
b. Nagbebenta ng aliw ang dalagang iyan.
14. Panawagan/Apostrope. ang pakikipag-usap sa isang tao o bagay na
pinalalagay na buhay o nasa harapan lamang.
a. Rico Yan, actor kang modelo ng mga kabataan.
b. Ferdinand Marcos, maaari bang ibaba na ang Martial Law?
c. Ulan, dumating ka ngayong mainit an aming pakiramdam.
15. Pagsalungat/ Epigram. Pinag-uugnay sa uring ito ang mga salitang
magkasalungat ng kahulugan o diwang ipinahahayag.
a. Ang aking kasiyahan ay nasa aking pag-iisa.
b. Napakarami kong nasabi sa aking pananahimik.
16. Pagbibigay-aral. Uri ng tayutay na nasa anyong salaysay, malinghaga ang
kahulugan at may layuning magigay-aral. Kasama rito ang mga parabola,
pabula at alegorya.
a. Parabula. Maituturing na tayutay sapagkat matalinghasa sa hatid na aral
lalo pa at mga kuwentong hango sa Bibliya. Popular na halimbawa nito
ang mga talinghaga sa Alibughang Anak (Lucas 15:11-32) at Mabuting
Samaritano (Lucas 10:25-37).
b. Pabula. Tayutay rin ito sapagkat ang mga kuwento nito ay may dalang
talinghaga at aral. Hayop at mga bagay sa kalikasan ang mga
gumaganap sa ganitong uri. Kilalang halimbawa nito ay ang kuwentong
“Ang Pagong at ang Unggoy.”
c. Alegorya o Talinghaga. Salaysay ng mga pangyayari at buhat sa mga
makakatotohanang karanasan ng tao.
17. Aliterasyon. May pag-uulit sa katinig sa bahaging unahan.
a. Kanina ay kasama ka, ngayon, kailan kaya?
18. Konsonas. May pag-uulit sa katinig sa bahaging hulihan.
a. Mapalad ang tulad niyang nagbabad sa hubad na katotohanan.
19. Asonansya. May pag-uulit sa patinig sa alinmang bahagi ng salita o pahayag.
a. Tatawa ka ng tatawa sa ganda niyang talaga.
20. Anapora. Bilang tayutay nagkakaroon ng pag-uulit sa unang bahagi ng linya o
pahayag.
a. Ikaw ang sagot sa aking dasal. Ikaw ang makapagpapawi ng aking
kalungkutan.
21. Epipora. Nagkakaroon ng pag-uulit sa huling bahagi ng linya o pahayag.
a. Ang dahilan ng lahat ay ikaw kaya ang muling iibigin ko ay ikaw.
P a g e | 21

22. Anadiplosis. May pag-uulit ng salita sa bahagin una at huli.


a. Ako ang kaniyang buhay. Buhay ko ay siya. Siya ang kahulugan ng
salitang ako.

PRE-TEST AND POST-TEST QUESTIONS

Practice Test: Read each question carefully. Choost the letter which corresponds
to the best answer for each question.

1. Ano ang kahulugan ng pahayag? “Ilibing sa limot ang mga malulungkot na


kaganapan sa iyong buhay.”

A. iwasan C. kalimutan

B. gunitain D. balikan

2. Ano ang tawag sa mga katagang RIN. DIN, RAW, DAW, PA at BA?

A. morpema C. ponema

B. ingklitik D. digraph

3. Ibigay ang uri ng tayutay: Ang kaniyang mata ay parang nagsusumamo sa


akin.

A. pagtawag C. pagbibigay-katauhan

B. pagmamalabis D. paurintao

4. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na walang paksa?

A. Ang umalis ay siya. C. Bumalik kang muli.

B. Habulin mo siya. D. May pera sa bayong.

5. Ano ang anyo ng pangungusap? Nagmistulang dagat ang mga lansangan sa


lungsod dahil sa bagyong nagdaan.

A. payak C. tambalan

B. hugnayan D. langkapan
P a g e | 22

6. Anong gamit ng wika ang ipinahayag ng pangungusap? Sinasabi ko sa iyo,


dumulog ka sa Lumikha sa lahat ng pagkakataon.

A. instrumental C. interaksyonal

B. regulatori D. heyuristiko

7. Alin ang naganap na pagbabagong morpoponemiko sa salitang Tagalog?

A. Metatesis C. Pag-aangkop

B. Asimilasyon D. Pagpapalit

8. Kung ang encoder ay sa decoder, ang manunulat kung sa gayon as sa _____.

A. mambabasa C. papel

B. tagahatid D. panulat

9. Ang pagkautal ay matatawag na _____ na sagabal sa pagsasalita.

A. sumantiko C. pisikal

B. pisyolohikal D. saykolohikal

10. Ano ang kahulugan ng pangugnusap na ito: Ilista mon a lamang sa tubig ang
aking utang?

A. kalimutan na ang utang C. tubig ang listahan

B. magbabayad din ng utang D. nasa tubig ang utang

11. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap a may paksa?

A. May pasok ba bukas? C. Nagbabasa sila sa aklatan.

B. Kay ganda ng paglubog ng araw. D. Mainit ngayon.

12. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito? “Ang kabutihan mo sa buhay ang
magiging hakbang sa pag-unlad.”

A. Pagwawangis C. Pagtutulad

B. Pagpapalit-tawag D. Personipikasyon
P a g e | 23

13. “Malalim ang bulsa” ng kanyang nanay. Ang ibig sabihin nito ay _____.

A. walang pera C. mapagbigay

B. mapera D. kuripot

14. Gagawin mol ang yan ____ mo ako mahal.

A. kung di C. kungdi

B. kundi D. kun di

15. _____ ka na sa ilog. Nangungunig ka na.

A. Lumusong C. Umahon

B. Sumuong D. Humango

16. Limang oras na pero hindi ko pa rin _____ ang nawawalang aklat.

A. mahanap C. hanapin

B. makita D. kitain

17. Nag-aaral ako _____ mabuti upang makakuha ako ng iskolarship.

A. nang C. mas

B. ng D. lalong

18. _____ mo kay Luisito na may pasalubong ako para sa kanya.

A. Sabihin C. Pakisabi

B. Sabihan D. Pakisabihan

19. Marumi ang baso. Huwag mong _____ yan!

A. inumin C. uminom

B. inuman D. pag-inuman
P a g e | 24

20. “Pinutol mo/ dagkung kahoy/ dahil dito/ gumulong ang mga bato/ ania na,
ania na, ania na…” Ang linya ng awit ay nagpapatunay ng _____.

A. diglossic na kalagayan ng wika C. code-switching

B. paggamit ng lalawiganing antas D. intelektwalisasyon

21. “Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang kundi
isang katuwang at Karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan.” (E. Jacinto)
Ang tungkulin ng wika sa linya ay _____.

A. pangheuristiko C. pangregulatori

B. pang-interaksyunal D. pang-instrumental

22. Pen pen de sarapen/ de cuchillo de almasen/ haw haw de carabao batuten”.
Pinatutunayan ng linya ang paglaganap ng wika dahil sa ______.

A. heograpiya C. pakikipagkalakalan

B. pananakop D. modernisasyon

23. Ibigay ang tayutay na nagamit sa sumusunod: Ikaw ang paying ng aking
buhay – silungan ng init – hatid ay proteksyon sa panahong masungit.

A. simile C. metapora

B. personipikasyon D. paglilipat-wika

24. “Mahal kita, mahal kita, hindi ‘to bola/ Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa
langit na.” Ang salitang pampanitikan na ginamit sa linya ng kanta ay
nangangahulugang _____.

A. napakasaya C. sinisinta

B. pakikipagkaibigan D. laruan

25. Alin ang paksa sa sumusunod na pangungusap? Ginagawa niya ang pagdarasal
araw-araw.

A. ginagawa C. pagdarasal

B. araw-araw D. niya
P a g e | 25

ANSWER KEY

1. C 6. C 11. C 16. B 21. C

2. B 7. C 12. A 17. A 22. A

3. C 8. A 13. D 18. A 23. C

4. D 9. B 14. A 19. B 24. A

5. C 10. A 15. C 20. B 25. C

You might also like