You are on page 1of 3

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
(Grade 9)

DAILY LEARNING PLAN


(Date)
(ARALING PANLIPUNAN)

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng agrikultura sa larangan
ng paghahalamanan, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan sa
ekonomiya at sa bansa
2. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang ekonomiya na
nakakatulong sa sektor ng agrikultura

II. NILALAMAN
A. Paksa: Agrikultura sa Pilipinas sa larangan ng paghahalamanan,
pangingisda, paggugubat, at paghahayupan
B. Konsepto: Agrikultura sa Pilipinas
C. Balangkas ng Aralin
1. Apat na uri ng Agrikultura sa Pilipinas
2. Kahalagahan ng Agrikultura
D. Babasahin: Internet
E. Kagamitan: Powerpoint Presentation at Laptop

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pang Araw-araw na Gawain
a. Pagdadasal
b. Pagbati
c. Attendance Checking
d. Checking of Assignments

2. Balik-Aral
Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga
mag-aaral sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng bola sa
pagtigil ng tugtog ay sasagot sa katanungan ng guro.
Mga tanong:
a. Ano ang pag-unlad?
b. Anu-ano ang mga antas ng pambansang kaunlaran?
c. Ano ang pagkakaiba ng pag-unlad at pag-sulong?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang guro magtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod
na katanungan;
a. Ano ang tatlong bagay na pumapasok sa isip mo habang
inaawit ang ang Magtanim ay Di Biro?
2. Talakayan
Gamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro
ang isa sa mga sektor ng ekonomiya, ang agrikultura.
1. Ano ang Agrikultura?
2. Ano ang mga uri ng agrikultura?
3. Bakit mahalaga ang Agrikultura?
4. Ano-anu ang mga suliranin na kinahaharap ng
Agrikultura?

Pangkatang Gawain:
Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat at gagawa sila ng isang role play tungkol
sa napiling paksa.
 pangkat 1- Paghahardin
Pangkat 2- Pangingisda
Pangkat 3- Kagubatan
Pangkat 4- Paghahayupan

C. Pangwakas na Gawain

Hilingin sa mga mag-aaral na lumikha ng isang tsart ng apat na haligi na may


label na 'Paghahardin, Pangingisda, Kagubatan at Paghahayupan. Magturo sa
kanila na tukuyin ang bawat larangan alinsunod sa kanilang naunawaan mula sa
talakayan

PAGHAHARDIN PANGINGISDA KAGUBATAN PAGAHHAYUPAN

Itatanong ng guro:
 Sa apat na larangan ng agrikultura pumili ng isa na sa palagay mo ang mas
mahalaga? Bakit?
IV. PAGTATAYA
Panuto. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag..
1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 3,000 isla sa buong
parte ng bansa. MALI
2. Napabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang agricultural dahil
sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing
pang=agrikultura. TAMA
3. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahayupan,
paghahalamanan, pagaartista at pangingisda. MALI
4. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. TAMA
5. Para makabuo ng produkto, kinakailangan ang sektor ng
agrikultura para sa mga gagamitin na mga hilaw na materyales.
TAMA
6. Hindi kabilang ang sektor ng agrikultura sa kitang panlabas. MALI
7. Ang agrikultura ay pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino. TAMA
8. Ang pag-unlad ng bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng
mga sektor ng ekonomiya. TAMA
9. Itinuturing na ang Pilipinas sa may pinakamababang tagatustos ng
isda sa buong mundo. MALI
10. Hindi suliranin ang paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka. MALI

V. TAKDANG ARALIN
1. Ano ang sektor ng industriya?
2. Anu-ano ang mga kinapapalooban sa Sektor ng Industriya?
3. Ano ang dalawang pangunahin kahinaan ng sektor ng industriya?

REMARKS:

Prepared by: Pame Marvin

BSE3A-Social Studies

You might also like