You are on page 1of 5

KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na


itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang
Wikang Filipino.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para
sa iba-ibang sitwasyon, sa mga magsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at
para sa mga paksa ng talakayan.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas. Ang


Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino
ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng
mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng
mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang
Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi ‘sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca"
ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan


sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang
wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga,
Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga
sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at
mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng mga pook.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang
Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas
sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapag-ambag
sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng
iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban


sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili nila ang
Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula,
kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan.

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga
Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan.
Ito ang dahilan kung bakit hindi umunlad ang ating wika.

Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez,
Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig
sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na
gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani
ang Ingles.

Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong
Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang


Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang
kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang
Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8,
1935.

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula


sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi.

MGA KASAPI NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA

• Jaime C. de Veyra (Samar) - Tagapangulo


• Cecilio Lopez (Tagalog) - Kalihim
• Santiago Fornacier (Ilokano) - Kagawad
• Casimiro F. Perfecto (Bikol) - Kagawad
• Hadji Buto (Muslim) - Kagawad
• Felimon Sotto (Cebu-Hiligaynon) - Kagawad
• Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon) - Kagawad

Dalawa sa mga hinirang ng pangulo ay di-nakaganap sa kanilang tungkulin. Ito ay


sina Hadji Buto na pumanaw at si Filemon Sotto na tumanggi dahil sa kapansanan. Muling
humirang si Pangulong Manuel Quezon ng mga dagdag na kagawad, ito ay sina:

• Lope K. Santos (Tagalog) - Kagawad


• Jose I. Zulueta (Pangasinan) - Kagawad
• Zoilo Hilario (Kapampangan) - Kagawad
• Isidro Abad (Cebu-Bisaya) - Kagawad

MGA KAPANGYARIHAN NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA

1. Mag-aral ng pangunahing wika na ginagamit sa Pilipinas.


2. Magpatibay at mapaunlad ng isang pangkalahatang Wikang Pambansa na
batay sa mga umiiral na wokang katutubo.
3. Pumili ng isang katutubong wika na nakahihigit sap ag-unlad sa kabuuan.

Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng


Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng
mga Pilipino. Kaya, noong Disyemre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
May mga itinadhana ukol sa ating wika sa seksyon 6 at 7 saligang batas 1987.

Sekyon 6. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Habang


nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang wika”.
Sekyon 7. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles hangga’t walang ibang
itinatadhanang batas. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong sa mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo doon.

MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PAMABANSA

• BE Circular No. 71, s. 1939 - Ipinag-utos nang nooý kalihim Jorge Bacobo ng
Paturuang Bayan na gagamitin ang mga katutubong diyalekto bilang mga pantulong
na wikag panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940.

• Kautusang tagapagpaganap Blg. 263 - Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng


pangulong Quezon ang kautusan at ditoý ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang
pamabansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito
ng paglilimbag ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang
Ang Balarila ng Wikang Pamabnsa.

• Bulitin Blg. 26, s. 1940 - Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang


pitak o seksiyon sa Wikang Pamabansa sa lahat ng pahayagang pampaaralan upang
mapasigla ang pag-aaral ng Wikang pamabansa sa mataas na paaralan, mga
paaralang pormal at tekniko na nilagdaan ng Direktor ng Pagtuturo na si Celendonio
Salvador.

• Executive order No. 10 – Noong Nobyembre 1943, nagpalabas si Jose P. laurel ng


Executive Order blg. 10 na nagsasaad na ang wikang pamabansa ay ituturo sa lahat
ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at unibersidad na agad
magkakabisa simula taong panuruan 1944-45.

• Memorandum pangkagawaran blg. 6, s. 1945 - Ipinalabas ng kagawaran ng


Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum na
ito, ang wikang pamabansa ay binibigyan ng araw-araw na pagkakaklse, 15 minuto at
30 minuto sa intermediya.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng


Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng kautusan ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito,
binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga
panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar
na ito ay knakailangan.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975 - Simula sa taong panuruan 1979-
1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tesarya ang anim (6) nay
unit ng Pilipino.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 - Ang Filipino at Ingles ay


gagamiting mga midyum sa pagtuturo. Ituturo din ang dalawang wika at gagamiting
midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon para matamo ang bilingguwal
na kahusayan.

• CHED Memorandum Order (CMO) No. 59, s. 1996. - Sa animnapu’t tatlong (63)
minimum na kahingian ng Gen. Ed. Curriculum (GEC), siyam (9) nay unit ang inilaan
sa Filipino at (9) din sa Ingles.

• CMO NO.4, s. 1997 - Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa programang
Humanities, Social Science at Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa di-
HUSOCOM.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 60, s. 2008 - Ang Filipino at Ingles ang


mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga local na wika ay gagamitin bilang
pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong
sistema ng pagkatuto.

• Kautusang pangkagawaran Blg. 74 s. 2009 - Ito ay may pamagat na


Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual; Education (MTBMLE). Sa
kautusang ito, unang wka ang gagamiting wikang panturo para sa pangunahing
literasiya.

• CMO No. 20. s. 2013 - Dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon, sa seksyon 3


ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa 36 na yunit at inalis ang Filipino bilang
asignatura. Ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles o Filipino.

• CMO No. 57, s. 2017 - Ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa


lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng GEC. Ang CMO no.57 ay naipatupad, ang
pagbabalik ng asignaturang Filipino at hanggang sa kasalukuyan ay mainit pa rin itong
pinag-uusapan.

ANG PAGTAGUYOD SA WKANG FILIPINO SA KASALUKUYAN

Sapagkat pinapatay ng CMO 20, s. 2013 ang wika at asignaturang Filipino,


maraming mga organisasypon, mga institusyon o samahan at maging ang kagawaran ng
pamahalaan ang nagpapahayag ng kanlang pagtutol sa nasabing kautusan.

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink.


Isang samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat at
mananaliksikna may malasakit at interes sa pagtuturo ng wika.
Isang propesyonal na organisasyonng nagtataguyod ng mahusay na
paggamit ng wikang Filipino. Ito din ay isa sa mga kasaping-organisasyong
tagapagtatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol
Wika).

Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino

Isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubwika,


dalubguro, manunulat at mga mag-aaral bilang tugon sa pagbabalak na pagpatay
ng wikang Filipino.

Sa Petisyon ng Tanggol wika, layunin nito ang mga sumusunod;


1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo.
2. Kumilos tungo sa pagrebisa ng CMO 20.
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura at;
4. Isulong ang Makabayang edukasyon.

National Commission for Culture ang the Arts of the Philippines (NCCA) o
Pamabansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
Isa mga organisasyon na nagtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino.

You might also like