You are on page 1of 23

ARALIN 1

ANG WIKANG PAMBANSA NG


PILIPINAS
Ano ang siyang dahilan kung bakit tayo ay
itinuturing na multilingual na bansa?

Ang ating bansa ay binubuo ng mahigit pitong


libong pulo na siyang dahilan kung bakit tayo ay
itinuturing na multilingual na bansa o maraming
wika na umiiral.
Ano ang pangunahing katangian ng isang
wikang pambansa?

Ang pangunahing katangian ng isang


pambansang wika ay ang pagiging daan nito
tungo sa pagkakaisa at pag-unlad ng
bansang gumagamit nito.
SURAIN NG
WIKANG
PAMBANSA
Ika-12 ng Enero 1937
Pangulong Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Pambansa

Ipinalabas ni Pangulo Quezon


ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag aatas na Tagalog ang
batayan ng wikang gagamitin
sa pag bubuo ng wikang
pambansa
Hinirang ni Pangulong Quezon ng kagawad ng
Suriang Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana
Ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa
pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 133.
Ang mga nahirang na kagawad:

 Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo


 Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap
 Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad
 Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad
 Felix-Salas Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad
 Hadji Butu (Muslim), Kagawad
Sa mga kagawad na hinirang, Ang mga pinalit kaya’t
dalawa ang hindi nakaganap ng nagkaroon ng pagbabago sa
kanilang tunguklulin kabuuan ng SPW

• Hadji Buto • Lope K. Santos (Tagalog)


• Filemon Sotto • Jose I. Zulueta (Pangasinan)
• Zollo Hilario (Kapampangan)
• Isidro Abad (Visayang Cebu)
Upang higit na maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng Wikang Pambansa, narito ang ilan pasa mga batans
pangwika:
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 – mula kay Pangulong Marcos na nag
tatadhana sa pagsasa-Pilipinas ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at
opisina ng gobyerno.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 24 (Nobyembre 14, 1962) – nilagdaan ni
Kalihim Jose Romero at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1968-1964
ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang
Pilipino.
• Kaustusang Tagapagpaganap Blg. 60 (Disyembre 19, 1963) – nilagdaan ni
Pangulong Diosdado Macpagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang
Awit sa titik nitong Pilipino.
• Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1963) – pinalabs ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael Sales at ipinag-utso na ang mga letter heads n mga
tanggapan ng pamahalaan ay isusulat sa Pilipino. Ipinagutos din na ang
mga prormularyo sa pnunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay sa pilipino gawin.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ( Agosto 6, 1968) – nilagdaan ni
Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang
pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraa nito sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyo.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (Marso 16, 1971) – nilagdaan ni
Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayariang ng Suriang ng
Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
• Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) – nag-atas sa Surian ng Wikang Pambansa
na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng 50,000
mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas Art. XV, Sek. 3.
• Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978) – isinasaad na kailangang
ituro ang 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersyarya
maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay
pananatilihin.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 (1987) – paggamit ng katawagang
Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim
Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
• Kautusang Blg. 52 (1987) – ang patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng
1987.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (1987) – ang Alpabeto at Patnubay ng
Wikang Filipino.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg.335 – nag-atas sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapa, ahensya, instrumentaliti ng pamahalaan na mag
sasagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit sa wikang Filipino sa
mga opisya na transaksyon, komunikasyon at korespondensya. Nilagdaan
ni Pangulong Corazon Aquino.
• Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) – nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na lumilikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda
ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng
gugulin ukol dito, at para sa iba pang layunin.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 (Hunyo 12, 1996) – nilagdaan ni
Pangulong Ramos na nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa
Watawat bilang opisyal na panatag ng katapatan para sa lahat ng Pilipino.
• Proklamasyon Blg. 1041 (Hulyo 15, 1997) – sa bisa ng lagda ni Pangulong
Ramos inilipat ang pagdiriwang ng linggo ng Wika. Sa halip na linggo,
ginawang isang buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Wikang
Pambansa.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 – nilagdaan ng dating
Pangalawang Kalihim Isagani Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports na mas kilala sa tawag na Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispelling ng Wikang Filipino.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s. 2009 – nilagdaan ng Kalihim Jesli A.
Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon na nag lalaman ng Gabay sa
Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Ang Filipino sa Kasulukuyang Panahon
Malayo na ang narating ng Filipino. Nakakatuwang
ginagamit na rin itong wika sa pag brobrodkas,
pagpapakilala ng mga produkto, pagsulat ng mga balita, at
higit sa lahat sa diskusyong panggobyerno at pambatas.
Naging matagumpay ang pamahalaan sa pagsasaere ng
mga usaping panggobyerno na ang gamit ng midyum ay
ang Wikang Filipino.

Gayunpaman, may dalawang batas ang may malaking


epekto sa kalagyan ng Filipino bilang wikang pambansa
• Isang kautusang mula sa Commission of Higher
Education ang tila hahamon sa tatag ng Filipino. Bunga
ng kagustuhan ng pamahalaan na makaadap sa global
na sistemang edukasyonal, isinabatas na pairalin din sa
Pilipinas ang sistemng K to 12. Bahago ng batas na ang
unang dalawang taon sa kolehiyo ay ibaba sa basikong
edukasyon at tatawagin Senior High School (SHS).
• Ang isa pang kautusan na may epekto sa paggamit ng
Wikang Filipino ay ang implementasyon ng tinatawag na
Mother-Tounge Based Multilingual Education (MTMBLE).
Sa kautusang ito, itinadhana na ang gagamiting wikang
panturo sa paaralan sa unang tatlong taon ng basikong
edukasyon ay ang unang wika ng mga mag-aaral.
ARALIN 2

TAGALOG, PILIPINO AT
FILIPINO
Wikang Filipino
Tagalog ang wikang sa Bulacan, Batangas, Rizal,
Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang parte
ng Nueva Ecija. Puerto Princesa at pati Metro Manila. Ito
kung gayon, ay isang wikang natural, may sariling mga
katutubong tagapagsalita. Isang partikular na wika na
sinasalita ng isa sa mga etnolinggwisktikong grupo sa
bansa ang mga Tagalos. Pagdating pa man nina Miguel
Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila ay napuna na
nilang sinasalita ito ng maraming Pilipino.
Wikang Tagalog Bilang Wikang Pambansa

Nasangkot ang Tagalog sa Pambansang


arena ng indineklara ni Presidente Manuel L.
Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa
Tagalog noong Disyembre 30, 1937 (Executive
Order No. 134). Mula noong 1940, itinuro ito sa
lahat ng paaralang publiko at pribado.
WIKANG PILIPINO
Samantalang, ang Wikang Pilipino ay ang Filipino
National Language (noong 1934) na batay Tagalog mula
noong 1959, nang ipasa ang Department Order No.7 ng
noo’y Sec. Jose Romero, ng Department of Education.
Ito ring pangalawang ito ang itinatawag sa wikang
opisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang
Pambansa mula 1959. Nahinto lamang ito ng pagtibayin
ang Filipino bilang Wikang Pambansa. Filipino naman ang
wika itinatawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng
1987 (maging noong 1973 pero Pilipino pa rin noon ang
wikang opisyal.)
PAGKAKAIBA NG PILIPINO SA FILIPINO
Lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa
nilalaman at istraktura at walang Pilipino bagong
1959. Gayundin, walang wikang Filipino bago
1973.
Magkaiba ang Filipino kahit parehong naging
Wikang Pambansa ang mga ito – ang isa’y sa
maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles
at Kastila.
TAGALOG IMPERIALISM
Ang ganitong pangyayari ay tinatawag ni
Prof. Leopoldo Yabes noon na “Tagalog
Imperialism.” Nakondisyon na ang tawag sa
Wikang Pambansa (Pilipino,Filipino), Tagalog pa
rin ang tinatawag dito ng mga Pilipino at mga
dayuhan.
MISKONSEPSYON SA FILIPINO
Ang tawag sa Filipino sa wikang pambansa ay
hindi mula sa Filipino na tawag sa Ingles, para sa mga
mamamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ng F
dito. Mga miskonsepsyon ang mga ito.
Ang paggamit ng F ay simbolo ng hindi na
pagiging Tagalog lang na batayan ng wikang pambansa
dahil walang ganitong ang Tagalog. Pinapalitan ng P ang
anumang tunog na F sa Tagalog gaya ng pamilya
(familia/family) at reperensya (referencia/reference).
UBOD NG KONSEPTONG FILIPINO
Ang pinakabuod ng konsepto ng Filipino bilang batay sa
mga wika ng Pilipinas ay ang pagiging pambansang lingua
franca nito. Sa pakikipagkomunika ng bawat Pilipino sa
isa’t isa lalo na sa mga siyudad, gumagamit siya ng wikang
alam din ng kanyang kapwa Pilipino kahit pa meron silang
katutubong wika gaya ng Cebuano, Ilokano, Pampango,
Tausug, Kalinga atbp. Ang wikang ito ang nagsisilbing
pangalawang wika at lingua franca sa bansa. Dahil dito
hindi sapat asahan na aklat ang gagamitin kundi libro o
kaya’y buk (book), hindi silid-aralan kundi klasrum hindi
pahayagan kundi dyaryo/peryodiko, hindi manananggol
kundi abogado/lawyer.
Dahil ng lingua franca at pangalawang wika,
nabubuo ang mga barayti nito dahil sa
interference o paglaho ng mga unang
wikang mga tagapagsalita.

You might also like