Professional Documents
Culture Documents
PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga
pinagdaanang pangyayari/
kaganapan tungo sa pagbuo at
pag-unlad ng wikang
pambansa.
Layunin:
Matukoy ng mga mag-aaral ang mahahalagang
pangyayari sa wika mula sa panahon ng Kastila hanggang
sa kasalukuyan.
Matuklasan ang mga Kautusan, Proklamasyong pinaiiral
sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa:
Tagalog/Pilipino/Filipino.
Maaari ring makilala ang panahong kaganapan sa pagbuo
at pag-unlad ng wikang Pambansa.
Mapahalagahan ang kasaysayan ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng pagbuo ng talata.
Unang Gawain
Alamin ang mabubuong salita
ayon sa mga letrang
mahuhulaan mula sa ilalahad
na mga palaisipan.
LIKHANG
PALAISIPAN,
IYONG
1. Sa simula ay agad mo akong
matatagpuan.Sa pagtatapos
naman, ako ay nasa bandang
hulihan. Sa mabubuo mong salita
ay dalawa ang aking bilang. Ano
ako?
2. Sa mabubuo mong salita,
ang bilang ko’y dalawa.
“Bakit” ang aking filipino pag
Ingles ay binigkas mo na. Ano
ako?
3. Sa hinaharap ako ay gamit na
gamit. Sa kasalukuyan ay paulit-ulit.
Subalit sa lumipas ay bahagya
lamang nakasingit. Sa mabubuo
mong salita ay apat na beses mo
akong magagamit. Ano ako?
4. Sa habambuhay ay hindi
mo ako makakasama, subalit
sa magpakailanman ay
magtatagpo tayong dalawa.
Ano ako?
5. Nasa hulihan ako. Hindi mo
agad mapapansin pero balikan
mo. Nangunguna ako sa ngayon
pero nahuhuli rin pagdating ng
panahon. Ano ako?
Mga Titik na Nabuo mula sa Palaisipan
1.S – 2
2.Y – 2
3.A- 4
4.K – 1
5.N - 1
_K _A _S _A _Y _S _A _Y _A _N
Introduksyon
Anyong kapuluan ng Pilipinas- sanhi kung bakit nagkaroon
ng napakaraming wikain sa ating bansa, subalit malaki ang
pagkakahawig ng mga wikang ito sa isa’t isa kung kaya’t
naibilang ito sa iisang Wika na tinawag na Austronesian.
Pilipino
?
Filipino
?
Paano naging “Pilipino ang Wikang
Pambansa?”
- Ayon kay Virgilio Almario na
Tagapamuno sa Komisyon ng
Wikang Filipino, ang pagpapalit ng
Wikang Pilipino bilang Wikang
Pambansa buhat Wikang Tagalog
bilang batayan nito ay magsisilbing
pagbibinyag sa ating Wikang
Pambansa at maihiwalay sa tatak
na Tagalog.
- Ito ay napagkasunduan noong
taong 1959.
Paano naging “Filipino ang Wikang
Pambansa”?
• Base naman Konstitusyon 1973,
dapat kumilos ang Kongreso para sa
isang Common National Language
na tatawaging Filipino.
• Kalaunan, sa Konstitusyon 1987, ay
itinaguyod na Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Wikang FILIPINO.
• Ayon sa Komisyon ng Wikang
Filipino, ito ang katutubong Wika na
ginagamit sa buong bansa bilang
wika sa komunikasyon sa pabigkas at
sa pasulat na paraan.
Tagalog
1937
Pilipino
1959
Filipino
1987
Ilang batas Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa pagpapaunlad ng
Wikang
Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino
• Panahon ng Kastila
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
• Panahon ng Amerikano

• Panahon ng Hapon
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________