PAMBANSA, OPISYAL AT PANTURO KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KUTURANG FILIPINO LAYUNIN
• Natutukoy ang kahulugan ng Wikang Pambansa, Wikang
Opisyal at Wikang Panturo. • Naiuugnay ang konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at karanasan. • Nakabubuo ng time table ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na nagbibigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang Pambansa. MANOOD TAYO! ESPANYOL - AMERIKANO
• Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya,
Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. • Sa panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, sa simula ay Ingles at Espanyol ang gamit na wika. Ngunit kaaunan aay napalitang ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal – dahil sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. ESPANYOL - AMERIKANO
• Sa Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang
Tagalog ang opisyal na wika. -Katipunero • Noong Marso 24, 1934 pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng Kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA • Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. • Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting wikang opisyal.” KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA • Wenceslao Q. Vinzons – nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang Pambansa. • Ayon sa orihinal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.” KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA • Ngunit nang dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935. KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA • Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng administrasyon ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ng ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang magiging tungkulin ng Surian ay gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa. KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA • Noong Nobyembre 13, 1936, pimagtibay ng Kongeso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. 1. gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas; 2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat ng Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika; at 3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo,at panitikang tinatanggap. MGA KAGAWAD NG SWP SEKSIYON 1, BATAS KOMONWELT 185 • Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) – Pangulo • Santiago A. Fonacier (Ilocano) - Kagawad • Filemon Sotto (Cebuano) - Kagawad Isidro Abad • Casimiro Perfecto (Bicolano) - Kagawad • Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) - Kagawad • Hadji Butu (Mindanao) - Kagawad • Cecilio Lopez (Tagalog) - Kagawad SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
• Noong Nobyembre 7, 1937 – pagkaraang ng halos 10
buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gaing batayan ng pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184 • Kautusan Tagapagpaganap Blg. 134 – nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134
• Hindi na nag aksaya ng panahon ang Pangulo upang ipahiwatig
ang kanyang tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na Pambansang Wika. • Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. • Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksiyonaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938-1940. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.263 ABRIL 1, 1940 • Ipinag-uutos nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at isang
aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa 2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga paaralang publiko at pribado sa buong kapuluan. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON • Nang lumunsad sa dalamapasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”. • Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang Pambansa at hindi na batayan lamang. • Ayon kay Leopoldo Yabes, ang pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at gawing tagalog ang Pambansang wika. PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON • Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod. • Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. • “GININTUANG PANAHON NG PANITIKAN” • Artikulo IX, S. 2 ng Kontitusyon ng 1943 nakasaad na, “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.” PROKLAMASYON BLG. 12 PANGULONG RAMON MAGSAYSAY • Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi. • Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pang. Manuel L. Quezon na kinilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.” • Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.” • Noong Oktubre 24, 1967, nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino. • Marso 27, 1968 inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. Iniuutos din ng sirkular na gawin sa Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan. • Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. • Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambasang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado. • 1974 – sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa. ORDER PANGKAGAWARAN BLG. 22 S. 1987
• Marso 12, 1987 – sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy
sa Wikang Pambasa ng Pilipinas. • Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay FILIPINO. TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
• TAGALOG - katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang
wika ng Pilipinas (1935) • PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas. (1959) • FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987) SEKSYON 6, ARTIKULO XIV NG KONSTITUSYON NG 1987 ANG WIKANG FILIPINO AY: • Ang wikang Pambansa ng Pilipinas. • Dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika. • Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang: 1. Midyum ng opisyal na komunikasyon 2. Wika ng pagtuturo sa Sistema ng edukasyon. MTB-MLE MULA KINDER-GRADE 3
• Sa pagpasok ng K-12 kurikulum, ang Mother Tongue o Unang Wika ng
mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kinder hanggang Grade 3 sa pampubliko at pribadong paaralan. • Ayon kay dating DepEd secretary Bro. Armin Luistro, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makakatulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural. • Ang MTB ay ginagamit sa dalawang magkahiwalay na paraan: a. Asignatura b. Wikang Panturo. WIKANG PAMBANSA
• Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang
wikang Pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At kung ang bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang Pambansa ang magiging tulay na wika sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang pambansang daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon, rayo, at mga pahayagan, gayon din naman ang mga kilalang politiko, komentarista, mga manunulat at makatang gustong maabot ang bansa. WIKANG PANTURO
• Ang wikang Pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin
bilang wikang panturo. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. WIKANG OPISYAL
• Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya. • Ipinapahayag naman sa Sek. 7 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.” • Tinatanggap din na ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing mga sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal. • Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang batas ng 1987, Sek. Kaugnay ng wikang panturo na: • Sek. 6- Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinasa at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.