You are on page 1of 39

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino


Modyul 11 : Barayti ng Wika
PANALANGI
N...
KUMUST
A KA?
Modyul 11: Barayti ng Wika
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs
1. Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti
ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
(Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social
Media, Enhinyerya, Negosyo at iba pa) sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong
ginamit sa mga larangang ito. (F11WG-IIc-87)
Alam mo bang…
Bahagi na ng kultura, kasaysayan at
pagkakakilanlan ng bawat bansa ang wikang
ginagamit ng mga mamamayang naninirahan dito.
Sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng bawat isa
ang kanilang mga saloobin at damdamin sa
paraang pasulat o pakikipagtalastasan man.
Alam mo bang…
Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito.
Upang hindi ito mapag-iwanan ay kinakailangang handa itong
makipagsabayan. Namamatay o nawawala ang wika kapag nawala
na ang pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na
dating ginagamit nito. Dahil nga sa dinamiko ang wika,
napapalitan na ang mga dating salita dahil sa pag-usbong ng mga
bagong salita na angkop sa modernisadong panahon ngayon. Isa
rin sa mga maaaring dahilan nang pagkawala at pagkamatay ng
wika ay ang pagdating ng mga nandayuhang tao sa isang lugar at
napalitan na ng mga salitang dala nila ang mga dating salita sa
lugar.
Alam mo bang…
Sinasabing ang wika, upang ituring na buhay ay bukas sa pagpasok
ng mga bagong salita ayon sa ng pangangailangan ng panahon.
Ayon nga sa isang kasabihan sa Ingles: “Variety is the spice of life”
Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi
makasasama. Maaari itong tingnan bilang isang proseso ng pag-
unlad at pagyabong, isang magandang pangyayari sa
pagpapayaman sa wika.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
SA PANAHON NG KASTILA,
OLUSYONG PILIPINO, AMERIKANO AT H
❖ Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop
ng Espanya (300 na taon), Espanyol ang opisyal
na wika at ito rin ang wikang panturo.

❖ Sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa


kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang
Wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.

❖ Sa konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-bato


noong 1897, itinanadhanang Tagalog ang opisyal
na wika.
ENERO 21, 1899
Sa konstitusyon ng Malolos, itinadhanang
pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal
na wika bagamat noon pa ay nakita na ng mga bumuo
ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng
Ingles sa bansa.
Pumalit sa mga Kastila ang mga Amerikano na
sikolohikal ang atake sa pananakop. Ipinagkaloob nila
ang mga ipinagkait ng mga Kastila gaya ng
demokratikong pamumuhay, edukasyon at ang Wikang
Nang
Ingles. sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa
simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong
mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at
MARSO 4, 1899
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol
bilang Wikang Opisyal. Dumami ang natutong
magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito
ang naging tanging Wikang Panturo batay sa
rekomendasyon ng Komisyong Schurman.
Marami ring Pilipino ang nakinabang sa programang
iskolarsyip na ipinadala sa Estados Unidos at umuwing
taglay ang kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935,
halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay
nasa wikang Ingles na.
AGOSTO 16, 1934
Binuo ang isang kapulungan na
bumabalangkas sa Saligang Batas ng
Pilipinas para sa nalalapit na pagsasarili
ng ating pamahalaan mula sa kamay ng
pagbabalik ng Amerikano. Binuo ang
isang Kombensyong Konstitusyunal ng
Pamahalaang Komonwelt upang
maisagawa ang mga ibig mangyari ni
Pangulong Manuel Luis M. Quezon.
PEBRERO 8, 1935
Nang makalaya ang Pilipinas sa Pamahalaang
Komonwelt sa loob ng 10 taon, pinagtibay ng
Pambansang Asemblea na gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
pangkalahatang pambansang wika batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, ang Ingeles at Kastila ay
patuloy
Isang probisyon na gagamiting
na ukol mgaisinama
sa wika ang wikang sa
opisyal.
Saligang
Batas. “ (Saligang Batas 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV) .Sa
paglunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng
administrasyon ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel
Luis Molina Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa
OKTUBRE 27, 1936

Sa unang pambansang pulong


nagbigay ng mensahe si Pangulong
Quezon ukol sa pagtatag ng Surian ng
Wikang Pambansa, ito ay isang ahensya
na gagawa ng mga hakbang sa pag-
aaral at paghahanap ng isang wikang
panlahat batay sa isang wikang umiiral
sa bansa.
NOBYEMBRE 19, 1936
Ang Batas Komonwelt Blg. 184 ay pinagtibay ng
kongreso upang maitatag ang Surian ng Wikang
Pambansa.
Nakasaad sa Seksiyon 5 sa batas na ito ang mga
tungkulin ng SWP:
A.Pag-aaral ng wika na ginagamit ng mas nakararaming Pilipino;
B. Pagtukoy sa mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
talasalitaan ng mga pangunahing wika sa Pilipinas;
C. Pag-aaral at pagtiyak sa ponetiko at ortograpiyang Pilipino;
D. Paggawa ng mga komparatibong kritikal na pag-aaral hinggil
sa paglalapi ng mga salitang Pilipino; at
E. Pagpili ng isang katutubong wika na may pinakamayaman at
pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo at panitikan na
ENERO 12, 1937
Hinirang ang mga kagawad na bubuo sa SWP. Ang
mga kasapi ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas. Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng
Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt
185
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) - Pangulo,
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim, Santiago A.
Fonacier (Ilocano), Filemon Sotto (Bisaya, Cebuano),
Casimiro Perfecto (Bicolano), Felix S. Rodriguez
(Bisaya, Panay) at Hadji Butu (Muslim Mindanao).
NOBYEMBRE 9, 1937
Pagkatapos ng masusing pag-aaral, Tagalog
ang napili ng SWP na maging batayan ng
Wikang Pambansa dahil sa sumusunod na
kadahilanan:
A. Mas maraming nakapagsasalita’t nakauunawa ng
Tagalog kumpara sa ibang wika;

B. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa


ibang wikain sapagkat sa wikang ito kung ano ang
bigkas ay siyang sulat;
NOBYEMBRE 9, 1937
C. Tagalog ang ginagamit sa Maynila na
sentro ng kalakalan;

D. Mayroong historikal na basehan, ito ang


wikang ginamit sa mga himagsikan na
pinamunuan ni Andres Bonifacio; at
E. May mga aklat na panggramatika at
diksyunaryo ang Wikang Tagalog.
DISYEMBRE 30, 1937

Anibersaryo ng kamatayan ni Dr.


Jose Rizal, lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagpapatibay sa Tagalog bilang
batayang wika ng Pambansang
Wika ng Pilipinas.
ABRIL 1, 1940

Sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263,
ipinahintulot ng pangulo ang
pagpapalimbag ng “A Tagalog-
English Vocabulary” at “Ang
Balarila ng Wikang Pambansa”.
HUNYO 19, 1940
Nagsimula ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa mga paaralang publiko at
pribado sa buong kapuluan.
HULYO 7, 1940
Kinilala at pinagtibay ng Batas
Komonwelt Blg. 570 na ang
Pambansang Wika ay maging isa sa
Wikang Opisyal ng Pilipinas
1941
Nailathala ang Balarila ng Wikang Pambansa
ni Lope K. Santos. Ito ay isang aklat hinggil sa
wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang
Tagalog.
1942
Nang dumating ang mga Hapon, nabuo ang
isang grupong tinatawag na “purista” na
nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang
wikang pambansa at hindi na batayan
lamang.
Malaking tulong ang pananakop ng mga Hapon
dahil sila ang nag-utos na baguhin ang probisyon
ng konstitusyon at gawing Tagalog ang
Pambansang Wika. Layunin nilang burahin ang
kaisipang-Amerikano at mawala ang impluwensiya
nito. Sa panahong ito, Niponggo at Tagalog ang
naging Opisyal na mga wika.
1942

Pinasigla ang panitikang nakasulat sa


Tagalog. Maraming manunulat sa
Ingles ang gumamit ng Tagalog sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
Tinagurian din ang panahon ng mga
Hapon bilang “Gintong Panahon ng
Panitikang Tagalog”.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
SA PANAHON NG PAGSASARILI
AT KASALUKUYAN
MARSO 26, 1954

Ang Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan


ni Pang. Ramon Magsaysay na nakasaad
na ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wika ay ika-29 ng Marso hanggang
ika-4 ng Abril bilang pagbibigay galang
sa kaarawan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar bilang makata ng lahi.
AGOSTO 13, 1955

Sa pamamahala ng Kalihim ng
Edukasyon – Jose B. Romero,
nagpalabas ang Kagawaran ng
Edukasyon ng Kautusang
pangkagawaran Blg.7 na ang wikang
pambansa ay tatawagin nang Pilipino.
Nagkaroon ng konkretong pangalan
ang wikang pambansa matapos ang 24
DISYEMBRE 19, 1963
Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal
na nag-uutos na awitin ang pambansang awit
sa titik nitong Pilipino.
OKTUBRE 24, 1967
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng mga
gusali, episodyo at tanggapan ng pamahalaan
ay dapat nakasulat sa Pilipino.
1970

Noong 1970 sa bisa ng Resolusyon Blg.


73-7 ng Pambansang lupon ng
Edukasyon ay inilunsad ang
Patakarang Edukasyong Bilingguwal
sa bansa kung saan gagamitin ang
wikang Ingles at Pilipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga aralin sa
paaralan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
ANG WIKANG FILIPINO SA ATING
1987 KONSTITUSYON
ANG WIKANG FILIPINO SA ATING
1987 KONSTITUSYON
Tuwirang binanggit sa Konstitusyon ng
Pilipinas 1987, Artikulo XIV Seksyon 6,
ang tungkol sa ating pambansang wika
na mula sa Pilipino ay magiging
Filipino – isang pambansang sagisag sa
pagkakakilanlan o self-identity ng
isang pambansang Pamahalaan
ENERO 30, 1987

Nagpalabas ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg.112 ang Pang.
Corazon Aquino, ipinasailalim ang
Surian ng Wikang Pambansa sa
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isport. Binago rin ang pangalan ng
ahensya bilang Linangan ng mga Wika
ng Pilipinas.
AGOSTO 14, 1991

Ang Republic Act Blg. 7104 na


nilagdaan ni Pangulong Corazon
Aquino na kung saan nakasaad na ang
dating Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF). At
ipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo
ng Pilipinas.
HULYO 15, 1997

Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang


Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda
na ang Buwan ng Agosto ay magiging
Buwan ng Wikang Pambansa at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay ng
pamahaalan at paaralan na magsagawa
ng mga gawaing kaugnay sa taunang
pagdiriwang tuwing buwan ng Agosto.
SA KASALUKUYAN
malayo na ang narating ng Filipino.
Nagagamit na ito sa pagbobrodkast,
pagpapakilala ng produkto, pagsulat ng
balita at diskursong pampamahalaan at
pambatas. Maipagmamalaki ring nagagamit
ito ng mga politiko sa kanilang mga
Napagyayaman
talumpati. pa ito sa tulong ng mga
Rehiyonal na Wika (Bernakular).
SA KASALUKUYAN
may dalawang batas na may malaking epekto sa
kalagayan ng Filipino bilang Wikang Pambansa.

Ched Memorandum Order #20, Serye ng 2012 – nagbunsod


ng paglilipat ng Basic Subjects sa SHS na magdudulot ng
kawalan ng espasyo ng Filipino sa Tersyarya.

Implementasyon ng MBT-MLE – May mabuting maidudulot sa


literasi ng mga mag-aaral mula kinder hanggang ikatlong
baitang dahil sa paggamit ng unang wika o mother tongue
ngunit mapahihina naman nito ang kasanayan sa Filipino
sapagkat maituturing lamang na asignatura ito.
Magaling! Binabati kita sa matiyaga
mong pagsama sa pagtalakay sa mga
aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman sa kasaysayan ng
Wikang pambansa.

You might also like