You are on page 1of 58

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino


Modyul 9 : Sitwasyon ng Wikang
Filipino
sa Broadcast at Print Media
PANALANGI
N...
KUMUST
A KA?
Modyul 9 : Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Broadcast at Print Media
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs
1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa
mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam
at balita sa radyo at telebisyon (F11PN-11a-88);

2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang


dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa
iba’t ibang sitwasyon (F11 PS-11b-89); at

3. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga


kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino. (F11
PU-11c-87)
Pagkakaiba at pagkakatulad ng radyo at telebisyon.
PAMAMAHAYAG
pag-uulat o pagbabalita
na maghahatid ng mga
pangyayari sa kaalaman
ng mga mambabasa.
Alam mo bang…
Broadcast Media ayon sa Encyclopedia, ay ang
paghahatid ng impormasyon sa mga
mamamayan gamit ang radyo at telebisyon? Ito
ay karaniwang gumagamit ng radio waves upang
maihatid ang mga impormasyon.
Ang Radio / TV Broadcasting ay ang
pagsasahimpapawid ng serbisyong naipadadala sa
pamamagitan ng dagibalniing-liboy (electromagnetic
wave) mula sa isang transmitter sa isang tumatanggap
ng antenna at inilaan upang maabot ang isang
malawak na madla.
Aralin 1.1:
Ang Sitwasyon ng Wikang
Filipino sa Broadcast Media
RAD
YO
❖ Ito ay isang teknolohiyang pinahihintulutan
ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa
pamamagitan ng modulation ng dagibalniing-
liboy (electromagnetic wave) na may dalas
(frequency) na mas mababa kaysa liwanag.
❖ Ito ay may dalawang uri ng modulation –
ang Amplitude Modulation (AM) na
karaniwang balita ang nilalaman at ang
Frequency Modulation (FM) na may balita
ngunit madalas ay musika at panlibangan.
Sitwasyon ng Wikang Filipino
sa Radyo:
❖ Ang nangungunang wikang ginagamit
sa radyo ay ang Wikang Filipino subalit
may mga ilan ding FM stations ang
gumagamit ng wikang Ingles at mayroon
ding mga estasyon sa radyo sa mga
probinsiya na gumagamit ng rehiyonal o
bernakular na wika ngunit kapag may
kinapapanayam sila, karaniwang
ginagamit ay wikang Filipino pa rin.
Telebisyon
o tanlap (tanaw + diglap) – Isa itong
pamamaraang telekomunikasyong ginagamit
upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw
na imaheng may iisang kutis ng kulay, may
iba’t ibang kulay, o may tatlong sukat (3D).
Puwede itong tumukoy sa set ng telebisyon,
isang programa sa telebisyon o ang
pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang
telebisyon ay pangmasang panghatid ng
libangan, edukasyon, balita o pang-alok.
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Telebisyon:
Ito ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naabot nito.
Wikang Filipino ang nangungunang
midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit
ng mga lokal na channels gaya ng GMA-7,
TV5, GTV, A2Z, Kapamilya Channel, HOA
(Heart of Asia) Channel at iba pa.
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Telebisyon:
Ang halimbawa ng mga programang
pantelebisyong gumagamit ng wikang
Filipino ay ang mga teleserye, mga
pantanghaling mga palabas (noontime
shows), mga magazine show, news and
Maging sa mga patalastas, wikang
public affairs at reality shows. Filipino
pa rin ang malawakang ginagamit.
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Telebisyon:
Ang mga palabas naman mula sa ibang
bansa gaya ng mga Kdrama, mga Asian
Drama mula sa China, Thailand, Japan,
Taiwan, Turkey, Mexico atbp, mga animé,
cartoons, foreign movies at iba pang palabas
ay naka-dub na rin sa wikang Filipino.
Pakikipanayam
Panayam – ang tawag sa sistema ng
komunikasyong nagtatanong para makakuha ng
impormasyon, tulad ng opinyon, kaisipan o
tanging kaalaman ukol sa isang paksang
nakatatawag ng kawilihan sa madla,
karaniwang nagmumula sa tanyag na tao o
kilalang awtoridad? Maituturing itong isang
kasanayan sa makrong pagsasalita.
Pinaghahandaan ito lalo ng magpapanayam.
Kailangang ang bawat tanong at sasabihin niya
Mga Uri ng
Pakikipanayam
1. Pakikipanayam na Pagkuha ng Impormasyon
-isinasagawa upang makakuha ng impormasyon
mula sa taong kinapapanayam. Ito ay
pakikipanayam na ginagawa ng mamamahayag,
pulis, reporter, doktor, abogado, negosyante at
mag-aaral.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
2. Pakikipanayam para sa Trabaho / Pag-aaral –
isinasagawa para sa naghahanap ng trabaho, sa
mga mag-aaral sa unang taong nais na
matanggap sa kolehiyo o pamantasan o sa mga
mag-aaral na gustong makapasok sa mga
programa sa paaralang gradwado.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
3. Pakikipanayam upang Magbigay ng Payo
–sinasagawa upang patnubayan at suportahan
ang taong kinapapanayam lalong-lalo na sa
gitna ng kaniyang mga suliraning personal.
Ginagamit ng mga Guidance Counselor,
Psychiatrist, mga kaibigan o miyembro ng
pamilya.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
4. Mapanghikayat na Pakikipanayam
– Ito ay naglalayong baguhin ang paniniwala,
pananaw o pag-uugali ng taong kinapapanayam.
Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam na
ginagawa ng mga volunteer agency sa mga taong
gustong magtrabaho sa kanilang ahensiya.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
5. Pakikipanayam sa Pagbebenta
– Ito ay naglalayong humikayat sa mga
mamimili upang bumili ng mga
ibinebentang produkto, tulad ng ginagawa
ng mga ahente ng seguro, gamot, alahas,
bahay atbp.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
6. Pakikipanayam na Tumataya o Nag-
eebalweyt
– Ito ay nakatutulong sa pagtataya ng nagawa
ng isang indibidwal kaugnay ng kaniyang
trabaho na nagiging basehan sa pagbibigay sa
kaniya ng promosyon o gantimpala o
pagtanggal sa kaniya sa kaniyang katungkulan
Mga Uri ng
Pakikipanayam
7. Pakikipanayam na Nag-iimbestiga
– Ito ay dinesenyo upang makakuha ng
impormasyon mula sa taong kinapapanayam sa
pamamagitan ng malayang pagsisiyasat.
Ginagamit ng mga abogado sa korte, pulis na
nag-iimbestiga, mga opisyal ng bangko, o ng
NBI.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
8. Pakikipanayam sa Media
– Ito ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay
nagtatanong sa isang panauhin sa radyo o
telebisyon. Ginagawa sa isang talk show o balita.
Mga Uri ng
Pakikipanayam
8. Pakikipanayam sa Media
– Ito ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay
nagtatanong sa isang panauhin sa radyo o
telebisyon. Ginagawa sa isang talk show o balita.
Mga Tanong na
Ginagamit sa
Pakikipanayam
1. Saradong
Tanong
Ito ay sumasagot lamang sa tanong na Oo o Hindi o
may pamimilian o tiyak ang kasagutan. Sa ganitong uri
ng tanong, ang tagapanayam ay nakakukuha ng
maraming impormasyon sa maikling panahon. Ngunit
hindi ito nagbibigay ng pagkakataon sa
kinapapanayam na makapagbigay ng mga
karagdagang impormasyon.
Halimbawa:
“Ano naman po ang natapos ninyong kurso?”
“Kaya mo bang magtrabaho kahit sa gabi?”
2. Bukas na
Tanong
– Ito ay tanong na walang restriksyon. Ang taong
kinapapanayam ay nagbibigay ng higit na kalayaang
sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri ng tanong,
natutuklasan ng tagapanayam ang pananaw,
pagpapahalaga at layunin ng kaniyang kinapapanayam.
Halimbawa:
“Ano po ang masasabi ninyong pagpapahalaga ng
pamahalaan sa ating wikang pambansa?”
“Gaano po kayo kahanda bilang Punong
Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino?”
3. Primary
Questions
Ito ay mga tanong na inihanda bago pa man isagawa
ang aktuwal na pakikipanayam. Ang mga tanong na
ito ay nagsisilbing pangunahing puntos sa balangkas
ng pakikipanayam.
Halimbawa:
Maari itong sarado gaya ng “Mahal mo ba ang
wika mo?” o bukas gaya ng “Ano naman ang
masasabi mo tungkol sa pagkalito ng mga kabataan
sa paggamit ng wikang pambansa?”
4. Secondary
Questions
– Ito ay mga tanong na ibinabatay sa mga sagot ng
kinapapanayam. Ang mga tanong na ito ay binubuo
ng tagapanayam habang nagpapatuloy siya sa
pakikipanayam.
Halimbawa:
“Pagkatapos noong 1935, ano ang nangyari sa
wikang pambansa?
“Ano pa ang masasabi ninyo tungkol sa patakarang
bilingguwal?”
Mayroon namang secondary
questions na sumusuri sa sinasabi
ng kinakapanayam, gaya ng “Ano
po ang ibig ninyong sabihin?”
“Maari po bang pakiulit ang sinabi
ninyo?”
ABRIL 1, 1940

Sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263,
ipinahintulot ng pangulo ang
pagpapalimbag ng “A Tagalog-
English Vocabulary” at “Ang
Balarila ng Wikang Pambansa”.
Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam
1. Tawagan nang maayos ang taong
kapapanayamin upang maitakda ang
pakikipanayam.
2. Magsaliksik tungkol sa paksang pag-uusapan
bago isagawa ang pakikipanayam.
3. Ihanda nang maaga ang balangkas ng mga
tanong.
4. Hangga’t maari, irekord ang pakikipanayam.
5. Maging magalang sa pakikipanayam.
6. Tapusin ang pakikipanayam sa loob ng
itinakdang oras.
Pagbabalita
Balita ang tawag sa isang uri ng
sulating tumatalakay sa mga
nagdaan o kasalukuyang
kaganapan sa loob at labas ng isang
bansang nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga
mamamayan?
 Maari itong ihayag sa pamamagitan ng
paglilimbag, pagsasahimpapawid, internet o
galing sa bibig at ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa, nakikinig o
nanonood.
➢ Para masabing balita, dapat na isinusulat
kaagad ang mga talang nakuha kaugnay ng
isang pangyayari.
➢ Pinagtutuonan ng pansin ang mga
mahahalagang punto. Siguraduhing wasto ang
 Kailangan din ang kawastuhan sa petsa at
mga pangyayari.
 Iwasan ang paglalagay ng kuro-kuro.
 Banggitin ang awtoridad na pinagmulan ng
balita.
 Ilahad ang mga pangyayari nang walang
pinapanigan at gumamit ng isang
pangungusap na talata.
 Dapat na maikli, malinaw at payak ang mga
pangungusap, at
 Huwag kalimutang isulat ang balita ayon sa
Mga Uri ng Balita
1. Paunang Paglalahad – Itinuturing
na hilaw pa ang ganitong uri ng
balita, subalit inilathala na rin bunga
ng pangangailangang maipaabot
agad sa madla.
2. Tuwirang Paglalahad – Sa
ganitong uri ng paglalahad,
tinatalakay ang pinakamahalagang
impormasyon tungo sa maliliit na
detalye.
3. Balitang bunga ng Pakikipanayam
– Karamihan sa balitang nabasa,
naririnig at napanonood ay bunga
ng pakikipanayam. Sa ganitong uri,
ang pinakamahalaga lamang ang
dapat isulat.
4. Kinipil na Balita – Ang ganitong uri
ng balita ay dulot ng kakulangan sa
espasyo sa pahayagan kung kaya ang
buod ng maliliit na balita ay
5. Madaliang Balita o Flash –
Ikinukulong sa kahon upang
makatawag agad ng pansin.
6. Depth news o Balitang may lalim –
Kinakailangan ang masusing pananaliksik,
upang higit na matalakay ang mga ulat na
nakapaloob dito.
7. Balitang Pangsiyensiya – Ito ay
tungkol sa mga makabagong imbensyon
o pagtuklas sa mga bagay na
8. Balitang Panlokal – Ito ay mga
balita tungkol sa isang lokal na yunit
ng pamahalaan tulad ng barangay.

9. Balitang Pambansa – Mga balitang mahalaga


at nagaganap sa buong bansa.

10. Balitang Pandaigdig – Mga balitang


nagaganap na mahalaga sa buong
daigdig. halimbawa: Digmaan sa Iraq
11. Balitang Pampolitikal – Mga
pangyayaring may kinalaman sa
politika.
12. Balitang Pampalakasan – Tungkol sa mga
pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kompetisyong pangkalakasan

13. Balitang Pang-edukasyon – Tungkol


sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
14. Balitang Pantahanan – Tungkol
sa mga mahalagang pangyayaring
may kinalaman sa pamamahala ng
tahanan.
15. Balitang Pangkabuhayan – Tungkol sa mga
mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
16. Balitang Panlibangan – May
kinalaman sa larangan ng telebisyon,
radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

17. Balitang buhat sa talumpati – Ito’y buhat sa


pinaghandaang okasyon tulad ng
palatuntunan, seminar, panayam o pulong
Aralin 1.2:
Ang Sitwasyon ng Wikang
Filipino
sa Print Media
MARSO 26, 1954

Ang Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan


ni Pang. Ramon Magsaysay na nakasaad
na ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wika ay ika-29 ng Marso hanggang
ika-4 ng Abril bilang pagbibigay galang
sa kaarawan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar bilang makata ng lahi.
1970

Noong 1970 sa bisa ng Resolusyon Blg.


73-7 ng Pambansang lupon ng
Edukasyon ay inilunsad ang
Patakarang Edukasyong Bilingguwal
sa bansa kung saan gagamitin ang
wikang Ingles at Pilipino bilang
midyum ng pagtuturo sa mga aralin sa
paaralan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
ANG WIKANG FILIPINO SA ATING
1987 KONSTITUSYON
TAMA O MALI
_____ 1. Ang tabloid ay karaniwang
nakalimbang sa wikang Ingles.
_____ 2. Pormal ang wikang ginagamit sa
broadsheet.
_____ 3. Malalaki ang larawang ginagamit sa
tabloid.
_____ 4. Ang tabloid ay itinuturing na
pahayagan ng masa.
_____ 5. Mas maliit ang broadsheet kaysa sa
Alam mo bang…
Print Media ay isang uri ng sulatin o teksto
kung saan ang mga impormasyon, balita at iba
pa ay nakalimbag at malayang nahahawakan?
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay diyaryo o
pahayagan, magasin, komiks at iba pang uri ng
lathalain. Sinasabi ring ang pamamahayag ang
pinakamahalagang sitwasyong pangwikang
behikulo sa pagpapalaganap ng wika. Ang
wikang ginagamit ay Filipino kaya naman
madaling nauunawaan ng madla.
Halimbawa ng Print Media.

1. Pahayagan, Diyaryo o Peryodiko –


Ito ay isang uri ng paglilimbag na
naglalaman ng mga balita,
impormasyon at patalastas na
kadalasang naimprenta sa mababang
halaga. Ito ay maaaring
pangkalahatan o may espesyal na
interes at kadalasan itong inilalathala
Dalawang Uri ng
Pahayagan
a. Broadsheet – Ito ang pinakamalaking
pormat ng pahayagan. Nailalarawan ito sa
pamamagitan ng mahabang patayong mga
pahina (karaniwang 22 pulgada 0.560 mm).
Ang target readers ay mga Class A at B kung
saan ang mga mambabasa nito ay halos mga
propesyonal o karaniwang maykaya sa buhay.
Tinatalakay nito ang mga seryosong paksa sa
ating komunidad. Kadalasang Ingles ang
Dalawang Uri ng
Pahayagan
b. Tabloid – Ito ay uri ng pahayagang
may mas maliit na sukat ng pahina kaysa
sa broadsheet, bagaman walang
pamantayan ng sukat para sa tabloid.
Ang target readers ay mga Class C at D
kung saan itinuturing itong pahayagan
ng masa. Filipino ang pangunahing
wikang gamit.
Halimbawa ng Print Media.

2. Magasin – ito ay peryodikong


publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo, kuwento, anunsyo, larawan at iba
pa. Ito ay naghahatid ng mga impormasyon
sa mga mambabasa. Mas malaki ang sukat
nito kaysa sa aklat ngunit mas maliit kaysa
sa pahayagan. Ito’y naglalaman ng larawan
ng mga produktong iniindorso ng sikat na
tao sa bansa.
Halimbawa ng Print Media.
3. Komiks – ay isang halimbawa rin ng print media.
Ito ay inilarawan bilang isang makulay at popular na
babasahing nagbibigay saya sa mga mambabasa,
nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsusulong
ng kulturang Filipino. Ito rin ay itinuturing na
grapikong midyum na kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang maghatid ng kuwento.
Ito ay naglalaman ng kaunti o walang salita, binubuo
ng isa o higit pang larawan. Sa Pilipinas sinasabing si
Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipinong
gumawa ng Komiks na may pamagat na “Pagong at
Lubos na Mahusay! Binabati kita sa
matiyaga mong pagsama sa pagtalakay
sa
mga aralin. Marami kang natutuhan
tungkol
sa sitwasyon ng wikang Filipino sa
Broadcast
at Print Media gayondin ang pagbuo
ng
tanong sa pakikipanayam. Ihanda mo a
ng

You might also like