You are on page 1of 2

FILIPINO 1

DAY 4

MARY JOYCE S. SALEM BSCE-ST 1

Basahin ang impormasyon tungkol sa Kondukta ng Pulong


at  Pasalitang Pag-uulat at Programa sa Radyo at Telebisyon,Video
Conferencing, at Komunikasyon sa Socia Media. Pagkatapos sagutin ang
sumusunod.

§  Ano-ano ang mga impormasyon


tungkol sa Kondukta ng Pulong at Pasalitang Pag – uulat at Programa sa
Radyo at Telebisyon,Video Conferencing, at
     Komunikasyon sa Socia Media?

 Ang pulong o mas kilala sa tawag na miting ay ang pagtitipon-tipon ng mga tao na
karaniwan ay kasapi sa isang grupo o samahan na may itinataguyod na layunin. Ang
pagpupulong ay karaniwang ginagawa sa mga paaralan, opisina, at iba pang
establisyemento. Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-
usapan sa pagpupulong. Nakasulat ditto ang mahahalagang punto na dapat gawin ng
mga naatasang may miyembro ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap. Samantalang
ang asembliya/asemblea ay isang malakihang pagpupulong. Ang Kapulungang
Pambansa ng Pilipinas ay nagging lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935
hanggang 1941 at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang pulong/miting at asembliya
ay Magkatulad na Gawain na nagkakaiba lang sa laki ng o dami ng awdyens at antas ng
organisasyon o taong kasangkot nito. May mga hakbang na maaaring maobserba sa
panahon ng pagkakaroon ng kondukta ng pilong/miting/asembliya ay ang sumusunod;
pagpaplano, paghahanda, pagpoproseso, habang sa panahon ng pulong, magsimula at
magtapos sa takdang oras at pagtatala. Ang pag-uulat ay sumasaklaw sa pagsasalaysay
ng mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang paksa sa harap ng mga nakikinig. Mga
pantulong sap ag-uulat: note card, data webs, maps, at chart. Ang ulat ay isang
pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat ng iba’t-ibang kaalaman. Ito ay bunga ng
maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag-usap sa mga taong may tanging
kaalaman o pagmamasid sa mga bagay-bagay. Bilang bahagi ng lumalago at lumalawak
na Information Technology, kaliwa’t kanan ang paglabas ng mga produkto tulad ng
Samsung Galaxy Tablet at ipod ng Apple. Sa kasalukuyan, ito na ang mga kagamitang
unti-unting pumapalit sa tradisyonal na mga kompyuter na may keyboard, monitor, CPU,
at mouse. Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito, hindi parin nito tuluyang mapapalitan
ang radio at telebisyon bilang mga pangunahing paraan ng telekomunikasyon. Ang
paghahatid ng impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radio at telebisyon ay
maituturing na broadcast media. Tinutukoy ng telebisyon at radio ang mga uri ng media
na daluyan ng mga impormasyon at telekomunikasyon na nagpapakita ng mga
gumagalaw na larawan at mga tunog na naglalakbay sa ere. Ang telebisyon ang
itinuturing na pangmasang media dahil ito ay tangkilik sa lahat ng tahan ng iba’t-ibang uri
ng mga mamamayang Pilipino. Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radio sa
AM man o sa FM. May mga programa rin sa FM na gumagamit ng wikang Ingles sa
pagbrobrodkast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga estasyon
sa radio sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may
kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Dahil sa
napakalaking impluwensiya ng media sa pang-araw-araw nating pamumuhay, maituturing
ito na isang malaking kontribusyon sa paglilinang ng ating wika.
§  Ano ang layunin nito sa sitwasyong pangkomunikasyon?

 Layunin nitong makapaghatid ng impormasyon at paglilinang ng wikang Filipino. Layunin din


nitong maging isang tulay sa malawak na pakikipag-ugnayan. Layunin din nitong mas payabungin
ang ating wikang Filipino gamit ang mga iba’t-ibang uri ng pangkomunikasyon.

You might also like