You are on page 1of 4

1|P age

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon City Campus
Sorsogon City

GE 15

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL


2|P age

Aralin 10

Inaasahang Matutuhan

Sa pagtatapos ng ito, inaaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:


1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomuniskasyon.
3. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Pilipino.

Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (Ikaapat na Bahagi)

Pasalitang Pag-uulat

Pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming tao o panauhin.


Ayon kina Garcia et al. (2012), may mga salik sa mabisang pagsasalita. Ang mga ito ay pagsasalitang
nakapagpapasang-ayon, nakapagpapakilos tungo sa isang layunin, o mithiin, at/o nakapagpapabago ng isipan.

Gabay sa Pasalitang Pag-uulat Hakbang sa Pasalitang Pag-uulat


1. Paggamit ng simple ngunit naaayong mga 1. Pagpaplano
salita. 2.Pagsasanay ng Presentasyon
2.Pagkontrol sa emosyon 3. Pagpapahayag ng ulat.
3. Pagiging epektibong tagapakinig 4. Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig
4. Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL


3|P age

Aralin 11

Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (Ikalimang Bahagi)

Focus Group Discussion at Programang Pangradyo at Pantelebisyon

Group Discussion – talakayang binubuo ng hanggang limang kasapi o miyembro. Ito ay gawaing kooperasyon
na nangangahulugang tulong-tulong sa pagbuo ng mga ideya.
Ayon sa aklat ni Castro- de Leon (2004) may limang balangkas ang group discussion upang maging
organisado:
1. Alamin ang suliranin
2. Suriin ang suliranin upang matukoy ang dahilan at epekto nito.
3. Makapagmungkahi ng pansamantalang solusyon .
4. Itala ang solusyon.
5. Pumili nang pinakamainam na solusyon sa suliranin.

Focus Group Discussion o FGD – pamamaraan


sa pananaliksik, ginagamit ito upang makuha
ang opinyon, ideya at mga karanasa ng mga
kalahok sa isang talakayan. Ito ay isa sa mga
pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon
na nauuri sa pakikipagkwentuhan. Kadalasang
binubuo mula 6 hanggang 15 kalahok sa
talakayan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng FGD

1. Balikan ang mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral. (Alin dito ang maaaring masagot gamit ang FGD)
2. Itala ang mga tanong na itatanong sa FGD. (Kailangang hindi ito nasasagot ng simpleng “Oo” o “Hindi”)
3. Iplano kung kinakailangan ang maliit na grupo.(6-10 na kalahok), katamtamang dami ng grupo (7-10), o malaking
grupo (11-15) ang iimbatahin sa FGD)
4. Gumawa ng pamantayan sa pagpili ng mga kalahok. (Kailangang alam nila ang paksang tatalakayin mo at may
pare-pareho ang kanilang interes o background tungkol sa paksa.)
5. Gumamit ng cassette recorder o camcorder upang mairekord ang talakayan.
6. Tatayong tagapagdaloy(facilitator) ang mananaliksik sa mangyayaring talakayan. Kumuha ng katuwang na siyang
magrerekord ng talakayan.
7. Tumatagal ng isa hanggang dalawang oras ang FGD kung sasabihan ang mga kalahok tungkol dito.
8. Kunin ang pagsang – ayion (consent) ng mga kalahok bago sila isama sa FGD.9

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL


4|P age

9. Ipaliwanag ang layunin ng FGD, at nag kahalagahan ng pag-aaral samga kalahok.


10. Kung tapos na nag FGD, magpasalamat samga kalahok.
11. Ihanda ang transkripsiyon ng FGD.Hangga’t maaari, isulat o i-type sa kompyuter ang buong talakayan. Lagyan ng
ellipsis (….) ang mga salita o pahayag na di maintindihan at nalikang muli at pakinggan.

Programang Pangradyo at Pantelebisyon

Radyo - pinagmumulan o pinagkukunan ng


balita, aliw, impormasyon, payo at serbisyong
Telebisyon – midyum o kagamitan na
publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating
nagpapalabas ng mga programa. Naging bahagi
ng balita at pagbabalita kumpara sa telebisyon
na ito ng pang-araw-araw na pamumuhay ng
dahil madaling maipadala ang impormasyon at
mga Pilipino.
makakonekta sa himpilan ng radyo. (Morales-
Nuncio at Nuncio, 2016)

Kabilang sa mga programa sa telebisyon ay:


1. Balita sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng tungkol sa politika, o lipunan, edukasyon, relihiyon, isports, at
ekonomiya.
2. Dokumentaryo
3. Serbisyo – publiko
4. Teleserye, Telenovela, pelikula sa telebisyon at komediserye.
5. variety Show
6. Reality Show o game show

Sanggunian

Dela Peńa, Jessica Marie I. et. al.2018. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL

You might also like