You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF LANGUAGES

COURSE OUTLINE IN KOMFIL

I. Deskripsyon ng Kurso: Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at


nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang
Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pakikinig at pagsasalita,
gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
II. Kredit ng Kurso : 3 Yunit

III. Prerekwesit : Wala

IV. Bilang ng Oras : 3 oras bawat linggo

IV. Batayang Aklat : Talastasan: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa


Filipino

V. Rekwayrment Maikling Pagsusulit


Graduhang Pagsagot
Medyor na Pagsusulit
VI. Deskripsyon ng Kurso : Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak
at nagpapalalim sa konstekswalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamayang
Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita,
gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Inaasahang Matututuhan:

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at
sa buong bansa.
4. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik
5. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning
panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
6. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga
realidad ng lipunang Pilipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas
mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.
Balangkas ng Kurso:

MIDTERM PERIOD FINAL PERIOD

1. Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang 3. Mga Gawing Pangkomunikasyon


Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng ng mga Pilipino
Edukasyon at Lagpas pa 4. Mga Napapanahong Isyung Lokal
2. Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa at Nasyonal
Komunikasyon 5. Mga Tiyak na Sitwasyong
a. Pagpili ng Batis (Sources) ng Pangkomunikasyon
Impormasyon a. Forum, Lektyur, Seminar
b. Pagbabasa at Pananaliksik b. Worksyap
ng Impormasyon c. Symposium at
c. Pagbubuod at Pag-uugnay- Kumperensya
ugnay ng Impormasyon d. Roundtable at Small
d. Pagbubuo ng Sariling Group Discussion
Pagsusuri Batay sa e. Kondukta ng
Impormasyon Pulong/Miting/Asembliya
f. Pasalitang Pag-uulat sa
Maliit at Malaking Pangkat
g. Programa sa Radyo at
Telebisyon
h. Video Conferencing
i. Komunikasyon sa Social
Media

GRADING SYSTEM:

Grading Scheme: 70% Class Standing & 30% Major Examination(s)


Formula:
CSM- Class Standing Midterms ME- Midterm Examination
CSF- Class Standing Final FE- Final Examination
Final Grade = 70% (CSM) + 30% (ME) + 70% (CSF) + 30% FE)

50% Passing

Talasanggunian:
1. Abramson, S. (2016). A dozen Reasons Sanders Voters are Justifiably Angry at the
Media Right Now.Huffington Post. Retrieved from http://www.huffingtonpost.com/
2. Seth-abramson/20-reasons-sanders-voters-are justifiably-angry_b_9544744.html
3. ABS-CBN News. (2016,May24). Duterte urged to raise VAT to 14 pct,include
seniors.retrieved from hhtp://news.abs-cbn.com/business/05/24/16/duterte-urged-to-
raise- vat
4. Agcaoili,Aurelio. “Linggwistik sa Demokrasya, Mapagpalayang Wikang
Pambansa,Panlipunang Katarungan at Dibersidad ng Wika at Kultura ,”sa Ani ng
Wika2006.Maynila:Komisyon sa Wikang Filipino.
5. Agoncillo,Jodee. “PAGASA:2016 can be one of Philippines warmest years.” Inquirer
retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/778320/pagasa-2016
6. Dailisan ,Steve.2014. “Pag-aaral ng wikang Filipino, tatanggalin na sa Geneneral
Education Curriculum ng Kolehiyo sa 2016. GMA News.http://www.youtube.com/watch
7. Dainton,Mariane( 2019). Applying communication theory for professional life:a practical
introduction 4th ed.Los Angeles Sage.
8. Departamento ng Filipino ng DLSU.2014. “PAgtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin
ng Bawat LAsalyano.”Manila Today.Agosto 2014.http;//www.manilatoday.net
9. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UPD. 2014.”Pahayag para sa
Pagpapatibay ng Wikang Filipino Bilang Sanjek sa Kolehiyo.”Manila Today. June
18,2014. http://www.manilatoday.net/
10. Espina Leticia D.(2014) Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila: Mindshapers.
11. Jose,Vivencio. “Wika at Globalisasyon:Kalakaran, Pagtanggi at Pang-aangkin” sa
Filipino at Pagpapaplanong Pangwika:Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL.
12. Constantino, P. (ed).2005.Quezon City:SANGFIL,NCCA at UP-SWF
13. Maggay, Melba P. (2002) Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino.Quezon
City:Ateneo de manila University Press.
14. Mortera, M. O. (2016). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Mandaluyong: Books
atbp Publishing.
15. Sanchez, R. A. (2014) Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila , Unlimited Books
Library Services & Publishing.
16. Tumangan, A. P. (2011). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila: Grandwater
Publishing.
17. VanLear, A. C. (2017). Researching interactive communication behavior: a sourcebook
of methods and measures. Los Angeles, Sage.
18. West Richard L. (2018). Intoducing Communication theory:analysis and application 6 th
ed.New York McGraw-Hill
19. Zafra, G. S. (2016). Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa disiplinadong
Filipino( Konteksto ng K-12) Katipunan Journal, http://dx.doi.org/

You might also like