You are on page 1of 9

Modyul 1

Introduksiyon: Ang
Pambansa sa Mas G. Charles Melbert S. Navas
Mataas na Antas ng Guro
Edukasyon at Lagpas Pa
Email Address:
charlesmelbertnavas@gmail.com

Tagal ng Modyul:
Setyembre 5 - 9, 2022

FIL01/ KomFil
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
BALANGKAS NG KURSO AT
PAGTATAYA NG ORAS/PANAHON
Nilalalaman ng Kurso/Paksang-aralin
Linggo Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
1-4 Edukasyon at Lagpas Pa
Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon
 Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
 Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
 Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
 Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
 Tsismisan
 Umpukan
 Talakayan
 Pagbabahay-bahay
 Pulong-bayan
 Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)
 Mga Ekspresyong Lokal
5-8 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
 Korapsyon
 Konsepto ng “Bayani”
 Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon, edukasyon
atbp.
 Bagyo, baha, polusyon, mabilis na urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak ng/sa
kalikasan, climate change atbp.
 Kultural/political/lingguwistikong/ekonomikong
dislokasyon/displacement/marhinalisasyon ng mga lumad at iba pang katutubong
pangkat/pambansang minorya, mga maralitang tagalungsod (urban poor),
manggagawang kontraktwal, magsasaka, tindero/a, tsuper ng dyip at traysikel,
kabataang manggagawa, out-of-school youth, migrante atbp. sa panahon/bunsod
ng globalisasyon.
 Kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng) seguridad sa pagkain.
9-18 Mga Tiyak ng Sitwasyong Pangkomunikasyon
 Forum, Lektyur, Seminar
 Worksyap
 Symposium at Kumperensya
 Roundtable at Small Group Discussion
 Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya
 Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
 Programa sa Radyo at Telebisyon
 Video Conferencing
 Komunikasyon sa Social Media

IMPORMASYON NG KURSO
Pamagat ng Kontekstwalisadong Komunikasyon Kowd ng
FIL01 (KomFil)
Kurso: sa Filipino Kurso:
Kinakailangan Kredit ng
Wala Tatlong (3) yunit
ng Kurso Kurso

PANGANGAILANGAN SA KURSO Sistema ng Pagmamarka


 Pagpasok sa Klase (ang mga mag-aaral ay dapat Markahang Pagsusulit 30%
dumalo sa lahat ng pagsasama-sama online) Pagdalo sa Klase 10%
 Mahaba at Maikling Pagsusulit/ Markahang Pagsusulit
Mahaba at Maikling Pagsusulit 20%
 Pakikibahagi sa Talakayan (Resitasyon)
 Pagsakatuparan at Pagsumite ng Portfolio ng Takdang Aralin 5%
Pagkatuto Proyekto/ Gawain 25%
 Awtput ng Pananaliksik / Proyekto/ Gawain Pakikibahagi sa Klase 10%
 Takdang Aralin Kabuoan 100%

2|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Modyul I
Introduksiyon: Ang Pambansa sa Mas Mataas na
Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa
(Unang Bahagi)

PAGTATAKDA NG MODYUL
Ang modyul na ito ay para sa isang linggo. Kung saan ay maaaring
magsama-sama sa isang klase upang matalakay ito gamit ang mga
minumungkahing pamamaraan
- Zoom
- Facebook Live
- Messenger Video Chat
- Iba pang Video Conferencing

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga
mag-aaral gamit ang mga gawaing nakalakip.

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:
 Matukoy ang kahulugan ng wika, dayalek, idyolek at iba pang
konseptong pangwika
 Mabigyan pansin ang mga konsiderasyon para sa barayti at baryasyon
ng wika
 Mabatid ang kahalagahan at kahulugan ng domeyn at rejister ng wika

PAGLALAYAG NG KAALAMAN

Mga Konseptong Pangwika


Maaari nyong panoorin ang dokumentaryong may pamagat na “Sulong Wikang
Filipino: Edukasyong Pilipino, para Kanino?” ni Det Neri.
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM&t=98s

Paunang Pagtalakay:
1. Ano ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo? Ipaliwanag sa pamamagitan
ng paglilimi sa kahulugan ng pamagat.
2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika sa
kontekswalisadong komunikasyon sa lipunan at sa buong bansa, ayon sa
napanood.
3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?
4. Ano ang kahulugan ng akronim na CHED at CMO?
5. Anong CHED-Memo ang itinuturing na anti-Filipino at bakit?

Ang Wikang Filipino


Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga
3|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang Barayti ng
wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga magsasalita nito na may iba’t ibang sanligang
sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Ang Wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng ating pagkatao kaya, marapat na ito
ay bigyang halaga ng bawat mamamayan. Ito rin ang bumubuo sa ating kultura na
nagpapatibay sa atin bilang Pilipino, kahit na tayo ay maraming wikang alam hindi ito
magiging sagabal upang talikuran ang sarili nating wika bagkus paigtingin mas higit ang
paggamit nito hanggnag kasalukuyan.

Ang Wika para sa Pilipinas


Ayon kay Dr. Patricia Licuanan, tagapangulo ng Komisyon sa mas Mataas na
Edukasyon noong 2014, “Binura ba ito [Filipino] from general education curriculum from
the college curriculum? So essentially we said no”. Subalit marami sa ating mga kaguruan
at kilalang personalidad sa usaping pangwika ang nagsaad laban sa Ched Memorandum
Order 20 series-2013 (CMO 20-13), o ang paglilipat ng asignaturang Filipino mula sa
kolehiyo papuntang sekundarya.

Ang mga unang tumuligsa sa nasabing memo ay sina Dr. Ramon Guillermo,
dalubguro sa Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, si Kgg. Antonio Tinio,
Kinatawan ng partidong ACT sa kongreso, at si Melania Flores, Dalubguro ng
Pagpaplanong Pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas. Sila ay may iisang hinaing ukol sa
nasabing memo, na kung paano ba nito binabalewala ang kahalagahan ng wika bilang
wikang pambansa, wikang ginagamit sa ating paaralan, at bilang ginagamit pang-
internasyunal.

Nagbigay rin ng mga pahayag sina Bienvenido Lumbrera, pambansang alagad ng


sining sa panitikan, at Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino,
sinabi nila na ang pag-aaral ng wikang Filipino sa kolehiyo ay pagpapakita ng
pagpapalalim ng pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kasaysayan at karanasang
nakasulat sa mga aklat gayundin sa pagkakaroon ng standardisasyon sa wika.

Ebolusyon at Probisyong Pangwika sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Maaari nyong panoorin ito: https://www.youtube.com/watch?v=V98zverPhOQ&t=5s

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 mga pulo at ito ay nahahati sa tatlong


malalaking pangkat, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang tatlong malalaking pangkat
na ito ay kinabibilangan ng labing anim (16) ng rehiyon.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napakaraming wika. Ayon sa listahan ni


Grimes (2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa
sensus ng NSO noong 2000 mayroon itong 144 na buhay na wika.

Batay kay Sibayan (1974) sa aklat ni San Juan (2018), humigit kumulang 90% ng
populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika.

Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung wikain (80).

Sampu dito ang sa ngayon ay kinikilalang pangunahing wika.

4|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
1.Tagalog
2.Kapampangan
3.Cebuano
4.Ilocano
5.Pangasinense
6. Maranao
7. Bicolano
8. Waray
9. Ilonggo/Hiligaynon
10. Bisaya

Batay sa kasaysayan, may mga dayuhang may iba’t ibang dalang kulturang
pangwika tulad ng Indones, Malay, Tsina, India at Arabia na nakaimpluwensiya sa mga
Pilipino na nagpalubha ng husto sa mga suliranin, sa di pagkakaunawaan ng mga
mamamayan.

Antas ng Wika at Panlahat na Gamit ng Wika


Maaari nyo panoorin ito: https://www.youtube.com/watch?v=O_1Vc5CodrM
https://www.youtube.com/watch?v=oCSnshs0dwM&t=6s

Paglilinaw sa Ilang Mahahalagang Konsepto


Ano nga ba ang wika at kung paano ito naiiba sa iba pang katawagang pangwika
gaya ng dayalek, idyolek at iba pa? Kailangan ang isang malawakang pag-aaral at pag-
aanalisa kaugnay ng mga ito:

Barayti at Baryasyon ng Wika


Wika, Dayalek, Idyolek at Iba pa.

Wika
Ayon kay Hutch (1991) sa aklat ni San Juan (2018), ang wika ay malimit na
binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyong pantao.

Sinabi naman ni Bouman (1990) sa aklat ni Binwag (2018), na ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at Biswal na signal para
makapagpahayag.

Ayon kay Webster (1972) sa aklat ni Carada (2014), ang wika ay kalipunan ng
mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay
naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na
mga sangkap ng pananalita.

5|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleason (1961) sa
aklat ni Aguilar (2017), sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Antas ng Wika
1.Pormal – Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit
ng higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika.
a) Pambansa – Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at
pamahalaan.
Hal. Ama, Ina, Anak, atbp.

b) Pampanitikan – Mga salitang malalalim, matatalinhaga at masining at


kadalasang nakikita sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento,
nobela at iba pa.
Hal. Haligi ng Tahanan, Ilaw ng tahanan, Bunga ng pag-iibigan, atbp.

2.Impormal – Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pang- araw-araw


ng pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.
a) Lalawiganin – Mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala sa
pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita.
Hal. Tatay, Nanay, Ogaw, atbp.

b) Kolokyal – Mga salitang may kagaspangan ayon sa mga taong


gumagamit nito. Maari pakinisin ng taong nagsasalita. Hindi pinapansin ang
wastong gamit ng gramatika
na tinatangap sa kasalukuyang panahon.
Hal. Tay, Nay, Nak, atbp.

c) Balbal/Barbarismo o Jargon – Ito at katumbas ng slang sa Ingles. Hindi


sumusunod sa wastong gramatika at kadalasang sinasalita ng mga taong di
nakapag-aral, pinakamababang antas ng wika.
Hal. Erpat, Ermat, Junakis, atbp.

d) Bulgar – mga salitang mapanakit sa damdamin ng isang tao. Maaari rin


na layunin ng mga salitang ito na makasakit ng emosyon.
Hal. G*go, Putang*na, Tang*na, atbp

Mga Katangian ng Wika


ANG WIKA AY TUNOG. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan
ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga ito
ay niririprisinta ng mga titik.
ANG WIKA AY ARBITRARYO. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y
maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin
ANG WIKA AY MASISTEMA. Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay
makakabuo ng makahulugang yunit ng salita, gayundin naman, kung pagsasama-
samahin ang mga salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala.
ANG WIKA AY DINAMIKO. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin
itong nagbabago.

6|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
ANG WIKA AY MALIKHAIN – Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang
bilang ng mga salitang maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag
natin ang ating mga sarili sa iba’t ibang paraan.
ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN – Sinuman ang epektibong gumamit ng
wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o kapangyarihan.

Barayti ng Wika
Dayalek
Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig sabihin
ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng
wika. Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag
na puntong bulacan, puntung bisaya, pungtong bicolano puntong maranao. May mga ilan
namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang.

Idyolek
Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t
ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay gulang,
kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.

Barayti at Baryasyon
Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang Barayti. Ang Barayti ay itinuturing na higit
na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na estilo ng prosa o estilo ng wika.
Ang ilang halimbawa ng Barayti ay ang mga sumusunod.
Dayalek. Ang Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad.
Sa puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit
nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang kanilang naririnig. Maari ring iba ang
kahulugan ng kanilang salita sa salitang ginamit ng iba. Maari rin namang ang pagkakaiba
ay nasa pangungusap na kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ilang bayan ng Nueva Ecija
ay may salitang hinuhulapian ng ye. Idinudugtong ang salitang ito sa salita gaya ng:
1.1 Kumain na akoye.
1.2 Ikaw baye ay hindi sasama?
Kahit hindi mo itanong, malalaman mong taga-Batangas ang kausap mo kung
gumagamit siya ng salitang ga tulad ng:
1.3 Paano baga pumunta sa Subic?
1.4 Ano baga itong nangyayari sakin?
Sosyolek. Ang Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro
niyang sinasabi na may Barayti ng wika ang grupo ng iba’t ibang uri o klasifikasyon ng
mga mamamayan. May Barayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa
matataas ma antas ng lipunan.
Register
Ang register ay tinatawag ding estilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaring
gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang
maipahayag ang kanyang nadarama.

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:
1. Maari mo bang ibigay ang kahalagahan ng wika sa pagbuo ng komunikasyon?
2. Alin sa Barayti at Baryasyon ng Wika ang madalas mong gamitin?
3. Ano sa mga antas ng wika ang palagian nating naririrnig sa mga kabataan?
4. Ano ang sistema ng ating Wika sa kasalukuyan?
5. Mahirap bang gamitin ang ating mother tounge sa pag-aaral?

7|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. Mag-isip ng dalawampung (20) salita at bigyan ito ng iba’t ibang katawagan


ayon sa bawat antas ng wika. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita.

Pambansa Pampanitikan Kolokyal Lalawiganin Balbal


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.

B. Bumuo ng grupo at gumawa ng dugtungan base sa Barayti at Baryasyon


ng Wika. Gamitin ang mga makabagong teknolohiya. Maaaring maging poetiko

Pamantayan ng paghatol (Rubric)


Kaangkupan na ginamit na wika – 50%
Kagandahan ng pagsasagawa – 20%
Kaayusan ng pagbigkas ng salita – 30%
Kabuoang bahagdan – 100%

8|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
PAGTATAYA
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang
Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular ay may ilalakip na mga
talatanungan sa huling bahagi ng modyul na ito

B. Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang komposisyon na naglalahad at


tumatalakay sa isyung “bakit hindi nararapat tanggalin ang Asignaturang Filipino sa
kolehiyo” na binubuo ng hindi kukulang sa tatlong talata at kada talata ay may limang
pangungusap. Kunan ito ng larawan at ipadala sa pinuno ng grupo.
Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 40%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuoang bahagdan – 100%

TAKDANG-ARALIN
A. Gumuhit ng sariling halimbawa ng modelo ng komunikasyon at
ipaliwanag sa loob ng tatlong (3) pangungusap.
B. Ipaliwanag sa sariling opinyon kung bakit ang wika ay isang
kasangkapan ng komunikasyon. Ito ay dapat binubuo ng limang
pangungusap.

MGA PINAGHANGUAN NG MATERYALES


Modyul
Mga babasahing pinadala sa grupo
Powerpoint Presentation

SANGGUNIAN
Carada, Imelda G. et.al. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino:
Intramuros Manila, Mindshapers Co. INC.
San Juan, David Michael M. et.al. (2018) PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong
Komunikasyon sa Filipino): Malabon City, Mutya Publishing House.
Aguilar, Hermiline B, (2017) “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino”, Jenher
Publishing House.
Petras, Jayson DG, (2010) BAYAN AT PAGKABAYAN SA SALAMYAAN: ANG
PAGPOPOOK NG MARIKINA SA KAMALAYANG - BAYANG MARIKENYO,
pinanumbalik noong 2020 mula sa:
https://tinyurl.com/BAYAN-AT-PAGKABAYAN

9|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda

You might also like