You are on page 1of 8

Modyul 1

DALUMAT-SALITA: MGA
SALITA NG TAON/ Bb. Milca Carissa I. Enano
SAWIKAAN, Guro
MAKABAGONG SALITA,
AT SAWIKAIN Email Address:
milcaenano32@gmail.com

Tagal ng Modyul:
Agosto 31 – Setyembre 22, 2022

FIL03/ DalumatFil
Dalumat ng/ sa Filipino

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo


at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda
BALANGKAS NG KURSO AT
PAGTATAYA NG ORAS/PANAHON
Nilalalaman ng Kurso/Paksang-aralin

Linggo 1-4 Dalumat-Salita: Mga Salita ng Taon/Sawikaan, Ambagan, Mga Susing Salita Atbp.
(Pokus nito ang pagtalakay sa mga kumperensya/aktibidad na lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga
salita sa Filipino at iba pang wika ng bansa.)
-Sawikaan
-Ambagan
-Mga Susing Salita
-Idyoma
-Tayutay
-Alusyon
Linggo 5-6 Ang Gramatika at Retorika
-Pagpili ng wastong salita
-Wastong gamit ng mga salita
Mga mungkahi sa epektibong pagsasalita
Mga mungkahi sa epektibong pagsusulat
Linggo 7 Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa Mga Pangunahing Sanggunian sa
Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong P/Filipino
(Pokus nito ang pagtalakay sa mga pangunahing sanggunian sa
pagdadalumat/pagteteorya sa kontekstong P/Filipino.)
 Makrong Kasanayan sa Pagbasa
 Dalumat ng Wika

Linggo 8-11  Pilosopiya at Teoryang sa Kontekstong Filipino


Linggo 12  Wika sa Panahon ng Globalisasyon at Internasyunalisasyon
Linggo 13 Pagsasalin ng Piling Tekstong Makabuluhan sa Dalumat ng/ sa Filipino at Pagsulat ng Dalumat Sanaysay
 Pagsasalin ng mga Piling Teksto

Linggo 14-15 Diskurso


 Paglalarawan
 Pagsasalaysay
 Paglalahad
 Pangangatwiran

Linggo 16 Pagsulat ng Dalumat-Sanaysay

Linggo 17-18 Pagdadalumat sa Filipino


 Pagbasa at Pagsulat sa Dalumat Filipino

IMPORMASYON NG KURSO

Pamagat ng
Dalumat ng/sa Filipino Kowd ng Kurso: FIL03 (DALUMATFIL)
Kurso:
Kinakailangan
FIL01 AT FIL02 Kredit ng Kurso Tatlong (3) yunit
ng Kurso

PANGANGAILANGAN SA KURSO Sistema ng Pagmamarka


 Pagpasok sa Klase Markahang Pagsusulit 30%
 Mahaba at Maikling Pagsusulit/ Markahang Pagsusulit Pagdalo sa Klase 5%
 Pakikibahagi sa Talakayan (Resitasyon)
Mahaba at Maikling Pagsusulit 25%
 Pagsakatuparan at Pagsumite ng Portfolio ng
Pagkatuto Takdang Aralin 5%
 Awtput ng Pananaliksik / Proyekto/ Gawain Proyekto/ Gawain 25%
 Takdang Aralin Pakikibahagi sa Klase 10%
Kabuoan 100%

I|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Modyul I
DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/SAWIKAAN,
MAKABAGONG SALITA, AT SAWIKAIN

PAGTATAKDA NG MODYUL

Ang modyul na ito ay para sa isang linggo. Kung saan ay maaaring magsama-sama sa isang klase upang matalakay ito gamit
ang mga minumungkahing pamamaraan:
- Zoom;
- Facebook Live;
- Messenger Video Chat; at
- Iba pang Video Conferencing.

Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga mag-aaral gamit ang mga gawaing
nakalakip.

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:


 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang
akma sa kontekstong Pilipino.
 Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto.
 Makapagsulat ng isang sanaysay upang ilahad ang kanilang reaction sa mga isyu ng pagkakaroon ng mga
bagong salita.
 Maunawaan kung bakit nagkaroon ng paglawak at pag-unlad sa wika.

PAGLALAYAG NG KAALAMAN
Sawikain o Idyoma
https://www.youtube.com/watch?v=td6F-0io1gQ
Ano ang Sawikain?
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang
paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao. Malalalim na salita ang
ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.
Ang salawikain at sawikain ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat ng bansa sa mundo. Ito ang mga
panitikang sumasalamin sa magkapareho at magkasalungat na paniniwala ng iba’t ibang bansa. Sa mga panitikang ito naipapahayag
ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino.
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito’y may kahulugan na hindi
maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y
taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay rin ito ng pansosyal at panliteral
na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng
idyoma gayundin ang ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging pandiwa ay kailangang
sumunod sa tatlong panahunan ng pandiwa na gaya ng sumusunod:

Mga Halimbawa ng Sawikain


1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

1|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Ikrus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikrus sa noo.

7. Butas ang bulsa


Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit:  Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

8. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.

9. Bahag ang buntot


Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

10. Ibaon sa hukay


Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

11. Balitang-kutsero
Kahulugan:  Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero ang alam.

12. Bukas ang palad


Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

13. Nagbibilang ng poste


Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng poste. Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

Salita ng Taon (Sawikaan) https://www.youtube.com/watch?v=JanIcuUz-Z4

2|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Makabagong Salita
Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy rin na nagbabago ang ating kapaligiran, at ang gawi ng pamumuhay at
pakikisalamuha ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung ikaw ay nabubuhay na ng ilang dekada, marahil ay mas mabilis mong
mapupuna ang mga pagbabagong naganap sa gawi ng mga tao at kung ikaw naman ay isa sa mga sinasabing “millennial”, malamang
ay ginagawa mo rin ang ilan sa mga bagay na ito, kagaya na lamang ng paggamit ng mga makabagong salita o ang pagbibigay ng
bagong kahulugan sa mga salitang dati pa man ay nagagamit na.
Ito ang Halimbawa ng ilan sa mga salitang ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan ng mga ito:
 
Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millennial para ipahayag ang kanilang masamang damdamin sa tuwing mayroon silang di
kaaya-aya na nakikita o naririnig.
Shook – Ito ay isang salitang ginagamit ng mga millennial upang ipahayag ang kanilang pagkagulat o pagkabigla.
Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa isang drama na nangyari sa internet, ang halimbawa nito ay ang
screenshots.
Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga millennials na tumutukoy sa mga tsismis na kanilang nakikita sa social
media. Ito ay tinawag na “tea” dahil sa unang letra ng tsismis na “t”.
Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa dramatikong paraan kahit na hindi naman kinakailangan
ang ganoon ka-grabeng pagkilos.
Woke – Tawag sa isang Indibidwal na alam ang mga nangyayari sa lipunan. Ang mga taong “woke” ay karaniwang nagbibigay
alam tungkol sa racism, feminism, sexism, homophobia, atbp.; sila rin ay ang mga taong tumututol sa mga ito.
Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda at positibong bagay ang dumadating sa buhay ng
isang tao. Maaari rin itong magsilbing explanation sa sari-saring positibong nararamdaman ng isang tao.
Lit – ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o pangyayari ay astig.

Kung inyong mapapansin, ang mga salitang ito ay simple lamang at sa katunayan nga ay matagal nang ginagamit ang ilang
sa mga ito. Ganoon pa man ay laganap na ang paggamit ng mga salitang ito sa buong mundo marahil ay nagtataka kayo kung bakit
mas marami na ang gumagamit sa salitang katulad nito kahit na mayroon namang mga salitang o pangungusap na maaari namang
gamitin bukod dito.
Bilang parte ng mga tao na kung tawagin ay “millennial” sa aking palagay, naaapektohan nito ang ating mundo ngayon dahil
kahit ito ay masasabing mga simpleng salita lamang ay nabibigyan tayo nito ng mas madaling paraan upang ipaliwanag ang ating
nararamdaman at ng iba pang mga bagay lalo na sa tuwing ang ating isipan ay naookupa na ng ibang bagay.

"Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials"


ni NICA MOLATE

Ano nga ba ang millennials? madalas natin itong naririnig ngunit karamihan saatin ay di alam ang ibig sabihin nito. Ang mga
millennials daw ay ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang paggamit ng
kompyuter at internet sa kanilang pang araw araw na buhay.

Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay marunong ng gumagamit ng internet at halos taon taon ay mabilis
na nagbabago ang mga teknolohiyang ginagamit natin. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa
ating paligid kaya ang tanong ko sayo, Isa kaba sa mga millennials na napag iwanan na pagdating sa mga nauusong salita ngayon?
Nais mo bang makahabol at maunawaan ang mga salitang karaniwang ginagamit ng iyong mga kakilala lalo na sa social
media? Kung ganon kami ay naglista ng iilan sa mga patok at mga nauusong salita ng mga millennials na maaaring makatulong sayo
upang ika'y makasunod at makaunawa sa kanila.

1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero nanggaling daw talaga ito
sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at naging popular ito lalo dahil ito ang naging tawag kay Pambansang Bae Alden
Richards. Madalas din itong itawag sa mga lalaking may itsura at masasabi nating gwapo.

2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae, naging popular ang
pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o mahinhing
pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay maarte o nag iinarte.

3.GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte
sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na ang ibig sabihin ay mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang
kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.

4. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay Tara, G! pero aminin ang
alam mong ibig sabihin nito ay " Tara, let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara, GAME!" Hahaha 

5. BEAST MODE- Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit na o naiinis.
Posible raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at
nagiging halimaw 
6. NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos, at diskarte na
maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. Kay kung nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na nag
ninija moves, ibig nilang sabihin ay ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng di napapansin.  
3|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
7. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang “walang pakialam,”
“walang pangarap” at “walang kinabukasan.”

8. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekada ‘80, ibig sabihin nito
ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme na!

9. Edi Wow! - ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!" kaya manahimik kana. Ganern.

10. YOLO – You Onlu Live One’s Walang mali kung gusto nating makipagsabayan sa mga uso ngayon, mas makakabuti pa to
saatin dahil nakakasabay tayo sa panahon at hindi napag-iiwanan hindi ba? Kung kayat tandaan ang ito mga bes!

Video Presentation:
 Mga nausong Millennial Slang https://www.youtube.com/watch?v=SdRycY3H7WY

 Millennial Slang, salita ng makabagong kabataan https://www.youtube.com/watch?v=bcgD5nulnCo

 Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-unlad ng wikang Filipino https://www.youtube.com/watch?v=pcOpw0Y8rB4

GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

A. Panuto: Maliban sa mga salita o halimbawang nabanggit sa modyul, mag-isip ng sampung (10) nausong salita at
kung kailan ito nagsimula. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita.

Nausong salita Taon Paliwanag

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

4|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
B. Panuto: Magtala ng sampung salita na sa inyong tingin ay maaaring itanghal na salita ng taon 2022. At pumili ng
isa sa mga ito na nangingibabaw sa lahat at kumpletuhin ang larawan.

PAGTATAYA
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular ay may ilalakip na mga talatanungan sa huling bahagi ng modyul na ito

B. Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang komposisyon na naglalahad at tumatalakay sa isyung “Mga patok at
nauusong salita ng mga Millennials”. Ang sanaysay ay dapat binubuo ng hindi kukulang sa tatlong talata at kada talata ay may
tatlo hanggang limang pangungusap. Kunan ito ng larawan at ipadala sa inyong pinuno bawat pangkat at ang bawat pinuno ng
pangkat ang siyang magpapadala sa Closed Group/ Facebook Group.
Pamantayan ng Pagmamarka
Kaangkupan sa paksa – 40%
Kaangkupan ng mga wikang ginamit – 40%
Kalinawan sa pagpapaliwanag – 20%
Kabuoang bahagdan – 100%

5|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
TAKDANG-ARALIN

A. Ipaliwanag sa sariling pagkakaalam kung ano ang kahulugan o gamit ng mga sumusunod na salita:

indie sine sosyedad


delubyo genre

B. Ipaliwanag sa sariling opinion, “[ka]Pag sinabing ‘indie’ nagkakaintindihan na kung ano’ng klaseng pelikula ang
panonoorin o tatalakayin natin. Kasi nga ay nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng paggagawa ng pelikula”. Ito ay
dapat binubuo ng tatlong pangungusap.

SANGGUNIAN

Mendiola, et. al. 2017. “Makabagong Salita” mula sa https://mendiolah umprey.wordpress.com/2017/10/13/mga-makabagong-salita/


Molate, Nica. 2017. "Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials" mula sa
https://marketersview.wixsite.com/group2/single-post/2017/02/17/Mga-Patok-at-nauusong-salita-ng-mga-Millennials
Nuncio, Rhod V. 2016. “DALUMAT NG WIKA, PILIFILIPINO: Isang Teorya ng Wika” mula
sahttps://kritikasatabitabi.wordpress.com/tag/dalumat-ng-wika/
Aban, E. B. et al, (2010). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. FEU. Manila.
Fortunato, T. F. (2011). Mabisang Pakikipagtalastasan sa Filipino. Rex Bookstore, Manila.
Tumangan, A. P. et. al. (2010). Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasaan). Mutya Publishing House Inc., Valenzuela City.
Dueñas, E. F., et. Al., (2014) Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Katha Publishing Co., Inc. Makati City
KITE E-Learning Solutions, I. (2020). DALUMAT E-Journal tomo 5, bilang 1 (2019). Ipinanumbalik noong ika-28 ng Hulyo 2020, mula
sa https://ejournals.ph/issue.php?id=1133
Magahis, H. A. (2019). PANITIKANG MAPAGPALAYA O MANDARAYA? ISANG HOLISTIKONG KRITIKA SA KASALUKUYANG
PANITIKANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 7-10. DALUMAT E-Journal, 5(1). Ipinanumbalik
noong ika-28 ng Hulyo, 2020, mula sa http://ejournals.ph/form/cite.php?id=13884

6|Pahina Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo
at pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda

You might also like