You are on page 1of 10

Sa mga Mag-aaral,

Isang malugod na pagtanggap sa kursong Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ang kursong ito ay
napapatungkol sa pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan,
katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang Filipino sa mga
sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Ang
paggawa at pagpasa sa mga pangangailangan ng kurso ay siyang
pangunahing susi sa pagpasa ng naturang asignatura. Isa sa tunguhin
ng kurso ang mapalawak ang kaalaman at magkaroon ng sapat na
kakayahan ang bawat mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino
upang makipagsabayan sa globalisasyon.

Pangalan ng Guro

Sa modyul na ito, makikita ang mga sumusunod na bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang tunguhin ng bawat


LAYUNIN
paksa at gawain na inaasahang matamo ng
bawat mag-aaral.

Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga paksa ng


bawat aralin na makatutulong upang maunawaan
NILALAMAN
ang ang mga konsepto at kasanayan na dapat
matamo ng maga-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


PAGTATASA paunang gawain na tatasa sa kaalamang natamo
ng mga mag-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


KARAGDAGANG
karagdagang babasahin, videos at iba pa na
BABASAHIN/PANOORIN
makatutulong sa pag-unawa ng aralin.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga ginamit


SANGGUNIAN
na babasahin sa pagggawa ng aralin at gawain.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


gawaing hahasa at magtataya sa mga
PAGTATAYA
natutuhang konsepto at kasanayan ng mag-aaral.

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 2 | P a g e


LAYUNIN
a. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang
pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon;
b. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag
mula sa mga blog, social media posts at iba pa;
c. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan at anyo, at
pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon; at
d. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang
pangwika sa kulturang Pilipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS


Ayon kay Jomar Empaynado, isang propesor at manunulat, ang sitwasyong pangwika
ay anumang panlipunang phenomenal sa paggamit at paghulma ng wika.

Ayon naman kay Ryan Atezora, na isang akademiko sa Wikang Filipino, ito ay
tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang
status ng pagkakagamit nito.

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Ang telebisyon ang itinuturing na


pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito.
Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o
satellite connection para marating ang malalayong
pulo at ibang bansa.

Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa


telebisyon sa bansa, na ginagamit ng mga lokal na
channel.

Teleserye Noon Time Show Balita Reality Show

Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o


pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manonood
ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino.

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 3 | P a g e


SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO

Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM


(Amplitude Modulation) man o sa FM (Frequency Modulation).

Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng


rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay
karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.

SITWASYONG PANGWIKA SA DYARYO

Wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.

Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila
ang wikang ginagamit dito.
Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
 Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na
naglalayong makaakit agad ng mambabasa
 Ang nilalaman ay karaniwang sensational na naglalabas ng
impormalidad
 Hindi pormal ang mga salita

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang


Pilipino. Wikang Filipino naman ang pangunahing wikang
ginagamit. Malawak ang naging impluwensya ng pelikula. Dahil
sa tulong nito, mas maraming mamamayan ng bansa ang
nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang
nananaig na antas ng Wika ay impormal.

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 4 | P a g e


SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR

FLIPTOP
Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa sa paraang pa- “Ang utak natin
rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang bersyong nira-rap ay parang coke.
ay magkatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad nang Yung iba - sakto,
malinaw ang paksang tinatalakay. yung iba - zero.”
Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat
na iskrip kaya naman kadalasan, ang mga ginagamit na salita
ay balbal. Ang mga nabibitawang salitang mapanlait ay
walaang intensyong personal.
Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at
kung isinasagawa sa wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle”.

PICK-UP LINES
: Alam mo ba kung ano Ito ay makabagong bugtong kung saan
ang pagkakaiba ninyo ni may tanong na sinasagot ng isang pahayag
Dr. Jose Rizal? na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba
pang aspekto sa buhay.
: Ano?
Karaniwang wikang Filipino ang
: Siya, nasa piso. ginagamit ngunit may pagkakataon ding
Ikaw, nasa puso ko. nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.

HUGOT LINES

Ito ang tawag sa mga linya ng pag-


ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes. “Ang pagmo-move on
Karaniwang nagmula sa linya ng ilang ay parang paggising
tauhan sa pelikula o telebisyon, na ng mga estudyante
nagmarka sa puso’t isipan ng mga
sa umaga – mahirap..
manonood.
Minsan, ito ay nakasulat sa Filipino pero kailangan.”
subalit madalas ay Taglish.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Ang pagpapadala ng SMS (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng


komunikasyon sa bansa. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at
natatangap ng ating bansa kaya ang ating bansa ay kinilala bilang “Text Capital of the
World”.
Madalas ang paggamit ng code switching para sa mas madaliang paglalahad ng
mensahe. Kung ano ang mga salitang
komportable para sa user, ito ang
kaniyang ginagamit, sa wikang local
man o banyaga. Madalas pinaiikli ang
baybay ng mga salita. Walang
sinusunod na tuntunin o rule ang
texting dahil personal na kagustuhan
ng user ang paraan ng pag-text na
kaniyang ginagawa.
©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 5 | P a g e
Pagpapakilala ng parilala
Salita Daglat
Laughing out loud LOL
I don’t know idk
Share mo lang/Share ko lang SML/SKL
God Bless you Gbu
To be honest Tbh
Good game GG

Pagbuo ng pangungusap
Helo, sori nw lng me smagot kc bz knina. Anak, sn k?
Hpe gets mo msg q. Kitakits nlng ha?
Wla na me say Gudmurning
Gdnyt bby q Y nmn?

SITWASYONG PANGWIKA SA INTERNET AT SOCIAL MEDIA

Ang internet ang binansagang makabago at


modernong silid-aklatan. Hindi maitatanggi ang talamak na
paggamit ng internet ng mga tao sa anumang edad. Ito ay
nagagamit sa trabaho, pag-aaral, entertainment, at iba
pang mga personal na adhikain at layunin. Internet ang
nag-uugnay ng iba’t ibang lahi sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang tawag sa mga taong
gumagamit ng internet ay netizen. Ingles ang pangunahing wika dito.

Click bait - Ito ang paggamit ng false


advertising, at gumagamit ng hyperlink text at
thumbnail upang makaakit ng mga users.

Ang social media ay tumutukoy sa


sistemang may interactive platform. Ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin
ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang
nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap
na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng
mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.
Mas pinag-iisipang mabuti ang mga
gagamiting salita bago i-post. Karaniwan ding may
code switching.
Ang code-switching ay isang pamamaraan
ng paglalahad na gumagamit sa unang bahagi ng
pangungusap ay nasa isang wika at sa susunod ay
nasa ibang wika.

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 6 | P a g e


PAGTATASA:

Tapusin ang pangungusap:


Ang sitwasyong pangwika ay parang ___________________________________ (dahil)
__________

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________

Halimbawa:

Ang sitwasyong pangwika ay parang OOTD (outfit of the day). Ginagamit natin
ang isang wika depende sa lugar, kondisyon, kapaligiran at sitwasyon. Nagdadamit
naman tayo ayon sa mood, okasyon, at sitwasyon.

MGA KARAGDAGANG BABASAHIN AT PANOORIN


Youtube: Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Komunikasyon at Pananaliksik)
https://www.youtube.com/watch?v=Nhk7s0hjhRc

Youtube: Mga Sitwasyong Pangwika


https://sklthebest.home.blog/2018/10/01/kpwkf-aralin-5-mga-sitwasyong-pangwika/

MGA SANGGUNIAN
Cantillo, M., Gime, A., Gonzales, A. (2015). Sikhay: Aklat sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa ika-11 Baitang. ST. Bernadette
Publishing House Corporation. Quezon City.
Komisyon sa Wikang Filipino (2014). Ortograpiyang Pambansa. Metro Manila.
Padua, Gina (atbp.)(2017). Balintataw (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at kulturang
Pilipino). Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation.

Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng Kulturang Popular(2019).retrieved from:


https://www.academia.edu/31108191/Sitwasyong_Pangwika_sa_iba_Pang_Anyo_ng_Kul
turang_Popular?auto=download
Panggat,Gerard.(2016). Hinggil sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Internet:
Ilang Panimulang Tala Para sa Pangangasiwang Pangwika Retrieved from:
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-III-2016-
107-126.pdf

Teknolohiya at Innovation (2021): https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-meme

Ang mga larawan ay mula sa google images.

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 7 | P a g e


FIRST TRIMESTER SY 2021-2022
Governor Pack Road, Baguio City, Philippines 2600
Tel. Nos.: (+6374) 442-3316, 442-8220; 444-2786; Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
442-2564; 442-8219; 442-8256; Fax No.: 442-6268
Email: email@uc-bcf.edu.ph; Website: www.uc-bcf.edu.ph Pilipino
Grade Level/Section:
MODULE 5 – Kom
Subject Teacher:

Pangalan: __________________________________ Petsa: _____________________

Track/Strand at Taon: _______________________ Marka: ____________________

WRITTEN WORK #5
Subukin Natin!

Pagpipili-pili. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang


pinakatamang sagot. (20 aytem, 20 Puntos)

1. Ano ang tawag sa makabago at modernong silid-aklatan?


a. Museo c. Social Media
b. SNS (Social Networking Site) d. Internet

2. Ito ay isang pamamaraan ng paglalahad na gumagamit sa unang bahagi ng pangungusap


ay nasa isang wika at sa susunod ay nasa ibang wika. Ano ito?
a. Short cut speaking c. Code-switching
b. Code-stitching d. Short Messaging System

3. Ito ay naglalaman ng karaniwang senseysyonal na paksa at naglalabas ng impormalidad.


Ano ito?
a. Poster c. Magazine
b. Internet d. Tabloid

4. Ano ang Wikang nangungunang ginagamit sa mga local na channel sa telebisyon?


a. Conyo c. Filipino
b. Taglish d. Tagalog

5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng palabas sa telebisyon maliban sa isa. Alin ito?
a. Documentary c. Reality Show
b. Amplitude Modulation d. Teleserye

6. Ang “battle league” ay kompetisyon ng ___________. Ano ito?


a. Noontime game show c. Fliptop
b. Filipino Vine d. Akademiya

7. Ano ang tawag natin sa mga sumusunod: GBU, IDK, LOL, ILY?
a. Daglat c. Letter shortcuts
b. Text d. Paraan ng Pag-text

8. Ano ang tawag sa mga taong gumagamit ng internet?


a. Networkers c. Programmers
b. Netizens d. Web designers

9. Ito ang paggamit ng false advertising, at gumagamit ng hyperlink text at thumbnail upang
makaakit ng mga users. Ano ito?
a. Video ads c. Code clicking
b. Click ads d. Click bait

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 8 | P a g e


10. Ano ang ibig sabihin ng “LOL” sa text?
a. Life on living c. Laughing out loud
b. Live out loud d. Loud on laughs

11. Ano ang ibig sabihin ng “GG” sa text?


a. Galunggong c. Good gang
b. Good game d. Galling-galing

12. “Akala ko sa M nagsisimula ang motivation. Sa-U pala.” Ano ang tawag sa pahayag na ito?
a. Fliptop c. Pick-up line
b. Hugot d. Balagtasan

13. Ang kulturang popular na ito ay walang tiyak na paksa. Ano ito?
a. Hugot c. Fliptop
b. Pick-up line d. Balagtasan

14. Ano ang pahayagang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila
ang wikang ginagamit dito.
a. Tabloid c. Billboard
b. Broadsheet d. Gazette

15. Ano ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan?


a. Radyo c. Internet
b. Telebisyon d. Pahayagan

16. Ang ___________ ay madalas gumagamit ng wikang Ingles bilang pamagat.


a. Teleserye c. Dramang panradyo
b. Pelikula d. Dokumentaryo

17. Anong bansa ang tinaguriang “Texting Capital of the World”?


a. Pilipinas c. Korea
b. Estados Unidos d. Pransya

18. Sa kulturang popular, ano ang wikang kadalasang ginagamit?


a. Taglish c. Pormal
b. Tagalog d. Opisyal

19. Sa anong sitwasyon ang hindi ginagamitan ng wikang panrehiyunal?


a. Estasyon sa Radyo (AM) c. Ilang palabas sa telebisyon
b. Lokal na Pahayagan d. Wala sa nabanggit

20. Ito ay anumang panlipunang phenomenal sa paggamit at paghulma ng wika.


a. Kulturang Popular c. wikang Opisyal
b. Sitwasyong Pangwika d. Pagbabago ng wika

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 9 | P a g e


PERFORMANCE CHECK #5
Linangin Natin!

MEMES - isang uri ng nilalamang kumakalat sa pamamagitan ng social sites, na binubuo


at sinasamahan ng mga elemento (halimbawa, isang imahe at isang teksto) sa parehong
makabuluhang yunit, na nagreresulta sa representasyon ng isang ideya, konsepto, opinyon
o sitwasyon. Ang memes ay nakakuha ng malaking halaga bilang isang pagpapakita ng
kultura, dahil hindi lamang sila sumasakop sa isang papel sa digital na lipunan bilang isang
libangan, ngunit nakikipag-usap din sa mga halaga ng opinyon.

PANUTO:
Mag-isip ng napapanahong isyu sa ating bansa. Gumawa ng sariling MEME tungkol
dito. Narito ang ilang mga paksang maaaring pagpilian:
- Memories ng F2F classes noong normal days
- Eleksyon 2022
- Ayuda
- Online classes
- Modules
Tandaan:
1. Gamitin ang sariling larawan sa meme na gagawin. Maaaring gayahin ang itsura o
ekspresyon ng mukha ng pagbabatayang meme.
2. Maging orihinal sa gagawing meme.
3. Isaalang-alang wikang dapat at naaayong gamitin. Huwag gumamit ng anumang uri
ng pagmumura.

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS (MEME)

PAMANTAYAN
NILALAMAN Naipakita nang Naipakita nang Hindi gaanong Hindi naipakita nang
napakahusay ang mahusay ang naipakita nang mahusay ang
paksang napili. paksang napili. mahusay ang paksang napili.
(10) paksang napili. (3)
(7) (5)
PAGKAMALIKHAIN Ang kabuang Ang gawain ay Ang gawain ay hindi Ang gawain ay hindi
at ORIHINALIDAD Gawain ay kakikitaan ng gaanong pinaghandaan.
kakikitaan ng lubos kahandaan at pinaghandaan at Walang kasiningan at
na kahandaan at kasiningan. hindi nakikita ang orihinalidad ang
kasiningan. orihinalidad ng gawain.
gawain. (3)
(10) (7) (5)
PAGGAMIT NG Ang kabuuang Ang kabuang Ang kabuang Ang gawain ay hindi
WIKA gawain ay gawain ay kakikitaan gawain ay hindi kakikitaan ng
kakikitaan ng ng mahusay at gaanong kakikitaan mahusay at wastong
napakahusay at wastong paggamit ng mahusay at paggamit ng
wastong paggamit ng naaayong wika wastong paggamit naaayong wika
ng naaayong wika ng naaayong wika
(10) (7) (5) (3)

PUNTOS = 30

©2021 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 10 | P a g e

You might also like