You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
LSPU Self-Paced Learning Module (SLM)
Course Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Sem/AY First Semester/2021-2022
Module No. 1
Lesson Title Oryentasyon ng Paksa/ YUNIT I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON
Week
1-4
Duration
Date 0ct 4- 30
Ang paksang ito ay tumutukoy sa introduksyon ukol sa nilalaman ng kurso at
Description Oryentasyon ng Bisyon/Misyon ng LSPU,ang pamantayan ng paaralan.
of the A. Mga Konseptong Pang-wika
Lesson 1. Kahulugan, Ebolusyon at Probisyong Pangwika sa Kasaysayan ng Wikang Panbansa.
2. Antas ng Wika at Panlahat na Gamit ng Wika
2.1. Varayti at Varyasyon ng Wika
2.2. Gamit ng Wika ayon kina:
2.2.1. M.A.K.Halliday
2.2.2. R. Jacobson
2.2.3. W.P. Robinson
3. Tungkulin at Gamit ng Wika

Learning Outcomes
Intended Ang mga mag-aral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na layunin:
Learning  Maunawaan ang kahulugan, ebolusyon at probisyong pangwika sa kasaysayan
Outcomes ng wikang pambansa.
 Makapagbabahagi ng kaalaman hinggil sa kasaysayan ng wikang pambansa.
 Makagagawa ng isang reaksyong papel sa patungkol sa kahulugan at
ebolusyong pangwika.
Targets/ Matapos ang aralin ay inaasahan sa mga mga-aaral ang mga sumusunod:
Objectives  Natutukoy ang kahulugan ng wika, dayalek, idyolek at iba pang konseptong
pangwika.
 Nabibigyang pansin ang mga konsiderasyon para sa varayti at varyasyon ng
wika.
 Nababatid ang kahalagahan at kahulugan ng domeyn at rejister ng wika.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Student Learning Strategies

Online Activities WEEK 1: Pagtatalakay sa Misyon, Bisyon, Quality Policy ng Paaralan


(Synchronous/ Pagpapakilala sa Nilamaman ng kanilang asignatura/ Kurso
Asynchronous) Week 2:
Para sa online na talakayan sa pamamagitan ng google meet
 Ang mga mag-aaral ay dadalo ng klase sa pamamagitan ng google meet at
tatalakayin ang Kahulugan, Ebolusyon at Probisyong Pangwika sa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa kabilang ang iba pang uri nito.

 Magsisimula ang online na talakayan sa _____________________________ mula


________________________
Mga gabay na tanong:
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng Wika sa sariling pangungusap.
2. Ano-ano ang mga katangian ng wika?
3. Bakit sinasabing buhay ang wika? Ipaliwanag
4. Paano nagkakaugnay ang wika at kultura?

WEEK 3
Mga gabay na Tanong:
1. Ano ang pinasok na wika nang dumating ang mga Kastila sa ating
bansa?
2. Paano umunlad ang wika sa panahon ni Dating Pangulong Manuel L.
Quezon
3. Bakit tagalog ang napiling batayang wika?
4. Ano- ano ang mga tiyak na layunin sa pagpapaunlad ng wika
5. Sa iyong palagay taos na ba sa puso ng mga Pilipino ang pagtanggap sa
pambansang wikang iniugat sa Tagalog?

Offline Activities
(e-Learning/Self- WEEK 1
Paced) 1. Ano ang kahalagahan ng Misyon at Bisyon ng Paaralan?
2. Ipaliwanag ang Quality Policy ng Paaralan.
3. Para sa iyo paano mo matatamo ang kalidad na edukasyon na ninanais
ng paaralan para sayo.

WEEK 2
Paksa: Kahulugan, Katangian at Teorya ng Wika

Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap at MALI
kung hindi wasto ang kaisipan.
________1. Sa edad na isang buwan, marunong na ngmakipag-usap ang bata.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
________2. Nakatutulong ang pakikipag-usap sa sanggol sa pautal na paraan.
________3. Higit na napalalapit ang sanggol sa ina sa pamamagitan ng madalas na
pagyakapat pagkausap ng ina sa sanggol.
________4. Makatutulong ang madalas na pagtata- nong sa bata sa pagkatuto niya
ng wika.
________5. May mahalagang tungkulin ang ina sa mabilis na pagkatuto ng wika ng
bata.
________6. Masasabing may konsistensi na sa panggagaya ng mga kilos ang
batang may edad na isang taon.
________7. Sa teoryang pooh-pooh, tinalakay na nagmula ang wika sa pagtahol ng
aso.
________8. Ipinaliwanag ni Werner na may iba't ibang antas sa pagkatuto ng wika
ang isang bata.
________9. Kailangang kausapin ang bata na kapantay ng matanda upang maayos
niyang matu- tuhan ang wastong pagbigkas ng mga salita.
________10. Noong unang panahon, sinasabing iisa lamang ang wika sa buong
daigdig ngunit ito'y nabago nang bumagsak ang Tore ng Babel na itinayo ng
mga sinaunang tao.

WEEK 3

Panuto: Isulat ang (T) kung makatotohanan ang pahayag at (M) kung hindi.
_______1. Ang Pilipinas ay binubuo ng 1,077 mga pulo na nahahati sa tatlong
malalaking pulo.
_______2. Batay kay Sibayan humigit kumulang 90 bahagdan ng papulasyon sa
bansa ay nagsasalita ng lima sa siyam na pangunahing wika
_______3. Batay sa kasaysayan, may mga dayuhang may iba't ibang dalang
kulturang Pangwika.
_______4. Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung
wikain.
_______5. Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika sa Pilipinas
sa taong 1897.
_______6. Layunin ng Akademya na mapayaman ang wikang arabo.
_______7. Ang panukalang batas Blg. 557 ay nag-uutos na gamiting panturo ang
mga katutubong pangwika simula taong 1932-1933.
_______8. Lima sa mga hinirang na kinatawan ng SWP ang hindi nakaganap sa
kanilang tungkulin.
_______9. Isa sa mga naging batayan sa pagpili ng tagalog ay dahil mas madaling
matutunan ang tagalog kaysa sa ibang wikain.
_______10. Si Dr. Pamela Constantino ang nagsulat ng artikulong "Wikang
Filipino Kasangkapan sa pagpapapalaganap ng Idelohiyang Pilipino.
_______11. Ang Filipino at Pilipino ayon kay Constantino ay magkaiba ng
konsepto.
_______12. Ang Pilipino ay nakabatay sa tagalog bilang pambansang wika.
_______13. Ang Filipino ay bunga ng ebulusyon ng wikang tagalog.
_______14. Ang deklarasyon ni Gloria Macapagal Arroyo sa E.O 210 ay salungat
sa katotohanang paigtingin ang pagpapapalaganap ng wikang Filipino.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
_______15. Malaki ang pagkakatulad ng proseso ng paggamit ng salita sa
cellphone at pagbabaybay gamit ang alibata.

IV – Mag-aral tayo!

WEEK 2
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay gamit sa komunikasyong binubuo ng mga letra at mga
panuntunan sa balarila. Ibig sabihin, ang lahat ng bagay at kaisipang nais nating
bigyang anyo ay kinakatawan ng wika. Ang wika rin ay daluyan ng
komunikasyon. Ito ay nagagamit ng tao sa iba’t ibang pagkakataon sa buhay
gaya ng: pakikiharap sa kapwa (social relation), hangaring political (political
ambition), pagtatamo ng karunungan (education), at pakikitungo sa Lumikha
(spiritual relation to God).

“Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog sa


paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipag-komunikasyon ng mga taong
kabilang sa isang kultura”.

Ang arbitraryo ay pagsasaayos ng mga tunog sa paraang


pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. May mga salita sa
ibang lugar na iba ang kahulugan o katawagan sa ibang bahagi.

Hal.
Bikol Tagalog Pampango
tanga langgam panay
lubot puwit buldit
talinga tainga balugbog
saod palengke mercado
nag-aki nanganak menganak

“Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng


kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na
kaparaanan sa lumikha ng tunog. Sa madaling sabi, ito ay para sa tao na
ginagamit niya sa obhektibong pamamaraan ng pagpapahayag ng kanyang
opinyon, nararamdaman, maging ng kanyang mga pangarap o adhikain”.

Kung gayon, mahalaga ang wika para sa personal na pangangailangan ng


isang tao upang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang isang
indibidwal.

, “Ang wika ay kabuuan nga mga pinagsama-samang tunog na sinasalita

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
ng isang grupo ng tao at naging dahilan ito ng kanilang pagkakaugnay-ugnay,
pagkakaintindihan, pagkakaisa, pagkakapalagayang loob at maaari din namang
hindi pagkakaunawaan.

Sa madaling sabi, bagaman gamit ang wika sa positibong pagkakataon,


may mga pagkakataong nagiging sanhi rin ang wika ng hindi pagkakaunawaan,
pagkakaisa at paghihiwalay depende sa pamamaraan ng paggamit ng wika
kaya’t marapat lamang ng maging maingat at responsable sa paggamit nito.

Ang paggamit ng wika ay depende sa kulturang ating kinagawian at


kinabibilangan. Ito’y tinutukoy na METALINGGWISTIK na aspeto ng wika na
kung saan, ang wika ay maiuugnay sa kontekstong kultural”.

Kung gayon, ang wika at kultura ay may kaugnayan sa pagkatuto at ang


pagkaunawa dito ay depende sa “kulturang nakagawian”.

Sa kontekstong kultural, hinihingi sa kultura ang pagsunod sa kanilang


kinaugalian o kinagawian.

Halimbawa:
May kaugaliang ipinagbabawal ang pagkain ng karne ng baboy dahilan
sa kanilang paniniwala, samantalang takam na takam ang iba sa pagkain ng
nilutong putahe nito.

May lipunang ikinahihiya ang ikalawang pagdulog sa mesa o ikalawang


pagkuha ng pagkain sa mesa, samantalang ikinatutuwa naman ito ng iba bilang
tanda na masarap ang luto ng naghanda.

Mayroon ding lipunang itinuturing na hindi karapat-dapat ang


pakikipag-usap nang bulungan sa karamihan ng tao lalo na kung may ibang
kaharap.

Sa mga halimbawang binanggit, nagpapatunay ito na ang tao ay may


kani-kaniyang kinabibilangang kultura kung kaya’t ang pagkatuto sa wika ay
masasabing naaayon sa kinagawian o kinabibilangan.

Totoo ang sabi ng ibang nandarayuhan na sa ibang bansa na maaari


kang mabuhay nang wala ang iyong mga kaibigan ngunit hindi ka
makakasurvive doon kung hindi mo makakain ang mga pagkaing iyong
nakagawian bilang bahagi ng iyong kultura.

KLASIPIKASYON NG WIKA
Ayon sa mga linggwista, ang wika ay may dalawang pangunahing
Sistema ng pagkaklasipika:

1. Tipolohikal na klasipikasyon
Ang salitang tipolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga uri. Sa
klasipikasyong ito, inuuri ang mga wika ayon sa katangiang istruktural,

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
pagkakasunod-sunod, distribusyon ng mga salita sa pangungusap at
morpolohikal na katangian.

Sa istruktural na pagkakasunod-sunod ng mga salita sa loob ng


pangungusap, dapat gawin nang tama at maayos ang ugnayan ng mga salita
upang maging mabisa ang isang diskurso o pahayag.

Ang sumusunod ay mga patnubay upang magkaroon at mapanatili ang


tamang pag-uugnayan ng mga salita sa loob ng isang pahayag.

A. Ang panuring ay dapat na malapit sa salitang tinuturingan.

Halimbawa:
1) Higit na maunlad ang lungsod ng Naga kaysa sa lungsod ng Iriga.
2) Ang LGU ng lungsod ng San Pablo ay laging tumutulong sa mga
mamamayang nangangailangan ng kawanggawa.

B. Iwasang maglagay ng sugnay na pang-abay (adverbial clause) sa


pagitan ng tambalang panaguri.

Halimbawa:
Mali: Ang globalisasyon ay daan tungo sa malayang kalakalan kung
maisasagawa nang matagumpay at tulong sa mga bansang nagpapaunlad ng
kabuhayan.

Tama: Ang globalisasyon ay daan tungo sa malayang kalakalan at tulong sa mga


bansang nagpapaunlad ng kabuhayan kung maisasagawa nang matagumpay.

C. Gawing malinaw ang kaugnayan ng paksa at panaguri sa


pangungusap.

Halimbawa:
Si Jose ay niyaya nilang maligo sa Misibis Bay sa Albay.

D. Ang panaguri/paksang gumaganap ng kilos ay di-dapat ipahayag sa


pokus na tagaganap ng pokus ng pandiwa.

Halimbawa:
Mali: Ang panitikan ay ipinaalala sa atin ang mga nagdaang pangyayari
sa ating bansa.

Tama: Ang Panitikan ay nagpapaalala sa atin ng mga nagdaang


pangyayari sa ating bansa.

2. Genetic na Klasipikasyon
Ang klasipikasyong ito ay nakabatay sa pag-unlad ng wika. Ang pangkat ng mga
wikang nagmula sa iisang ninuno ng mga wika ay maituturing na kabilang sa
iisang pangkat.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Ang Pinagmulan ng Wika


Lahat ng nilalang ay may kanya-kanyang estilo ng pakikipagtalastasan,
ngunit paano nagkaroon ng wika upang magamit sa pakikipagtalastasan? Hindi
likas sa tao ang wika ngunit dahil sa kanyang pakikihalubilo sa tao, natutunan
niya ang wika ng kanyang lipunan. Ang kakayahang ito na matutunan at
magamit ang wika ay bahagi ng gampanin ng utak ng tao na gumagana bilang
isang kasangkapan sa pagkatuto ng wika. Tinatawag ito ni Chomsky na
Language Acquisition Device (LAD).

Kung gayon, naninindigan ang teoryang ito na ang tao ay isinilang sa


sangmaliwanag na may likas na kakayahang matuto ng wika, turuan man tayo o
hindi.

Mga Pangunahing Batayan sa Pinagmulan ng Wika

1. Biblikal na Batayan

Ang wika ay bigay ng Panginoong lumikha.


Ipinahayag sa Genesis 2:20 na binigyan ng Diyos si Adan ng tungkuling
pangalagaan ang lahat ng nilikha sa mundong ibabaw. Kabilang sa tungkuling
ito na pangalagaan ang lahat ng nilalang sa daigdig. Ito ay nagpapatunay na
may likas na kakayahan ang tao na gumamit ng wika.

2. Natural Evolution Theory


Sa punto ng ating ebolusyon, ipinakita na nadedebelop sa tao ang
utak dahil ang paglikha at paggamit ng wika ay natutunan. Malinaw na nag-
ebolb ang kakayahan ng isang tao sa wika. Kapag nahuhubog na ang
bayolohikal at nyurolohikal na kakayahan sa wika, ang pagbibigay depenisyon
o kahulugan sa mga ito ang susunod na matututunan tao.

Ang mga antropologo ay naniniwala na ang wika ng mga kauna-unahang


tao sa daigdig kung mayroon man, ay isang wikang halos katulad ng sa mga
hayop. Sa puntong ito, ang tao ay nasa uring hayop din, subalit ang tao ay
nilikhang may mataas na antas ng talino at pag-iisip kaysa sa hayop. Ang
talinong ito ay dahilan upang makatuklas nga sila ng mga paraang
makapagpahayag. Ang pagkatutong ito ay nagsimula nang matutunan nilang
pagalawin ang ilang bahagi ng kanilang katawan tulad ng:

Ulo: ang pagtango ay ginagamit para sa affirmative na pahaayg at pag-iling


naman nito sa negative o di-pagsang-ayon o kaya’y pagtanggi.

Balikat: Ang pagkibit-balikat ay ginagamit upang magpahayag ng kawalan niya


ng pakialam o kaya’y wala siyang alam sa pinag-uusapan o itinatanong sa
kanya.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Kamay: Sa pagkumpas ng kamay, naipahahayag naman ang kanilang pagtawag,
pagnanais tumugon o dahil siya’y may kailangang linawin sa pinag-uusapan.

Sa sinasabing dulot ng pangangailangan at pagnanais ng tao na


makapagpahayag ng damdamin, natutuhan ng tao na gayahin ang tunog o huni
ng mga hayop sa kalikasan tulad ng:

1. Huni ng ibon. Ang tao ay gumagaya sa huno ng ibon dahil sa nais nilang
ipadama ang kanilang kasiyahan. Sa kasalukuyang panahon, ay ganoon din
ang mga binata, kapag may dumaraang magandang binibini sa harapan nila
ay humuhuni sila tulad ng ibon upang maipahayag ang kanilang paghanga.
2. Sa Tilaok ng manok o pagputak ng inahing manok. Ginagaya ito ng tao
upang tularan ang manok sa pagputak nito bilang tanda ng pangingitlog.
3. Dagundong ng kulog. Kapag nagagalit ang mga tao noon pinagagaralgal nila
ang kanilang boses sa lalamunan tulad ng tunog ng kulog upang takutin
ang mga bata sa oras na hindi sumusunod ang mga ito sa kanilang mga
magulang.
4. Huni ng tuko. Ang panggagaya ng tunog na nalilikha ng tuko ay binibigyan
katumbas na iinit, uulan, iinit, uulan. Kung sa huling huni ng tuko ay sa
iinit, pinaninindigan ng tao na magiging mainit ang panahon. Subalit kung
nagkatotoo man ang kanyang palagay ito’y maituturing na coincidence o
nagkataon lamang.

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika


Sa dakong huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, noong ang mga
matatalino o iskolar ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang mga tao ay
nagkaroon ng wika, nabuo ang mga sumusunod na teorya:

1. Dingdong
Sa teoryang ito pinaniniwalaang ang unang wika ng mga tao ay nabuo mula sa
mga tunog na naririnig. Ang mga tunog na ito na ginagaya ng tao ay mga verbal
icons na nagbibigay anyo sa mga bagay na may kaugnayan dito.

Halimbawa:
Tunog Kahulugan

a. Boom para sa pagsabog


b. Blag kapag may nahulog
c. Ring kapag may tumatawag
d. Pak Pak kapag may pinapalo

2. Pooh Pooh
Sa teoryang ito pinaniniwalaang natutong magsalita ang mga tao dahil
sa matinding damdamin tulad ng sakit, saya , pagtanggi, at pagsang-ayon.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Damdamin Kahulugang

a. Ha…ha…ha… saya
b. Hu…hu…hu pag-iyak
c. Ayaw ko… pagtanggi
d. Yehey! pagkatuwa

3. Bow-Wow
Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang wika ay nabuo dahil sa panggagaya
sa mga tunog ng mga hayop.

Halimbawa:
Pilipino Chinese Japan Russian
Bow – wow Wu – wu Wan – wan Gaf – gaf
Meow Mao Nya – nya Myaoo
Oink oink Oh – ee – oh – ee Bu – bu Hryu – hryu
Kotat Kukareiku Kokekoo

4. Ta – ta
Ang teoryang ito ay likha ni Charles Darwin sa paniniwalang ang wika ay
nag-ugat sa mga kilos at pagkumpas kasabay ng pagbuka ng bibig. Kaya ang
wika ay nadedebelop hango sa kumpas na ginagaya ng ating bibig (first words
were lip icons of hand gestures) Ang “TA – TA” ay galing sa salitang Pranses na
ang ibig sabihin ay “goodbye o paalam”.

Halimbawa:
a. Kapag nakahawak ang kamay sa mainit na bagay, kagyat na
masasaktan at maibubulalas ang ARAY!
b. Ginagamit ang kamay sa pagpara o pagpapahinto ng sasakyan
kung nais sumakay.
c. Ginagamit ang pagkaway tanda ng pamamaalam sa isang
papalayo o papaalis na kaibigan.

5. Toeryang Yum – yum


Mga salita itong nalilikha ng tao sa bawat panahon tulad ng:

Lispu - pulis erpat - ama


Jaguar - guwardiya mano’ - kapatid ng lalaki
Atik - kita mana’ - kapatid na babae

6. Yo-he-yo
Pinaniniwalaang natutong magsalita ang tao bunga ng kanyang
puwersang pisikal lalo na sa mga pagkakataong puwersahang magbubuhat ng
mabigat na bagay, sumusuntok at maging sa panganganak ng ina.

Gawaing Pisikal Reaksyon


a. Pagsuntok hu-hu-hu; bug,bug

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

b. Pangangarate ya-ya-ya
c. Pagbubuhat ng mabigat o-o-p-s

7. Teoryang Ta-ra-ra-bom-de-ay
Ito ay may kinalaman sa gawaing ritwal na kung saan, ang pakikidigma,
pangingisda, pagluluto, paglalaba, paggamot ng albularyo, paglilinis ng bahay
ay sinasabayan ng pag-awit, sayaw, bulong o incantations at pagsigaw.

Halimbawa:
a. paghehele
b. paglilinis ng bahay habang kumakanta
c. paglalaba habang kumakanta
d. pag-aani habang kumakanta

8. Teoryang Primmitichus (Hari ng Ehipto)


Ayon sa kanya, natututong magsalita ang tao kahit wala itong naririnig
na wikang sinasalita sa kanyang paligid. Ito ay bunga ng ginagawang
eksperimento ng hari na kung saan, kumuha siya ng dalawang sanggol at
pinaaalagaan sa ibang pook na walang naririnig na usapan ng mga tao, upang
alamin kung anong wika ang kanilang matutunan. Mula sa pag-aaral na ito, ang
unang wika na nabigkas ng dalawang sanggol ay “BEKOS” na wikang Pyrygean
na ang ibig sabihin ay “bread” o tinapay.

Mga Katangian ng Wika


ANG WIKA AY TUNOG. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang
natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na
paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng mga titik.

ANG WIKA AY ARBITRARYO. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y


maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin

ANG WIKA AY MASISTEMA. Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay


makakabuo ng makahulugang yunit ng salita , gayundin naman, kung
pagsasama-samahin ang mga salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala.

ANG WIKA AY SINASALITA. Nabubuo ang wika sa tulong ng iba’t ibang


sangkap ng pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala, at
lalamunan.

ANG WIKA AY NAGBABAGO. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy


rin itong nagbabago.

ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA – Ang kultura at wika ay dalawang


bagay na di mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng kultura.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
ANG WIKA AY MALIKHAIN – Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang
bilang ng mga salitang maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita,
ipinapahayag natin ang ating mga sarili sa ibat-ibang paraan.

ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN – Sinuman ang epektibong gumamit ng


wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o kapangyarihan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG LUMIKHA – Ang wika ay


nagsisilbing kagamitan sa paglikha ng ating mundo sa pamamagitan ng
pagtawag o pagleleybel sa ating mga karanasan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA KAISIPAN AT


PAGKILOS – Ang pagkakaugnay ng pamilya o sistema ng pagkilala ng kulay ay
nag-iiba mula sa isang kultura. Ito ay ilan lamang sa mga hal. Kung paano
hinuhubog ng kultura ang ating pag-iisip.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA POLISIYA AT


PAMAMARAAN – Gamit ang wika ay nagagawa ng tao na magpahayag ng
kanyang nararamdaman at naiisip.Nagagawa rin niyang maisakatuparan ang
kanyang mga balakin at ang kanyang mga panaginip ay nagiging realidad.

WEEK 3
Tungkulin at Gamit Wika ng wika.

Mahalagang instrumento sa pakikipagtalastasan ang wika. Dito nag- uugat at


nabubuo ang kultura ng isang bansa ayon na rin sa pamantayang katulad ng
paniniwala, tradisyon, pagsasamahan, uri ng pamahalaan, pag- uugali at iba pa.

Ang kahulugan ng sinasabi ng isang nakikipagtalastasan ay nasa paraan at anyo


ng pagsasalita. Samakatwid, sa pakikipagtalastasan, kailangang mabatid ng
isang nagsasalita ang mga paraan ng paggamit ng wika. Batay sa mga pag-aaral
ni Jacobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) - ginagamit ang wika upang


palutangin ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa: Nakikiisa ako sa mga adhikain ng ating pamunuan.

2. Panghihikayat (conative) - ginagamit ang wika upang mag-utos,


manghikayat o magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang
katahimikang ating ninanais.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) - ginagamit ang wika bilang


panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming mga krusada. nagmula
sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

4. Paggamit bilang sanggunian (referential) - ginagamit ang wikang


Halimbawa: Ayon kay Don Gabor, sa kanyang aklat na Speaking Your
Pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas. ng
pinagmulan ng kaalaman. Mind in 201 Difficult Situation, may anim na paraan
kung paano magkakaroon ng maayos na pakikipagtalastasan,

5. Pagbibigay ng kuru-kuro (metalinggwal) – ginagamit ang wika sa

Halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komonwelt


Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa
na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino.

6. Patalinhaga (poetic) – ginagamit ang wika sa masining na paraan ng


pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya
maikakaila na nananalaytay sa kanyang mga ugat ng dugong naghasik ng lagim
sa puso ng bawat pilipino noong panahon ng digmaan.

Sa kabilang dako, si M.A.K. Halliday ay nagbigay rin ng pitong tungkulin ng


wika na inilahad niya sa Explorations in the Functions of Language (1973)
1. Pang-instrumental. Ito ang tungkulin ng wika upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga
katanungan na kailangang sagutin; pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang
produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto; paggawa ng liham
pangangalakal; liham sa patnugot, at iba pa.

2. Panregulatori. Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng iba tao,


Saklaw ng tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung
saaan matatagpuan ang isang partikular na lugar; direksyon sa pag-inom ng
gamot; direksyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng
anumang bagay. Halimbawa rin ng tungkuling panregulatori ang mga
instruksyon sa mga artistang gumaganap sa drama sapagkat kontrolado ng
iskrip ang kanilang mga
at galaw.

3. Pang-interaksyon. Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan


pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o ng iba .
pakikipagtalo; tungkol sa partikular isyu; pagsasalaysay kapalagayang loob;
paggawa ng liham pangkaibigan

4. Pampersonal. Naipahahayag sa tungkuling ito ang sariling pala. palagay o


kuru-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito pagpapahalaga sa
anumang anyo ng panitikan.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
5. Pang-imahinasyon. Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa
paraang pasulat o pasalita. Karaniwang mababasa imahinasyong nilikha ng
isang tao sa mga akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kuwento, dula,
nobela at sanaysay. Makikita at pagsasalita pagiging malikhain ng isang tao sa
pagsasalaysay man o paglalarawan ang pagsulat ng talaarawan o journal.

6. Pangheuristiko. Ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap


ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag- aaralan. Kabilang dito
ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na kailangan sa
paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; pagbabasa
ng pahayagan at mga aklat. Nakakukuha tayo ng mga impormasyon sa mga
nabanggit na sanggunian.

7. Pang-impormatibo. Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng


impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Kabilang sa bahaging ito ang ulat,
pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo

EBOLUSYON AT PROBISYONG PANGWIKA SA KASAYSAYAN NG WIKANG


PAMBANSA
PAG-USAPAN NATIN..

Ang Pilipinas ay binubuo ng 1,707 mga pulo at ito ay nahahati sa tatlong


malalaking pangkat, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ang tatlong malalaking
pangkat na ito ay kinabibilangan ng labing anim (16) na rehiyon. Ang Pilipinas
ay isa sa mga bansang napakaraming wika.

Ayon sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroon nakatalang 168 na buhay


na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon itong
144 na buhay na wika. Batay kay Sibayan (1974) humigit kumulang 90% ng
populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika.

Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung wikain (80).


Siyam rito ang sa ngayon aykinikilalang pangunahing wika.
Tagalog Kapangpangan Cebuano
Ilocano Bicolano Pangasinense
Bisayang Waray Maranao Bisayang Hiligaynon

Sa kasaysayan ng Pilipinas, nagdaan tayo sa iba't ibang proseso para sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Sa paglipas ng mga taon, bago pa man
nakamit ang kalayaan, ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay maraming
wikaing ginagamit. Ito ang naging dahilan upang hindi magkaunawaan ang mga
mamamayan na siyang naging sanhi ng alitan at samaan ng loob. Batay sa
kasaysayan, may mga dayuhang may iba't ibang dalang kulturang pangwika
tulad ng Indones, Malay, Tsina, India at Arabia na nakaimpluwensya sa mga
Pilipino na nagpalubha nang husto sa mga suliranin, sa di pagkakaunawaan ng
mga mamamamayan.

Hindi rin napahinuhod ng mga dayuhan ang mga mamamayang Pilipino na

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
sumunod sa kanilang kagustuhan, ginamit ng ating mga bayani ang kanilang
katapangan, paninindigan at karapatan upang maipakita ang kanilang
pagkakaisa. Ito ang naging dahilan upang ang damdaming makabansa at ang
pagkakaroon ng sariling wika ay nadama na natin bago pa man tayo sakupin ng
mga Kastila.

Narito ang mga pangyayaring nagmarka sa kasaysayan:


1897
Batay sa saligang Batas sa Pakto Biak na Bato, may ginamit na itong probisyon
na nagsasaad ng ganito: "Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal
na wika sa Pilipinas."

1903
Pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano, naging maalab ang
pagnanasa ng pagkakaroon ng sariling wika at maraming samahang
pangwika ang lumitaw tulad ng Kapulungan ng Wikang Tagalog, Aklatang
Bayan, Samahan ng Mananagalog at iba pa.

1915
Ang Akademya ng Wikang Tagalog ay gumawa ng panghihiram ng mga salita
mula sa iba't ibang katutubong wika sa Pilipinas. Layunin nitong
mapayaman ang Tagalog.

1925
Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational Commission at sa pagsuporta ng
Amerikanong bise-gobernador ng Pilipinas noon, lumabas ang Panukalang
Batas Blg. 557 na nag-uutos na gamiting panturo ang mga katutubong
wika simula sa taong1932-1933.

1935
Sa Saligang Batas ng Pilipinas (Seksyon 3, Artikulo XIV), nasasaad na ang
kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.

1936
Batay sa talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Asembleya Nasyonal,
nagtagubilin siya ng paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
siyang mangunguna sa pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas at
kanyang pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na kumikilala sa kanilang
mga tungkulin;
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino;
2. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;
3. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng pangunahing
Dayalekto.
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng Wikang
Pambansana dapat umaayon sa:

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
a. Pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
b. Wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.

1937
Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pitong pantas-wika na Pilipino
upang bumuo ng kauna-unahang pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ang pitong napili ay kakatawan sa pitong lalawigan ng iba't iba ang katutubong
wika.
Jamie C. De Veyra Tagapangulo (Bisaya-Samar)
Cecilio Lopez Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Tagalog
Santiago Fonacier Kagawad Ilocano
Casimiro E. Perfecto Kagawad Bikol
Hadji Butu Kagawad Muslim
Filimon Sotto Kagawad Cebu-
Hiligaynon
Felix Salas Rodriquez Hiligaynon Kagawad Hiligaynon

Dalawa sa mga hinirang ng pangulo ang hindi nakaganap ng kanilang tungkulin.


Sina Haji Butu at Filimon Sotto. Ang una ay pumanaw na at ang huli ay dahil na
sa kanyang kapansanan. Pinalitan sila bilang karagdagang kagawad sa lupon,
sila ay sina:
Lope K. Santos Tagalog
Jose I. Zulueta Pangasinan
Zoilo Hilario Kapampangan
Isidro Abad

Sa mga bumuo sa Surian ng Wikang Pambansa, mapapansin na ito ay mula sa


iba't ibang rehiyon na nagsasalita ng iba't ibang wikain. Sa ginawang ito,
maiiwasan ang pangingibabaw ng rehiyonalismo.

Sa pag-aaral na isinagawa, Tagalog ang halos nakatutugon sa hinihingi ng Batas


Komonwelt Blg. 184 kung kayat itinagubilin na pagtibayin na ang Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ilang dahilan kung bakit
Tagalog ang napiling batayang wika ay ang sumusunod:
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara
sa ibang wika.
2. Mas madaling matutunan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain
sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat.
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang ng kalakalan sa
Pilipinas.
Sentro
4. Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang
wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
5. May mga aklat na pangramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
Dahil sa pagsusumikap na ito ni Pangulong Manuel L Quezon na magkaroon
tayo ng pagkakakilanlan, siya ay hinirang na "Ama ng Wikang Pambansa."

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
1940
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ang pangulong Manuel L.
Quezon ay pinahintulutan ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-
Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa. Sa kautusan ni Kalihim George
Bocobo, ipinag-utos niya na ituro ang wikang Pambansa sa mga paaralang
pampubliko at pampribado. Sa taon ding ito pinagtibay na ang wikang
Pambansa ay isa nang wikang opisyal ng Pilipinas

1959
Sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg.7, ipinag-utos ng Kalihim Jose
Romero ng kagawaran ng Edukasyon na kailan ma'y tutukuyin ang wikang
pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.

1970
Batay sa resolusyon Bilang 70, ang wikang pambansa ay naging wikang
panturo sa elementarya, kolehiyo at unibersidad.

1972
Batay sa Kautusang Panlahat Blg. 17 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
Marcos, ipinag-utos niya na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Oficial Gazette
at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos
ang plebesito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas.

1973
Sa Saligang Batas, Artikulo XV, seksyon 3, ganito ang nakasaad. Ang saligang
batas na ito ay dapat ipahayag sa wikang Ingles at Pilipino, ang dapat na
mga wikang opisyal at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit
na limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may
hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.

Ang pambansang Asembleya ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na adaptasyon ng panlahat na wikang pambansa na
makikilalang Filipino.

Sa talumpating binigkas ng Pangulong Marcos sa pagsasara ng pansiyam na


pambansang gawaing pangkapulungan, binigyang-diin niya ng paggamit ng
bilinggwal.

1974
Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon bilang bilinggwal sa mga
paaralan na magsisimula taong aralan 1974-1975.

1978
Nilagdaan ng kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon ang kautusang Pangministri
Blg. 22 na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi ng kurikulum na
pangkolehiyo, simula sa unang Semestri nang taong 1979-1980. Ituturo ang

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
anim na yunit ng Filipino sa kolehiyo at 12 na yunit sa mga kursong Edukasyon
sa lahat ng mataas na edukasyong institusyon.

1986
Nang sumiklab ang Edsa Rebolusyon noong Pebrero 25, sa taong ito, nang
maluklok ang pangulong Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas ay
nabagong muli ang konstitusyon.

1987
Sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9, binigyang diin ang
tungkol sa wika.

Sek. 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang
pang-edukasyon.

Sek. 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal Ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga
Wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang
kusa at Opsyunal ang Kastila at Arabic.

Sek. 8
Ang konstitusyong ito ay dapat na ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat Isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9
Itatatag ng kongreso ang isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng ibat ibang rehiyon at larangan ng karunungan na
magsasagawa, makikipag-ugnayan at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika, para mapaunlad, mapalaganap at
mapangalagaan ang mga wikang ito. Sa taong din ito ipinag-utos ng Kalihim ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan, Lourdes R. Quisumbing, sa Kautusan Big.52
ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan kaalinsabay ng paggamit ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng
Edukasyon Bilinggwal.
Kaugnay nito, sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (SWP)
sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng Bagong
Alpabeto at patnubay sa pagbaybay ng wikang Filipino.

ANTAS NG WIKA AT PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Paglilinaw sa Ilang Mahahalagang Konsepto

Ano nga ba ang wika at kung paano ito naiiba sa iba pang katawagang
pangwika gaya ng dayalek, idyolek at iba pa? Kailangan ang isang malawakang
pag-aaral at pag-aanalisa kaugnay ng mga ito:

Varayti at Varyasyon ng Wika

Wika, Dayalek, Idyolek at Iba pa.

Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang


sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.

Bouman (1990) naman ang nagsabing ang wika ay isang paraan ng


komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at Biswal na signal para
makapagpahayag.

Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at


naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas
na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga
sangkap ng pananalita.
Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleaso (1961) sa
wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinsalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.

ANTAS NG WIKA
1.Pormal – Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala,tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika.
a)Pambansa – Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at
pamahalaan.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
b)Pampanitikan – Mga salitang malalalim,matatalinhaga at masining at
kadalasang nakikita sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula,maikling
kwento,nobela at iba pa.

2.Impormal – Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pang- araw-


araw ng pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.
a)Lalawiganin – Mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala sa
pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita.
b)Kolokyal – Mga salitang may kagaspangan ayon sa mga taong
gumagamit nito.Maari pakinisin ng taong nagsasalita.Hindi pinapansin ang
wastong gamit ng gramatika
na tinatangap sa kasalukuyang panahon.
c)Balbal/Barbarismo o Jargon – Ito at katumbas ng slang sa
Ingles.Hindi sumusunod sa wastong gramatika at kadalasang sinasalita ng mga
taong di nakapag-aral,pinakamababang antas ng wika
Dayalek

Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig


sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng
taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na
iba-iba ang punto. May tinatawag na puntong bulacan, puntung bisaya,
pungtong bicolo puntong maranao. May mga ilan namang gumagamit ng ibang
salita para sa isang kahulugan lamang.

Varayti at Varyasyon

Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang varayti. Ang varayti ay itinuturing na


higit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na istilo ng prosa o
istilo ng wika. Ang ilang halimbawa ng varayti ay ang mga sumusunod.
Idyolek

Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t
ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito
ay gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.

Dayalek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong


komunidad. Sa puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek
ng isang wika ngunit nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang
kanilang naririnig. Maari ring iba ang kahulugan ng kanilang salita sa salitang
ginamit ng iba. Maari rin namang ang pagkakaiba ay nasa pangungusap na
kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ialang bayan ng Nueva Ecija ay may salitang
hinuhunlapian ng ye. Idinudugtong ang salitang ito sa isang salita gaya ng:

1.1 Kumain na akoye.

1.2 Ikaw baye ay hindi sasama?

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Kahit hindi mo itanong, malalaman mong taga-Batangas ang kausap mo kung
gumagamit siya ng salitang ga tulad ng:

1.3 Paano baga pumunta sa Subic?

1.4 Ano baga itong nangyayari sakin?

Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro
niyang sinasabi na may varayti ng wika ang grupo ng iba’t ibang uri o
klasifikasyon ng mga mamamayan. May varayti ng wika ang mga dukha,
gayundin ang mga nasa matataas ma antas ng lipunan.

Register
Ang register ay tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isa tao ay maaring
gumagamit ng iba’t ibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat
upang maipahayag ang kanyang nadarama.

GAWAING PANGKAISIPAN:

Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:

PANAPOS NA GAWAIN
WEEK 2

Panuto:
Tukuyin ang mga katangian ng wikang binabanggit ng mga pahayag. Letra
lamang ang isulat sa patlang sa unahan ng bilang.
A. Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto sa polisiya at pamamaraan
B. Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto sa kaisipan at pagkilos
C. Ang wika ay may kapangyarihang lumikha
D. Ang wika ay makapangyarihan
E. Ang wika ay malikhain
F. Ang Wika ay nagbabago
G. Ang wika ay kahubol ng kultura
H. Ang wika ay masistema
1. Ang wika ay arbitaryo
J. Ang wika ay tunog

_______1. Gumagamit tayo ng wika upang lumikha ng sarili nating larawan ng


mga realidad.
_______2. Sinasabing nagsimula ang ikalawang Digmaang Pandaigdigan dahil sa
maling pag-unawa sa direktiba.
_______3. May isang klase ng dinuguan na niluluto ng Ibanag na masasabing
kakaiba sa dahilang sariwang dugo ang hinahalo bago ito ihain sa mesa.
_______4. "Ninoy, hindi ka nag-iisa!" ang sigaw ng mga tao sa lansangan. Ito ang
ningas na nagpasimula ng “People Power" sa Pilipinas.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
_______5. Ang wikang Filipino ay mananatiling buhay dahil sa sistema ng
paglalapi gaya ng salitang "Mag-SM, nag- SM, mag-e-SM."
_______6. Naisasalin ang kultura sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng
komunikasyon, gamit ang wika.
_______7. Ang bawat letra ng salita ay tinutumbasan o nirerepresenta ng tunog.
_______8. Ang bawat salita ay nagkakaiba ng kahulugan at paggamit sa iba't
ibang wika.
_______9. Nakabubuo ng mga pangungusap ang tao na maaaring noon lamang
niya nagamit.
_______10. Patuloy na nagkakaroon ng pagpapalit sa mga tuntunin sa ispeling ng
isang wika upang matugunan ang pagpasok ng maraming salita sa wika.

WEEK 3
Pangalan: _________________________________ Taon/Kurso: ___________
Petsa: _____________________________________ Iskor: __________

A. Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Sagutan ang mga sumusunod na pahayag.


Maaaring petsa, kaganapan o ngalan ang magiging sagot. Nasa ibaba ang
pagpipilian at titik lamang ng napiling sagot ang isusulat sa bawat patlang bago
ang bawat bilang.
a. Manuel Quezon k. Jose Romero
b. Artikulo XIV, Sek. 9 l. Artikulo XIV, Sek. 7
c. Nobyembre 7, 1936 m. Agosto 7, 1973
d. Marso 26, 1954 n. Artikulo XIV, Sek. 6
e. Hunyo 19, 1974 o. Hunyo 7, 1940
f. Agosto 25, 1988 p. Abril 1, 1940
g. Marso, 1968 q. Disyembre 30, 1937
h. Artikulo XIV, Seksyon 8 r. Agosto 13-19
i. Agosto 12, 1959 s. Batas Komonwelt
j. Oktubre 24,1967 t. Fidel Ramos
u. Corazon Aquino

____1. Pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga


paaralan sa mga piling asignatura.
____2. Konstitusyong dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
____3. Ang Ama ng Wikang Pambansa
____4. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa
mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon.
____5. Ang sekretaryang nagsabi na ang wikang pambansa ay dapat na Pilipino.
____6. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
____7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay
Pilipino ang gagamitin.
____8. Noong Marso 29 - Abril 4 ang Linggo ng wika Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa anong buwan at petsa tuwing taon.
____9. Ang naglagda na magkaroon ng Konmisyong Pangwika sa bansa.
____10. Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril
4.
____11. Nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas
elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado
____12. Kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
____13. Kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan
ng pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.
____14. Pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.
____15. Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng
paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
____16. Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
____17. Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha
ng Surian ng Wikang Pambansa
____18. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
____19. Batas na umusbong sa panahon ng Amerikano sa kasagsagan ng
pagpapatupad ng SWP.
____20. Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

B. Antas ng Wika. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita at


tukuyin kung sa aling antas ng wika ito napapabilang. (Pambansa,
Pampanitikan, Lalawiganin, Kolokyal, Balbal)
HALIMBAWA: utong – Sitaw – ANTAS NG WIKA: Lalawiganin
Masipag magtanim ang mag-anak nina Aling Bebang ng utong

1.Nakadaupang-palad – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

2.Tsikot – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

4. Balay – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

5. datung – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

6. manong – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

7. chika – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

8. Lodi – ANTAS NG WIKA ______________________________

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Pangungusap: _________________________________________________________________________

9. Paot – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

10. Dagok ng kapalaran – ANTAS NG WIKA ______________________________


Pangungusap: _________________________________________________________________________

Performance Tasks
PT 1
A. Gumawa ng Reaksyong Papel base sa Kahulugan at Ebolusyong Pangwika. (binubuo ng 150
salita)

Rubric

Pamantayan Puntos
Nakapagtatala ng isang daang salita sa bawat reaksyong papel 5
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kahikahikayat 5
Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa maingat, wasto at 5
angkop na paggamit ng wika
May isang tiyak na paksa ang reaksyong papel na nabuo 5
Kabuuang puntos 20

PT 2

Maghanap ng tatlong kapitbahay/ kaibigan sa facebook na marunong magsalita ng iba’t ibang


dayalekto. Gamitin ang telepono upang kuhanan ng larawan ang bawat kapibahay. Pagkatapos ay itala
sa ibaba ang mga tig sasampung salita sa kanilang dayalekto at isama ang mga larawan na patunay na
ikaw ay nagsaliksik.
Maaaring gumamit ng screenshot upang magsilbing katunayan.
Halimbawa: (Bisaya- Gihigugma kita Tagalog- Mahal Kita)

(Dayalektong Ginamit) ( salin sa Tagalog)

1. ___________________________________ _______________________________________
2. ___________________________________ _______________________________________
3. ___________________________________ _______________________________________
4. ___________________________________ _______________________________________
5. ___________________________________ _______________________________________
6. ___________________________________ _______________________________________
7. ___________________________________ _______________________________________

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
8. ___________________________________ _______________________________________
9. ___________________________________ _______________________________________
10. ___________________________________ ________________________________________

Understanding Directed Assess

Rubric

Pamantayan Puntos
Katugmaan ng mga salitang ginamit 5
Pagkamalikhain 5
Kaayusan ng mga salita sa daloy ng tula 5
May isang tiyak na paksa ang tula 5
Kabuuang puntos 20

Learning Resources

Hermeline Aguilar, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (2018)


Melvin Orio Mortera, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (2019)
Carada, Imelda G. et.al. 2014 Komunikasyon sa Makabagong Filipino : Intramuros Manila,
Mindshapers Co. INC.
Villafuerte, Patrocinio V. et.al. 2005 Komunikasyon sa Akademikong Filipino: Quezon City,Metro
Manila, Lorimar Publishing Co. Inc.
Santiago, Erlinda M. et.al. 1988 Ang Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo ,National
Bookstore
San Juan,David Michael M. et.al. 2018 PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong Komunikasyon sa
Filipino):Malabon City,Mutya Publishing House

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

You might also like