You are on page 1of 4

INFANT KING ACADEMY

Cortes, Bohol
A.Y. 2020-2021
Vision: Infant King Academy is a leading Catholic institution that provides appropriate academic and methodical knowledge through technology-assisted skills
training and raising every student’s community awareness as it aims to develop Christ-centered IKANIAN graduates who uphold standards, discipline, and
religion.

Mission: Infant King Academy is geared towards the holistic development of students by teaching them the responsible use of modern technology, curriculum-
based subjects, and Catholic-Christian values, molding them to become more competitive and functional members of the society.

Goals: Conscious of the present and enflamed by our Vision-Mission, we aim: to develop students’ personal relation to God and willingness to serve other people
and the community; to enhance students’ confidence and self-worth; to uplift students’ full potentials and moral character.

Name of
GradeLevel & Section
Student
Learning Area : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at 1st Semester: First
Kulturang Pilipino Quarter
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
A. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,pananaw, at mga karanasan.
B. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang- komunikasyon
sa telebisyon( Halimbawa:Tonight with Arnold Clavio,State of the Nation,Mareng Winnie,Word
of the Lourd

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Lesson No./Title Date
Multilingguwalismo
Source : Pinagyamang Pluma ( Phoenix Pub.House) Week 2

Aralin 2
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo
“Mga konseptong pangwika’y mahalagang matutuhan
Makatutulong sa mas malalim na pagkakaunawaan.”

Mahalagang Tanong

Bakit mahalagang matutuhan ng isang tao ang mga wika o wikiing ginagamit sa kanyang paligid?Sa paanong paraan maaaaring
makatulong sa isang tao ang pagiging multilingguwal

SIMULAN NATIN

Ano – anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksyon mo para sa sumusunod na
sitwasyon gamit ang wikang ito.

1. Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal mon ang di nakikita. 2.Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila magkakalagnat
ka.
3. Inanyayahan ka ng isang kaibigan para sa kanyang party pero hindi ka makapupunta.

 Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga ideya? ____________________________________________


 Alin sa mga ito ang iyong unang wika (L1) _______________ ang iyong ikalawang wika ( L2)?___________
 Ang iyong ikatlong wika(L3)? ________________
 Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod :
 Unang wika (L1) __________________________
 Ikalawang wika ( L2) _______________________
 Ikatlong wika (L3) _________________________
 Masasabi bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ka? __________________________________
 Ipaliwanag ang iyong isinagot sa pamamagitan ng pagpuno ng mga linya sa ibaba : ___________________
Masasabi kong ako ay ________________________ dahil ___________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

Unang Wika, Pangalawang Wika at iba pa


Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao .Tinatawag din itong
katutubong wika,mother tongue,arterial na wika, at kina katawan din ang L1. Sa wikang ito pinakatatas o pinakamahusay na
naipahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.

Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring
magmumula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagpag-alaga, mga kalaro,mga kaklase, guro at iba pa.

Madalas ay sa magulang mismo nagmumula ang exposure sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang
nagsasalitang ng iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natutuhan ang wikang ito
hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa
iabng tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha
niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating,mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na
kanyang nababasa , at kasabay nito’y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral.Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang
naririnig o nakikilala na kalauna’y natutuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga taosa paligid niyang
nagsasalita rin ng bwikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan.Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3.Sa pilipinas, kung saan may mahigit 150 wika at wikiing
ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaron ng mga mamamayan ng ikatlong wika.

Monolingguwalismo , Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo
Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinagawa sa mga bansang
England,Pransya, South Korea,Hapon at iba pang kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan
o asignatura.Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng
komersyo,wika ng Negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa , ang Pilipinas ay maituturing na
multilingguwal kaya’t mahihirapang umiiral sa ating Sistema ang pagiging monolingguwal.

Bilinggguwalismo

Bilingguwalismo ay paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika ayon kay Leonard Bloomfield.Ito ay mai-kategorayang “perpektong bilingguwal” ay kinontra ng
pagpapakahulugan ni John Macnamara nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwika na kinabibilangan ng pakikinig,pagsasalita, pagbasa, at pagsulat s isa pang wika maliban sa
kanyang unang wika. Si Uriel Weinreinch ay nagsabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na
bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang mataas sa lahat ng
pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilinguwal ang dalawang wika nang halos hindina matutukoyb kung
alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika.Balanced bilingual ang tawag sa mga taong nakgagawa nang ganito at sila’y
mahirapmahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naangkop sa sitwasyon at sa kausap (Cook
at Singleton:2014).

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang
Pilipino ang monolingguwal.Karamihan sa atin, lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan, ay nakapagsasalita at
nakauunawa ng Filipino,Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o wikang kinagisnan.Sa kabila nito,
sa loob ng mahabang panahon,ang wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.

Gayunpama’y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino
at Ingles.Kaya sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging
wikang

panturo particular sa kindergarten at sa Grade 1,2, at 3.Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilingguwal
Education.Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines on the
Implementation of the Mother Tongue Based-Multilinggual Education(MTB_MLE). Nakalahad ditto na simula sa araling 2012 at
201, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang
pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977),
napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga uang taon ng pag-aaral.Ayon sa kanila,mahalaga ang
unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa , sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa
pagkatuto ng pangalawang wika.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika o lingua
franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamitin wikang panturo at ituturo din bilang hiwalay na asignatura.Ang walong
pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense,Ilokano,Bikol,Cebuano,Hiligaynon,Waray, at ang
apat na iba pang wikain ay ang Tausug,Maguindanaoan,Meranao, at Chavacano.Pagkalipas ng isang taon,noong 2013 ay
nagdagdag ng pitong wikain kaya’t nagging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE.Ito ay ang sumusunod:Ybanag
para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City,Cagayan, at Isabela;Ivatan para sa mga taga Batanes; Sambal sa
Zambales;Aklanon sa Aklan,Capiz;Kinaray-a sa Antique; Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon
para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.

Maliban sa mga nasabing unang wika(L1), ang Filipino(L2) at ang Ingles(L3) ay itinuturo din bilang hiwalay na
asignaturang pangwika sa mga nasabing antas.Sa mas mataas na antas ng elementarya,gayundin sa high school at sa
kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang mga pangunahing wikang panturo.

Buoin Natin

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,pananaw, at mga karanasan

Punan ang mga kahon ng halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman,pananaw, at mga karanasan.
4-
Punan ang kahon ng tawag sa iyong unang Punan ang kahon ng tawag sa iyong Punan ang kahon ng isa pang wikang
wika( L1) at isang halimbawang pangungusap pangalawang wika( L2) at isang nalalaman ( L3) at magtuturing sa iyo
gamit ito. halimbawang pangungusap gamit ito. bilang multilingguwal.Kung wala ay
sumulat ka ng tatlong salitang katutubo
sa Pilipinas na alam mo.

Batay sa iyong sariling karanasan,paano Paano mo naman natutuhan ang iyong Kung mayroon kang nalalamang
nalinang sa iyo ang iyong unang wika? pangalawang wika? pangatlong wika, paano mo ito
natutuhan? Kung wala, ano ang maaari
mong gawin upang matuto ka ng ikatlong
wika?

Palawakin Pa Natin

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.

Panoorin ang alinman sa mga palabas pantelebisyon sa ibaba.Lagyan ng tsek ( ) ang palabas na napili at pinanood
mo saka sagutin ang mga tanong.
Tonight with Arnold Clavio sa Episode na Marian Rivera,Boobay,and Ana Feleo take the “Test of Friendship”sa link na
ito: https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4

Isang segment ng SONA : Ilang Tricycle driver,nagtigil-pasada para manood ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa State of the
Nation ni Jessica Soho sa link na ito : https://www.youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw

Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa episode na Mareng Winnie interviews billionaire David Consunji,5 th richest
Filipino sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=APV_PkEGTkw

Kris TV sa episode na Are Piolo and Sarah big spenders? Sa link na ito : https://www.youtube.com/watch?
v=LERL57oKnJE

Pamagat ng Palabas: ______________________________________________________________________________

Pangalan ng Host: _________________________________________________________________________________

Mga Naging Bisita:


_________________________________________________________________________________

1.Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host ng napili mong
palabas pantelebisyon? Magbigay ng patunay. __________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

2.Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita?________________________

________________________________________________________________________________________________

3.Batay sa narinig mo sa host,masasabi mo bangang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay kaniyang unang wika?
Bakit oo o bakit Hindi?__________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

You might also like