You are on page 1of 24

Aralin 4:

Unang Wika, Pangalawang W


ika, at Ikatlong Wika

http://www.free-powerpoint-templates-design.com
Mga
Layunin:
1 Natutukoy ang kahulugan ng Unang Wika,
Pangalawang Wika at Ikatlong Wika

2 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit


ng Unang Wika, Pangalawang Wika at
Ikatlong Wika
SIMULAN NATIN!

Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal


mo nang di nakikita.
SIMULAN NATIN!

Sumasakit ang ulo at katawan mo at tila


magkakalagnat ka.
SIMULAN NATIN!

Inanyayahan ka ng isang kaibigan para sa


kanyang party pero hindi ka makakapunta.
Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga ideya?
_______________
Alin sa mga ito ang iyong unang wika (L1)? ______
ang iyong ikalawang wika? (L2) ____________
ang iyong ikatlong wika (L3)? ______________
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:
a. unang wika (L1)
b. ikalawang wika (L2)
c. ikatlong wika (L3)
ALAM MO BA?

 Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastan o


pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique
o natatangi lamang sa tao.

 Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng


wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at
wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.
ALAM MO BA?

 Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag


ng kanyang mga karanasan, kaisipan, damdamin,
hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa
angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman
masasabing ang wika ay natatangi lamang sa tao at
hindi sa iba pang nilalang.
ALAM MO BA?

 May mga eksperimentong isinagawa upang malaman kung


ang komunikasyon ba ng mga hayop at katulad sa wika ng
tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.

 Bagama’t may mga hayop na natuturuang magsalita dahil


nakabibigkas sila ng ilang salita o maiikling pangungusap
na natutuhan nila kapag nauudyukan o nabibigyan sila ng
insentibo ng taong nagsanay sa kanila.
ALAM MO BA?

 Hindi masasabing malikhain ang pangungusap na


nabubuo nila dahil ito’y karaniwang bunga lang ng
pag-uudyok sa kanila.

 Sa kabilang banda, ang tao ay gumagamit ng wikang


naaangkop sa sitwasyon o pangangailangan.
(Paz, et.al. 2003;pahina 4)
ALAM MO BA?

 Kung gayo’y maituturing na isang mahalagang handog sa


tao ang kakayahang makipagtalastasan gamit ang wika.

 Nararapat lamang nating pagyamanin ang kakayahang


ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lang
sa sarili kundi sa higit sa nakararami.
UNANG WIKA (L1)

• Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang


at unang itinuro sa isang tao.
• Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika, at kinakatawan din ng L1.
• Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na
ipinapahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan,
at
damdamin.
PANGALAWANG WIKA (L2)

• Ito ang tawag sa wika na kung saan ay habang lumalaki ang


bata ay nagkakaroon siya ng exposure o pagkalantad sa iba
pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa
telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga,
mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa.
• Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure
o pagkalantad sa isa pang wika.
PANGALAWANG WIKA (L2)

• Mula ito sa mga salitang paulit-ulit na naririnig


at unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito
hanggang sa magkaroon ng sapat na kasanayan
at husay rito.
• Magagamit rin ito sa pagpapahayag at
pakikipag-usap sa ibang tao.
IKATLONG WIKA (L3)

• Ito ang tawag sa wika na kung saan ay


nagagamit sa pakikiangkop sa lumalawak
na mundong kanyang ginagalawan.
IKATLONG WIKA (L3)

• Dumarami ang mga taong nakasasalamuha niya,


gayundin ang mga lugar na kanyang nararating,
mga palabas na kanyang napapanood sa
telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at
kasabay nito’y tumataas din ang antas ng kanyang
pag-aaral.
IKATLONG WIKA (L3)

• May ibang bagong wikang naririnig o


nakikilala sa kalauna’y natututuhan niya at
nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga
tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng
wikang ito.
IKATLONG WIKA (L3)

• Sa Pilipinas, kung saan mahigit 150 wika at


wikaing ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng
bansa, ay pangkaraniwan na lang ang
pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong
wika.
RECITATION:

1. Ano ang unang wika o L1? Sa paanong


paraan
nalilinang ang kasanayan ng isang bata o ng
isang tao sa wikang ito?
RECITATION:

2. Ano naman ang pangalawang wika o L2?


Ano- anong pangyayari sa buhay ng isang tao
ang
maaaring magresulta sa pagkakaroon niya
ng
pangalawang wika?
RECITATION:

3. Paano naman sumisibol sa tao ang ikatlong


wika o L3? Anong pangyayari ang
nagbibigay
- daan sa pagkakaroon ng isang tao ng
ikatlong wika?
GAWAIN:

 W.W 1.4: My Edge:

- Sagutan ang activity – FORUM 1:


Aralin 4: Unang Wika, Pangalawang Wika, at
Ikatlong Wika
Maligayang
Pag-aaral !
Maraming Salamat !
Inihanda ni: Bb. Sherilyn Beato
SANGGUNIAN
• Dayag, Alma M. (2017). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. (pp.28-29). Quezon City: Phoenix Publishing House.
• https://4.bp.blogspot.com/-vm1BwwkBy-
I/V4zsxcbEVaI/AAAAAAAAAKs/3QZT8_eK1l8Z4sT80W3X0_JDba7RiaHoACK4B/s1600/download
.png
• https://lawyerphilippines.org/wp-content/uploads/2019/04/02-A-babys-material-needs.png
• https://i.prcdn.co/img?regionKey=FdA57aiAce4EQYR8Kca%2BUw%3D%3D
• https://www.geocities.ws/larryalcala/NoiseoftheNewYear.jpg
• https://www.netclipart.com/pp/m/92-924751_package-tour-travel-symbol-clip-art-travel-around.png
• https://i0.wp.com/blogpascher.com/wp-content/uploads/2015/11/wp-language-switching.png?
fit=520%2C360&ssl=1

You might also like