Ito ay itinuturing na pinakamahirap gamitin sa tatlong uri ng mga plawtang kawayan (ang dalawa pa’y ang tumpong at ang suling) dahil sa kakaibang paraan ng pagkakahugis ng ihipan nito. Dahil sa kakaibang hugis na ito, mangangailangan din ng kakaibang posisyon ng labi upang ito’y mahipan nang maayos. Kilala ang palendag sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Katunayan, may iba’t ibang katawagan dito tulad ng palalu sa mga Manobo at Mansaka, palandag sa mga Bagobo, at lumundeg sa Banuwen. Sa Bukidnon, tinatawag itong hulakteb o pulala. Suling Tumpong