You are on page 1of 6

Ang Mga Tausug

Ang pangalang Tausug ay nagmula sa salitang tau na ang ibig sabihin ay tao
at sug na ang ibig pakahulugan nama’y agos na kapag ipinagsama ay ibig sabihin ay
mga taong agos. Ito ay tumutukoy sa karamihan sa mga Muslim sa kapuluan ng
Sulu. Nagmula ang salitang ito sa pangalang Sulog o Sug na ang ibig sabihin sa
Tausug ay “agos ng karagatan”.
Bahasa Sug ang sinasalita ng mga Tausug, isang malayo-Polynesian na wika
na tulad sa mga Bisaya na sinasalita sa Surigao na nasusulat sa Hablun o paghahabi.
Malayo-Arabic na iskripto ang pagsulat nila na kilala bilang Jawi o sulat Sug.
Ang iba pang tribu sa kapuluan ng Sulu ay Samal, Badjao at Jama Mapun
(Amilbangsa, 1983).
Pagsasaka, pangingisda at pangangalakal ang mga pangunahing pang-
ekonomiya na gawain ng mga Tausug na nahahati sa dalawang pangkat. Ang
Parianon (Mga taongnakatira sa sentro o lupain) at ang Guimbahamon (mga taong
nakatira sa bundok). Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay umaabot hanggang
sa timog-silangan Asya ng bansa gaya ng Borneo at Malaysia.
Ang sining ng mga Tausug ay nakaangkla sa pag-uukit, gawaing pangmetal,
gawaing pangkahoy, pananahi, paggawa ng banig, buslo o basket, tela o moda, at
gawaan ng palayok na isa ring kilalang sining sa mga Tausug. Ang biyatawi ay isang
kasuotang pambabae na gawa satin at ang ito ay may maaaring may ginto o pilak na
botones. Ang patadjong ay isang kasuotan na maaaring gamitin ng lalaki at babae.
Sawal din ang tawag sa suot na pajama ng mga lalaki (Amilbangsa, 1983)
Ang Mga Ivatan

Sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Pilipinas, sa dulo ng pulong Luzon na


malapit sa Taiwan, matatagpuan ang Batanes. Dito makikita ang mga Ivatan.
Kadalasan silang makikaita sa isla ng Batan, Aabtang at Itbayat, Ito ang mga pulong
bumubuo sa Batanes.
Ang Isla ng Bataan ang pinakamadaling puntahan sapagkat naroon ang
paliparan ng Basco. Binubuo ang Bataan ng tatlong lungsod-ang Basco, Mahatao,
Ivana at Uyugan. Sa isla ng Sabtang sa timog bahagi ng Batanes matatagpuan ang
mga bundok na ginagawa ng tirahan ng mga mamamayan doon. Pinaka-isolated
naman na isla ang Itbaya at sa kadahilanang nahihirapang pumasok ang bangka sa
isla sa lakas ng tubig-dagat.
Ang Mt. Iraya ng Batan ay isang extinct na bulkan na may taas na 1,219. Ito
ay may rain forest at lawa. Ito ang pinagmumulan ng tubig ng Basco. Sinasabi rin
ang ibong Kayab ang paboritong ibon ng Mahal na Birhen. Tuwing Oktubre 13
idinadaos ang prusisyon ng nasabing birhen at laging naroroon ang mga ibon at
nanonood. Pagkatapos naman ng prusisyon nawawala naman ang mga ibon na
nagmula pa sa Tsina.
Ang Mga Manobo

Ang mga Manobo o Minuvu o Manuvu nangangahulugang tao na hinango


sa salitang Monsuba na ang ibig sabihin ng Mon ay tao at ang suba ay ilog (taong
taga-ilog). Hinango rin ito sa Bonobo, ang pangalan ng sapa na dumadaloy sa ilog
Pulangi na may dalawang kilometro sa ibaba ng lungsod ng Cotabato. Ang mga
Manobo ay mga taong nanggaling sa Timog Tsina, libong taon na ang nakaraan at
mas nauna pa sa hilagang Mindanao, Camiguin, Cagayan at sa ibang lugar ng
Bukidnon at Misamis Oriental. Karamihan sa mga Manobo ay naninirahan sa ilog
lambak, burol at sa Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Misamis Oriental at
Surigao del Sur (CPP Encyclopedia of the Philippine Arts, 1994).
Ang mga Manobo ay nagsasanay sa pagkakaing. Ang ilang naninirahan sa
may lambak ay nagsasanay na magtanim ng palay. Bigas ang pangunahing produkto
ng mga Manobo sa kanilang pamumuhay. Ang iba pang ikinabubuhay nila ay ang
pangingisda at pangangaso. Dahil sa ganitong klaseng pang-aagdong buhay
nagpapalipat-lipat ng tirahan ang mga Manobo o wala silang permanenteng tirahan
(Semi-nomadic people).
Ang Mga Zamboangueño

Ang siyudad ng Zamboanga ang tinataguriang “Siyudad ng mga Bulaklak”


Kung mapapagawa rito, mamamangha ang sinuman dahil halos lahat ng mga bahay
sa lugar, mayayaman man o mahirap, nayon man o lungsod, ay napapalamutian ng
nagbubulaklakang kapaligiran.
Itinuturing din ang naturang lunsod na sentro ng hanapbuhay at pangangalakal
sa timog- Mindanao. Ang bapor na nanggagaling sa hilaga at sa malayuang Timog
ay makukuha ang madaliang rota sa pamamagitan ng Basilan Strait o di kaya’y
daang- kanluran ng Basilan o sa hilagang- Mindanao sa loob ng Pasipiko (Malonzo,
1970).
Ang Zamboanga ay isang siyudad na mainam na tirahan. Malinis ang lugar,
katamtaman ang klima at ang pang araw-araw na bilihin gaya ng pagkain ay mura
lamang. Abundansya ang isda rito. Mapalunsod o mapasabaryo aw walang problema
sa isda. Karaniwan sa mga mangingisda ay mga Muslim. Nangingisda sila pag gabi
at sa tulong ng mga ilaw na nakakabit sa kanilang mga bangka. Kinabukasan, ang
kanilang mga huli ay inihahatid nila sa palengke para ipagbili sa murang halaga
lamang.
Sagana rin sa masasarap na prutas ang naturang lunsod. Maraming tindahan
ng mga prutas gaya ng mangga, lansones, mangosten, saging, suha, pinya at bayabas
na nakahanay katapat ng Barter Trade Market.
Sa Zamboanga matatagpuan ang parang nagkikislapang dalampasigan dahil
sa naglipanang mga kabibe na may ibat ibang hugis, laki at kulay na nagagawang
hikaw, singsing, kuwintas, dekorasyon, at iba pa. Narito ang Cawacawa, Caragasan
at ang kinahuhumalinggang puntahan ng mga turista, ang Sta. Cruz Island.
Napakalinis at kulay bughaw ang tubig dito. Pinung-pino at malarosas ang kulay ng
buhangin sa dalampasigan. Hindi pangnenegosyo ang mga aplaya sa siyudad, di
gaya ng sa ibang mga lugar. Dito, malayang makapaligo nang walang intindihing
bayad. Kung dapit-hapon, nakakahalinang malasin ang paglubog ng araw dito.
Dito rin sa naturang siyudad matatagpuan ang Barter Trade Market kung saan
nagbibili at nakikipagpalitan ang mga negosyanteng Muslim ng mga lokal na bilihin
sa malalapit na bansa. Ang mga bilihin na nabanggit sa palengke ay ang Indonesian
Batic, Chinese Cotton, at mga imported goods na libre sa buwis na makukuha
lamang sa mababang halaga.
Matatagpuan pa rin sa lunsod ang ibang mga tourist attractions gaya ng Rizal
park, Plaza Pershing at Sunken Garden. Dito natin masisilayan ang mga
naggagandahang bulaklak na nagsisilbing palamuti sa siyudad, ang bundok ng
Pulumbato, na kung ikaw ay nasa ituktok nito ay matatanaw mo ang magandang
tanawin ng syudad, ang mga Muslim Villages gaya ng Taluksangay Fishing
Villages. Sa Taluksangay, nag uukol ng kanilang panahon ang mga Samal na
pangingisda at paghahakot ng mga bakawan bilang eksport sa Japan para gawing
panggatong at uling sa Rio Hondo, ikinalulugod naman ng mga Samal ang
pangingisda at paghahabi ng banig samantalang sa Sangali, bukod sa pangingisda ay
gumagawa rin ang mga katutubo ng daing para iluwas sa mismong syudad sa
Zamboanga ay ang San Ramon Prison Farm. Pinahihintulutan ang mga bilanggo na
isama rito ang kanilang pamilya dahil binibigyan sila ng mga bahay na sarili at lupa
para kanilang linangin. Bukod sa produkto na copra na nakukuha sa naturang bukid,
mayroon pang mga mais, kamoteng-kahoy, at mga hayop na ang mga bilanggo rin
ang nag-aasikaso. Sa siyudad pa rin matatagpuan ang Zamboanga Yellow Beach.
Tinawag itong Yello Beach ng mga Amerikano nang umahon sila sa dalampasigan
nito noong 1945.
Zamboangueño ang panawag sa mga katutubo sa siyudad ng Zamboanga.
Katangi-tangi ang kanilang katangian at kakayahan. Isa na rito ang
pagkahospitable. Mahusay silang tumanggap at makiharap sa bisita. Hindi ka
maiilang pag nasa tahanan ka nila dahil ipadarama ka nila sa iyo na parang bahagi
ka ng kanilang pamilya. Kaya nga nasabi ni President Elpidio Quirino, ang naging
Secretary of Interior” noong 1937 na:

“Zamboanga” – long known as beautiful city, travellers within the country


and from abroad have continued to praise the charm and the setting which are the
constant sources of enchantment of those who enjoy the hospitality of the people.”

Malambing mag salita ang mga Zamboangueño, subalit kinagisnan na nilang


ugali ang maging prangka o tahasan sa mga bagay na nais nilang ipabatid sa isang
tao. Ang isa pa nilang katangian ay ang pagiging madasalin, magalang, matulungin
at mapagmahal.
Ang relasyon ng pamilya ng isang miyembro nito ay malapit sa isa’t isa.
Hindi sila maramot, bagkus laan silang magtulungan kung kinakailangan.

Ang pinakakatangi-tangi ng mga Zamboangueño ay ang pagiging lubos na


mapagmahal sa mga halaman at bulaklak. Walang tahanan o dampa kaya na hindi
napapalamutian ng bogambilya o dapo (Spoer, 1973).

You might also like