You are on page 1of 5

PANITIKAN SA LALAWIGAN NG SORSOGON

I. Wika o Lengguwahe
Ang pangunahing mga wika na ginagamit sa lalawigan ng Sorsogon, na bahagi ng rehiyon ng Bicol,
ay Bicolano at Tagalog. Gayunpaman, ang lokal na wika na ginagamit ng mga Sorsogueño ay nagkakaiba
mula sa distrito hanggang sa mga munisipalidad.

Halimbawa, isang uri ng Bisakol, na tinatawag na Waray Sorsogon, ang ginagamit sa Barcelona,
Gubat, Irosin, Santa Magdalena, Matnog, at Bulusan. Kaunti ang pagkakaiba nito sa form na tinatawag na
Masbate Sorsogon, na ginagamit sa lungsod ng Sorsogon at sa mga munisipalidad ng Magallanes, Juban,
at Casiguran.

Sa hilaga ng lungsod ng Sorsogon, sa Castilla, Pilar, at Bacon, isang uri ng Bikol ang ginagamit.
Dagdag pa, isang ibang uri ng Bikol na tinatawag na Miraya, katulad ng sa Daraga, Albay, ang ginagamit
sa Donsol at ilang bahagi ng Pilar.

Kabilang ang mga wikang ito sa mga Bisakol na wika, isang hindi opisyal na tawag para sa tatlong
Bisayan na mga wika na ginagamit sa rehiyon ng Bicol. Kasama sa mga wikang ito ang Sorsoganon, isang
grupo ng mga Warayan na uri ng pananalita ng Sorsogon, partikular na ang Central Sorsogon (Masbate
Sorsogon) at Southern Sorsogon (Waray Sorsogon).

Narito ang ilang halimbawa sa Waray Sorsogon, Masbate Sorsogon, at Miraya Bikol:

Waray Sorsogon Masbate Sorsogon Miraya Bikol


“Maupay na aga” “Maayong adlaw” “Maogmang aldaw”
“Mayada ako” “Mayada ako” “Igwa sakuya”

“Diri ako” “Diri ako” “Dai ako”

“Mamahal” “Mamahal ta ikaw” “Mahal ta ikaw”

“Hira” “Hira” “Ira”

“Magandang umaga”, “Mayroon ako”, “Hindi ako“, “Mahal kita”, “Sila”


II. Pangunahing Hanapbuhay
Ang probinsya ay may agrikulturang ekonomiya kung saan ang PAGTATANIM NG PALAY o
PAGSASAKA ang isa sa kanilang pangunahing hanapbuhay, mayaman din ang lugar sa mga lamang dagat
kung kaya’t ang mga residente na malapit sa dagat ay PANGINGISDA ang hanapbuha, karamihan dito ay
ang mga residente na sakop ng Donsol Sorsogon. Ang PAGTOTROSO naman ay ang pagputol ng puno
upang magamit bilang hilaw na materyales para sa industriya, ngunit ito ay ipinagbabawal kapag walang
permit. PAGHAHAYUPAN ito ay ang pag-aalaga ng mga residente ng mga hayop tulad ng baboy,
kambing, manok atbp.

ABACA ay isa rin sa mga ginagawang produkto sa probinsya ng sorsogon na ginagamit sa paggawa
ng lubid at papel, sila rin ay gumagawa ng iba’t ibang handicrafts tulad ng abaniko, baga, slippers, wallet
at iba pang produkto mula sa abaca.

III. Kasabihan

1. “’Di baling sadit basta arayo ang kupsit”

Hindi maitatangging may konotasyon na nakapaloob dito. Medyo may pagkabastos kung iisipin
subalit ang mga ganitong uri kasabihan ay tipikal na maririnig sa mga usapang matatanda sa kalye, tindahan,
at maging sa inuman. Samantala, mapapansin na kapag sinabin na kasing maliit kaagad-agad maikakabit
natin ang salitang mahina kaya kung sisipatin nang maigibay maaari itong mangahulungan na Hindi na
baling maliit, Ang importante ay kayang makipagsabayan at lagpasan Ang impresyon sa kaniya ng iba.

2. “Luway-luway sana basta duon”

Ito ay parang katumbas sa Ingles na “ slowly but surely”. Ang ibig sabihin nito ay walang masama
kung mabagal, ang importante’y may kasiguraduhan.

3. “An dilang matarom kun makalugad hararom”

Ang nais lang ipakahulugan nito ay minsan man ay may kakayahan ang taong walang kontrol sa
kaniyang pagsasalita na makakasakit ng damdamin ng iba. Bagaman dila, natural na walang talim ngunit
kayang humiwa ng damdamin gamit ang salita.
IV. Mga Pook-pasyalan

DONSOL WHALE SHARK

Matatagpuan sa Donsol, Sorsogon. Dinarayo ito ng mga tao dahil sa gusto nilang makita at maka interact
ang mga butanding.

BULUSAN LAKE

Matatagpuan ito sa Bulusan, Sorsogon..Dinarayo ito dahil sa Mt. Bulusan, maligamgam ang tubig lawa dito
dahil na ren sa bulkan.

KAMBAL BUSAY FALLS

Matatagpuan ito sa Bulusan, Sorsogon.

TIKLING ISLAND

The island is unique in its own way: its sand is pink instead of the usual white and brown, it is covered with
a vast vegetation that stretches wherever the sand does, shallow and very clear waters as far as 50 meters
from the shore, no signs of human intervention except for the nipa huts of the caretakers, ambiance.

BARCELONA

The site of Barcelona was originally part of Gubat and Bulusan. The town’s name was known as Danlog,
taken from the name of a local river. The change of name to Barcelona was recommended by a Spanish
official who saw some similarities with Barcelona, Catalonia (Spain). On April 16, 1886, it became a pueblo
civil.

SORSOGON SPORTS COLISEUM

The Sorsogon Sports Coliseum was built on the former site of the Balogo Sports Complex (renamed
Sorsogon Sports Complex). The sports venue was originally built for Sorsogon province’s hosting of the
Palarong Pambansa in 2022 which was later postponed to 2023.
RIZAL BEACH

Matatagpuan sa Gubat Sorsogon. Kilalang paliguan at picnic spot sa mga taga nayon. May putting buhangin
Kasama ng malinis at malinaw na tubig-dagat. Ang malinis at malawak na kapaligiran ang rason kung bakit
tamang-tama itong gawing venue sa mga larong pang dagat tulad na lamang ng surfing.

OGOD RIVER(firefly watching)

Matatagpuan sa Donsol, Sorsogon.Ang ilog ay may habang 100km at may lawak na 100m,sa gilid ng ilog
na ito ay may mga bakawan at niyog na nakatanim kung saan pinamumugaran ng libo-libong mga alitap-
tap, na siyang nagbibigay liwanag sa dilim ng paligid.Ito’y patok na pasyalan sa mga
pamilya,magkakaibigan at mga magsing-irog o sa mga gustong mag relax pakatapos ng nakakapagod na
araw.

PAGURIRAN ISLAND and LAGOON

Matatagpuan sa Sawangan Bacon, Sorsogon. Ang lagoon ay may napakalinaw na asul na tubig na
nababalibutan mga bato na hindi nalalayo sa tabing dagat. Bukod sa paliligo at pagkuha ng litrato,pwede
rin ditong tumalon sa mula sa bato (na nakapalibot sa lagoon)papunta sa malalim na bahagi ng tubig.

PRIETO DIAZ MANGROVE ECO PARK

Mangrove is localy known “bakawan”.

Matatagpuan na man ito sa Prieto Diaz, Sorsogon. Napagkukunan ng mga natural na yaman ng mga
naninirahan dito,ito rin Ang pumuprotekta sa mga mamamayan sa paparating na bagyo at iba pang mga
natural na sakuna.

BAGATAO ISLAND LIGHTHOUSE

Matatagpuan sa Magallanes, sorsogon. Ito ay makasaysayang lighthouse na matatagpuan sa Bagatao


Island,may taas na 29ft o 8.8m.
V. Pinagmulan

* Sorsogon – nagmula sa salitang “Solsogon” na ibig sabihin ay “pagtunton”. “sogsogon” o “sosogon”, na


parehong ibig sabihin “pagtunton sa isang ilog o isang landas.

• Ang Sorsogon ang pinakadulong lalawigan ng timog-silangan ng kabikolan kaya naman tinatawag
itong “Gateway to Southern Philippines” dahil ito ay nagsisilbing daungan ng mga barkong
papuntang Visayas at Mindanao.
• Ang Sorsogon ay dating bahagi ng lalawigan ng Albay bago ito naging hiwalay na probinsya noong
Oktubre 17, 1894.
• Ginawang lungsod ang Sorsogon noong ika-16 ng Disyembre taong 2000 sa bisa ng Batas
Republika bilang (Republic Act No.) 8806
• Nahahati sa 14 na bayan, at ang kabisera ay tinatawag na Sorsogon City.

Members:

John Carlo Logronio

Maica Macabuhay

Eman Balderama

Donna Bron

Judy Bataller

Jessa Den Balaguer

You might also like