You are on page 1of 3

PANITIKAN NG MACASANDIG

Ang barangay Macasandig ay nakalagay sa humigit-kumulang 8.4420,124.6438 na


pulgada sa isla ng Mindanao at ito ay may pagkataas sa coordinasyon na tantiyado sa 53.7 na
metro O 176.2 ft na taas mula sa label ng dagat, na may kilometrong layo sa Divisoria(ang
puso ng Syudad). Ito ay napapaligiran sa mga sumusunod na mga barangay, Nazareth sa hilaga,
Balulang sa kanluran, Camaman-an sa silangan, at Indahag sa timog. Ang Macasandig ay
mayroong 10 sitio’s, kasali na rito ang Buena Oro, Aluba, Tibasak, Biasong, Tambo Sta. Cruz,
Arovel, Box 1. Na may populasyon na 20,738 base sa census noong 2015. Ang barangay
Macasandig ay isang sub-urban na barangay sa timog na bahagi ng Cagayan de oro. Ilan sa
mga sikat na pasyalan dito sa Macasandig ay ang High Ridge at ang mga sikat na restaurant
ditto ay ang Kambingan sa Buena Oro, High Ridge, at Kalbeeya restaurant. Habang may 6 na
pribadong paaralan na nakalagay dito, ito ay ang mga sumusunod. Xavier, Kids Zone, Oro
Christian School, Lourdes College Grace School, St, Mary’s School, at Corpus Christi School.
At dalawang pampublikong paaralan ang Macasandig Elementary School at ang Macasandig
National High School. Ang Fiesta sa Macasandig ay pinagdiriwang tuwing ika-28 at
27(disperas) ng Syeptmbre sa Patron nilang si San Lorenzo. Ang Macasandig ay isa sa mga
orihinal na 8 barangay na sakop ng Cgayan de Oro base sa kasaysayan nito. Katulad ng ibang
mga barangay ang Macasandig ay may mga natatangi ding mga panitikan kabilang na rito ang
kwentong bayan tungkol sa misteryosong ilog ng Cala-Cala.
ANG ILOG NG CALA-CALA
(Kwentong Bayan)

Isang misteryoso na kwentong bayan na sikat sa barangay Macasandig at ito ay ang ilog
ng Cala-Cala, dahil hindi lang ito isang ordinaryong ilog, sapagkat sa ilog na ito ay maraming
ng nalunod na mga tao. Sinasabing ng mga tao na nakatira dito na may mga misteryosong
nilalang sa ilog na s’yang dahilan kung bakit ang mga naliligo rito lalong-lalo na ang mga dayo
na pumunta lang sa ilog para maligo ay kadalasang hindi na nakakabalik sa kanila ng buhay,
may mga insidente panga na ang mga taong nalonod rito ay hindi pa natatagpuan hanggang sa
ngayon, ayon sa mga tao na taga roon sa tuwing may tao na nalunod sa ilog ay pinaglalaruan
raw nito ng mga nilalang na nakatira sa ilog na ito at sa tuwing may mapaglaruan sila ay
natutuwa, dahil mahilig makipaglaro ng mga ito hanggang sa punto na nalunod nila ang mga
tao na napaglaruan nila. Dati ng pinagbabawal ng mga tao na naninirahan sa dito na maligo sa
ilog dahil sa mga aksidenting nangyayari sa ilog pero may mga dayo talaga na matitigas ang
ulo at naliligo parin sa ilog kahit pinagbawalan na kaya ang resulta ay naging isa sila sa mga
tao nabiktima ng mga nilalang sa ilalim ng ilog. Sa ngayon ay pinagbabwal parin ang pagligo
sa ilog dahil sa mga aksidenting nangayayari sa misteryosong ilog ng Cala-Cala.
ANG ALAMAT NG MACASANDIG
(pinalawak mula sa kasaysayan ng Macasandig)

Sa totoo wala talagang mga record kung saan nagmula ang pangalan ng barangay
Macasandig, ngunit ito ay ipinasa lang ng ipinasa sa bawat henerasyon ng mga tao o netibong
na nakatira sa lugar na’to.

May dalawang bersyon na alamat kung bakit tinawag ito na Macasandig. Ang unang
bersyon ay kaya ito tinawag na Macasandig dahil ito ay nakasandal (nakasandig) sa mga burol,
habang ang pangalawang bersyon ay. Noong unang panahon may isang lugar na masagana sa
mga pananim, gaya ng buko (lubi), mais, mga prutas, at mga pagkain, masagana din sila sa
mga pagkaing nakukuha sa tubig na nakukuha nila mula sa Cagayan de Oro na ilog. At dahil
kasaganahan ng mga pagkain dito, habang kakaunti lang ang nakatira sa lugar na yon, ang mga
mamayan doon ay nag rerelax lang o ‘’sandig’’ kaya kung tatanungin mo ang mga taga doon
kung saan sila nakatira ang sinasagot nila ay Macasandig na ang ibig sabihin ay lugar ng
pagrerelax o pagpapahinga.

Mga Reference:

Samuel A. Malaran

Rica Nina S. Bernaldez

https:// www.philatlas.com/r10/cagayan-de-oro/macasandig.html
From the original copy of the history of Macasandig

You might also like