You are on page 1of 20

14 na Piling Kuwentong-bayan at Alamat sa Marinduque: Tagalog Marinduque

tungo sa Wikang Filipino

Pasakalye

Simula nang nakaraang semestre (ikalawang sem 2020-21) ay nakapagkalap na ng

mga materyal para sa panlahatang toponomiya ng mga barangay sa lalawigan ng

Marinduque. Sa anim na bayan ay nakakuha ng hindi bababa sa 171 na mga piyesa

mula sa kabuoang 218 na barangay sa lalawigan. Sumangguni din sa mga

nakaraang pag-aaral sa mga alamat at kuwentong-bayan sa Marinduque mula sa

paaralan ng Edukasyon sa silid aklatan ng MSC, Mayroon nang gumawa ng pag-

aaral sa mga pinagmulan ng mga pangalan ng mga barangay sa mga bayan ng

Boac, Mogpog at Buenavista. Gayundin, mayroon ding gumawa ng pag-aaral at

antolohiya na “Kuwento Mandin Namin” tungkol sa mga kuwentong bayan sa

Marinduque. Sinipi rin ang mga klasikal na pag-aaral nina Cecilio Lopez (1970) at

Rosa Soberano (1980) tungkol sa Marinduque Tagalog kasama ang mga batayan sa

Atlas ng mga Wika ng Filipinas ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at

Encyclopedia of Philippine Art mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP).


Materyal at Pamamaraan

Ginamit ang dalawang tomo ng mga Toponomiya ng BA English Language Studies

ng School of Arts and Sciences na kumuha ng English Language Studies 109:

Introduction to Language, Society and Culture noong ikalawang semester 2020-21.

Noong nakaraang Disyembre 2020, inilahad ang pananaliksik ni Marielle Logmao sa

symposium sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng Boac, halaw ito sa ginawa niyang

undergraduate thesis. Gayundin ginamit din ang undergraduate thesis ni Dezza

Lavern Valdez na tinukoy na ng mga kasama sa cultural mapping project sa bayan

ng Mogpog na pag-aaral sa mga paliwanag sa pagpapangalan ng mga barangay sa

nasabing bayan sa Marinduque. Natagpuan din ang undergraduate thesis ni Mark

Villanueva tungkol sa mga alamat ng lahat sa bayan ng Buenavista. Habang mula

naman sa natapos na Local Culture Profile ng bayan ng Santa Cruz ang mga

kuwentong bayan sa mga barangay nito.

Ang isa pang sanggunian ay ang ginawang awtput ng mga STEM na mag-aaral ng

Marinduque National High School tungkol sa mga kuwentong-bayan ng Boac,

Mogpog at Santa Cruz. Nakakalap ng mahigit na 20 kuwento mula sa

pinakamatandang miyembro ng ilang barangay sa tatlong bayan ng Marinduque.

Gumamit ng instrumento ang mga hayskul na mga mag-aaral halaw sa Cultural

Mapping Form ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining (NCCA) tungkol

sa mga higit sa nasasalat na mga pamana (Intangible Cultural Heritage) dominyo 1:

oral na tradisyon.
Para mabigyan ng hugis at anyo ang mga nakalap na mga datos ay hinalaw sa

gamit ni Alvin Yapan sa nakaraang Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Panitikang

Filipino noong Setyembre 2019. Batay sa tinukoy ng pambansang alagad ng sining,

Virgilio Almario na pinakamainam na halimbawa ng anumang wika ay matatagpuan

sa mga panitikan. Sa kasong ito ay mga anyo ng panitikang bayan: alamat, mito at

kwento.

14 Piling Halimbawa ng Panitikang Bayan sa Marinduque: walong kuwentong-bayan

at apat na alamat kasama ang dalawa pang dagdag tungkol sa buong bayan at

isang kweba o likas na pamana

Kuwentong-bayan Alamat Iba pa

Boac Laylay

Cawit

MNHS

Mogpog Anapog-Sibucao Mogpog

Balanacan MNHS

ELS 1092B

Gasan Tres reyes

Matandang gasan

ELS 1092A

Buenavista Bagtingon

Malbog

ELS 1092B
Santa Cruz Dolores bathala

Buyabod

Santa Cruz LCP

Torrijos Bolo

Bonliw

ELS 1092b

Simulang Lawas

“Pinagmulan ng Barangay Laylay”

Sa isang purok, mayroong dumating na mga dayuhan. Gustong sakupin ng

mga dayuhan ang purok na pinuntahan nila ngunit hindi pumapayag ang mga taong

nakatira dito. Ang kanilang pinuno ay hindi pumapayag at gumawa ng paraan para

mapaalis ang mga dayuhan. Hindi nagpapigil at patuloy na gustong masakop iyong

nasabing purok. Isang araw, nag-init ang mga dayuhan kaya sinugod nila ang mga

tao na nakatira roon ngunit hindi nagpatalo ang mga tao at ang kanilang pinuno.

Sinugod nila ito at naglaban sila. Habang naglalabanan sila natamaan ng itak ang

kanilang pinuno. Sumigaw ang mga tao na “laylay, laylay na ang iyong balikat”.

Namatay ang kanilang pinuno ngunit hindi nagtagumpay ang mga dayuhan. Kaya't

simula noon tinawag na ang purok na “Laylay”.

Pangalan: Pia Venice R. Labay

Pangalan ng Nagsalaysay: Marcelina L. Laderas

Edad: 90

Barangay kung saan nangyari ang isinalaysay: Laylay, Boac, Marinduque


Ang Cawit

Noong unang panahon, mayroong baryo kung saan maraming niyog. Sagana

ang mga tao at lagi silang mayroong ngiti sa kanilang mga labi. Isang araw, may

dumayong Amerikano sa bayan ng Marinduque at napansin nila na ang nasabing

baryo. Lumapit ang Amerikano sa isang lalaking kumukuha ng niyog at tinanong kung

ano ang pangalan ng lugar na ito. Sa pagkakarinig ng lalaki, tinatanong ng Amerikano

kung ano ang ginagamit niya sa pagkuha ng niyog. Sumagot ang lalaki, “Kalawit po.”.

Samantala, ang pagkarinig naman ng Amerikano ay “Cawit.” Kaya’t simula noon,

tinawag na ang lugar na iyon na “Cawit”.

Pangalan: Julian Dave C. Moros

Pangalan ng Nagsalaysay: Eufemia L. Cadag

Edad: 53

Barangay kung saan nangyari ang isinalaysay: Cawit, Boac, Marinduque

Anapog-Sibucao

Noon ay may naninirahang mag-asawa. Ang lalaki ay si Sebio at ang babae ay si

Ana. Ang mag-asawa ay balita sa kasipagan. Bukod sa mga gawain sa bukid, sa

tahanan, ang panghuhuli ng isda at pamumulot ng sigay ay naging gawain na rin.

Ang mag-asawa sa mga sandali o panahong walang ginagawa, ang lahat ng

balayan o balat ng mga sigay ay kanilang sinisigaan at ang abo nito ay kanilang

ikinakalat sa kanilang paligid at dinidilig upang maging makinis at maputi ang

kanilang bahay. Sa mga gawaing iyon ay natuklasan ni Ana na ang abo ng mga

sigay ay mainam na pangpahid sa muka, katawan o mga braso at binti upang

maging makinis at maputi. Sa bandang huli natuklasan din ni Ana na ang abo o apog

ay mainam na sangkap sa paggawa ng nganga. Ito ay sinasamahan ng ikmo o


mam-in, tabako at bunga. Ayon kay Ana, ang nganga ay gamit sa sakit ng ngipin,

lalo na kung ito ay may bokbok o sira na at nagpapatibay pa rin ng ngipin.

Dahil sa natuklasan ni Ana sa gamit ng abo o apog marami ang dumayo sa

barangay na kinaroroonan ng mag-asawang Sebio at Ana. Marami din ang

nagnganganga. Marami rin ang tuluyang nanirahan sa pook na iyon.

Nang lumaon naging bukang bibig na sa lahat ang kanilang bisyong pagnganga ay

utang nila sa masipag na si Ana na mag-aapog.

Nang dumating ang mga kastila ang pook na kinaroroonan nina Ana ay tinawag na

Ana na mag-aapog. Ito’y pinaikli kaya ang tanging turing na lamang ay Anapog-

Sibucao

Toponymic Articles 2B

Balanacan

Ang pook ng Balanacan ay di pa gaanong kilala noon. Karaniwang mga mangingisda

lamang ang pumaparito. Isang itong nagngangalang Pablo Labayna ang tinaguriang

“A Race Pablo” sa tuwi-tuwina. Dito sya nangingisda sapgkat sa wawa ng pook na ito

ay maraming banak ang nahuhuli tuwing buwan ng Agosto. Maraming banak ang

nangingitlog dito. Bala-balanang banak ang nangitngitlog dito kung kayat tinaguriang

banakan ang wawang ito. Sa tuwing magtatanong ang maraming tao kung saan

nahuhuli ang maraming banak sinasagot nila ay “doon sa balana ng banakan”. Sa

katagalan hindi na balana ng banakan ang sinasabi nila kundi pinagsamang salitang

balana at banakan na Balanacan.

Toponymic articles 2B
“Kuwento ng Pinagmulan ng Pangalan ng Mogpog”

Noong unang panahon mayroong isang bayan na ang gawain ng mga tao ay

ang gumawa ng apog. Ang pamamaraan ng paggawa nito noon ay ang pagbayo

upang maging pulbos ang mga ito.

Isang araw may isang dayuhan na napadaan kung saan mayroon siyang

narinig na tunog na Mog! Pog! Mog! Pog! Ito ay mula sa pagbabayo ng mga apog. At

siya ay lumapit sa mga manggagawa na gumagawa ng apog. Ito ay kanyang tinanong

kung ano ang ginagawa ng mga ito. Sinabi ng mga manggagawa na ang kanilang

ginagawa ay mga apog. Ang apog ay isang bagay na ginagamit sa patay upang ito ay

manatiling sariwa at sa pag nga-nga ng mga matatanda. Naglakad-lakad ang dayuhan

sa bayan na iyon at tanging Mog! Pog! Mog! Pog! lamang ang tunog na kaniyang

naririnig. Kaya dito nabuo ang pangalang Mogpog. At kalaunan ay tinawag na Mogpog

ay bayan na iyon.

Pangalan: Dennise Apple Mutya

Pangalan ng Nagsalaysay: Roberto S. Mutya

Edad: 71

Barangay kung saan nangyari ang isinalaysay: Nangka II, Mogpog,

Marinduque

Tres Reyes (Gaspar, Melchor, Baltazar)

“Noon ay nagakarera sina Melchor, Gaspar at Baltazar. Nauna si Melchor, nasa

gitna si Gaspar at nahuhuli si Baltazar. Habang nagakarera sila inabutan sila ng

bagyo, malakas ang alon at nalubog sila ng hindi nakakarating sa pampang. Isang

araw lumitaw yung pulo at pinangalan sa kanila yun.”


“Ang sabi dito sa amin sina Gaspar, Melchor at Baltazar daw ay tatlong hari na may

gusto kay Marin. Gusto daw noong tatlo na parehas manligaw kay Marin kaya nag

paunahan sila. Noong medyo malapit na sila sa pangpang lumubog iyong nasakyan

nila at hindi na sila natagpuan. Lumipas ang panahon may lumitaw na tatlong pulo at

tinawag yung Tres Reyes o Tatlong Hari.

Toponymy ELS 2A

BARANGAY MATANDANG GASAN

May isang bayan-bayanan na nakatayo sa baybayin ng dagat na ang lakhang

bahagi ay patungo sa kabundukan. Tanging ang mga maliliit na bahaging bungad ng

sitio ang natatanawsa karagatan. Subalit sa kalooban nito ay malawak na

bulubundukin ng nasa dulong bahaginito ay makikita ang maraming mamamayan.

Pagbubukid, paglililok at pagtutuba ang kanilang hanapbuhay. Masaya ang nayong

ito kahit di kariwasaan ang buhay. Tuwing hapon sila’y nagtitipon mul sa kanilang

bukirin at ditto nila pinalilipas ang pagod. Sa pagtitipon-tipon at pag-iinuman ng

tubing hinukas mula sa punong niyog ng kanilang kanayon. Masaya sila ng

nagkakantahan at nagsasayawan .

Ngunit isang araw ang kasiyahan at katahimikan ay biglang nabulabog pagdaong sa

dalampasigan ng isang barkong lulan ng mga banyaga. Takot at sindak ang sumibol

sa kanilang dibdib dahil ang banyagang dumating aymalulupi. Kanilang inespiyahan

ang buong naybayin at karagatan. Llaong sumiklab ang kanilang pagnanasa na

maangkin ang magandang lupain na kanilang natagpuan.


Dala ng kabaitan ng mga naninirahan ay nagging sunod-sunoran sila sa nais ng mga

dayuhan. May pag-galang na tinanggap nila ang mga dayuhan ngunit di nila alam ay

ito na ang simula ng kanilang pagdurusa’t kalungkutann.

Isang araw habang isang opisyal ng mga dayuhan ay na pagawi sa munting

bayanan, isang babae ang kanyang nasalubongsa tapat ng isang napakalaking

putting bat. Biglang nagtanong ang dayuhan sa babae sa wikang banyaga. Sa

kalituhan ng matandang babae na inakala niyang ang itatanong sa kanya ay kung

anong tawag sa malaking bato, siya’y sumagot ng “GASA!GASA!. Sa pagkaunawa

ng opisyal ay pangalan ng lugar ang GASA-GASA.

Dahil dito sa kalupitan, ang mga mamamayan sa munting bayanan ay lumikas

nagtungo sa mga bukirin ng kanilang binubukid upang doon magtago. Dahil ang

bungad na bahagi ay mas malapit sa daungan ng sasakyan ipinasya ng mga

dayuhan na ito’y maging sentro. Doon sila nagsimula magpatayo ng kanilang bahay.

Dito nagsimula ang kanilang pamumuno na tinawag nilang GASANG. Ang munting

bayan ay biglang tumahimik subalit ito’y sentro pa ring mga importasyon sa mga

naninirahan. Sa katagaln ang lugar na iyon ay tinawag nilang MATANDANG

GASAN, pahiwatig na nag bayan sa baybaying dagat ay bagong bayanang kanilang

itinayo. Ito ang kasaysayan ng nayong dati ay bayan ng Gasan na ngayon ay

“MATANDANG GASAN”.

Toponymy ELS 2A

Bagtingon

People used different materials in catching animals like

arrows, net and “bagting”. A hunter was hunting in the

forest, but suddenly he was caught using bagting. The


folks laughed of what happened to the hunters. The

folks told that “Ung mangangaso na bagting at

lumingon pa”. And from that incident the place was

called Bagtingon from the word “bagting” and “lingon”.

Alamat ng Bagtingon

Ang mga tao dati ay madaming nagamit na mga patibong para makasilo ng mga

ilang na hayop kagaya ng mga palaso, lambat at bagting. Isang mangangaso ang

naghahanap ng masisilo sa gubat nang siya ang biglang nasilo sa bagting.

Naghagalpakan ang mga tao sa nangyari sa mangangaso. Sabi nila, “yung

nangangaso na bagting at lumingon pa.” at simula noon ang lugar kung saan siya

nasilo ay tinawag na Bagtingon mula sa salitang “bagting” at “lingon.”

Malbog

One day, on the month of April, according to the legend,

the rain fell, Mang Boyong and Ato smell something.

The two men were eager to find the bad smell. After

finding for long time they found a spring with Sulphur.

From their conversation, they concluded that it came

from the Mt. Malindig. Mang Ato also added that the

Sulphur from the mountain will explode if it will not

flow.

When the Spaniards came and the Buenavista

was established as a town. They explain that if the

Sulphur will not continuous flow it will explode and


province will settle down. From the Spaniards gave the

name “Malobog”. As time passed by it was called

“Malbog”. Villanueva thesis

Alamat ng Malbog

Noong unang panahon na di pa nabibinyagan ang pagiging bayan ng Buenavista

dito sa Marinduque ay mayroong dalawang lalaking buhay pa man sa kanilang

pagkabata ay kinakitaan na ng pagiging uliran at kasipagan, tiyaga at sa anumang

gawain sa pagkabuhay. Ang mga ito ay sina ka-Ambrocio o Boyong at ka-Donato o

Ato. Sa laging kasabihan at mga nakakakita at maging nakakasama ay kahili-hili ang

mga kilos ng mga taong ito parang walang kapaguran at kalungkutan.

Isang araw na magtatanghali na nuon ay Buwan ng Abril, ayon sa maikling

kasaysayan na na anyong pumatak ang ulan, ang nasabing ka Boyong at ka Ato ay

nakapansin sa pamamagitan ng simoy ng hangin, ng hindi pangkaraniwang amoy.

Sa kanilang paghahanad na mabatid kapwa kung ano at saan nagbubuhat ang

masamang amoy na kanilang nalalanghap, silay naghanap. Bagaman bukod sa

lugar na kanilang pupuntahan sila ay nagpatuloy at natagpuan ang gilid ng bukal ng

tubig na may asupre at sa kanilang pag-uusap nabanggit ni ka ato kay ka boyong na

kung hindi sumingaw ang asupre na buhat sa bundok ng malindig, ang bahagi ng

Marinduque ay puputok at lulubog. Nang dumating na ang panahon ng pamamahala

ng mga kastila, at nabinyagan ang Buenavista, mula sa ibig sabihin nito na

Magandang Tanawin” dumating ang namuno sa lugar na ito at nagtanong kung

nagtanong kung anong pangalan ng lugar na iyon. Bigla nilang naamoy ang asupre
at sila ay nagtaka. Tinanong niya ito sa kanyang mga kasama. Pinuntahan nila at

inamoy ang masamang amoy mula sa tubig.

Sa kanilang pagpapaliwanagan, ipinaliwanag niya sa kastila na kung hindi sumingaw

mula sa nasabing bundok ang bagay na ito, ito ay sasabog at lulubog. Dahil dito

sinabi ng kastila na ang pangalan ng lugar ay Malobog at sa tinagal tagal ng

panahon at hanggang sa kasalukuyan ang malaboy ay nasabing Malbog.

DOLORES – Nagmula sa katagang “na Dolores na ang mga tao” na iniukol sa mga

taong pumpupunta sa mga bayan ng Mogpog at Boac na nagdiriwang ng kapistahan

upang makisalo sa mga handaan o mga kasayahan. Santa cruz LCP

BUYABOD – Nagmula sa pangalang ni “Bud” isang magandang dalaga na

pinapayagan lamang paligawan ng kanyang tatay sa mga manliligaw na may dalang

“pabuya” o regalo

Ang pier ng Buyabod ay ginamit na daungan ng mga sasakyang pandagat noong

panahon ng mga Espanyol. Madalas din itong pagtaguan ng mga barko lalo na

kapag masama ang panahon at malalaki ang mga alon. Ginamit itong lugar sa

paggawa at pagkumpuni ng mga barkong ginamit sa kalakalang galleon. Ito rin ang

nagsilbing unang pier sa mga sasakyang pandagat na bumibyahe papuntang

Lucena.Santa Cruz LCP


Bathala

Ayon sa kwento, noong unang panahon ay may dalawang mag-asawa na

nanghuhuli ng isda at hipon sa ilog sa loob ng Kuweba ng Bathala. Tuwing

magbibingwit sila lagi nilang sinasabi ang “Bahala na” (Let Bathala be!), kaya sa

tuwing uuwi sila puno ang kanilang sisidlan ng isda at hipon’ (Cyren Rico, “Inquiry

into the Historical, Cultural and Scientific Significance of Bathala Cave,” 2006). Isa

pang kinagawian ng mga Santa Cruzin (tawag sa mga taga-Santa Cruz) ay ang pag-

bibigkas ng salitang “Hala ka!,” “Hala Kamo!,” “Hala kayo,!” kasabay ang senyas ng

hintuturo sa langit na may kasamang pag-alog ng daliri, na nangangahulugang “God

is Watching” o “Kita ka ni Bathala.” Ang kuweba ay tirahan din ng mga naglalakihang

sawa sa loob nito. Noong unang panahon, may isang lalaki na galing sa paglalakbay

at nagpahinga sa kuweba. Nakaidlip ang lalaki dahil sa sobrang pagod, maya-maya

pa ay may nararamdaman siyang parang may sumisitsit sa kanya. Isinawalang

bahala niya ito at nagpatuloy sa pagtulog; pakalipas ng ilang minuto, nararamdaman

na niyang may tumatapik sa kanyang tagiliran. Natakot siya habang iniiwasang

lumingon at nagtulog-tulugan, laking gulat niya nang makita niya ang isang malaking

sawa. Daglian siyang tumakbo papalayo at biglaan ring umalis ang malaking ahas.

Pinaniniwalaan na ito daw ang isa sa mga nagbabantay ng kayamanang ginto sa

loob ng Kuweba. Sa isa pang kuwento, binansagan ang kuweba na “Kuweba De-

Gunaw” noong taong 2000 dahil dumating dito ang pangkat ng isang kulto mula pa

sa isla ng Mindoro at nagpakalat sila ng balita na sa taong ika-2000 daw ay

magugunaw na ang mundo dahil sa tanda ng kamay ni Hesus na nakasenyas ng

dalawang daliri nakataas. Agad kumalat ang balita sa buong lalawigan at nagdulot

ng pangamba at takot sa mga Marinduqueño. May mga taga-Toriijos na agad

nagpuntahan sa Kuweba dahil ito raw ang lupang pangako na nakasaad sa Bibliya.
May ilang naipagbili nila ang kanilang mga ari-arian dahil hind rin nila ito madadala

sa langit at ibinigay ang pera sa kulto upang makapasok sila sa kuweba. Subalit,

hindi nagkatotoo ang propesiya ng kulto na magugunaw ang mundo. Maraming tao

ang naloko at nabalitaan nilang umalis na sa kuweba ang mga kasapi ng kulto at

hindi na nila muli itong nasilayan pa. Santa Cruz LCP

Bolo

Noong unang panahon, ang lugar ngayon ay Barangay Bolo ay isang magubat at

madawag na kabundukan na mayaman sa isang uri ng puno ng kawayan na kung

tawagin ay Bolo. Ang pook na to ay nasa gitna ng tatlong burol burol ng Talisay,

burol ng Perro sa gawing Kanluran ng Pulang Lupa sa gawing Timog, sinasaklaw

nito ang maraming batis na pinagkukunan ng dalisay na inuming tubig at dalawang

malilit na ilog na ang mga pangalan ay hinango mula sa kahoy na kayugkog at

kalantas. Maraming hayop na dito ay matatagpuan katulad ng baboy ramo, usa,

unggoy, labuyo, (manok gubat) at ibat-ibang uri ng ibon, may dahilan upang dayuhin

ito ng mga mangangaso, madalas pumutol at kumuha ng mga puno ng kawayang

bolo na kanilang ginagamit sa pavgawa ng bitag na panghuli ng mga usa partikular

sa anak nito na kung tawagin ay bol-o. Nakagawian na ito ng mga tao roon, at

maging ng mga dumarayo upang mangaso. Sa pagdaan ng mga panahon, ang

ganitong gawain ay naging tanyag na dahilan upang ang maraming tao mula sa

kanugnog na lugar ang dito'y nagsimulang magdagsaan at kinalaunan ay dito na

naninirahan. Dito nagsimula ang isang pamayanan na sama-sama at tulong-tulong

ng mamuhay sa lugar na ito, at sa pagiging tanyag ng kagandahan ng kawayang

bolo at paboritong hulihin ng mga mangangaso ang batang usa na kung tawagin ay

bol-o nakarating ito hanggang sa malayong pamayanan na ang tanging nakikilala


lamang na Lugar ay pook ng kawayang bolo at ng batang usa. Kinasanayan ito ng

mga tao kung kaya't nabuo ang pangalang Bolo bilang isang barangay. Toponymic

articles 2B

Bonliw

Ang Lupang sakop nito noong ikalabing dalawang siglo ipinag utos ng emperador

Madjapahit sa kanyang nasasakupan na palaganapin ang katutunang Islam.

Naglatag ng pamayanan o barangay upang pagyamanin ang lupang sakop at

masasakop pa ng kanyang imperyo. Dahil dito ipinasyang maglakbay si Datu Puti

kasama pa ang kanyang sampung datu upang tuparin ang utos mula kay emperador

Mahuma. Dahil dito maraming paglikas upang sumama sa kanila. Upang umiwas sa

pinunong malupit sa pook an iyon na kumitil sa kanilang kalayaan at karapatan mula

sa Bormeo. Sumakay sila sa kanilang mga paraw o Balangay hanggang sapitin nila

ang Pulo ng P'anay kasama ang kanilang pamilya, tauhan, at kamag anak. Dito nila

inihandog ang kanilang gintong salukot sa pinuno mg mga Katutubo na sina

Maricudo at asawang si Matiwang iwang, nanguna sa paglatag ng pamayanan o

Barangay na Si Datu Sumakwil. Ang mga Datu rin ang nagsilbing tagapagturo ng

relihiyon, batas, at hukom sa bawal pulo na kanilang narating. Ang kanilang wikang

Malay ang naging daan sa pag unlad ng iba't ibang wika. At ang mga wikang

kanilang napaunlad ay ang Ilongo, Cebu, Waray, Bicol, Kapangpangan, at tagalog.

Sa Timog Lazon nakarating dito si Batong Bakal, siya ay naging tagpagturo ng

Alpabitong Alibata, na siyang pinagmulan ng Abakada. Ang kamag anak at mga

tauhan nito ang nakarating sa look at lawa ng Maynila at sa paligid nito. At paglatag

ng unang pamayanan ng mga tagalog sa gilid Ilog Pasig malapit sa dagat sa

pangunguna ni Datu Puti ang pamayanang ito ay mabilis lumago at umunlad at


pinagmulang kanilang angkan ang mga maharlikang Tagalog tulad ni Lakandula,

Raja Matanda at Raja Sulayman. Si Datu Batong Bakal ay may isang Maharlikang

kapatid siya ay si Raja Manuong na nakarating naman sa silangang bahagi ng

pulong Marinduque kasama niya ang kanyang mga anak at tauhan. Ang tatlo sa

kanyang mga anak na ito ay nanirahan ay sina Danao, Albon ar Salamat. Nang

mamatay si Raa Gat Salamat, ang pumalit sa kanya bilang puno ng mga tagalog ay

ang anak niyang si Raja Gat Bonleo. Sila ay tumira sa baybaying dagat at ilog na

narating ng kanilang mga Bangka. Unang nakilala sa tawag na taga ilog na

pinagmulan ng lupang tagalog sa silangan. NAng pumanaw si Raja Gat Bonleo,

isang punong kahoy ang naging pananda. Ang kahoy na ito ay kumalat sa pook at

naging palatandaan ng mga mangangalakal na Tsino. Ng dumaung ang mga kastila

sa pangunguna ni Miguel Lopez De Legaspi noong taong 1579 kasama ang mga

pareng Heswita na sina Felix La Huerta, Exlepan Oniz, at Juan Rusado, ang punong

kahoy na ito ay kanilang nasumpungan at tinawag na ito sa pangalang gamit ng mga

Mehuras De Bonleo bilang pangalan sa pinuno ng mga tagalog. Ang pangalan din

ito ang unang ginamit ng mga kastila bilang pangalan ng mga pook at ginamit sa

titulo ng lupa. At naging Bonliw ang naging salin sa Pilipino sa paggamit ng

alpabetong Pilipno. Toponymic Articles 2b


Mga kuwentong-bayan na nagmula sa Bayan ng Boac 20/61

- Pinagmulan ng balaring

- Pinagmulan ng bantauyan

- Pinagmulan ng lupac

- Pinagmulan ng bunganay

- Pinagmulan ng laylay

- Pinagmulan ng ihatub

- Pinagmulan ng cawit

- Pinagmulan ng mainit

- Pinagmulan ng bantay

- Pinagmulan ng bangbangalon

- Pinagmulan ng balogo

- Pinagmulan ng puyog

- Pinagmulan ng poctoy

- Pinagmulan ng laylay

- Pinagmulan ng tabigue

- Pinagmulan ng isok

- Pinagmulan ng agot

- Pinagmulan ng isok 2

- Pinagmulan bantad

- Pinagmulan ng pawa
Mga kuwentong-bayan na nagmula sa Bayan ng Mogpog 3/37

- Pinagmulan ng pangalan ng mogpog

- Pinagnulan ng Nangka 1

- Pinagmulan ng Nangka 1

Mga kuwentong-bayan nagmula sa bayan ng Sta Cruz 1/55

- Pinagmulan ng salitang makapuno (Brgy Aturan)

Pansamantalang Konklusyon

Batay sa kahingian ng KWF, dapat ay orihinal, awtentiko at hindi pa nalalathala o

hindi salin ng isang umiiral nang akda ay nakapagtipon ng mga anyo ng panitikang

bayan sa lalawigan ng Marinduque. Lubhang mahirap ihiwalay ang Marinduque

Tagalog sa Filipino. Kahit sa panimulang sipat ni Cecilio Lopez (1925) na magkaiba

ang lalawiganing Tagalog, partikular sa bayan ng Boac, ang kabisera ng Marinduque

kung ikukumpara sa Tagalog sa lungsod o sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR).


Sanggunian:

Bolata, EJ. (2021) Revisiting Rosa Soberano’s The Dialects of Marinduque Tagalog

(1977/1980) using Geographical Information System Approaches.

Cultural Center of the Philippines. (2018) Encyclopedia Philippine Arts.

Komisyon sa Wikang Filipino (2020) Atlas ng mga Wika ng Filipinas.

Kuwento mandin namin!!! (2020) Mga Kuwentong Bayan sa Marinduque.

Marinduque National High School

KWF bares program for native languages in midyear report. (2019) Daily Guardian

KWF Unveils 1st Language Marker in Cordillera. (2018) Senate Press Release

K to 12 Curriculum Guide: Mother Tongue (2016) Department of Education

Legarda, Loren. (2018) Bantayog Wika ng KWF. Mensahe ni Senador Loren

Legarda.

Logmao, Marielle. (2018) Origin and Establishment of Barangays in Municipality of

Boac. School of Education. Marinduque State College

Lopez, Cecilio. (1970) On the Boak Tagalog of the island of Marinduque. The

Archive (New Series)


Profile of Significant Cultural Heritage. (2021) Municipality of Santa Cruz,

Marinduque.

Soberano, Rosa (1980) The Dialects of Marinduque Tagalog. Department of

Linguistics. Australian National University.

Valdez, Dezza Lavern (2019) Origin and Establishment of Barangays in the

Municipality of Mogpog, Marinduque. School of Education. Marinduque State

College

Villanueva, Mark Anthony (2018) Origin of Barangays in the Municipality of

Buenavista, Marinduque in Different Perspective: A historical Documentation. School

of Education. Marinduque State College

You might also like