You are on page 1of 6

NIUGAN

Jullie Anne P. Balasbas


12018-0059

Kimberly O. Flor
12018-0012

BSA 1A
Mr. Ivan Paulo M. Evangelista
Ang Niugan, sa kasalukuyan, ay isang maliit na barangay sa lungsod ng
Malabon na napapalibutan ng ilog ng Catmon sa hilaga, Sitio Tabing Ilog sa timog, ilog
ng Tonsuya sa silangan at San Siangco St. sa kanluran. Noong panahon ng pananakop
ng mga espanyol, ang Niugan ay isang sitio na bahagi ng distrito ng Tonsuya.
Nahiwalay lamang ito sa distrito at naging barangay noong panahon na ng rehimen ng
mga Amerikano. Nahati pa muli ito sa tatlo pang sitio; ang Dako, Dulo at Pugad Baboy.
Dako ang pangalan ng sitio dahil ito ang naghahati sa Niugan at Tonsuya. Nakuha
naman ang pangalan ng sitio Dulo dahil ito ang dulong bahagi ng Tonsuya. Ang “Pugad
ng mga Baboy” o “Pugad Baboy” naman ay binigyan ng ganitong katawagan dahil ang
ikinabubuhay ng mga unang pamilya na nakatira rito ay ang pag-aalaga ng baboy at
pagbebenta nito.

Ang pinag-ugatan ng salitang Niugan ay dahil umano sa “Niugniugan” kung saan


ito ay ligaw na puno sa baryo. Ang kaniyang umanong prutas ay nakapagpapagaling sa
mga batang may bulate sa tiyan. Ayon naman sa mga taong unang nanirahan sa baryo,
ang salitang Niugan ay nag-ugat dahil ang baryo ay pinalilibutan at binubuo ng mga
puno ng niyog. Ngunit walang sumusuportang dokumento na nagpapatunay na
nagmula nga ang pangalan sa konseptong ito.
Mayroong iba’t ibang kaugalian at tradisyon ang barangay. Isa sa mga
magandang kaugalian sa baryo ng Niyugan ay ang pagiging matatag ng bawat grupo.
Ito ay marahil nanggaling sa mga pamilya na nakatira sa baryo na may koneksyon sa
bawat isa. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa baryo noong panahon ng Espanyol
na may kaunting pamilya at kamag-anak. Dahil sa pag-aasawa, ang populasyon sa
baryo ay unti-unting lumalaki sa paglipas ng panahon. Hindi rin bago sa kanila na ang
bawat residente sa kanilang baryo ay tatawaging pinsan, tita o inkong.
Dahil dito ang relasyon ng pamilya sa baryo ng Niugan ay naiiba sa iba pang
baryo sa Malabon. Ang pagkakaisa ng bawat pamilya ay siyang dahilan upang
maipahayag ng maayos ang mga iba’t ibang aktibidad. Ang mga aktibidad tulad ng
piyesta, kasal, paglilipat ng tahanan sa ibang lugar at pakikipaglibing ay mga paraan
lamang upang makita ang kooperasyon ng mga residente sa baryo.
Sa usaping panliligaw, ang “harana” ay ang pinakalaganap na paraan sa baryo.
Kaya naman ang manliligaw ay sinasama ang kaniyang mga kaibigan para kantahin
ang mga kantang may tema tungkol sa pag-ibig. Ito ay kanilang tinutugtog
sapamamagitan ng gitara at byolin. Kapag ang manliligaw ay hindi marunong kumanta
puwede siyang humiling sa ibang kasama na may magandang boses upang kantahin
ang naturang kanta. Ang harana ay laging nagaganap tuwing malapit na maghating-
gabi at kapag ang buwan ay bilog at maliwanag.
Isa pa sa mga sistema ng panliligaw ay ang “Panuyo”. Ang paraan na ito ay hindi
lamang sa baryo ng Niugan kundi sa iba pang lugar. Kung saan ang manliligaw ay
nagtatrabaho sa bahay ng kaniyang nililigawan. Minsan ito ay umaabot ng araw, lingo,
buwan at taon hanggang makuha ng manliligaw ang kaniyang nais. Ang hulingparaan
ng pangliligaw ay ang “Kagustuhan”. Ito ay kadalasang pinapapunta ang matalik na
kaibigan ng pamilya sa bahay ng babae upang mapag-usapan ang mga kinakailangan
na impormasyon tungkol sa kanilang pag-iibigan. Ito ay kadalasang nagreresulta sa
pagbibigay dote sa partido ng humihiling.
Kapag ang buntis ay malapit nang manganak karaniwang pinapasadya ipatawag
ang matandang babae na may karanasan sa pagpapaanak. Ang matandang babae ay
kilala sa tawag na “hilot”. Isa sa mga laging pinapatawag na “hilot” sa baryo ay si
Matandang Simang na residente rin sa baryo. Dahil sa paglipas ng panahon ang mga
residente ay unti-unting nagiging maalam kaya naman isinasantabi na nila ang “hilot” at
binibigyang daan ang makabagong komadrona, nurse at maging ang mga doktor.
Ang kasal ay isang uri ng okasyon na magara at pinaghahandaan ng karamihan.
Ito man ay resulta ng “panuyo”, “harana” o ng “kagustuhan”, ang buong baryo ay
inaasahang magkakaroon ng masaganang piyesta. Ito ay isang kaganapan na maaari
lang ganapin tuwing may binyag at kasalan. Ang mga okasyon na ito ay hinahandaan
ng mga masasarap at mga tradisyonal na pagkain.
Ang mga dating residente ng baryo ng Niugan ay hindi lamang masipag at may takot
sa Diyos kundi sila rin ay isang makompiyansa sa usaping lipunan. Ang mga
sumusunod na impormasyon ay ang mga gawain na pampalipas oras ng mga residente
ng baryo:
1. Lubigan- ito ay binubuo ng dalawang kampona may tig-anim na manlalaro. Ito
ay puwedeng kalakihan o kababaihan o kahit ang mga bata. Ang “taya” o ang
miyembro ng kapanalig ay nasa linya at naghihintay na mahawakan ang
“bangon” habang ang kalaban na kampo ay tatawid sa linya hanggang makabalik
sila sa kanilang kampo. Sa oras na mahawakan ang isang miyembro, ang buong
kabilang koponan ang magiging “taya”.
2. Tupada o Sabong- kung ang tandang na manok ay nakikipagkumpentensiya sa
sabungan, ito ay tinatawag na sabong. Ang tandang ay mayroong “tari” sa
kanilang paa na kung saan ito ang ginagamit sa kalabang manok hanggang
mamatay. Kung ang labanan ng tandang ay nangyayari sa eskinita o masisikip
na lugar ito ay tinatawag na Tupada.
3. Paliparan – ang mga saranggola ay pinapalipad ng mataas at habang nasa ere
nagkakaroon ito ng labanan hanggang ang isa sa kanila ay masira at lumapag sa
lupa. Kalalakihan ang madalas na naglalaro nito.
4. Sipa– ito ay ginagamitan ng isang maliit na bola na gawa sa rattan at ito ay
sinisipa pabalik-balik. Kalalakihan ang madalas ding naglalaro nito.
5. Taguan – ang koponan na nagtatago ay siyang naghahanap ng lugar kung saan
magtatago na mahirap hanapin. Sila ay mananatili sa kanilang pinagtataguan
hanggang sila ay madiskubre ng kalaban. Ito ay kadalasang nilalaro tuwing gabi.
Kapwa kalalakihan at kababaihan ang pwedeng maglaro nito.
Kilala ang Niugan dahil sa kainan na naririto na tinatawag na “Balsa sa Niugan” o
Floating Restaurant. Matatagpuan ito sa kalye ng M. Aquino malapit sa San Antonio de
Padua Parish Church. Ayon kay Nelia Geronimo na ang pamilya ang nagmamay-ari ng
kainan, bago ito maging Balsa sa Niugan, ito ay dating fishpond. Nagkaideya ang
kanilang pamilya na gawin itong kainan kung saan maaring kumain sa mga lumulutang
na balsang yari sa kawayan. Nagsimula sila sa paggamit ng apat na balsa lamang.
Hanggang sa nadagdagan ang bilang ng mga balsa at lumaki na ang kanilang negosyo
dahil sa popularidad na nakuha nito. Sa oras ng hapunan dumaragsa ang mga
kumakain rito.

Dinarayo rito ang sinasabing best seller ng kainan, ang sizzling sisig. Bukod dito,
mayroon ding pinakbet, tilapia, fried pork belly, chopsuey at marami pang iba.
Pagdating naman sa lugar, ito ay tahimik at payapa kung kaya’t makakapagpahinga
ang mga kakain rito. Maliban sa kainan, mayroon ding Kapihan sa Balsa sa Niugan na
kape naman ang pangunahing produkto.

Isa pang kilalang kainan sa Niugan ay ang Lady Jeunet’s Steakhouse na


matatagpuan sa N. Vicencio Street. Sila naman ay kilala sa kanilang mga steaks at
naghahanda din ng iba pang panghimagas at kape bilang inumin.
Ang barangay Niugan ay pinamamahalaan ng mga sumusunod:
Sangguniang Barangay
(Sa taong 2018)

Opisyales ng mga Barangay Katungkulan

1. Rizalito B. De Guzman Punong Barangay


2. Angelito B. Josef Kagawad
3. Virgilio R. Cruz Jr. Kagawad
4. Nestor Y. Santos Kagawad
5. John Eric V. Ona Kagawad
6. Teody Mar G. Santos Kagawad
7. Ramoncito D. Arlegui Kagawad
8. Emiliano R. Roque Kagawad
9. Mia Jean T. Bernal Kagawad
10. Joanne Leslie J. Pascual Kalihim
Jullie Anne P. Balasbas
BSA 1A

Barangay Niugan

Sa aming pananaliksik sa kasaysayan, kultura, mga sikat na kainan at mga


taong namamahala sa barangay Niugan, marami akong natuklasan na hindi ko pa
nalalaman tungkol sa lugar na ito. Kahit ang aking tirahan, ang barangay Tonsuya, ay
malapit sa Niugan, kaunti lamang ang aking kaalaman tungkol dito. Nalaman kong ang
pangalan ng lugar na ito ay sumasalamin sa kung ano ito sa nakaraan- taniman ng mga
puno ng niyog. Ngunit bago pa man ito maging isang barangay marami pa itong
dinaanang panahon ng pananakop ng mga dayuhan.

Akin ding natuklasan ang mayaman nitong kultura dahil sa mga taong unang
nanirahan dito. Naging likas sa mga tao ang pagiging malapit sa isa’t isa o ang matibay
na relasyon sa pamilya at kaibigan. Kung kaya’t hindi nakapagtataka ang kabihasnan
na umusbong sa dating maliit na baryo malipas ang maraming taon. Nakakamangha na
sa kasalukuyan kilala ito dahil sa mga kainan at produktong narito na sinasabing
kukumpleto sa hanay ng mga pagkaing ipinagmamalaki ng Malabon. Na sana ay akin
ding matikman sa mgasusunod na panahon.

Sa amin namang pagpunta sa barangay hall para humingi ng pangalan ng mga


bagong opisyales na mamumuno sa barangay, ako ay nagmasid sa lugar. Nakita kong
payapa ito at mababakas ang simpleng buhay ng mga mamamayan. May mga parte
kaming nadaanan na napagpaisip sa amin kung kami ba ay nasa Malabon pa, dahil
narin sa mala-probinsya nitong pakiramdam at mga naglalakihang bahay. Ang mga tao
ay handang magbigay ng tulong kahit sa aming mga dayo lamang roon.
Sa kabuuan, napakarami kong natutunan sa pananaliksik sa barangay Niugan.
Inakala kong simple lang ang pagtuklas nito ngunit kinakailangan pa talagang puntahan
at personal na maranasan ang lugar. At hindi nga mali ang mga nagsasabing isa itong
magandang puntahan. Masasabi kong isa ito sa mga mapaipagmamalaking barangay
sa Malabon dahil sa gandang taglay ng lugar maging ang mayaman nitong kasaysayan
at kultura.
Kimberly O. Flor
BSA-1A

Barangay Niugan

Bilang isang hindi residente ng Malabon masasabi ko na ang naataas na


barangay sa amin ay sadyang masagana sa kaugalian, kultura at tradisyon. Habang
binabasa ko ang mga impormasyon tungkol sa Niugan, ako ay natuwa at namangha
dahil makikita mo noon ang mga tunay na kaugalian ng mga Pilipino. Uso sa kanila ang
salitang “pagkakaisa” kung saan walang maiiwan na kasamahan tuwing may problema
at aktibidad ang mangyari. Siguro kaya ganun sila mag-isip dahil tinuturing nila ang
bawat isa bilang kapamilya.

Hindi lang basta ang pinag-ugatan ng pangalan ng Niugan. Nakakatuwa dahil


hindi nila kinakalimutan kung ano baa ng meron sa barangay na iyon. Dahil nga
mayroon silang nakita noon ng mga punong ng niyog, iyon ang kanilang ginamit upang
maisalamin ang pinanggalingan ng salitang Niugan. Kahit ba hindi pa ito
napapatunayan dahil kulang sa dokumento, kahit papaano mayroon tayong dunong
tungkol sa kanilang barangay.

Sabi nga sa mga nabasa kong impormasyon, ang mga tradisyon sa baryo ng
Niugan ay hindi lamang makikita doon kundi sa iba pang lugar. Katulad na lang ng
pagdiriwang ng kasal sa kanilang baryo. Ayon sa aming pananaliksik, ang kasal ay isa
sa pinakaengradeng okasyon sa kanilang barangay dahil ito ay pinaghahandaan at
ipinagdidiriwang ng karamihan. Kumbaga okasyon na ito ay maihahalintulad na piyesta
ang datingan sa kanilang barangay. Nakakatuwa dahil kahit di mo kaano-ano ang
ikinasal sadyang natural sa kanilang ugali ang tumulong at makisalamuha. Sa usaping
larong pinoy naman, ako bilang isang kabataan na naranasan noon ang mga larong
pinoy. Ako ay nasiyahan dahil kahit papaano naranasan ko ang mga kaugalian ng
larong pinoy. Gaya na lang sa barangay Niugan, ang mga laro nila noon ay
sumasalamin kung ano nga ba talaga ang barangay Niugan. Maging sa larong pinoy
mahihinuha natin na napakayaman ang tradisyon ng mga residente sa barangay
Niugan.

Ang mga kanilang tradisyon ay sadyang nagpapakita ng mga magagandang asal


na sana hanggang ngayon ay kanilang taglayin. Hindi lang sa Malabon kundi sa bawat
sulok ng ating bansa. Siguro buhay pa ang mga tradisyon noon sa mga lugar na
malalayo pero sana maipagpatuloy pa rin ang mga kaugalian na ito sa mga lugar na
unti-unting nasasakop ng modernong teknolohiya.

You might also like