You are on page 1of 18

1 |FM10

KOPYA NG ULAT SA ARALING


FM 10: BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

PAKSA: WIKANG CEBUANO, HILIGAYNON, WARAY

MGA NAG-ULAT

ABELA, ANA MARIZ JOY B.

ABISO, JENNY MAE B.

AGTARAP, JOVILYN A.

BASCON, ARMINA

CANUEL, MARRY JOY B.

GABIANA, DORA C.

GOROBAT, ARLENE D.

LOPEZ, CHARLENE JOY B.

MANTE, LOWELL JAYMART O.

MURAO, MARK SHANE C.

SADIZ, RENZ R.

SALAZAR, JOHN EVAN

VEDASTO, JOYCE ANN B.

VILLAS, JAMES C.

BSED 2204 FILIPINO MAJOR

IPINASA KAY

GINOONG MARK JAYSON MENDOZA

2 |FM10
INTRODUKSYON SA MGA

IUULAT NINA: RENZ SADIZ, JAMES VILLAS, LOWELL MANTE

Ang Visayas o Kabisayaan sa Bisaya: Kabisay-an, tinagurian ring Gitnang Pilipinas,


ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at
Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa
Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang
bahagi ng Dagat Sulu. Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong
Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagang-silangang
Mindanao habang ang iba naman ay dumayo sa ibang mga bahagi ng bansa, kasama
na ang Kalakhang Maynila, kung saan sila ang bumubuo ng mga skwatter area.
Cebuano, Hiligaynon (o Ilonggo), at Ilocano ang mga nangungunang wika ng mga
Bisaya pagdating sa bilang ng mga tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan
ang mga tagapagsalita ng mga wikang ito (at ng iba pang mga wikang Bisaya) kung
pipilitin, hindi pa rin ito sapat para sa masaysay na talastasan, at karaniwang
gumagamit ng Tagalog o Inggles ang ginagamit bilang wikang pantalastasan sa pagitan
ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko. Ang mga pangunahing wikang
sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng
Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa
Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon,
wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na
ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa
pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ng
bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook
urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong
palatandaan at kalakalan. Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang
kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at
mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon
kung may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang mga tao sa rehiyon ng
Kabisayaan ay mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000
hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay mga tribong
animista. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya,
Majapahit at Brunei, na pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay
naglakbay at nanirahan sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito. Noong
ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na Arabe at ang kanilang mga tagasunod
ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang
mga tribong pangkat sa Islam.

3 |FM10
IUULAT NI: BINIBINING ARMINA BASCON

Ayon kay Dr. Constantino, isang dalubwikang Pilipino, nasa higit sa isang
daang (100) ang mga wika at apat na raang (400) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas.
Ang mga sumusunod na wika ay: Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano,
Hiligaynon, Bicolano, at Pangasinense.

Lumalabas sa sarbey na nangunguna ang Tagalog


at pumapangalawa naman ang Cebuano kung ang
wikang ginagamit sa tahanan ang pag-uusapan. Ngunit
nakakalamang ang Cebuano kumpara sa Tagalog kung ang
pag-uusapan ay unang wikang natutunan. Ang Wikang
Cebuano ay ang ika-47 na nangungunang wika sa buong
mundo, patunay ang mga migranteng pangkat-etnikong
Pilipino na nagsasalita nito at mga dayuhang pangkat-
etniko sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito ay ang ikalawa
naman sa pinakamalalaking wikang ginagamit sa
Pilipinas, kung saan humigit kumulang 20 milyong Pilipino
ang nagsasalita nito bilang kanilang unang wika, at 11
milyong Pilipino ang nagsasalita nito bilang pandagdag
na wika.

IUULAT NI: GINOONG JOHN EVAN SALAZAR


Ang wikang Cebuano ay tinatawag na Sugbuanon, Cinibwano at Binisaya
nang mga katutubong tagapagsalita, na sinasalita nang grupong Cebuano sa Cebu at
iba pang pangkat etniko sa Visayas at Mindanao.

Ang wikang Cebuano ay wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng


humigit tatlomput-tatlong (33) milyong tao na nasa ilalim ng mga wikang Bisaya. Ito
ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na
ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.

Ang wikang Cebuano ay ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa


ilang bahagi ng Mindanao. Sinasabi rin na ang wikang ito ay isa sa tatlong pinaka
diyalekto na bumubuo sa lenggwaheng ng mga bisaya. Kumpara sa ibang diyalekto

4 |FM10
na mayroon ang Pilipinas, bukod sa Tagalog, ang Wikang Cebuano ay hindi
masasabing lengguwahe bagkus ay isang diyalekto.

Ang Katimugang Leyte Binisaya ay isa sa kilalang varayti ng wikang


Cebuano, na sinasalita sa Leyte partikular sa mga bayan ng Abuyog, Lungsod
Baybay, Hindang, Isabel, Lungsod Ormoc, at iba pa; ganun din sa mga bayan ng
Padre Burgos, Quezon, Saint Bernard, San Juan, atbp. sa Timog Leyte; at sa
lalawigan ng Biliran.

Kilala rin ang Binul-anong Binisaya na isa sa varayti ng wikang Cebuano at


ito’y sinasalita ng grupong Bol-anon (tinatawag ring Boholano) sa Bohol, ang
varayting Negrensing Binisaya na laganap sa iba’t ibang bahagi ng Negros Oriental,
ang Binisayang Siquijor na sinasalita sa iba’t ibang bayan ng Siquijor, ang
Masbatenyong Binisaya na sinasalita sa Isla ng Burias at sa mga bayan sa timog at
timog-kanlurang bahagi ng Masbate. Ang Binisayang Mindanaw na sinasalita sa
Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Camiguin, Davao del Norte, Davao del
Sur, Davao Oriental, Dava Occidental, Isla ng Dinagat, Lambak Compostela, atbp. ay
varayti rin ng Wikang Cebuano.
IUULAT NI: GINOONG LOWELL MANTE
Ang mga tao na naninirahan sa Cebu ay tinatawag na
Cebuano. Ang mga Cebuano ay kilala sa pag-uugaling
masisipag at marunong magtipid upang makatayo ng
sarilig negosyo, na siyang impluwensiya nang
pandarayuhan nang mga Espanyol at Tsino.
Naimpluwensyahan din sila ng mga Amerikano sa hilig sa musika, pelikula at paggamit
ng wikang Ingles.

Ang lalawigan ng Cebu ay dinarayo din dahil sa


pagdiwang nila ng Sinulog Festival. Ito ay ipinagdiriwang
tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Ang salitang Sinulog ay
nagmula sa salitang Cebuano na may ibigsabihin na, "tulad
ng agos ng tubig." Tinutukoy dito ang urong-sulong na lakdaw
padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay
kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa
tiyempo ng tambol.Ang Sinulog Festival ay isang pagdiriwang
ng Pilipinas na pinarangalanang Sto. Niño at sa
pagpapasasalamat sa mga biyaya.

Ang Sugbuhanon o Cebuano ay itinuturing na pinakamalaking pangat etniko sa


buong bansa. Ang mga Cebuano ay kilala sa kanilang mga mabubuting ugali. Naririto
ang ilang mgakaugalian at asal ng mga Cebuano:

5 |FM10
Matulungin:

Karamihan sa mga Cebuano ay matutulungin sa kapwa. Lagi silang


nagtutulong-tulong upang maresolba ang isang suliranin. Sila rin ay kilalang
masisipag at laging nagtatrabaho kahit sa malalayong lugar.

Malikhain:

Ang mga Cebuano ay kilala rin sa pagiging malikhain. Kahit di na


makikinabangan ang isang gamit ay naiaayos nila muli ito. Sila rin ay mahihilig sa
recycled na gamit.

Magalang sa Nakatatanda:

Ang mga Cebuano ay magagalang sa mas nakakatanda sa kanila.


Nakasanayan ng mga bata dito ang pagmano sa matatanda bago umalis o di kaya’y
bagong dating bilang pagrespeto sa kanila.

Maka-Diyos:

Ang mga Cebuano ay kilala rin sa pagiging maka-iyos. Ang mga Cebuano
ay kilala sa relihiyong Katotliko. Isa ang Pista ng Santo Nino o ang Sinulog Festival
bilang pag-alaala kay Sr. Sto. Nino.

Maparaan:

Magpagsapalaran sila upang paunlarin ang kanilang buhay.

IUULAT NI: GINOONG RENZ SADIZ


Ang panitikan ng mga Cebuano ay mga akda
na isinulat sa salitang Cebuano, isang
dayalektong ginagamit sa timog na bahagi ng
Pilipinas. Ito ay ginagamit upang tukuyin ang
parehong orihinal at kolonyal na Pilipinas.
Karamihan sa mga manunulat na Cebuano ay
galing sa Visayas at sa Mindanao.

Kasama sa mga manunulat na ito sina Florentino Rallos, Filomeno Veloso, Marcial
Velez, Timoteo Castro, Segundo Cinco, Vicente Ranudo, Dionisio Jakosalem, Selestino
Rodriguez, Filomeno Roble, Juan Villagonzalom, Leoncio Avila. (karamihan sa mga
daan sa Cebu ay ipinangalan sa kanila)

6 |FM10
Vicente Sotto – “Ama ng Panitikang Cebuana”. Pinaunang nakasulat ng pang-
Cebuanong panitikan.

Marcela M. Navarra – “Ama ng Makabagong Panitikang Cebuano” ang karangalang


ito’y batay sa obra maestrang kanyang nagawa lahat dito’y namumukod tangi ang “Ug
Gianud Ako” (At ako’y Inanod) na nagwagi ng unang gantimpala sa kauna-unahang
paligsahang pampanitikan na itinaguyod ng magazing Bisaya noong 1937.
IUULAT NI: GINOONG JAMES VILLAS
Umusbong ang Wikang Cebuano sa maraming
lalawigan at bayan kung kaya’t marami ang gumagamit nito.
Ang wikang ito, kagaya ng iba’t ibang lengguwahe at
diyalekto sa Pilipinas, ay kabilang sa grupo ng mga
lengguwahe na kilala sa katawagang ‘’agglutinative’’.
Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas
na Cebu, na hinulapi ng Kastilang – ano o nangangahulugang likas o isang lugar.

Hindi katulad ng Ingles, walang mahaba at maikling tunog ng patinig. ay palaging


binibigkas bilang "a" sa salitang Ingles na "apendend"; kung susundan ng letrang y, ang
nagreresultang tunog ay katumbas ng isang mahabang i sa Ingles (halimbawa, ang
"bay" ay binibigkas na katumbas ng "bi" sa salitang Ingles na "binary"). e dapat palaging
binibigkas bilang ang "e" sa salitang Ingles na "kama" (ngunit isipin mo, maraming mga
taga-Sugo ay hindi gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng isang tunog na "e" at isang
tunog na "i", o sa pagitan ng isang tunog o "o" at isang "u" tunog). dapat ay palaging
binibigkas ako bilang "i" tulad ng salitang Ingles na "bit". o dapat palaging binibigkas
bilang "o" sa salitang Ingles na "polite". u dapat palaging binibigkas bilang "oo" sa Ingles
na salitang "book".

Mayroong (15) katinig at (3) patinig ang Cebuano.

 a ay laging binibigkas katulad ng unang tunog sa salitang “father”


 i at e ay nagpapalitan. Walang pinagkaiba ang dalawang patinig nito sa
pagbigkas. Ito ay binibigkas tulang ng pangalawang patinig sa Ingles na
salita na “taxi”
 o at u ay nagpapalitan. Walang pinagkaiba ang dalawang patinig nito sa
pagbigkas. Sa patinig-katinig ay binibigkas tulad ng patinig sa Ingles na
salita na “cute”

 Kapag ang dalawang patinig ay magkatabi HINDI sila nabubuo na katulang


ng diptonggo. Sa halip, ang bawat patinig ay binibigkas ng bukod. (e.g.,
taas)

7 |FM10
Ang titik g ay paligaang binigbigkas tulad ng matigas na g sa salitang Ingles
(e.g., get). Hindi katulad ng Ingles, Cebwano ang tunong ng ng ay nasa unahang ng
salita (e.g., ngalan)

IUULAT NINA: VILLAS, JAMES, ARMINA BASCON, JOHN EVAN SALAZAR AT RENZ SADIZ

1. Magandang Umaga – Maayong Buntag 26. Punta tayo roon – Adto ta


didto
2. Magandang Tanghali – Maayong Udto 27. Alis ka riyan – Hawa diha
3. Magandang Gabi – Maayong Gabie 28. Walis tambo – Silhig lanot
4. Mag-iingat ka – Mag-amping ka 29. Walis ting-ting – Silhig Tukog
5. Ang ganda mo – Ka gwapa nimo 30. Makati - Katol
6. Anong ginagawa mo? – Usay imong gibuhat? 31. Asim - Aslom
7. Saan ka pupunta? – Asa ka muadto? 32. Ibon - Langgam
8. Mahal Kita – Gihigugma taka 33. Langgam – Amigas
9. Taga saan ka? – Taga Asa ka? 34. Aso – Aso/Iro
10. Ang pangit mo! – Ka maot nimo 35. Maliit - Gamay
11. Pumasok ka rito sa bahay – Sulod ka diri sa balay 36. Malaki - Dako
12. Saan ka galling? – Asa ka gikan? 37. Maganda - Gwapa
13. Ang sarap ng pagkain – Ka lami sa pagkaon 38. Baliw - Buang
14. Sayaw tayo? – Magsayaw ta 39. Madamot - Dalo
15. Nag-aaral ka pa ba? – Nagskwela pa ka? 40. Mapagbigay - Manghinatagon
16. Bigyan mo ako ng rason – Tagae kog rason41. Sarap - Lami
17. Wag ka ng matulog – Ayaw nagkatulog 42. Tuyo – Buwad/Bulad
18. Pabili po – Papalita ko 43. Tamban - Taloy
19. Magsasaing muna ako – Magung-ag sa ko 44. Araw - Adlaw

8 |FM10
20. Magdasal tayo – Mag-ampo ta 45. Kapal - Baga
21. Kakain muna ako – Magkaon sa ko 46. Bibig – Baba (Bah-bah)
22. Ang ingay naman! – Banha kayo 47. Kamay - Kamot
23. Ang daming tao –Daghang tawo 48. Paa - Tiil
24. Maraming Salamat- Daghang Salamat 49. Sarap - Lami
25. Maglilinis muna ako – Manglimpyo sa ko 50. Asukal - Kalamay

IUULAT NI: BINIBING JOYCE VEDASTO


Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy
karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang
Winaray o Leyte-Samarnon ay isang wika sa mga lalawigan
ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte
(silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.

Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng


Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang
tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate
Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang
Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa
grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga
diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Ang mga Waray ay kilala bilang matitigas ang


mga dila pag nana-nagalog. Tiyak na malutong ang
hagikhikan ng mga tagalog tuwing naririnig nilang
managalog ang mga Waray. Kilalang masayahin ang
mga Waray. Kilala rin bilang matatapang, ngunit sila ay
wagas kung magmahal, lalung-lalo na ang mga
kalalakihan.

9 |FM10
Ang mga Waray ay palaban at hindi sumusuko sa laban. Naganap sa
probinsyang Leyte ang kaunaunahang Kristiyanong misa at sinasabi na kapanganakan
ng Kristiyanismo sa buong Asya.

Ang mga waray ay may mga pistang ipinagdiriwang sa mga bawat barangay o baryo
ayon sa nakagawian ng mga Pilipino, dahil din ito sa impluwensiya ng mga kastila.
Mahilig ang mga waray sa mga kasiyahan, kainan, sayawan at iba pang mga
masasayang okasyon. Kilala rin ang mga waray sa iba’t ibang mga pista nila gaya ng:
Mayaw-mayaw FestivalARLENE
IUULAT NI: BINIBING (Samar) Pintados Festival (Leyte)
GOROBAT
Ang pinakatanyag ng sayaw ng mga Waray-waray ay ang “Curacha”. Ang mga
Waray-waray ay mapagmahal sa musika,
madalas ang kanilang awitin ay ballad,
pinakatanyag dito ay ang “Dandansoy” at ang
“Iroy nga Tuna” ay awiting makabayan. Tula,
triguhon, bugtong, awit, piksyon atbp.
CURACHA o KURATSA – ay isang tradisyonal na sayaw ng panliligaw kung saan ang
lalaki ay lalapit at susuyuin ang babae sa isang anyo ng sayaw.

DANDANSOY – isang awiting bayan sa kabisayaan partikular na sa isala ng panay.


Isang awiting may kuwento na kung saan ang pamamaalam kay dandansoy ng
kasintahan na uuwi sa payaw Gayunpaman binigyan ng babae si Dandansoy ng
pagkakataon upang patunayan ang wagas niyang pag-ibig.

IROY NGA TUNA- isang tula na may pagkakahulugan “The Motherland” at


kinokonsidera nila itong Pangalawang National Anthem. Ito’y isinulat ni Illuminado
Lucente.
IUULAT NI: BINIBING DORA GABIANA

Bagama’t may pagtatalo,


ang Samarnon-Lineyte ay
tinatawag lamang na Waray dahil
iisa lamang ang kanilang lingguahe
na sinasalita. Gayumpaman,
nagkakaiba naman sila sa mga
ideya at proposisyon, at
konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag
na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may
pagkakaiba ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang
wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga probinsiyang
ito. Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte
(Academy of the Visayan Language of Samar and Leyte) na
10 |FM10
nagsaliksik at nagrekomenda ng ortograpiya, ay wala pa ring opisyal na labas ukol sa
natural na gamit nito. Ang epekto, magiging katanggap-tanggap ang anumang salita at
bigkas gaya ng: diri o dire ("hindi") hira o hera ("sila") maopay o maupay ("mabuti")
guinhatag o ginhatag ("binigay") direcho o diritso

Sa ngayon ay nababawasan na ang mga nagsasalita ng wikang Waray sa


Samar, sapagkat marami sa kanila ang nagpunta na sa Maynila upang talikuran ang
nakababangungot na trahedyang naganap sa kanilang lungsod. Ngunit sadyang hindi
mabubuwag ang wikang Waray haluaan man ito ng ibang lahi foreigner man o hindi
sapagkat dito sa Maynila ay dinala ng ilang mga Samareno ang kanilang katutubong
Wika. Isa sa mga dinalaw ng mga mananaliksik ay ang komunidad na nakapagsasalita
ng wikang Waray na matatagpuan sa Cogeo Antipolo City. Ang malaking bahagi ng
angkan ay ang pamilya ng isa sa mananaliksik, pamilya na lehitimong Samareno.

IUULAT NINA: CHARLENE LOPEZ AT DORA GABIANA

1. Magandang Umaga – Maupay na aga 26. Pandak - Hibubo


2. Magandang Hapon – Maupay na kulop 27. Aalis - Magikan
3. Magandang Gabi – Maupay na Gab-e 28. Damit - Bado
4. Saan ka pupunta – Tikain ka 29. Maingay - Maaringasa
5. Pabili – Papalita 30. Bastos - Uragon
6. Gusto kita – Karuyag Kita 31. Binata - Ulitawo
7. Ano gagawin mo? – Mag-arano ka? 32. Kaibigan - Sangkay
8. Ewan ko – Ambot 33. Daanan – Agihan
9. Wag kang magtampo – Ayaw pag dinumot 34. Maligo - Pumarigo
10. Ano na naman? – Ano na liwat 35. Guro – Maestra
11. Mananghalian – Maningud to 36. Maganda - Mahusay
12. Magwalis – Magsilhig 37. Magkasintahan – Mag-uyab
13. Matalino – Baltok 38. Panganay – Magurang
14. Diko alam – Dirik maaram 39. Maikli - Halipot
15. Madaming Dala – Damo it karga 40. Masungit - Maisog
16. Ang saya – Marisyo 41. Bunso - Poto

11 |FM10
17. Tahimik – Mamingaw 42. Pogi – Gwapo
18. Nanonood – Nagkikinita 43. Buwan - Bulan
19. Nakalimutan – Nahingalimtan 44. Maawain - Maluluoyon
20. Sarili – Kalugaringon 45. Wala - Waray
21. Pakisuyo – Alayon 46. Pakibigay - Pakiduhol
22. Nakalimutan – Nahingalimtan 47. Umiyak - Nagtangis
23. Madumi – Mahugaw 48. Hayaan – Pabay-i
24. Malamig – Mahagkot 49. Mabango - Mahamot
25. Uwi na – Panguli 50. Mamasyal - Mamasyada

IUULAT NI: BINIBINING ANA MARIZ JOY ABELA

Ang Hiligaynon o Ilonggo ay nabibilang sa grupo ng mga


wika sa Austronesian at ethno-lingguwistika na tumutukoy sa
mga mamamayan ng iloilo at gayundin sa kulturang hiligaynon.
Ginagamit din ito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga
ilonggo. Kabilang ang Hiligaynon sa pamilya ng wikang bisaya.

Ang salitang Hiligaynon ay nagmula sa salitang


Espanyol na "Yliguenes" na ang ibig sabihin ay
"Iligan","Iliganon" o ilog.

Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may


kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz.
Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay,
at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng
Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang
malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob
at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang
4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua
franca.
IUULAT NI: BINIBING JOVILYN AGTARAP

12 |FM10
Hinggil sa kasaysayan nito bilang isang mahalagang
Puerto, mga mestizo ang maraming Ilonggo, o mga
taong may halong dugong kastila. Kilala lang ang distrito
ng Jaro sa kanyang buhay na mga pista. Isa sa mga
tradisyon ng mga Ilonggo ay ang kakaibang pagdiriwang
nila ng Kapaskuhan, mula sa maiingay na kampana
tuwing simbang gabi at ang pagsasagawa ng Viva Parol o ang sabay-sabay na
pagkanta sa saliw ng iba’t-ibang kantang pang-pasko. Kakaiba din ang pagsasadula
nila ng panunuluyan sapagkat ito ay nasa sarili nilang wika na Hiligaynon. Ilan lamang
ito sa nagpapakita ng makulay at mayaman na tradisyon at kultura ng mga Ilonggo.

KATANGIAN NG MGA ILONGGO:


1. Kilala ang mga Ilonggo sa opagiging malumanay at mahinahon lalo’t higit sa kanilang
pananalita.
2. Sila ay bantog sa paggawa ng mga kakanin at minatamis katulad ng pinagsugbo,
barkilyos, piyaya, kalamay-hati at iba pang mga pagkaing inimbak.
3. Magiliw sa panauhin
4. Mapagbigay sa iba
5. Mahilig sa Kasiyahan
5. Masinop

Naging mahalagang daluyan ang mga ilog sa pagitan ng kabundukan at


kapatagan na naging saksi sa palitan ng kultura at wika ng mga Tsino at mga Iligaynon
(grupo ng taong nagsasalita ng Hiligaynon) ang dahilan ng pagkakabuo ng bayan ng
Iloilo.

IUULAT NI: BINIBING MARK SHANE MURAO


Naging sentro ng palitan at kalakalan ang pariancillo sa Molo. Dito nangyari ang
pagtatagpo ng wikang Hok-kien at Hiligaynon. Naging katuwang din ang lenggwaheng
Kinaray-a. Ang Hiligaynon ay naging lengguwaheng pangkalakalan na ginagamit ng
mga Tsino sa Iloilo.

SA PAGPAPAKASAL
Pagbati- "Testing the waters." sinisimulan ng pamilya ng lalake upang makita kung
handa nang ipakasal ng mga magulang ng babae ang kanilang anak.

13 |FM10
Pabalyon- katumbas ng pamanhikan, magdadala ng mga pagkain ang magulang ng
lalake sa bahay ng babae at aayusin na ang "negosasyon." Kasama dito ang
Buyag(dowry) o "pangagad kung hindi kayang ibigay ng pamilya ng lalake ang buyag.

MGA PISTA
1. Ati-Atihan - Kalibo, Aklan
2. Halaran - Capiz
3. Dinagyang - Iloilo
4. Masskara- Bacolod

IUULAT NI: BINIBING MARRY JOY CANUEL

Mariano Perfecto - Ang unang sumulat ng


pasyin sa hiligaynon noong 1884. Dahil dito
nabahiran ng Kristianismo ang panitikang
Hiligaynon.
Eriberto Gumban - Kinikilalang ama ng Panitikang Bisaya. At kinilalang manunulat ng
moro-moro at nitong huli ay mga tula ng kagandahang asal,napapanuod sa mga
sarswela.
Magdalena Jalandoni - Ang nag-uso ng tulang may malayang taludturan ng
Hiligaynon. Kinilala ng pinakapopular na manunulat sa panahong ito si Jalandoni sa
akda niyang tumatalakay ng mga uri sa lipunan ay naka-banghay sa pag-ibig.

Ang ilang mga mapagkukunan ay nagsasabi na ang salitang Hiligaynon ay


tumutukoy sa wika, habang ang Ilonggo ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng
wika. Sa pagtatagpo ng wikang Hok-kien at Hiligaynon, naganap ang proseso ng
amalgamasyon kung saan pagaangkin at pagsasakatutubo ng mga salita mula sa labas
ay nalinang ang tsina, kolektibong katawagan sa mga salitang nabuo na bahagi na
ngayon ng Hiligaynon. Mapupuna rito ang napakahalagang paraan ng pagpapayaman
ng Hiligaynon na maituturing na isa sa pinakamabilis na lumagong wika sa Pilipinas
ngayon.

IUULAT NI: BINIBINING CHARLENE LOPEZ

Sa katutubong panitikan ng mga Hiligaynon, tumutukoy ang mga hurubaton (o


minsan ay hulubaton) sa mga salawikain o kasabihan. Karaniwang binubuo ang isang
hurubaton ng dalawang linya at magkakatugma ang mga dulong tunog ng mga ito. Sa

14 |FM10
mga nalikom na kuwentong-bayan ng mga Hiligaynon, madalas na nakapaloob dito ang
mga hurubaton bilang linya na nagsasabi o nagpapahiwatig ng aral o saysay ng
salaysay. Noong unang panahon, inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang
ipaalala ang mga kaugalian at hálagáhang kailangang panatilihin o pangalagaan ng
taumbayan. Sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ang salitang hurubaton sa lahat ng
sawikain o kasabihan sa Hiligaynon, katutubo man o makabago.

IUULAT NI: BINIBING JENNY MAE ABISO

Maraming salitang Kastila sa Hiligaynon, mas marami


kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas
gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila. Kadalasang
"Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros
Occidental. Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng
ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo
at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong Ilonggo at ang
katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang isa ay
pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.

Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa


mga pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde,
luntian), pang-ukol (e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa
pero). Gayumpaman, marami pa ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang
Hiligaynon tulad ng barko (barco), sapatos (zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara
(cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta (camiseta), and kambiyo (cambio).

IUULAT NINA: JENNY MAE ABISO, JOVILYN AGTARAP AT ANA MARIZ JOY ABELA

15 |FM10
1. Magandang Umaga – Maayong Aga
2. Mag-iingat ka – Halong ka
3. Ang ganda naman – Ay abaw ka gwapa
4. Ang sarap ng pagkain – Ay kanamit ka pagkaon a
5. Saan ka galling? – Sa diin ka halin?
6. Sa iyo ba ito? – Sa imo ni ho?
7. Mama ko pala – Mama ko gali ho
8. Pahiram ako ng ballpen mo – Pahulama ko da gali ka ballpen mo bi
9. Ang puti mo naman – Kaputi-puti simo ba
10. Masaki tang likod ko – Sakit-sakit ka likod ko
11. Nag-aaral ka pa ba? – Ga skwela ka pa gyapon?
12. Ang bilis mo naman – ka dasig sa imo ba
13. Ang bango ng bulaklak – ka hamot ka bulak
14. Kain muna tayo – Makaon ta bala anay
15. Bakit hindi mo pa ito ginagawa? Ngaa way mo pa ni gin ubra?
16. Mahal na mahal kita – Palangga ta gid ka
17. Pahingi ako ng pagkain mo – Tagae ko da ka pagkaon mo bi
18. Ewan ko sayo – Ambot da sa imo
19. Bahala siya diyan – Bay-e da sa a
20. Painom naman ako – Paimna ko da bi
21. Saan ka nag-aaral? – Sa diin ka gas kwela?
22. Pabili – Mabakal
22. Kasama – Upod
23. Upuan – Bangko
24. Mahaba – Haba
25. Ang pangit naman – Pwerti ka law-ay
26. Maliit – Gamay

16 |FM10
27. Wala akong alam – Wala ko na kabalo
28. Masikip – Gotok
29. Hinog – Luto
30. Bubong – Atop
31. Sukli – Sensilyo
32. Aso – Ido
33. Pusa – Kuring
34. Saing – Tig-ang
35. Gulay - Utanon
36. Ibon - Langgam
37. Langgam - Subay
38. Palaka - Baki
39. Nagalit - Naakig
40. Mabait – Boot
41. Mayabang - Tikalon
42. Matalino - Kaalam
43. Kapatid – Utod/Bugto
44. Nanay - Iloy
45. Pamasahe - Plete
46. Matamis – Tam-is
47. Maasim - Aslom
48. Kalahati - Tunga
49. Uuwi - Puli
50. Padaan ako – Paagi lang

17 |FM10
TALASANGGUNIAN

 https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18257010978/lightbox/
 https://prezi.com/vmqscr3vsvbp/panitikan-ng-rehiyon-vi/
 https://prezi.com/kpdibc8i0ook/panitikang-cebuano/
 https://sugbo.ph/about-sugbo-cebu/
 http://www.ethnicgroupsphilippines.com/2012/03/22/preserving-a-language-and-
identity/
 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Wikang_Waray-Waray
 https://prezi.com/py4u2qvxo9fm/waray/
 https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Pagsusuri-Sa-Wikang-Waray-
Ng-Samar/264894

18 |FM10

You might also like