You are on page 1of 14

1

Kaligirang Kasaysayan ng Bukidnon

Ang Bukidnon ay isang patag na lalawigan sa hilagang Mindanao. Ang lugar na ito ay

may kaantig-antig na kasaysayan ng paglago ng samot-saring mga tribo at kultura. Ito ang buong

kaligirang kasaysayan ng Bukidnon:

Politikal na Kasaysayan

Noong 1850, panahon ng mga Kastila, munisipalidad pa ang Bukidnon ng lalawigan ng

Misamis. Hindi pa kilala ang munsipalidad noon sa pangalang Bukidnon, sa halip Malay-balay

ang tawag dito at Bukidnon naman para sa mga taong naninirahan dito. Kaunti lang ang mga

katutubong naninirahan noon sa Malay-balay, kaya na rin siguro ito ang ipinangalan sa

munisipalidad dahil nangangahulugan itong kaunting mga bahay.

Nang sumiklab ang 1900 nagsimula na rin dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas.

Noong Agosto 20, 1907 sa tulong ng proposisyon ni Komisyoner Dean C. Worsetr ng The

Philippine Comission, na ihiwalay ang Malay-balay sa Misamis, naipasa ang Philippine

Comission Act 1963 na naglalalaman ng ganitong layunin. Bilang bungad ng nasabing

Comission Act, naging regular na probinsya o lalawigan ang Bukidnon pagsapit ng Setyembre 1,

1914 at opisyal na nadeklarang probinsya ng Hilagang Mindanao noong Marso 10, 1917. Ngunit

nang dumating ang mga Hapon sa Pilipinas noong 1942, sinakop nila ang Bukidnon at tsaka na

lamang nakatanggap ng independensya noong 1945, panahon ng liberasyon kung kalian

napalisan na ang mga Hapon sa Pilipinas.


2

Kultural na Kasaysayan

Ayon sa mga katutubo ng Bukidnon, mayroong apat na pangunahing tribo sa Central

Mindanao noong unang panahaon: ang Maranao na naninirahan sa Lanao del Sur, at ang

Maguindanao, Manobo at Talaandig na ayon sa pagkakabanggit ay naninirahan sa silangang,

timog, at hilagang-gitnang bahagi ng ang orihinal na lalawigan ng Cotabato.

Nang hinati ng pamahalaang sibil ang gitnang Mindanao sa mga lalawigan noong ika-20

siglo, ang mga pangkat na nakasama sa lalawigan ng Bukidnon ay ang Talaandig at ang Manobo.

Hindi kalaunan, ang mga Bisaya, Cebuano, Boholanos at Ilonggos ay lumipat na din sa

lalawigan ng Bukidnon na sinundan ng iba't ibang mga grupo mula sa Luzon, tulad ng mga

Ilocanos, Batangueños, at ang mga Ivatans.

Katangian at kultura ng mga Tao sa Bukidnon

Ang mga taga Bukidnon ay isa sa mga konserbatibong mga tao sa timog na parte ng Pilipinas,

lalo na sa kanilang mga tradisyon. Ang probinsya ay binubuo ng iba’t-ibang mga tribo at katutubo:

Talaandig

Sila’y matatagpuan sa Hilagang parte ng Cotabato, pinapangkat nila ang kanilang mga sarili

sa iba’t-ibang mga angkan na pinamumunuan ng iisang Datu. Ang "datu" ang namumuno sa

tribo, at kasama ang konseho, binubuo nila ang Timuay (pinakamataas na posisyon sa kanilang

lipunan). Ang iba pang apat na parte ng konseho ay ang walian o “shaman” (Espirituwal na mga

pinuno), mandirigma, at ang komoner. Ang mga talaandig ay sumasagawa din ng mga

panalangin at ritwal tulad ng Samayaan- isang pagdiriwang ng pasasalamat.


3

Ang mga taong ito ay kilala dahil sa kanilang pagiging masining. Pinipintahan nila ang

kanilang mga katawan ng pula, itim at lila. At ang kanilang mga yaring-kamay ay karaniwang

binubuo ng mga geometric patterns.

Manobo

Ang salitang Manobo ay nangangahulugang “tao” o “mga tao”. Kalat ang tribong ito sa

Mindanao at karaniwang nakatira sa tabi ng ilog at matataas na mga lugar. Sa Bukidnon, ang

mga Manobo ay matatagpuan sa kanlurang bahagi nito. Sila’y makikilala sa kanilang tradisyonal

at masining na pananamit. Ang kanilang tradisyunal na kasuotan ay magarang binurdahan at

halos lahat ay gawa sa abaka. Ito ay kinukalayan gamit ang mga natural na pangkulay..

Kadalasan ito ay hinahabi na may nga disenyo ng mga bulaklak at mga bagay sa kalikasan.

Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga buhok nila ay kadalasang

nasa estilong "buns" at "bangs". Ang buhok ng mga babae ay nilalagyan ng kawayang suklay at

mga dekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na may iba't-ibang hugis. Ang sa mga

lalaki naman ay ang tinatawag na tengkulu, isang piraso ng tela na kanilang binubuklod palibot

sa kanilang ulo.

Higa-onon

Isa sila sa pitong mga tribong naninirahan sa Bukidnon. Sila’y kilala dahil sa kanilang

mapayapang kultura at pamumuhay.. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga miyembro ng tribong

ito ay naimpluwensyahan ng kristiyanismo. Ngunit, ang mga tradisyonal na kaugalian ng

kanilang tribo ay ginagawa pa rin nila, tulad ng sinaunang ritwal na kilala sa tawag na,

“Tampudas hu Balaguno”. Ito ay ang pagputol ng berdeng sanga ng puno ng ubas upang maaliw

at mapasundo ang dalawang magkaaway na tribo.


4

Ang tribo ng Higa-onon ay kilala sa kanilang tradisyunal na tela, ang hinabol. Ito ay isang

pinagtagpi na abaka na may makulay na mga guhit at natatanging mga pattern, at kilala rin ito

bilang "tela ng kapayapaan." Maaari itong magamit upang makipag-ayos sa mga magkaaway na

tribo o bilang isang dote para sa mga kasal. Ang Hinabol ay isang ekspresyon ng manghahabi ng

kanyang damdamin, dahil ang mga kulay at pattern ay sumisimbolo ng kanyang saloobin. Ang

Hinabol na ginawa ng asawa ng Datu ay itinuturing na sagrado at ginagamit para sa mga handog.

Bukidnon

Ito ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga mababang lugar. Mayroon silang pisikal na

karakteristiks na naiiba sa mga tribo. Mas magaan ang kulay ng kanilang balat at modern ang

kanilang pananamit. Malaki rin ang impluwensya sa kanila ng kristiyanismo modernong

teknolohiya.

Umayamnon

Sila ay mga nomadic (walang permanenteng tirahan) na mga taga Bukidnon. Ang mga taong

ito ay karaniwang makikitang sa agusan ng Umayam River, dito nanggaling ang kanilang

pangalan. Ang mga Umayamnon ay mahuhusay gumawa ng mga kuwentas at mga tansong

hiyas. Sila’y mga tahimik na tao, makinis ang balat at kadalasang sumusuot ng turban na

tumatakip sa kanilang buhok.

Tigwahanons

Sila’y nakatira sa tabi ng Tigwa River at sa Tigwa- salug Valley. Ang mga Tigwahanons ay

mga maiingay na tao at kilala bilang mga mangangalakal sa pitong tribo.


5

Matigsalugs

Sila ang mga taong naninirahan sa Salug River, na matatagpuan sa Kalangangan, San

Fernando, Bukidnon. Sila ay kilala sa kanilang dalisay sa pangangaso,.Sa kabila nito, pagsasaka

at pangingisda ang pangunahing pamumuhay ng mga taong ito. Kayumanggi ang kulay ng

kanilang balat at kulot ang kanilang buhok.

Samakatuwid, ang mga mamamayan ng Bukidnon ay sagana sa mga tribo na may iba’t-

ibang katangian at kultura. Kahit sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ginagawa ng karamihan ang

kanilang mga tradisyon. Kaya nga siguro may iba’t-ibang lebel ang uri ng pamumuhay sa

Bukidnon, ang unang lebel ay binubuo ng mga tribo ng Bukidnon, yoon ngang mayroon pa ring

tradisyunal na pamumuhay at nakatira sa mga liblib na gubat at matataas na bundok. Ang

pangalawang lebel naman ay sinasakupan ng mga mamamayan na may tradisyunal na

pamumuhay pa rin ngunit naninirahan na sa kapatagan ng lalawigan. Ang sa ikatlong lebel

naman ay ang mga mamamayan na nakakapag-aral at mulat sa makabagong pamumuhay sa

kasalukuyan. Ang sa ikaapat na lebel naman ay sinasakupan ng mga mamamayang sanay na sa

makabagong pamumuhay at hindi na tumatangkilik pa sa mga tradisyunal na kaugalian at

kultura. At panghuli, ang ikalimang lebel, dito na nabibilang ang mga imigrante mula sa iba’t-

ibang lugar sa bansa o sa ibang bansa na piniling mamuhayan sa Bukidnon. Halimbawa ng mga

ito ay mga Cebuano, Ilocano, Panay-Hiligaynon, Tagalog, Ivatan, Muslim at marami pang iba.

Pangunahing Pagdiriwang: Ang Kaamulan Festival

Ang Kaamulan Festival ay isang selebrasyon kung saan ipinapakita sa lokal at mga

banyagang turista ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang

makulay na katutubong kultura. Ito’y idinidiwang tuwing katapusan ng Marso hanggang


6

kalagitnaan ng Abril. Ito rin ay isang pagdiriwang upang bigyang kagalakan ang mga tradisyon

ng pitong etniko, tulad ng pagpili ng bagong mga datus, pagbubuo ng kasunduan sa kapayapaan

at paggawa ng isang libong mga ritwal ng mga tribo. Gayundin, ito ay isang tanghalan ng

kanilang iba't ibang mga katutubong laro, sining, musika at mga sayaw. Pero higit sa lahat, ito ay

ang pagdiriwang ng pasasalamat kay Magbabaya (kanilang diyos) para sa masaganang ani.

Wika

Ang Bukidnon ay sagana sa iba’t-ibang mga tao at kultura, ganon din ang wikang

ginagamit nila. Dito, mas madalas ginagamit ang wikang Cebuano kaysa sa wikang Binukid na

pumapangalawa lamang, at pumapangatlo naman ang wikang Ingles. May mga porsyento din ng

mga taga Bukidnon ang gumagamit ng Higaonon, Ilianen, Matigsalug, Hiligaynon, Maranao at

Iranun.Sa kabila ng mga samu’t-saring impluwensya at kultura na dala ng mga imigrante, ay

nagbukbuklod-buklod sila upang magkaroon ng isang epektibong lipunan at ekonomiya.

Panitikan

Dahil sa mayaman ang Bukidnon sa kultura, bumuo ang kanilang mga ninuno ng mga

kanta na kalaunang naging kuwento ng mga bayani, mito at mga alamat na kinukuwento sa iba’t-

ibang nayon. Ang mga tradisyon at kultura ng pitong etniko ay kinatawan bilang isang

katutubong panitikan na nauuri sa: antoka (bugtong), basahan (salawkain o kasabihan), kaliga

(kanta sa seremonya), limbay (awit-tula), sala (awit pag-ibig), idangdang (ballad), olaging

(epiko), at nanagon (kuwentong bayan).


7

Mga Halimbawa ng panitikan sa Bukidnon:

1. Pamuwa sa bata (Awiting bayan)

Ito’y tungkol sa isang magulang na nagmamahal sa kanyang anak kahit hindi ito sa

kanya.

Bulay naman binulay Yawat naman maka dako

Bulayan ko man kini ang bata Manatad man ako masugo

Nga bata nga dili ako.

2. Olaging (Epiko)

Ito ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol ng

bayaning si Agyu sa kaniyang angkan. Dito nasasalamin ang kultura at mga paniniwala ng mga

taga Bukidnon, dahil layunin ng baying ipagtanggol ang kaniyang lupain upang mapanatili ang

kanilang lahi at tribu.

3. Bulanawan at Aguio (Kuwentong Bayan)

Ito ay tungkol sa dalawang magkapatid na sina Bulanawan at Aguio, na nahiwalay nang

bata pa lamang sila. Sa huli ay nakita nila ang isa’t-isa na hindi alam na sila’y magkapatid at

naging magkaribal.Sila’y nag-away hanggang nakaabot ito sa kanilang ama na si Langgona.

Sinubukan niyang ipagbati ang dalawa ngunit hindi ito naging matagumpay. At sa huli ay

dumating ang ama ni Langgona na siyang lumutas sa problema.


8

Pamumuhay at Ekonomiya sa Bukidnon

Ang pamumuhay sa bukidnon ay nakasalalay sa kanilang agrikultura. Nangunguna

rin ang bukidnon sa pagsusuplay ng manok, baboy at baka. Ito rin ay tinaguriang Pineapple

Capital of the World dahil ito ay nagtataglay ng pinaka-malaking plantasyon ng pinya sa buong

mundo. Bukod sa pinya ay nangunguna rin ito sa industriya ng pagaani ng mais, palay, tubo,

kape, gulay, bulaklak at rubber.

Ilan sa mga kilalang korporasyon dito ay:

Menzi Farms

Matatagpuan sa munisipalidad Manolo fortich, na nagaani iba’t-ibang prutas at bulaklak

tulad ng orange, pinya, cacao at kape.

RPA Ventures

Isang korporasyon na nagaani ng mga bulaklak, matatagpuan din sa Manolo fortich,

Barangay Diclum.

Magic Farms

Isa itong malawak na lupain para sa iba’t-ibang eksperimentasyong pang-agrikultural.

Nagaani rin ng iba’t-ibang prutas tulad ng ubas, saging, langka at mga isda.

Del Monte Philippines Inc.

Ito ang tinuturing na pinakamalaking plantasyon ng pinya kabuuan ng malayong

Silangan. Matatagpuan ito sa munisipalidad ng Manolo Fortich, Libona, Impasugong, Sumilao at

Malaybalay.

Paniniwala

Ang bukidnon ay sagana sa mga tradisyon at paniniwala sa kahit sa kasalukuyan ay

ginagawa pa rin ng karamihan. Isa sa mga paniniwala ng mga taga Bukidnon ay ang pagnguya
9

ng betel nut. Ito’y isinasagawa nila sa paniniwalang makapagbibigay ito ng lakas sa kanila. Ang

pagnguya ng betel nut o kilala rin bilang “Mamaen” ay isinasagawa pa rin sa kasalukuyang

panahon. Naniniwala din sila iisang diyos, si Magbabaya. Ang pangalang ito ay

nangangahulugang “purong diyos na gumawa ng lahat”.

Sila’y naniniwala din sa iba’t-ibang mga tradisyon tulad ng sumusunod:

1. Pangampo

Isang ritwal tuwing Enero kung saan nag-aalay ng dasal kay Magbabaya para sa

preserbasyon, pangangalaga at tamang paggamit ng pitong mahahalagang bagay sa mundo: lupa,

tubig, puno, apoy, hangin, tunog at paniniwala at tradisyon.

2. Pangapar

Isang pagtitipon ng mga albularyo upang itaboy ang mga nagdudulot ng sakit at epidemya.

3. Panlangg

Isang dasal para sa manganganak na ina.

Kilalang mga Lugar

Ang probinsya ng Bukidnon ay kilala sa kanilang mga berdeng bukid at tanawin. Dahil

nga ito’y isang bulubunduking lugar, sagana ang Bukidnon sa mga magagandang mga puno’t

halaman, mga talon, lawa, matataas na bundok at mga resorts. Ang mga sumusunod ay ilan

lamang sa mga kilalang lugar sa probinsya:


10

Mt. Katinglad

Ito ay isang hindi aktibo na bulkan na matatagpuan sa Valencia, Bukidnon probinsya ng

Mindanao. Ito ay ang ika-apat na pinakamataas na bundok sa Pilipinas na may taas na 2,899

metro. Merong kuryente sa ilang mga bunkhouse na nakatukod sa tuktok nito at mayroon ding

communication center.

Lake Apo

Isa sa mga popular na destinasyon sa Valencia, Bukidnon. Ito ay pinangaralan ding

pinakamalinis na lawa sa hilgang Mindanao. Ang Lake Apo ay may sukat na 24 hektarya at may

lalim na 26 metro. Ito rin ay pinapalibutan ng mga palumpong at mga punong kahoy sa gilid

nito.

Overview Park

Ito’y matatagpuan sa Kataotao, Bukidnon. Ang Overview Park ay isang pampublikong

parke na karaniwang ginagawang pahingahan ng mga turista. Maraming mga magagandang

tanawin dito tulad ng mga berdeng bundok at mga puno, at malamig na hangin.

Alalum falls

Ito’y matatagpuan sa Sayre Hwy, Sumilao, Bukidnon. Ang Alalum falls ay may taas na

45 na metro, malamig na tubig na galing sa bukal ng Katinglad Mountain Range at napapalibotan

ng maraming kakahuyan. Ang saling Alalum ay hango sa salitang Binukid na “madalum” na

nangangahulugang malalim.
11

Mount Dulang Dulang

Ito’y matatagpuan sa Lantapan, Bukidnon. Ang Mt. Dulang dulang ay tinaguriang

pangalawang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito’y nagtataglay ng maganda at kakaibang

kagubatan na binubuo ng samot-saring mga puno at halaman. Merong parte ng bundok na

pinaniniwalaang sagrado ng mga lokal at ito’y pinalilibutan ng hamog at matataas na punong

kahoy.

Kilalang mga Pagkain

Ang Bukidnon, ang highland Paradise, na kilala rin bilang food basket ng Mindanao at

Pineapple Capital ng Asya. Sikat ang lalawigan dahil sa masarap na mga pinya at mga

produktong tulad ng tart, jam, piñasitas at marami pang iba. Gayundin, ang probinsya ay kilala sa

mga produktong galing sa bigas tulad ng cookies, barquirice, pop bigas at chicharice. Bukod

dito, ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang pagkain ng lugar:

Binaki

Ang binaki o pintos ay isa sa mga orihinal na kakainin ng Bukidnon. Ito’y gawa sa

giniling na mais, gatas at asukal. Ang salitang baki sa Binukid ay nangangahulugang palaka,

ngunit hindi ito nauugnay dito. Ang kakaning ito ay karaniwang makikitang ibinibenta sa gilid

ng mga kalsada at Divisoria.

Dragon Fruit

Ang edible cactus fruit na ito ay isa sa mga pinagmamalaki ng probinsya. Bukod sa

pinya, isa din ang Bukidnon sa pinakamalaking taniman at taga-suplay ng Dragon Fruit sa

Pilipinas. Ito’y madalas na makikita sa mga pamilihan ng prutas na may mababang presyo.
12

Sweetcorn

Ang Bukidnon ay kilala rin sa malaking taninman ng mga sweet corn. Ito ay madalas na

ibinibenta at makikita sa bawat sulok ng Bukidnon, lalo na sa mga munisipalidad ng Manolo

Fortich at Sumilao.

Mga karagdagang Impormasyon

Heograpiya

Ang Bukidnon ay isang patag na lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan

sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Lungsod ng Malaybalay ang kapital nito at ito’y

napapaligiran ng Misamis Oriental, Agusan del Sur, Davao del Norte, Cotabato, Lanao del Sur,

and Lanao del Norte. Mayroon itong dalawang mahahalagang landmark, Mt. Kitanglad at

Pulangi River. Ang Mt. Kitanglad ay 2,955 metro mula sa antas ng dagat. Sa kabilang banda,

ang Pulangi River, ay dumadaan sa hilagang-silangan at timog na bahagi ng lalawigan patungo

sa Rio Grande ng Mindanao.

Ang kabuuang lupain ng lalawigan ay binubuo ng 829,378 na ektarya. Binubuo nito ang

59 porsyento (59%) ng Hilagang Mindanao. Nagbibigay din ito ng 80 porsyento (80%) o 34

milyong metriko tonelada ng mga di-metal na deposito ng mineral.Kabilang sa mga ito ang

matataas na kalidad na puti at pulang luwad, ginto, kromite, tanso, halas, mangganeso, kuwarts at

limestone.
13

Etnisidad

Karamihan sa mga tao sa Bukidnon ay ang Cebuano na nagtataglay ng 58% ng kabuuang

populasyon. Ang mga lumad ng Bukidnon (Bukidnon, Higaonon, Manobo, Talaandig, atbp.), ay

humigit-kumulang na 14% ng kabuuang populasyon ng lalawigan. Sumusunod ang Hiligaynon /

Ilonggo at Boholano na may 8.83% at 7.37%, sa kabuuang populasyon ng lalawigan.


14

You might also like