You are on page 1of 16

Ang

Tribong
TALAANDIG

Tagapag-ulat
Esteban, ANgelie Rose L.
Perez, Dianne Mae G.

Guro
Prof. Carmela G. Ong

Setyembre 29, 2017

1
Ang Talaandig

Ang mga Talaandig ay isa sa grupo ng mga katutubo sa Bukidnon na

nagpapatuloy pa rin sa pagsasagawa ng kanilang kultura, kaugalian at

paniniwala, kahit sa kabila nito ang malakas na pagdagsa ng modernisasyon

at pagbabago.

Kilala din ang mga tribong Talaandig bilang mga Peacemakers

sapagkat sa tuwing may nag-aaway sa kanilang tribo ay hindi na nila ito

pinapaabot ng isang araw upang mapagbati ang mga nag-aaway, agad nila

itong pinapapunta sa kanilang hall of peace upang pag-usapan ang kanilang

alitan.

Populasyon

Ang populasyon ng mga Talaandig ay tinatayang nasa 100, 000.

Heyograpikal

2
Lokasyon

Ang grupong ito ay matatagpuan sa Barangay at Munisipalidad sa

paligid ng bundok ng Kitanglad at Kalatungan, ang sinasabing lupain ng mga

Talaandig sa Lantapan, Bukidnon.

Kasuotan

Para sa mga Datu ng mga Talaandig ang kanilang mga damit ay ang

mga sumusunod:

Long Sleeve damit na pantaas na may kolar. Ito ay may disenyong

may kombinasyon ng kulay pula, itim o asul.

Linabian isang putol na piraso na idinidisenyo sa harapan ng blaws,

polo, short, pantalon at sa dulo ng sleeve.

Ginontingan isang zigzag na dinedisenyo sa dulo ng mga damit.

Solang-solang ito ay isinusuot ng mga pinakamataas na Datu at pari.

Ito ay gawa sa espesyal na tela na may disenyong mga beads (logbak) at

buhok ng mga mababangis na hayop.

Tangkulo damit na yari sa espesyal na tela na may hugis tatsulok na

dinidisenyuhan ng mga beads (logbak) at buhok ng mga mababangis na

hayop bilang disenyo sa dulo ng damit. Ito ay ginagamit bilang pantabon

sa kanilang ulo at ginagamit lamang ito ng mga Datu at kapag

nagsasagawa ng mga ritwal.

Ballug isang kwentas na isinusuot ng mga kalalakihan na

3
dinisenyuhan ng mga beads (logbak) na kulay pula, puti, itim, asul at

dilaw.

Para naman sa mga kababaihan ito ay ang mga sumusunod:

Pakabo isang blosa na ginagamit lamang nga mga kababaihan na may

disenyong bulaklakin.

Batadyong isang saya na bulaklakin na kung minsan ito ay simpleng

tela lamang na may kulay asul, pula o puti. Ito ay may hugis balon.

Panika isinusuot tuwing may piyesta, ito ay yari sa sa mga

katutubong kagamitan at hibla ng sinulid. Ang pangunahing ginagamit

ay patpat na yari sa kawayan at balahibo ng mga manok.

Benoog lasong disenyo sa simpleng tela na ginagamit ng mga Bae

tuwing nagkakaroon ng pagtitipon o espesyal na okasyon. Ito ay

sumisimbolo bilang respeto sa mga kababaihang nasa pinuno.

Balaring kwentas na yari sa hibla at beads (logbak), na nakakabit sa

magkabilang tenga.

Lebod isang maliit na bag na yari sa rattan o balagon na may

disenyong beads, butones o tipay, buhok ng mga mababangis na hayop

sa may bandang dulo. Ito ay kadalasang dala-dalang bag ng mga Datu

kung saan dito inilalagay ang mga kamama (mama^), panaru (pabango)

etc.

Songol sinturon ng mga kababaihan na kulay pula.

Takus singkil sa paa ng mga kababaihan na gawa sa beads (logbak).

Single galbanisadong bakal na isinusuot sa paa ng mga kababaihan.

4
Sonong bag ng mga kababaihan.

Bukala pulseras na isinusuot ng mga kababaihan.

Mga Kultura (Paniniwala)

Diyos/Espiritu

Ang mga Talaandig ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakamataas na

Diyos o Punong Tagahatol na si Magbabae at mga espiritung nagbabatay at

nagpopropekta sa kalikasan na naipapahayag o naipapakita nila sa kanilang

panlipunan, pang ekonomiya at pampulitikong aspeto ng kanilang

pamumuhay.

Ang paniniwala ng mga Talaandig sa pagkakaroon ng mga Diyos at

espiritu ay nailalarawan sa pagpoprotekta ng kanilang tahanan. Ilan sa mga ito

ay sina Dadagunan hu Suguy na nagbabatantay sa harap ng bahay; Anilaw

ha Sumagda na siyang tagapabantay ng pinto; Sinyuda Kahibunan na

tagapag-ingat ng pasilyo; Diwata Pinatanlay na nagbabatanay sa bahay sa

gulod ng bubong; at si Diwata ha Manilib na siyang nagtatala sa mga kilos sa

loob ng tahanan.

Pag-aasawa

Ang pag-aasawa ng sariling kamag-anak ang pinakamakabuluhang

basehan ng pagiging mag-anak ng mga Talaandig. Bago ang pag-aayos ng

kasal, ang relasyon bilang pagiging kamag-anak ng dalawang pamilyang

5
sangkot sa kasalan ang basehan ng pinakaangkop na kaugalian at mga

pamamaraan sa nasabing kasalan.

Sa araw ng kasal, ang pagpapayo ang matatag na alituntunin o

patnubay upang mapangalagaan at panatilihin ang kanilang relasyon. Ito ay

hango sa pag-uugali ng Bayluwa na kung saan ang mag-asawa ay

pagsasabihan na sabihin ang kanilang mga problema bilang mag-asawa sa

kanilang mga manugang lamang. Ang kaugaliang ito ay nagbibigay ng

mapayapang relasyon sa kanilang manugang na may kapangyarihang

disiplinahin ang kanilang sariling mga anak.

Sa mga Talaandig, ang tawag sa kanilang Ama ay Amay; ang Ina ay Inay;

ang kapatid na lalaki ay suled; kapatid na babae ay atubay; ang kanilang

tiyuhin ay tinatawag nilang Aba o Abang; at ang kanilang tiyahin ay Ida o

Idang. Samantalalang ang kanilang mga ninuno ay tinatawag nilang Apu. Ang

kanilang mga magulang ay tinatawag nila Ugang; ang asawa ng kanilang anak

na babae ay tinatawag nilang Makaamong at ang asawa ng kanilang anak na

lalaki ay tinatawag nilang Lagambay.

Pagbubuntis

Sa pagbubuntis, ang paghihilot sa tiyan ng buntis ay nakakapagpadali

sa panganganak.

6
Panganganak

Bago ang kapanganakan ng babae, kinakailangan ng ritwal na tinatawag

na panlang, ito ay para sa maayos na panganganak ng buntis.

Patay

Pagkatapos ilibing ang patay, bawal pumasok sa bahay ng kapitbahay

ang bawat miyembro ng pamilya, bawal maglinis gamit ang walis o anumang

bagay na nakagagawa ng ingay at bawal maligo hanggang dumating ang

ikatlong gabi mula sa pagkakalibing ng patay. Pagdating ng umaga sa ikatlong

araw, ang buong pamilya ay kinakailangang pumunta sa ilog at maligo, hindi

dapat makita ng mga kapitbahay ang mga pangyayari.

Paraan ng Paggamot

Ang mga Talaandig ay may dalawang pamamaraan ng paggagamot. Ang

una ay sa pamamagitan ng relihiyosong seremonya, ang isa namay tradisyunal

na Erbal na paggamot. Masasabing ang isang gamot ay dapat gamutin ng

relihiyosong seremonya kapag ang Mananambal na kadalasan ay Baylan, na

isang manghuhula ay naniniwalang ang sakit ay tungkol sa pagpapahirap ng

mga espirito sa may sakit.

Tradisyunal na herbal na paggamot naman, kung natural na sakit

lamang. Kadalasan, ang ritwal ay isinasagawa lamang kapag ang isang sakit ay

hindi gumaling sa tradisyunal na herbal lamang.

7
Pagtatanim

Ang pagtatanim ay itinutuon kapag full moon (bulanon) para sa

masaganang ani. Bago magtanim kailangan munang magsagawa ng ritwal para

hingin ang tulong ni Apu Magbabaya at ng mga espiritu para sa masaganang

ani. Pagkatapos ng ani ay magsasagawa uli ng ritwal na tinatawag na

pamahandi, ito ang ritwal ng pasasalamat sa masaganang ani.

Sistemang Pampulitika

Ang sistemang politikal ng mga katutubong talaandig ay sumasaklaw sa

kanilang ugali, gawi at kinamulatan na tinatawag na Batasan. Ang batasan ay

binubuo ng kanilang kaugalian, tradisyon, at mga polisiya ng kabanalan sa

pamamagitan ng paniniwala at gawi ng tribo. Ang kabanalan ang isa sa

kanilang binibigyan ng pagpapahalaga sa tribo. Ang ritwal na kanilang

isinasagawa sa pamumuno ay tinatawag na Panagukambung. Ang ritwal na ito

ay isinasagawa sa tuwing ang lahat ng lider ng tribo ay nagtipon-tipon upang

bigyan ng karapatan ang datu na kanilang ilalagay sa puwesto. Datu ang

tawag sa kanilang lider. Ang kanyang tungkulin ay ayusin ang relasyon ng

bawat isa sa kanilang tribo at panatilihin ang kapayapaan at katiwasayan ng

lugar. Sa panahon ng kaguluhan ang Datu ang siyang dapat na manguna at

may responsibilidad na mamuno

8
Ritwal

Isa pang paraan ng Talaandig upang maipahayag ang kanilang

paniniwala sa Diyos at mga espiritu ay sa pamamagitan ng mga ritwal. Tuwing

sila ay magsasaka kanilang ginagawa ang ritwal na tinatawag na Talabugta at

Ibabasuk matapos ang ani ang ritwal kung tawagin ay Pamumuhandi naman

ang ginaganap bilang pagpapasalamat. Sa pagkilala naman ng nakahihigit na

pamumuno ay isinasagawa naman ang ritwal ka kung tawagin ay

Panagulambong. Tuwing sila naman ay nangangaso ang ritwal na Punaliket

ang Palayag naman ang isinasagawa.

Tuwing mayroong nagdadalantao nagkakaroon din ng isang ritwal na

kung kanilang tawagin ay ang Panlang na kung saan sa ritwal ang Diyos ng

pagdadalantao ay nakikiusap na bigyan ng proteksiyon ang ina at ang

kaniyang anak laban sa masasamang bagay at sa panahon kung saan ang ina

ay manganganak ang ritwal na kung kanilang tawagin ay Kagmakatu ay

isinasagawa bilang pormal na pagsalubong sa sanggol bilang parte na ng

pamilya. Para naman sa isang mas mataas na anyo ng sosyo-ekonomiko at

politika na mga gawain ay isinasagawa ang isang seremonyas ng kung tawagin

ay Kaliga Ceremony.

Naniniwala ang mga tribong Talaandig na sa lahat ginagawa sa pang

araw-araw ay kailangan ng ritwal upang humingi ng gabay sa magbabaya at

naniniwala sila na hindi lamang tao ang naninirahan sa mundo kundi

mayroon ding mga espiritu na kailangang respituhin.

9
Kalamidad

Ang mga tribong Talaandig ay nakikipag-usap sa mga espiritu ng

kalikasan, gaya ng pagpunta sa bundok taon-taon upang magdasal at

magpasalamat sa pag-aalaga ng kalikasan, kasama na rin dito ang paghingi ng

presensya upang alagaan ang kalikasan.

Nagsasagawa rin sila ng ritwal sa ilog upang pasalamatan ang

nagbabantay dito upang hindi magkaroon ng pagbaha.

Bahay

Sa pagpapatayo ng bahay ay nagkakaroon ng ritwal kung saan itatayo

ang bahay, para humingi ng permiso sa mga espiritung nakatira o naninirahan

sa pagtatayuan ng bahay. Bawal ang pagpapatayo ng bahay na magkaharap

ang dalawang pintuan dahil pinaniniwalaan nilang lalabas ang grasya rito.

Wika

Ang wika ng mga Talaandig ay tinatawag na Binukid o Inukit. Ang

binukid ay isa sa labinlimang lengguwahe ng mga Manobo. Napapabilang ito

sa subgroup ng Austronesian / Malayo-Polynesian / Southern Philippine /

Northern Manobo family of languages (Brandeis, 2008). Ang kanilang alpabeto

ay binubuo lamang ng labinwalong (18) na letra; apat na patinig (a,e,I,u) at

labing-apat na katinig (b,k,d,g,h,l,m,n,ng,s,t,u,w,y).

10
Mga halimbawang salita

PARTE NG KATAWAN

Hand Alima Shoulder Abawa

Left gibang Blood Langusa

Right kawanan Head Ulu

leg/foot Paa Neck Liug

skin langgit hair Buhuk

(head/body)

Back talikudan Nose Idung

belly/stomach Getek Mouth Baba

Bone tul-an Tooth ngipun

intestines bituka Tongue Dila

Liver Atay Eye mata

Lungs Baga Ear talinga

Breast susu

AKSIYON

to drink inum to cry/to agala

weep

to spit ileb to vomit/to Uta

throw up

to eat kaun to bite paak

to chew sepa to hear paliman

11
to breathe gahinawa to see Aha

to smell ngadug to yawn langhab

to laugh putawa to sleep tiduga

KATAWAGAN SA PAMILYA

person / human etaw Wife asawa

being

man / male maama Mother inay

woman / female bahi Father amay

Child bata Name ngadan

husband asawa

PANDIWA

to walk hipanaw to hit sumbag, bundul

to swim languy to kill himatay, bunu

to know / to be katuen to die / to be patay

knowledgeable dead

to think hena-hena to live / to be buhay, buhi

alive

to fear kahaldek to scratch katel

to cook agsugba to cut / to tigbas

hack

to sit pinuu to work trabahu

to stand hitindug to plant pamula

12
to lie down hiduga to choose pili

to climb punahik to grow tubu

to say ikagi to squeeze kemes

to tie up / to fasten hiket, tag- to hold ibit

kus, bakus

to sew tahi to dig bagwal, bangbang

to hunt pangasu to open abli

to shoot pamusil to throw lambug

to stab / to pierce dughang,

duslak

KAGAMITAN

road / path dalan Rope hiket

House balay Needle dagum

roof / thatch atep Stick edek

HAYOP

animal mananap Tail karni, sapu

Bird Tagbis Snake bunsalagan

Dog Asu worm / earth kalimanggud

worm

Egg Impis Louse kutu

feather bulbul Mosquito tagenek

Wing pakpak Spider lalawa

13
Rat ambaw Fish seda

meat / flesh Unud

KAPALIGIRAN

branch panga Sky langit, kawanangan

Leaf dahun Moon bulan

Root Ugat Star bituun

Flower Bulak Cloud gabun

Fruit bunga Sun aldaw

Grass sagbut Rain udan

earth / soil Bugta Thunder lugung

Stone Batu Lightning kilat

Sand pantad Wind kalamag

Water Wahig Fire hapuy

Sea Dagat Smoke ebel

Salt asin Night daleman

woods / forest / kalasan Day aldaw

jungle

PANG-URI

Dirty buling, Wide maluag, mabelad

malamigsing

Clean limpyu Black maitum

Sharp magalang White maputi

14
Dull maduel Red maliga

Warm bagainaldaw Yellow makalawag

Cold matinu green mahilaw

Small atiyu painful / sick masakit/kadaluwa

Big adagi old (object) daan

Short mababa New bag-u

Long malayat Good maayad

Thin magasa, Bad madaet

manipis

Thick malabung, correct / true untul/laus

makepal

narrow malig-et

BILANG

One sabuwa Seven pitu

Two daduwa Eight walu

Three tatulu Nine siyam

Four haupat Ten sampulu

Five lalima Zero huda

Six haunum

15
Mga Bawal na Salita

Ipinagbabawal nila ang magsalita ng masasama, dahil kung ano ang

lalabas sa iyong bibig ay iyon ang iyong idinarasal.

Pagkakatulad sa Ibang Grupo (Tribo)

Ang wikang Talaandig ay may kahalintulad sa wikang Higaonon at

Bukidnon ngunit may kaibahan lamang ito sa pagbigkas o accent. Kahit na

magkaiba sila nang pagbigkas ay nagkakaintindihan sila kapag sila ay nag-

uusap.

Halimbawa:

Tagalog: Araw

Talaandig: Anlaw

Bukidnon at Higaonon: Aldaw

16

You might also like