Professional Documents
Culture Documents
(2) Sosyolohikal, ang interaksyon ng lipunan kung saan ito ginagamit bilang
midyum ng komunikasyon. Sa kabuuan, ang ekolohiyang binanggit rito ay mga entidad
(mga taong gumagamit ng wika) at ang pisikal na kapaligiran (ang lipunang kinabibilangan
1|Page
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
ng tao) na pangunahing nmga bahagi sa pagtalakay sa usapin ng kasalukuyang kalagayan
ng kapaligiran. Nakapaloob sa gamit ng wika ang pagpapahalaga at impluwensya ng tao sa
ekolohiya lalo na sa kanyang kapaligiran. Ito ay matatagpuan sa halimbawang pagsusuri sa
ugnayan ng wikang Higaonon at kanilang ekolohiya na inilahad sa ibaba.
Iba-iba ang paliwanag sa pinagmulan ng salitang Higaonon. Ayon kay Levita (1996),
galing ito sa gaon na nangangahulugang bundok. Sa maikling pakli, "taong-bundok" o
"taong taga-bundok" Ayon naman sa UNAHI Mindanao, sa tatlong mahahalagang kataga
nagmula ang pangalan ng pangkat — higa (buhay), goan (bundok) at onon (tao),
samakatuwid, taong namumuhay sa buhay na bundok. Sa papel ni Tangian (2010), ang
higa ay salitang Binukid na nangangahulugang "pinagkukutaan" at ang non naman ay
taguri sa "taong taga-itaas". Kung pagdurugtungin natin ang dalawa, makabubuo tayo ng
"pinagkukutaan ng mga taong taga-itaas". Ang "itaas" dito ay tumutukoy sa mataas na
lugar gaya ng bundok at burol. Maliban sa pagkakakilanlang ito ng pangkat, Higaonon din
ang tawag sa kanilang wika. Para sa mga taga - Mindanao, kilala ang pangkat na ito bilang
lumad.
LUMAD
Lumad ang taguri sa isang taong "isinilang at nabuhav sa iisang lugar" (grown in place).
Ang mga Higaonon ay bahagi ng 18 pangkat etnolinggwistikong Mindanaon at hindi naging
Islam. Dati silang naninirahan sa mga kapatagan ngunit ayon sa kasaysayan ay napilitang
tumungo sa pusod ng kagubatan dahil sa kalupitan ng tao at modernisasyon.
Pinaniniwalaang binubuo ng walong pangkat ang Higaonon na nasa Bukidnon, Misamis
Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Lanao. Bagama't magkakalayo, kapansin-
pansing magkakatulad ang kanilang kasaysayan kung ihahambing sa iba pang lumad tulad
ng Tiruray, Manobo, Bagobo, Blaan, Talaandig at Suban-on. Hanggang sa kasalukuyan,
pinananatili pa rin nila ang sariling komyunal na pananaw sa paggamit ng lupa, kapatiran:
ritwal, karunungang bayan, kuwentong bayan at awiting bayan.
WIKA NG KAPAYAPAAN
KULTURA
DAIGDIG NG PANGKAT
Sa pananaw ng isang Higaonon, ang lupa ay hindi maaaring bilhin o ipagbili sapagkat
pag-aari ito ni Magbabaya. Ganito ang sinabi ng isang lumad sa "Kumperensiya sa
Pananampalataya ng mga Indihenos":
5|Page
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Likha ni Magbabaya ang kalikasan na kinabibibilangan ng mga bundok, punungkahoy,
mga bato, ilog at lahat ng buhay sa paligid.Bawat desisyon kaugnay kaugnay rito ay
kailangang isangguni sa kalikasan sa patnubay ng mga isipiritu upang magkaroon tayo ng
Palagiang kapayapaan.
Nagmumula sa lupa ang buhay. Handog ito ng Diyos sa lahat ng tao. Anumang
nagmumula sa lupa ay tumutustos ng buhay. Ang kapirasong papel na nagpapatunay ng
pagmamay-ari ng lupa ay isang kalapastanganan ng sibilisasyon sa pangkat lalo na kung
kasama ang mga 'banal' na lugar na pinagdarausan ng iba't ibang uri ng ritwal. Sa mga
pagkakataong nagkakaroon ng sigalot hinggil sa lupa, may konseho ng mga Datu na
nagsisikap humanap ng solusyon. Mas madaling natatapos ang mga kaso hidwaan sa lupa
sa ganitong paraan.
Bago umalis, nagsasagawa ritwal ang pamilya upang mapanatili ano kaayusan at
kapayapaan sa buhay Nangangahulugan ita ng pagpatay ng puting manok, (Ang dugo nito
ay idinidilig sa lupa) at pagpapakain sa taong iiwånan ng mag-anak. Sa kabilang dako, ang
kaibigang panig na iiwanan ay nararapat maghandog sa mga tagapag-ingat na espiritu saksi
ang mga kapitbahay upang maging masaganaang buhay at makaiwas sa gaba (malas).
Masalimuot ang naging kasaysayan ng mga Higaonon na kapamilya ng iba pang lumad.
Dahil dito at sa lawak din ng kanilang na sasakupan ay nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa
bigkas at baybay ang kanilang wika, bagama't, pawang nasa ilalim pa rin ng taguring
'Binukid'.
May lantad at di lantad na kahulugan ang maraming salita sa wikang Higaonon. Ito ay
dahil itinatago ng pangkat ang walang pagpapahalagang pag-usal ng mga natatanging salita
na napakahalaga sa kanila tulad ng mga pangalan ng banal na lugar lalo na yaong mga
inuusal sa panahon ng ritwal at mga banal na asembleya. Ang alpabetong kasalukuyang
tinatanggap ang resulta ng mga daluyong sa pagbabagong wika (language change).
Malapit sa kagubatan kundi man mismong kagubatan ang kanlungan ng pangkat na ito.
Sapat na itong dahilan kung bakit maraming salitang pangkalikasan ang maaari nilang
maiambag sa pambansang wikang Filipino. Magpapayamaan ng talasalitaang Filipino ang
pagdaragdag ng salitang ito sa diksyunaryo maging sa talakayang pangklase tulad ng
panitikan dahil sa denotasyon at konotasyon nito,
ang dilim at liwanag; insektong pandapit- hapon; babala na may darating na hindi kanais-
nais na balita; pahiwatig ng hindi mabuting mangyayari sa hinaharap. Iba pang
kasingkahulugan ng salita ay takuling at gayang-gayang.
7|Page
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Agulanga [a-gu-la-nga] pngn. -iginagalang na nakatatandang babae o lalaki sa
pangkat; awtoridad; sumbungan; takbuhan para humingi ng payo sa anumang suliranin sa
buhay.
Agutay [agu-tay] -uri ng punong saging na pataas ang bunga at paboritong kainin ng
unggoy.
Apo [a-po] pngn. -lolo o Iola: espiritu ng ng ninunong namatay na; kaluluwa ng banal
na ninunong Higaonon; iniidolong espiritu ng ninunong matagal nang namayapa. Sa mga
Higaonon, kailangang bigkasin ito nang pormal at may matiim na paggalang. Tuwina ay
iniuukol ito kay Apo Suminam-ang, nabuhay na isang mangingisda at walang naging lisyang
payo sa lahat ng taong lumapit sa kanya. Kahit sinong humingi ng kanyang opinyon ay
umunlad sa buhay. Sinasabing nagpapakita raw rito ang diwata at niyaya nitong alamin ang
bukal ng tubig na pinanggagalingan ng Ilog Bayug. Natunton nila ang talon ng Limunsudan
sa Barangay Rogongon sa lungsod ng Iligan. Ito ang pinakamataas na talon sa lungsod.
Dahil sa nangyaring iyon ay nakaligtas raw ang lungsod ng Iligan sa malaking baha.
Bakusan [ba-ku-san] -isang uri ng ahas na walang lason at kinakain ng mga katutubo.
Binaki [bi-na-ki] pngn -isang uri ng suman na niluto mula sa mais na dilaw; suman na
mais na may mantikilya; nilagang mais na kinudkod at ibinalot sa balat ng mais; suman sa
Bukidnon. (tagbaki-gumawa; agbakiki-gagawa; migbakiki-gumagawa);
buuy [bu-uy]l pngn. Iola sa tuhod; ina ng iyong Iola: asawa ng ama ng iyong Iola, Ang
antigong panawagang na ito sa Higaonon ay walang katumbas sa Tagalog o sa iba pang
wika sa Pilipinas.
9|Page
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Bibliya, mababanggit ang "Awit ni Moises" Song of' Moses (Exodo 15: 1-18) na naglalahad
ng pinagdaanan ng mga Israelita pagtawid nila sa dagat na Pula (Red Sea). Tuwing inaawit
iyon sa paglipas ng panahon av nanunumbalik ang marubdobna pananampalataya ng mga
Israelita na unti-unting nahahalina sa impluwensiya ng ibang pananampalataya.
Iligan [i-li-gan] pngn. -daanan na pababa sa bundok; gilid na pababa ng bundok; gilid
ng matarik na bundok; singkahulugan ng salitang ludosanan na patungkol sa landas na
dapat daanan kung bababa sa a-log baba ng bundok; o pupunta sa lugna (silong) mula sa
sampaw (itaas ng burol) o sa pulo (itaas ng bundok); isang lungsod sa Lanao del Norte at
kilalang 'Lungsod ng mga Talon' sapagkat mahigit 20 talon ang matatagpuan dito kabilang
na ang kahali-halinang Mafia Cristina Falls; ilig -etimolohiya ng salitang Iligan.
kapu-un [ka-pu-un] pngn. -pinagmulan ng lahi; simula ng lipi; maaari itong angkan o
salaysay ng pagsisimula ng angkan na tinutunton upang malaman ang nakaraan o
pinagdaanang buhay o kasaysayan.
Kolubi [ko-lu -bi] -isang uri ng punongkahoy na mababa at ang bunga ay matatagpuan
sa lupa katabi ng puno.
10 | P a g e
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Nagsimula ang pagrirituwal noong ika-16 daan taon kung kailan naging kaugalian ng
matatandang Higaonon ang pag-aalay ng bigas, nganga, tabak at katutubong puting manok
sa tanging lugar kung saan nagpaparamdam ang Diyos na si Magbabaya. kapag isinasagawa
raw to sa pamamagitan ng seremonya pangungunahan ng Baylan na may dalang alak at
baryang handog kay Magbabaya. maririnig nila ang kakaibang wika na inuusal ng baylan.
Sa gayong paraan nagpaparamdam ang pinaghandungan ng sagradong ritwal. Kapag
sinaniban, ang wikang ginamit daw ng Baylan ay Latin. Ang kumba ay matatagpuan sa
pinakapusod ng kagubatan sa Tambulan. Ipinagbabawal na puntahan ito ng mga hindi taal
na Higaonon. Madalas na idinaraos na ritwal dito ay ang ritwal ng pasasalamat at paghingi
ng pahintulot para maangaso o pumatay ng hayop sa gubat. Katumbas ito ng templo ng
Diyos sa wikang Filipino.
Ang konseptong banal na lugar ay hindi gaanong bahagi ng kanilang isip sapagkat
ang mahalaga ay hindi ang lugar kundi ang akto ng pagkakatipon-tipon.
Limbay [lim-bay] pngn. -balangkas ng mga araling kultural kabilang na ang salasila
(batas ng pangkat) na dapat isaulo ng isang Higaonon; mga bagay na dapat tandaan at
isabuhay mula sa kabataan hanggang tumanda na; awiting bayang Higaonon (Higaonon-
Rogongon).
Liyang [li-yang] pngn. -yungib na may tubig; kuweba na may bukal ng tubig; masukal
ngunit matubig na tagong lugurr tinutubuan ng mga pako at apusaw.
Kung papasok ang isang tao sa yungib, halimbawa, at makikitang may bukal doon,
nararapat lamang kausapin niya si Tagaliyang, umusal ng dasal, maghandog ng nganga,
barya, bigas at puting lilanok upang makaiwas sa sakit sanhi ng pagiampalasan sa
katahimikan ng lugar na iyon.
Hindi lamang sa salita kundi lalo't sa higit sa kilos dapat ipakita ang pakikiisa at
pagpapanatili ng kapayapaan sa kapwa at kalikasan. Sa pagdanas ng kapayapaan,
naniniwala ang isang Higaonon na igalang nu isang indibiduwal ang kanyang kapwa at
angkalikasan.
Pait-pait [pa-it] pngn. -isang uri ng maliit isda na kulay puti at abo na nabubuhay sa na
ilog ipinakakain sa bagong panganak na ina para maqing masustansiya ang gatas na
sususuhin ng sanggol.
Pulot [pu-lot] pngn. -isang uri ng maliit na puno na may dagtang ginagamit sa
panghuhuli ng isda.
12 | P a g e
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Tagabito [ta-ga-bito] pngn. -espiritung nagbabantay sa labas ng kuweba at sa palibot
nito; bantay-kuweba; nagpapanatili sa katahimikan ng paligid sa kagubatan; kasama ni
tagaliyang na nasa loob naman ng kweba nagbabantay; salitangugat - bito pngn. Bagay na
pagalaw-galaw at nakikipaglaro sa hangin.
Wala pang isang naglalarawan sa isang kuweba tulad ng salitang liyang ng mga
Higaunon na turnutukoy kuwebang may bukal at nilalagusan ng tubig. Mahalaga itong
mapatala sa hanay ng mga salitang Filipino tungo sa pagpapayaman ng wikang pambansa.
KONKLUSYON
Ayon kay Dr. Erlinda Burton, isang antropologong Kultural ng Xavier Universiry, sa
Cagavan dc Oro, "strip a tribe of its language and you Iose its identity". Ang wika ng
Higaonon ay mahalaga para mapanatili ang kanilang identidad. Magagawa ito sa
pamamagitan ng paggalang sa kalikasan na siya nitong sandigan.
13 | P a g e
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
Basahin! Basahin!
Aplikasyon:
https://www.facebook.com/dennis.ivan.chavez.baliguat/videos/vb.100000457360
113/3304455236246356/?type=3 at ito anang ang rubric:
https://www.nrcs.net/Downloads/Rubric_for_Comic_Strip.pdf
Mga Paalala:
Kinabibilangang Grupo!
14 | P a g e
FIL 102 (EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN)
PROF. EDNA M. ALON
16 | P a g e