You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Chocolate Hills ng Bohol

Mula sa pananaliksik ni Fe Bermiso

Noong unang panahon, sa probinsya ng Bohol, isa sa mga pulo sa Kabisayaan,


may lupang malawak subali’t ito ay napakatuyot. Makikita mong biyak-biyak ang
lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar.
Subali’t kapag tag-ulan, ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyong mga paa
kapag ikaw ay nakayapak. Ngunit kung panahon ng taniman ay maaliwalas ang
kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin sa pook.

Ayon sa matatanda roon, dumating ang isang araw, sa magkabilang dulo ng


isla ang dalawang higante sa magkabilang bahagi. Ang isa ay nagmula sa bahaging
Timong ang isa naman ay sa Hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba
na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilinisan pansamantala ng tagaroon ang lugar.
Sa di-inaasahang pangyayari nagkita ang dalawang higante.

“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan! Ito’y aking pag-aari at umalis ka


na,” galit na sinabi ni Higanteng mula sa Timog. “Maghanap ka ng lugar na iyong
aangkinin”

“Aba! Ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng
higante mula sa Hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”

“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng higante mula sa
Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa
kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa.
Subalit gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring
binato sa kalaban. Walang tigil ang batuhan ng binilog na putik. Hanggat ang
dalawa ay hingalin, naubusan ng lakat at nawalan ng hininga. Tumumba ang
dalawang higante na wala ng buhay.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon at bumungad


sa paningin ng mga tao ang mga mala higanteng bolang putik na siyang ginamit ng
mga higante sa pagbabatuhan. Namatay sila mapayapa at masagana dahil sa
bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate.

Napakinabangan nila ang mga iyon nataniman. Ito ang pinagmulang ng


Chocolate Hills ng lalawigan ng Bohol.

You might also like