Professional Documents
Culture Documents
Ang ilog
na ito ay kilala din sapagkat mayroong mga masasamang element. Pinaglalaruan ng mga ito ang
mga taong nagpupunta sa ilog sa iba’t-ibang paraan. Isang araw, ang magkaibigang sina Tuwan
Putli at Ambaynan at nagplanong pumunta sa nasabing ilog upang mangisda at magsaya.
(SCENE 1, ACT 1)
Tuwan Putli: Mahal kong Muta-Muta, kami ni Ambaynan ay nagplanong pumunta sa ilog.
Lalangoy kami at mangingisda upang maipagluto kita ng para sa hapunan. Maaari mo ba akong
pagbigyan?
Muta-muta: Nagawa mo na ngang magplano ng hindi nagsasangguni sa akin, hindi ba? Kung
talagang nais mong humingi ng aking pahintulot, noon pa man sana ay nagsabi ka na sa akin. Ang
punto mo ngayon ay ipinaaalam mo na lamang sa akin na ika’y pupunta sa ilog.
Tuwan Putli: Pahihintulutan mo ako, hindi ba?
Muta-muta: alam mo kung gaano kita kamahal, Tuwan Putli. Matagal nang walang kinukuhang
buhay ang ilog at ayaw kong ikaw ang mawala ngayong taon.
Tuwan Putli: Kaya ko iyon. Ang mga nawawala lamang sa ilog ay pawang mga matatanda at mga
bata na hirap lumangoy. Ako si Tuwan Putli, ang pinakamahusay lumangoy sa ating nayon, lalo
pa’t sa ilog Tabunganan. Alam mo ‘yan bago mo pa man ako naging kabiyak.
Muta-muta: Sa tingin ko’y wala na tayong pag-uusapan pa. Nais ko lamang ipabatid sa’yo na
masama ang aking kutob sa iyong plano ngunit ikaw naman lagi ang nasusunod, hindi ba? Laging
ikaw ang tama kung kaya’t wala na akong magagawa kundi ang sumang-ayon na lamang.
(SCENE I, ACT 2)
Tuwan Putli: Alam mo Ambaynan, masayang-masaya ako ngayon. Hindi ko na matandaan kung
kailan ako huling nakapunta dito sa ilog.
Ambaynan: Mahal na mahal ka lamang ng iyong kabiyak, Tuwan kung kaya’t pinagbabawalan
ka niyang pumunta dito sa ilog.
Tuwan Putli: oo nga pala. Kailangan kong mangisda. Pinangakuan ko siyang ipagluluto ko ng
aking mahuhuli.
Ambaynan: Ang mabuti pa’y maghiwalay tayo sa panghuhuli upang marami tayong matunton na
lugar ng mga isda.
Namalas muli ni Ambaynan kung gaano kabilis at kahusay lumangoy si Tuwan Putli
maging ang husay nito sa pangingisda. Makalipas ang ilang minute ay naging abala na ang dalawa
sa panghuhuli ng mga isda hanggang sa may nakitang malaking olang si Tuwan na may gintong
sipit. Nais n’yang mahuli ito kung kaya’t walang kapagurang sinundan nya ito hanggang sa ito’y
kanyang madakma. Ngunit ng kanya itong tingnan ay walang olang sa kanyang kamay kundi isa
lamang tuyong dahoon ang naroon.
(SCENE I, ACT 3)
Ambaynan: Tuwan! Tuwan! Tuwan! Tuwan Putli!!! Oras na upang umuwi! Hinahanap na ako ng
aking ama at gayun ka rin, hinahanap ka na din ng iyong kabiyak!
Ambaynan: Tuwan! Tuwaaaaaannnnn!!!! Tuwan Putli, nasaan ka??!!!!
Sa dalampasigan, nakita ni Ambaynan ang buslo na gamit ni Tuwan Putli at ito’y maraming
dugo. Sa di-kalayuan naman ay naroon ang kwentas ni Tuwan. Noo’y nasiguro n’yang mayroong
nangyaring masama sa kaibigan. Mabilis s’yang pumunta sa tahanan ni Muta-muta upang ipaalam
ang nangyari.
(SCENE I, ACT 4)
Muta-muta: Bakit ka nagtatatakbo, Ambaynan? Nasaan si Tuwan? Kanina ko pa s’ya hinihintay.
Ambaynan: Iyan ang dahilan kung bakit ako naparito, Muta-muta. Bigla na lamang nawala sa ilog
si Tuwan Putli at ang nakatatakot pa ay nakita ko ang kanyang buslo na may mga dugo gayundin
ang kanyang kwentas. Patawad Muta-muta, ginawa ko ang lahat upang siya’y Makita ngunit ako
ay nabigo.
Muta-muta: Ito na ng aba ang sinasabi ko. Ang masamang engkanto na naman ang gumawa nito.
Ito ay aking nakita sa aking pangitain ngunit matigas ang ulo ni Tuwan at makasarili kaya tignan
mo ang nangyari.
Ang usapang iyon ay naulinigan ng ama ni Tuwan Putli. Nabigla ito sa kanyang nalaman
kung kaya kagyat na inutusan n’ya si Muta-muta na hanapin si Tuwan.
Mumuta: Anak, magmadali ka at hanapin mo ang aking anak na si Tuwan Putli. Dalhin mo ang
iyong armas at iba pa at magtungo ka sa ilog.
Muta-muta: Ama, ang masamang element ang kumuha kay Tuwan Putli at hindi ko kayang
makipagdigma sa kanila. Ang kaya ko lamang ay ang lumaban sa mga katulad kong mortal gamit
ang aking itak.
Nang marinig ni Mumuta ang pahayag na ito, sandaling nawalan ng pag-asa si Mumuta.
Naluha na lamang s’ya at tumingin sa kalangitan, inisip kung ano ang nararapat na gawin. Bigla
n’yang naalala ang isang nilalang na maaaring makatulong sa kanya.
(SCENE I, ACT 5)
Mumuta: Binata ng alapaap! Binata ng alapaap!!Binata ng alapaap!!! Kung ako’y iyong naririnig,
makipag-usap ka sa akin! Kailangan ko ang iyong tulong! May kumuha sa aking anak na si Tuwan
Putli!
Binata ng Alapaap: Narinig ko ang iyong pagtawag. Paano kitang matutulungan?
Mumuta: Pakiusap, gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang mahanap ang aking anak. S’ya
na lamang ang lahat sa akin. Hindi s’ya maaaring mamatay. Gagawin ko ang lahat upang siya’y
makabalik.
Binata ng Alapaap: Sabihin na nating tutulungan kita ngunit ano naman ang magiging kapalit ng
aking pagtulong?
Mumuta: (Nag-isip) Wala akong kayamanan. Ang maibibigay ko lamang sa iyong kapalit ay ang
pagsilbihan ka at maging iyong alipin ngunit sa saklaw ng iyong kapangyarihan, hindi mo
kailanganin ng alipin.
Binata ng Alapaap: Paano kung hilingin kong mapa-saakin ang iyong anak bilang asawa? Wala
na rin namang magagawa ang kanyang kabiyak sa ngayon upang sya’s maibalik.
Mumuta: Pumapayag ako sa iyong nais. Anuman ang naisin mong makuha na may kinalaman kay
Tuwan ay mapapasaiyo, maging kahit ito pa ay ang aking anak. Masusunod ang iyong kahilingan.
(SCENE I, ACT 6)
Pumaroon ang Binata ng Alapaap sa ilog, naghanap sya ng naghanap hanggang sa may nakita
s’yang kaliskis ng buwaya. Nagkaroon ng ideya ang Binata ng Alapaap kung ano nga ba ang
nangyari kay Tuwan Putli kaya nagtungo s’ya sa grupo ng mga buwaya upang ipatanong ang
tungkol sa kanyang sadya ngunit lahat sila ay isa lamang ang sinasabi, “Hindi ko alam. Itanong
mo sa aming pinuno, maaaring mayroon s’yang nalalaman.”
Binata ng Alapaap: Hari ng mga Buwaya, ako’y may hinahanap na magandang dilag. Kaninang
umaga lamang ay lumangoy s’ya ditto ds ilog kasama ang kanyang kaibigan ngunit bigla na
lamang s’yang naglaho. Mayroon ka bang nalalaman sa kung ano ang nangyari sa kanya?
Pinuno ng mga Buwaya: Kaninang umaga lamang ay naghuli ako ng uminom na usa sa ilog, ako
ay nakahuli ng isang hayop na palutang-lutang sa ilog at hindi ko mawari kung ano iyon, basta ko
na lamang iyong inatake at kinain ngunit hindi ako sigurado kung ito ng aba ang iyong hinahanap.
At mayroong natira sa pagitan ng aking mga ngipin. Maaari mo itong kunin at baka-sakaling ito’y
makatulong.
Ibinuka ng buwaya ang kanyang bunganga, sa pagitan ng mga matatalas n’yang mga ngipin
ay nakita ang maliit na bahagi ng kuko ng isang tao na s’ya ngang kay Tuwan Putli. Inihatid ito
ng Binata ng Alapaap kay Mumuta at Muta-muta.
Binata ng Alapaap: Ito lamang ang aking nakuha sa parte ng katawan ni Tuwan Putli. S’ya ay
aksidenteng nakain ng pinuno ng mga buwaya sa ilog sapagka’t napagkamalan s’ya nitong isang
usa.
Muta-muta: Ang aking mahal na si Tuwan Putli ngayo’y isa na lamang bahagi ng kuko ang natira.
Hindi nararapat ang nangyari sa kanya.
Mumuta: Kagaya ng ating napagkasunduan, ano man ang bahagi ni Tuwan na iyong makukuha,
ito ay mapasasaiyo. Nais ko sana s’yang handugan ng nararapat na seremonyaa ng mga patay
ngunit upang matupad ang ating kasunduan ay ibibigay ko sa’yo ang kapiraso ng kuko ni Tuwan
bilang pagtupad sa aking sinumpaang pangako.
Umuwi na ang Binata ng Alapaap. Inilagay n’ya ang kapiraso ng kuko ni Tuwan Putli sa
maliit na gintong baul kapagdakay maririnig ang tinig ni Tuwan Putli na nagmumula sa baul at
habang tumatagal ay pabilis ito ng pabilis hanggang sa ito’y sumabog. Lumabas si Tuwan Putli sa
sumabog na gintong baul. Lalo itong bumata at gumanda kumpara sa dati niyang anyo. Nang
malaman n’ya ang nangyari ay pumayag s’yang maging kabiyak ng binata ng alapaap bilang
pagtanaw ng utang na loob sa pagsagip sa kanyang buhay.
(SCENE II, ACT 1)
Naging masaya ang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa ngunit ang kanilang
pagsasama ay natapos din agad sa di inaasahang pagkakataon sapagkat nabighani ng husto si
Binata ng Alapaap sa isang binibini na nangangalang Binibini ng Saytang Dagat. Siya ay asawa
ng isang magiting at matapang na mandirigma na nangangalang Kudaman.
Binata ng Alapaap: Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan binibini?
Binibini ng Saytang Dagat: Kilala ako sa lupang ito bilang si Binibini ni Saytang Dagat.
Binata ng Alapaap: Nakita ko na ang lahat ng kababaihan sa lupaing ito at ito ang unang beses
na nasilayan kita. Ikaw ang pinakamagandang nilalang sa dagat, maging sa hangin at lupa.
Binibini ng Saytang Dagat: Mapangahas na salita para sa isang ginoo na kakikilala pa lamang sa
isang binibini. Sa tono ng iyong pananalita ay isa kang likas na mabuladas sa kababaihan.
Binata ng Alapaap: Tingnan natin kung masabi mo ‘yan hanggang sa huli. Ako’y nabighani sa
taglay mong ganda at kaya kong isuko ang lahat maging ang aking asawa, sanbihin mo lamang.
Binibini ng Saytang Dagat: Ako ay mayroon nang kabiyak at s’ya ay si Kudaman.
Binata ng Alapaap: Kamatayan lamang ang makapipigil sa akin upang ibigin ka. Ika’y aking
liligawan umaga man o gabi. Mag-uumpisa akong ligawan ka, mapasakin ka lamang.
Binibini ni Saytang Dagat: Gusto ko ang tiwala mo sa iyong sarili at determinasyon. Pinahahanga
mo ako.
Binata ng Alapaap: Sige na’t tanggapin mo ang bulaklak na ito bilang tanda ng taglay mong
kagandahan.
Makalipas ang ilang sandali, nawala at naglaho ang katawan ni Binibini ng Saytang Dagat
ngunit muli itong lumutang at muling nabuo, lumikas sa dagat ng walang ano mang galos at sing-
ganda pa rin ng dati.
(SCENE II, ACT 6)
Muta-muta: Magandang araw, Kudaman. Ako’y naglakbay mula sa malayo upang magbigay ng
proposisyon sa darating na digmaan.
Chieftain of Ligayan: Tama Kalahing Kudaman. Ang mga Ilanon ay naghahanda na upang
sakupin ang ating nasasakupan at kunin ang ating mga asawa. Ang mga pangahas na iyon ay
handang kunin ang ating inang lupa upang lalo pang makapanakop.
Muta-muta: Kung maaari sana ay magsama-sama tayo bilang magkakapatid, tayong mga
pinakamalakas na mga mandirigma ng ating nasasakupan. Kung tayo ay magsasama-sama, walang
makagagapi sa atin. Napag-alaman kong iyo nang katipan si Tuwan at hindi ko ito ikinasasama ng
loob. Ano man ang nangyari ay kagustuhan ng mga panginoon.
Kudaman: Minamahal ko si Tuwan Putli. Higit sa pagmamahal ko sa aking sarili at ako’y
nagpapasalamat na ito’y iyong nauunawaan. Makikita ng mga Ilanon ang kanilang hinahanap.
Hindi ko hahayaang makuha nila ang ating inang lupa. Mula ngayon, ang ating banwa ay
kikilalanin bilang isa at bilang tanda, iinom tayo sa ngalan ng sanduguan. Ito ay gulok ng ating
mga ninuno. Ihalo natin ang ating mga dugo at kaluluwa. kamatayan para sa mga Ilanon.!!
At isinagawa ng tatlo ang sanduguan. Mula noon, ang kanilang banwa ay kinilala bilang
isa.
Kudaman: Muta-muta, nais kong gumawa ng kalang-banwa para kay Tuwan Putli. Nais kong
manirahan ka muna rito habang inaasikaso ko ang pagdiriwang ng tabad. Ako ay hindi magkanda-
ugaga kaya pumarito ka na muna at bantayan si Tuwan laban sa mga Ilanon. Aayusin ko ang lahat
ng dapat ayusin.
Una: Ang mga asawang babae ay kailangang magtulong-tulong na parang mga tunay na
magkakapatid o higit pa.
Ikalawa: Kapag wala ang asawang lalaki, ang Puqun o unang asawa ang magiging boses ng
pamilya.
Ikatlo: Kailangang pantay-pantay ang tingin ng asawang lalaki sa lahat ng kanyang asawa.
Ikaapat: Hindi maaaring sumiping sa ibang lalaki ang asawang babae hangga’t s’yas pormal na
asawa ng lalaki.
Ikalima: Ang pangunahing responsibilidad ng asawang babae ay bigyan ng anak ang asawang
lalaki.
Ikaanim: Kailangang masiguro ng asawang lalaki na ligtas sa gutom at kapahamakan ang kanyang
mga asawa.
Ikapito: Nararapat na maging responsible ang asawang lalaki sa kanyang asawang babae sa oras
ng pangangailangan.
Ikawalo: Kapag nagkasakit ang asawang lalaki, lahat ng kanyang mga asawa ay dapat na
manilbihan sa kanya.
Ikasiyam: ang anak na lalaki ay sasanayin upang maging mandirigma at isang hari.
Ikasampu: Ang anak na babae ay sasanayin sa pangangaso at bilang isang reyna.
Nang matapos na ang lahat ng mga utos, oras na upang sumayaw ang mga asawa sa saliw
ng musika at nang matapos ito, saka pa lamanG inihanda ang isang daan at walumpong tabad. Ang
lahat ng lalaki at babae ay uminom. Ang mga asawa naman ni Kudaman ay nasa gitna ng
selebrasyon. Si Mumuta na ama ni Tuwan Putli ay ibinaba ang hatol laban sa salang tunang o agaw
sa pagitan ni Kudaman at ng Binata ng Alapaap.
(SCENE 5, ACT 3)
Mumuta: Natapos na ang pagpapasya. Ang salang tunang laban sa aking anak na si Tuwan ay
napagpasyahan na. ang tunang ay walang bisa dahil sa katotohanang ang Binata ng Alapaap ang
unang narahuyo sa Binibini ng Saytang Dagat. Ngunit bawal pa rin sa ating batas na sumama sa
ibang lalaki hangga’t ito ay may katipan pa kaya’t ito ang aking pasya.
Mumuta: Ako si Mumuta, ama ni Tuwan Putli ay hinahatulang hatiin sa dalawa si Tuwan. Ang
bawat piraso ay mapupunta sa magkabilang panig.
Hinati ni Kudaman si Tuwan gamit ang kanyang sundang. Nahati si Tuwan sa dalawa at
lumabas na para bang siya’y lumabas na kambal na tuwan putli ngunit mas lalo pang gumanda at
bumata.
Muli na namang umulan ng tabad sa handaan hanggang sa isa-isa silang malasing. Tumayo
si Kudaman at kinuha ang atensyon ng lahat upang may sabihin.