panitikan na naglalayong naipahayag ang damdamin, kaisipan o saloobin tungkol sa pag- ibig, kapaligiran,politika Sangkap ng Tula 1. SUKAT tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. PANTIG- paraan ng pagbasa halimbawa: ISDA - is-da (ito ay may dalawang pantig) 2. TUGMA - Tumutukoy sa pag-iisang tunog ng taludtod sa isang taludturan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang hukling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog MGA URI NG TUGMA TUGMA SA PATINIG (GANAP) -Magkasintunog ang huling salita sa bawat taludtod at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin o tuldik. halimbawa Mahirap sumaya Ang taong may sala Kapag ang tao sa sayay nagawi Minsay nalilimot ang wastong ugali. Tugma sa Katinig(Di- ganap) Unang Lipon- binubuo ng katinig na B,K,O,G,P,S at T at magkakapareho ng tunog sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos palad Ikalawang Lipon binubuo ng mga katinig na L,M,N,NG,R,W at Y. Halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sikat ng araw 3. SINING O KARIKTAN Tumutukoy sa paggamit ng mga pili , angkop at marikit na salita 4. TALINGHAGA Tumutukoy sa paggamit sa tula ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay 5. RITMO TUMUTUKOY SA PARDON NA NABUBUO NG PAGKAKASUNOD- SUNOD NG MAY DIIN AT WALANG DIING PANTIG SA ISANG TALUDTOD